Baixar aplicativo
28% Married But Complicated / Chapter 7: CHAPTER 7

Capítulo 7: CHAPTER 7

JEWEL

"Ang fourth floor ay opisina naman ng mga mga beauty products. They have skin cares, hair cares and soon to launch cosmetics." Patuloy na paglilibot sa akin ni Lorraine.

"My mother likes their coconut milk soap."

"It will be good news to your mother kasi meron tayong 30% off sa mga products nila."

Napangiti ako sa sinabi niya. It instantly gives me an idea what to buy for her on my first salary.

"Alam mo ba kung sino ang general manager ng department na to?" pabulong na salita niya.

"I have no idea," I answered honestly.

Bumulong siya sa aking tenga. "Si Sir Luigi."

"Ah I see," I nodded though I don't understand why he's being specially mentioned.

"Mag-ingat ka sa kanya."

"Bakit?" medyo kinakabahang sabi ko. "Masungit ba siya?"

"Hindi pero siya ang pinakababaero dito sa CGC. Halos lahat ng magaganda dito ay nai-inlove sa kanya sa sobrang galing mambola. Naku sigurado akong pati ikaw ay di palalampasin nun. Gwapo pa naman yun kaya baka ma-fall ka rin."

Natawa na lang ulit ako sa aking narinig. Bakit para atang 50% work related and 50% love life related ang inoorient sa akin ng aking kasama?

"One more important information about him," she whispered again. "Sir Yul doesn't like him."

"Why?" This one sparked my interest.

"He's his biggest rival. Mag pinsang-buo sila at parehas na paborito ng kanilang lolo. Sir Luigi is also one of the directors of CGC pero dahil medyo easy go lucky siya sa trabaho kaya si Sir Yul ang ginawang CEO ng chairman. But despite of their positions now, wala pa ring makakapagsabi kung kanino sa kanilang dalawa ipapamana ni chairman ang posisyon niya."

"Dahil sa sinabi mong yan, ngayon pa lang ay ayoko na sa Sir Luigi na yun," kunway ngiwi ko at pagkuway sabay kaming tumawa nang mahina.

"Di ba siyempre kay Sir Yul ang loyalty natin," aniya.

"Oo naman," determinadong sagot ko.

"Halika na bumalik na tayo sa office natin. Bukas na lang ulit kita itu-tour sa ibang floors baka malapit nang dumating si Sir Yul."

"Anong oras ba usually pumapasok si Sir?"

"Pag wala siyang early meeting sa labas, kadalasan ay nasa office na siya ng 10am. Sir Yul likes to work alone in his office kaya dapat hindi tayo pahara-hara sa opisina niya. Dapat bago siya dumating ay nalinis na natin yun at nakalagay na sa mesa niya lahat ng mga dokumentong pipirmahan at rerepasuhin niya."

"Maasahan niyo ako diyan dahil mabilis akong maglinis,"kumpiyansang sabi ko.

"You don't have to worry about that things now I think hindi ka pa ia-assign ni Ma'am Nora sa trabahong yan. Don't take it the wrong way pero kailangang makuha mo muna ang tiwala ni Sir Yul bago ka niya basta-basta papasukin sa kanyang opisina."

"Naiintidihan ko," maluwag sa loob na sagot ko. "Lorraine ang buong building ba na to ay opisina lahat?" tanong ko nang makapasok kami ng elevator.

"Hanggang 21st floor lang. 22nd up to 30th are residential units. Mga pagmamay-ari ng mga directors at mga bosses. Sir Yul has a unit there and in due time malalaman mo rin kung anong floor at unit number. Paminsan-minsan diyan siya natutulog kapag nag-oovertime sa trabaho. I'd been there twice para maghatid ng mga papeles pero hanggang labas lang ng pinto. Among us, si Ma'am Nora lang ang pinapapasok niya doon."

"I hope you don't mind me asking. Gaano ka na katagal dito sa CGC?" usisa ko.

"Three years. And if you're going to ask my age too. I'm 29, Joana is 30, Ma'am Nora is 31 and you're 28. Lahat tayo malapit nang masipa sa kalendaryo."

"You look young for your age akala ko mas matanda pa ako sayo," wika ko nang walang anumang intensiyon ng pambobola.

Ngumit siya. Tila natuwa siya sa sinabi ko. Bigla siyang nag chin up. "Dahil matagal na akong walang boyfriend kaya matagal na akong walang stress. Alam mo yang mga lalaki na yan mas malimit na sama ng loob lang naman ang binibigay niyan sa atin kaysa kilig at saya. Kaya simula nang sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako makikipagrelasyon, wala na uling tumubong wrinkle sa mukha ko," may pagmamalaking paliwanag niya pero ramdam kong parang meron namang halong bitterness.

"Ikaw kelan ka huling na-inlove?" tuloy na kwentuhan namin paglabas ng elevator.

"Hmm... never pa ako na-inlove," kaswal na sagot ko.

"Ano? Sa edad mong yan di ka pa nai-inlove? Ano ka playgirl? Papalit-palit lang ng boyfriend ganun?"

Nagulat ako sa naging konklusyon niya sa sinabi "Hindi pa ako nagkakaboyfriend," paglinaw ko.

"Uy huwag kang sinungaling. Alam ko ineechos mo lang ako. Sa ganda mong yan di ka pa nagkakaboyfriend!"

Lorraine is superficial, I guess. She consistently implies that the appearance of a person is being relevant in a relationship. "Hindi pa talaga. I tried dating twice or thrice pero hanggang doon lang wala kasi akong panahon sa seryosong pakikipagrelasyon. Wala rin akong idea kung papaano mo masasabing in-love ka na."

"Hay naku Jewel stop lying." Her eyes rolled. "Pagtagal- tagal malalaman ko rin ang totoo kaya tigil-tigilan mo ako sa mga pabebe mong yan."

"I swear wala pa talaga," tawa ko.

"Okay for now try kong maniwala."

Tumigil kami sa kwentuhan nang malapit na sa aming office. Pomormal ulit ang kasama ko nang pumasok kami.

"May natutunan ka ba kay Lorraine?" Ma'am Nora asked. She gave me a glance while searching for some folders in a cabinet file besides her table.

"Yes ma'am. Marami rin siyang binigay na mga tips kung papaano ko mapapabuti ang trabaho ko."

"Good. Sige bigyan niyo na ng magagawa yan si Jewel."

Pagkaupong-pagkaupo ko sa aking table, Joanna gave me one thick folder. "Pakiphotocopy copy ng 15 pcs each. Ipapamigay natin yan sa bawat department."

"Okay." Masigla akong tumayo then suddenly the phone in my table rang. Sasagutin ko na sana pero inunahan ako ni Joanna.

"This is CGC's CEO office how may I help you? Hindi pa tapos. Wala pa po si Sir Yul."

Pagbaba ng telepono wala pang dalawang segundo ay nag-ring na ulit. Ako na ang sumagot. "This is CGC's CEO office how may I help you?"

"This is accounting. Tapos na ba pirmahan ni Sir Yul ang budget proposal for the launching of new cream product?"

"One moment sir." I quickly covered the mouthpiece.

"Sa accounting po. Tinatanong kung tapos na daw pirmahan ni Sir Yul yung budget para sa bagong cream product."

"Wala pa si Sir Yul." Joanna twitched her lips.

"Ah sir. Wala pa po si Sir Yul."

"Please don't forget his signature or else madi-delay ang schedule ng launching namin."

"Yes sir."

I relay his last message after hanging up the phone.

"Masanay ka na sa araw-araw na pangungulit ng mga taga ibang floors. Lahat naman sila eh may kinakailangang pirma. Pagalingan lang silang mampressure sa ating mga secretaries ni Sir Yul. Lahat gustong unahin sila," paliwanag ni Joanna.

Nagtungo ako sa xerox machine. Yung bawat phone sa mesa naming tatlong sekretarya ay alternate na nagri-ring. Palitan sa pagsagot sina Joana at Lorraine. Paminsan-minsan ay sumasagot na rin si Ma'am Nora.

"Jewel do you need help? Turuan muna kitang gumamit ng xerox machine na yan." Lapit sa akin ni Lorraine nang finally natahimik na ang mga telepono.

"Thank you pero alam ko na kung paano. Ganito rin kasi ang photocopy machine sa dati kong trabaho."

"Okay sige bahala ka na muna diyan. Medyo marami-rami yan kaya matatagalan ka pa."

"Bibilisan ko para may maiutos ulit kayo," malugod na wika ko.

Nag-oobserba ako habang nagxexerox. Seryoso na ang aking mga kasama at napakabusy na nila. Palitan sa pagsagot ng mga tawag at pagkalkal ng kung ano-anong files. Kung hindi naman ay nagtatype sa computer habang may kausap sa phone na kung minsan ay nagsusulat din sa papel. Puno halos ng post-it ang paligid ng mga mesa nila.

May pumasok na isang lalaki na naka executive suit. Mukhang nagulat ang aking mga kasama sa pagsulpot niya. Tumigil sila sa mga ginagawa at nagsitayuan.

"Good morning Sir Luigi."

Umayos din ako ng tayo at humarap sa kanya. I don't know who he is but the reaction of my colleagues tells me he's someone with high position. "Good morning sir," bahagyang nahuling pagbati ko.

Tumingin siya sa akin and he slowly flashes a wide smile. "The rumor is true. My beautiful Lily begins working today."

Who is Lily? Ah maybe a newly hired too who's assigned in other department.

"Sir do you need anything?" Ma'am Nora asked.

He shook his head and put his hand on his pocket. "I'm only here to see Lily." Tumingin na naman siya sa akin at ngumiti. "You're even more beautiful than the first time I saw you."

Napaisip ako sa likod ng aking pagngiti. He is slightly familiar. Ah I remember now! Siya yung nakasabay ko sa elevator nung final interview. Yung lalaking naasiwa ako dahil sa sobrang tagal makatitig. Wait a minute. Siya ba ang Sir Luigi na tinutukoy ni Lorraine kanina?

My genuine smile gradually becomes fake one. Since Sir Yul doesn't like him, I instantly don't like him too. Undoubtedly both cousins are handsome, tall and with noticeably good built but Sir Yul is more matured and manly. Sir Luigi on the other hand radiates aura of typical spoiled rich guy. The silver earring he's wearing in left ear tells it all.

"I'll go now. Dumaan lang ako pero asahan niyo na mapapadalas ang pagbisita ko." He winked at me before heading out.

"Bye Sir Luigi," we all said.

Lumingon ulit siya. "Bye Lily," he said while looking at me. Nagpalinga-linga ako sa paligid kung meron pa ba kaming kasama na nagmamay-ari ng pangalang yun. Wala naman akong nakita.

YUL

Nakangiting lumabas ako ng elevator at naglakad sa pasilyo ng aming palapag. I'm in such a good mood kasi si Stella ang namili ng suot kong suit ngayon. She helped me choose the combinations through video call. Wala akong early morning meeting kaya maaga akong nakapasok.

Nagtaka ako nang maabutang lumalabas ng opisina ng aking mga sekretarya si Luigi. Anong ginagawa niya dito nang ganitong oras ng umaga? Huminto siya nang makita ako.

"Hi Yul!" kaswal na ngumiti at kumaway siya.

I hate seeing him smile na para bang walang kaproble-problema ang departamento niya. "What are you doing here? I'm busy I won't talk to you unless you made an appointment." Paunang sabi ko na dahil ramdam kong magkukwento na naman siya nang walang mga kabuluhang bagay like women and hanging out at night.

"I'm not here to meet you. I'm here to see Lily."

Kumunot ang aking noo. "Who's Lily?"

"The newbie," ika niya nang may kakaibang sigla ang mga mata.

Napalingon ako sa glasswall sa aking kanan. Nakita ko ang tinutukoy niya. She's busy photocopying. Ngayon na nga pala ang umpisa ni Jewel.

Pumasok ako sa naturang silid. Luigi followed me. I want to confirm something.

"Good morning everyone."

"Good morning sir!"

Joanna quickly approached me and carried my suitcase. Napatingin sa akin si Jewel at halatang nataranta siya. Agad niyang itinigil ang ginagawa.

"Good morning sir," malumanay na bati niya.

Nanatili akong nakatingin sa kanya habang pinag-aaralan ang kanyang reaksiyon. She's standing still with hands in front of her. She has formal and respectful expression on her face. Nothing out of ordinary. Wala ring kakaibang reaksiyon ang ibang mga sekretarya. Mukhang tinutupad niya nga ang aming kasunduan. But I'm still praying that her presence in CGC won't really cause trouble to me in the future.

Tumalikod ako para magtungo na sa aking opisina.

"Can I stay for a while in your office?" my cousin said.

"If you're not going to talk about work then I'm busy not unless you want the papers from your department left unsigned," prangkang wika ko.

"I'm here to discuss the new product," he quickly answered.

Tumigil ako't nagdududang tiningnan siya.

"I want to ask for your opinion about marketing strategy," seryosong sabi niya.

I'm still doubting but to hear from his own mouth that last line is some sort of miracle. "Okay."

"Lily can you please bring me a cup of coffee," mabilis na sabi niya nang may ngiti.

My jaws clenched. Sabi ko na nga ba at may ibang intensiyon siya. "The newbie isn't allowed to enter my office yet." I looked at Lorraine. "You bring him coffee instead."

"I'll stay at your office until Lily brings me coffee." His immaturity strikes again.

"Alright Jewel give him coffee." Bigla akong natigilan nang mapagtantong napakakaswal nang pagkakatawag ko sa pangalan niya. "J-Jewel? You're name is Jewel right?" bawi ko na kunway naga-alinlangan na.

"Yes sir tama po. I'm flattered that you remember my name."

"Nakakapanibago sir samantalang kami ni Joana ilang linggo muna bago niyo nakabisado ang mga pangalan namin," Lorraine commented.

"Maybe my mind is less chaotic right now," simpleng paliwanag ko sabay lakad patungo sa aking opisina.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C7
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login