Baixar aplicativo
86.6% The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame) / Chapter 94: Kabanata 21

Capítulo 94: Kabanata 21

[LOUISE'S POV]

Boring. Wala kasi akong makausap. Umalis kasi si Jameshin sa tabi ko. Anong klaseng ka-date siya? Napaka-ungentleman talaga niya.

Mayroon namang gusto kumausap sa akin pero puro lalaki ito at hinihingi pa nila ang number ko. Sorry sila pero taken na ako. :-D

Although gusto nang makipaghiwalay sa akin ang asawa ko. :-(

"It's 11:30pm ladies and gentlemen. Get up from your chair and find your destiny." - MC

Find your destiny daw. May ganern pa talaga. Iisa lang naman ang destiny ko. Alam niyo naman kung sino 'yon.

Hindi sana ako sasayaw at kakain na lang ako pero pinatayo ako ng MC, kaya wala na akong magawa. Nasaan na kasi si Jameshin? Walang kwentang date.

Kung kani-kaninong lalaki ako sinasayaw. Naaapakan ko na nga ang mga paa nila dahil sa inis. Ang daming manyakis na humihingi ng number sa akin lalo na yung mga sugar daddies. Eww! Kaderder sila.

"Change!" sabi ng MC.

At pinasa na nga ako ng ka-partner ko sa ibang lalaki.

Medyo bata naman ang nakapartner ko. At pamilyar pa. Hindi ako nagkakamali. Si Jameshin 'to. Sa suot pa lang niya eh.

"Uhmmm!" - Jameshin

"Ahhmm!"

"Uuhhmm!" - Jameshin

"Ahhhmm!"

Puro uhhmm ahhmm na lang ang nasasabi namin dahil wala kaming naiisip na topic.

"Uhhmmm!" - Jameshin

"Aahhmm!"

"Do you like ice cream?" out of the blue niyang tanong. Muntik na nga akong matawa eh.

"Oo, lalo na't buntis ako ngayon. Nacracrave ako bigla sa ice cream." sagot ko sa kanya.

"Ilang buwan na pala ang baby mo sa tiyan?" tanong ulit niya. Pero this time ay matino namang tanong.

"Magtutwo months na." sagot ko sa kanya.

*sayaw*

*sayaw*

*sayaw*

*sayaw*

"Pwede bang ako ang maging Daddy ng anak mo kung hindi ka niya panagutan?" - Jameshin

This time ay hindi naman ako makasagot sa tanong niya. Parang biglang tumaas ang balahibo ko kahit wala naman ako no'n.

"Change!" sabi ng MC.

Tapos ipinasa na ako ni Jameshin sa ibang lalaki. Nakahinga na ako nang maluwag. Buti na lang at nagsabi ng 'change' ang MC. Ang ganda ng timing niya.

Pagkatingin ko sa bago kong partner ay biglang tumibok ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit.

Tapos nag-iba na rin ang song. I Love You So naman by Nathalie ang pinatugtog nila pero warm version siya.

"Do you like the song?" tanong niya na mas ikinabilis pa ng puso ko. Hindi ako nagkakamali. Siya 'yon.

"Yup. Ang warm kasing pakinggan." sagot ko sa kanya.

"Ako rin but I prefer boy version. Girl, I love you so." sabi niya habang kinakanta ang lyrics. Ang ganda talaga ng boses niya.

*sayaw*

*sayaw*

*sayaw*

Nagkatitigan kaming dalawa. Mata sa mata. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang nandito.

Napatigil kaming dalawa sa pagsasayaw at unti-unting nagkalapit ang mga mukha namin sa isa't isa.

Hanggang sa naglapat na ang aming mga labi. Napayakap ako sa kanya. Nararamdaman ko ang tibok ng puso niya.

We kissed passionately like there is no tomorrow. I really miss him so much.

Narinig ko naman ang tunog ng malaking orasan. Ibig sabihin no'n ay 12 midnight na.

Humiwalay siya sa halik at tinanggal niya ang maskarang suot ko.

"Its you." sabi niya habang nakangiti.

Tinanggal ko naman ang suot niyang maskara.

Nang makita ko ang mukha ay hindi ko mapigilang mapangiti rin sa tuwa.

It's really him.

Ang asawa ko ang nakapartner ko sa midnight.

"Wifey ko." aniya habang nakatingin siya sa 'kin.

Na-miss ko bigla ang endearment niya sa akin.

"Hubby ko." sabi ko naman sa kanya.

Then naglapat ulit ang mga labi namin.

[SAMANTHA'S POV]

Eww! Bakit ito pa ang naging kapartner ko? Masyado na siyang mashonda.

"By the way Samantha, I'm Eduardo. Kahit 69 years old na ako ay pwede mo pa rin akong maging sugar daddy." sabi niya sabay kindat sa 'kin.

Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"Eww no!" sabi ko at tinalikuran ko siya.

Pero pagtalikod ko ay nakita ko si Billy na nakangiti kasama...

ANG ASAWA NIYA?

Silang dalawa ang huling magkapartner sa sayaw?

Nakita kong nag-kiss pa silang dalawa na mas ikinainis ko pa.

I walked out. Sigurado akong nawala na ang bisa ang gayumang pinainom ko sa kanya.

Pagkalabas ko ng hotel ay hindi ko mapigilang mapasigaw sa inis.

"AAAAHHHHHHHHHHHHHH!"

There's only one way that I can do para mapasaakin na talaga si Billy.

Ang mawala ang babaeng 'yon.

Pero bago muna 'yan ay sisirain ko muna siya sa ibang tao para maging memorable naman ang pagkawala niya.

[LOUISE'S POV]

Magkasama kaming umuwi ni Billy sa boarding house. Nagulat pa nga sina Kate nang makita nilang magkasama kaming dalawa.

Pagkarating namin sa kwarto ay agad akong hinalikan ni Billy.

I kissed him back. I really miss this.

Pagkalipas ng ilang segundo ay humiwalay na ako sa halik niya.

"Magbihis muna tayo." sabi ko sa kanya.

"Bakit pa tayo magbibihis kung pwede naman tayong matulog nang nakahubad." sabi niya.

Pakiramdam ko ay papagurin niya ako ngayong gabi.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C94
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login