Baixar aplicativo
4.05% Three Jerks, One Chic, and Me / Chapter 3: Hold

Capítulo 3: Hold

Chapter 3: Hold

Haley's Point of View

Nakatambay ako sa rooftop at umiinum ng softdrinks ng mag ring na ang bell. Ibinaba ko ang aking iniinum at itinapon na sa basurahan.

Bakit ba ang bilis bilis ng oras kapag break time? Pero kapag lesson na, ang bagal bagal na ng oras?

Aalis na rin sana ako kaso napatingin ako sa baba kung nasaan may mga babaeng nagbibigay ng mga chocolates sa Reed Evans na iyon. Oo, may "S" dahil marami. Tss, hindi pa nga Valentine's nagbibigay na kaagad sila ng chocolates. Mga excited masyado, eh.

Nakatingin lang ako sa kanila nang magpasya na akong bumalik sa classroom.

***

PABALIK NA AKO sa classroom nang may lalaki akong nabunggo—Oh, correction, noong may lalaking NAKABANGGA sa akin.

"S-sorr-- Whoa!"

Matalim kong tiningnan si Reed na ngayon ay dumistansya sa akin. "Tatakbo ka na nga lang, nakatingin pa sa likuran. Anong katangahan 'yan?" pagtataray ko sa kanya.

Sobrang pawis na pawis ito habang gusot-gusot ang kanyang damit. Mukha siyang ginahasa ng kung sino. "Sorry, okay? But please, kung may makita kang group of girls at tanungin ka kung nakita mo ako, sabihin mo lang na hind—" naputol ang sasabihin niya dahil may naririnig na kaming mga yapak ng mga paa sa hindi kalayuan gayun din ang mga nakabibinging tili.

"Reeeeeed!"

"We're coming!"

Tiningnan ko ang kababaihan sa hindi kalayuan. May mga hawak silang pompoms at banner kung saan nakasulat ang buong pangalan ni Reed with matching heart-heart sa may side.

"Ano 'yan?" nandidiring kong tanong at napatingin sa lalaking katabi ko na dahan-dahang napapaatras.

"F*ck, they're here," namumutla niyang sambit sabay tingin sa akin.

"W-what are you looking at—Hoy, hala! Sa'n mo 'ko dadalhin?!" Mabilis niya akong hinila papunta sa kung saan. "Let go of me, you Jerk!" Dinala niya ako sa isang madilim na kwarto at tanging 'yung ilaw lang sa labas ang liwanag namin. At kahit na hindi ko pa nakikita ang paligid ay alam kong hindi na nagagamit ang kwarto na ito dahil sa amoy. "Hoy, Ree--"

Mahigpit niyang tinakpan ang bibig ko at hinawakan ang kamay ko. Ang laki ng kamay niya!

Nagagawa niyang hawakan ang dalawa kong kamay nang isang kamay lang ang gamit. Sinubukan kong sikuhin ang sikmura niya pero masyadong mahigpit ang kanyang pagkakahawak kaya hindi ko magawa. Pwersahan niya kasing pinipigilan ang mga braso ko.

"Hindi 'to magtatagal kaya 'wag ka munang gumalaw."

Damn you, Reed Evans! Kapag talaga nakawala ako rito, humanda ka sa akin!

"Nakita niyo ba si Reed?"

"OMG! We lost him! "

"There's still hope! Hanapin ulit natin siya! Whooo ~!"

At nagsimula na naman silang magsitakbo. Parang akala mo'y mga mahuhuli sa concert ng BTS o EXO, eh.

Napabuntong-hininga ng malakas si Reed at unti-unti akong binibitawan. "Sorry for putting you into trouble," paanas nitong sabi. Napaka-husky ng kanyang boses na medyo kinikilabutan pa 'ko ng kaunti.

Humarap ako sa kanya at tiningnan siya sa mata. Nakabaling sa iba ang tingin nito at parang nagsisisi sa ginawa niya. Hindi ko alam ang dahilan pero nawala ang inis na nararamdaman ko para sa kanya.

Bumuntong-hininga ako't sinipa siya ng mahina sa tuhod dahilan para mapatingin siya sa akin. "Forget it. Basta sa susunod na makikita mo ako ay lumayo ka na. Ayoko ng madamay sa mga kalokohan mo," pagpapaalala ko at lumabas na ako ng kwartong 'yon,

Habang naglalakad ako ay hawak-hawak ko ang dibdib ko. Malakas ang pag tibok nito ngayon dahil sa sitwasyong kinalalagyan ko kanina. Sobrang dikit na dikit kasi ang katawan niya sa akin kaya hindi ko rin maiwasang hindi kabahan lalo na't na sa madilim pa kaming lugar.

"Haley, I'm sorry!" habol niya kaya napailing ako.

"Humph" nasabi ko na lang.

***

MABILIS ANG TAKBO ng oras kaya uwian na namin. Niligpit ko na 'yong mga gamit ko at handa na sanang umalis nang humarang sa akin si... Sino nga itong chic na 'to?

Sexy kasi siya tapos halata pang fashionista dahil sa paraan ng pagdala niya ng uniform. Maganda rin ang pagka tirintas ng brown niyang buhok, pakiramdam ko nga ay siya 'yong pinaka diyosa sa skwelahan na ito, eh. Mukhang tao kumpara sa iba naming kaklase.

Saka kumpara sa estudyante ng E.U, wala akong nakikitang masama sa kanya.

Her smile is genuine and I could see that.

"Keiley" extend niya sa kamay niya na parang nagpapakilala, "Keiley Jane Montilla" hindi ako kumibo kaagad at napatingin sandali sa I.D niya. Nagawa na ito pagka-enroll pa lang sa E.U. Maganda ang technology ng school at marami namang ICT Staff kaya mabilis na lang nilang gawin ang mga bagay na kinakailangan ng mga estudyante.

Ibinalik ko ulit ang tingin sa kamay niya tapos ay inangat ang tingin para matingnan ang kanyang mukha, "Haley Miles Rouge" pagpapakilala ko ng hindi kinukuha ang kanyang kamay. Ibinaba niya ang kamay niya at nginitian ako.

"Nice to meet you, Haley. Welcome to E.U, I hope that you will enjoy your school life here with us" pangwe-welcome niya sa akin na tinanguan ko lang. President ba siya ng university at siya pa ang nagwe-welcome sa 'kin dito?

"Okay" sagot ko na lang at umalis na, kaso bigla niyang hinawakan ang balikat ko nang madaanan ko siya, "Where are you going?" tanong niya sa akin habang nakatingin lang sa harapan.

Tiningnan ko siya gamit ang peripheral eye view ko, "Sa bahay, uuwi na" she smiled at me, "Ayaw mo bang sumabay sa amin?" Sasabay? Kailan nga noong huli kong maranasan 'yan?

Hindi ako umimik at tumingin na lang din sa harapan, "Mauuna na ako" at naglakad na nga ako paalis. Actually, hindi pa talaga ako uuwi, pupunta lang talaga ako sa ground field para mag lakad-lakad saglit.

***

MEDYO malayo-layo ang building sa ground field kaya mga ilang minuto rin bago ako nakarating dito. Ang ganda ngang tumambay rito dahil malawak ang lugar at saka mahangin, pwede nga rin ditong mag review lalo na kung may exam.

Kasalukuyan akong naglalakad nang may tumamang Soccer ball sa mukha ko. Sa sobrang lakas no'n ay kamuntik-muntikan pa 'kong mapaupo.

@#$%&&*?!

"Sh*t! Aww..." Hinawakan ko ang mukha ko. Nagtataka ako kung bakit sa lahat ng matatamaan no'ng bola ay 'yong mukha ko pa talaga. Ramdam ko ang kanyang paglapit para kunin ang soccer ball niya imbes na tulungan ako.

Kinuyom ko ang kamao ko, "Hindi ka na nga nag-sorry, pagkatapos hindi mo pa ako tutulungan?" hindi makapaniwalang tanong kasabay ang pag-angat ng tingin sa kanya.

And here this another shitty brat in E.U.

He has black hair and eyes, broad shoulders with athletic body and all.

He also has pretty face for a guy though.

Tumaas ang kaliwa niyang kilay. "Why do I have to? Nakatayo ka na rin naman diyan, oh? At isa pa... Hindi ko kailangang mag-sorry dahil hindi ko naman kasalanan na natamaan ka ng bola." pagdadahilan niya.

Kumunot ang noo ko. Takteng kupal 'to? Seryoso ba siya? Nakatama siya ng bola tapos hindi kailangang mag-sorry? B*tch, please...

"Hoy, Mr. I-Don't-Know-Your-Name, nakatama ka ng bola. Kaya kasalanan mo kung bakit namumula ang mukha ko ngayon! Bakit, huh? Soccer field na ba itong tinatayuan natin para mapunta 'yang bola mo rito?! Daanan 'to! DAANAN." pasigaw kong wika sa kanya. Gustong gusto ko na nga siyang bayagin ngayon, eh!

Idinikit niya ang bola sa may baywang niya. "Alam mo naman pa lang daanan ito bakit hindi ka pa nagdoble ingat?"

Now, was he saying that I'm wrong and he's right?

"Ikaw na rin ang nag sabi," panimula ko habang pilit na pinapakalma ang sarili sa pagpapaliwanag ng mali ng lalaking ito. "Daanan ito. So, you're the one who should be more careful! Hindi dapat mapunta 'yang bulok mong bola sa DAAN kasi nga hindi naman ito SOCCER FIELD! Siraulo ka ba?" kaso syempre hindi ko naman maiiwasang hindi mainis kung panay pokerface lang ang pinapakita ng taong na sa harapan ko, hindi ba? Tarantado.

Kumamot siya sa batok niya at tinaasan ako ng kilay. "I don't get you woman, sinabi ko ngang daanan ito kaya dapat ikaw ang mas mag double ingat para hindi mangyari 'yung mga ganitong bagay sa susunod sa 'yo" napasinghal ako sa inis.

"You know, ang gusto ko lang naman ay ang mag sorry ka! Pero ayun na nga lang ang gagawin mo, hindi mo pa magawa at panay satsat ka pa!" Tss! Masasayang lang ang oras ko kung makikipagtalo pa ako sa impaktong ito, kaya aalis na ako!

Tumalikod ako't naglakad na nga, "Hindi ko kasalanan 'yan kaya hindi ako magso-sorry, 'wag kang mag maganda" huminto ako, pakiramdam ko may pumitik sa sintido ko. Kumukulo na rin 'yung dugo ko sa inis.

Humarap ako sa kanya, "What did you say?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Are you deaf? Do you want me to repeat it—" agad ko siyang sinapak pero nagulat ako dahil nasalo niya 'yong kamao ko.

"Oh...?" mapang-asar niyang tono. At dahil 'don, ginawa ko naman ang high kick pero mabilis niya rin 'yon nasalo dahilan para mas magulat ako. Nawala lang iyon at muling napalitan ng inis noong gumuhit ng ngisi ang labi niya.

Malakas kong ini-alis ang kamay at paa ko sa pagkakahawak niya at ginawa ang lahat ng mga panununtok sa kanya, pero halos lahat ng mga iyon ay naiiwasan niya, "Ano na? Ayun lang ba?" pagmamayabang niya at nagkibit-balikat pa. Naghahanap talaga ng hamon ang isang ito!

Mabilis akong yumuko at nag slide kick, pero agad din siyang tumalon ng mataas para maka-iwas sa sipa kong 'yon, "Tsk" sinunod ko naman ang mabilisan kong pagpunta sa likod niya at kinarate ang batok nito kasabay ng pagtusok ng karayom doon, pero hindi lang 'yon basta isang kagat ng langgam dahil malaki rin ang effect nito, bale na-paralyze siya sa ginawa ko.

Hindi ko naman tinusok sa mismong ugat niya 'yong karayom dahil kapag tinusok ko 'yon doon ay pwede niyang ikamatay iyon, baka magkaroon pa ako ng record of killing, ayokong makulong.

Marami na akong nagagamitan ng ganyan especially to those people who are trying to harassed me. Also, this is for my protection. Kahit hindi na ako magdala ng kung anong mabibigat na bagay for self-defense. Needle is enough.

"Not bad, I almost forgot that you have a blood of a Chinese," mangha nitong wika, "But I didn't expect you to learn something unusual at your age."

Napasingkit ang mata kong singkit na tiningnan siya, "How did you know that?" tanong ko na nginisihan niya.

"Beats me" pagi-inosen-insontehan niya.

"What a jerk" sabi ko sa kanya. Siguro kung walang awa akong tao? Malamang kanina ko pa siya napatay.

May tatlong estudyante ang lumapit sa amin, and guess who? Si Reed at Keiley kasama 'yong isa pang lalaki na feelingerong chic boy. Akalain mo nga namang magka-kaibigan pala itong mga ito? "Haley? I thought nakauwi ka na" tanong ni Keiley na tinarayan ko naman.

"Just what do you care?" hindi lang siya nagsalita at ngumiti lang. Bakit siya ngumingiti? Wala namang dapat ikangiti doon, ah?

"Bakit hindi ka gumagalaw diyan Harvey?" tanong ni Reed habang nakatuon ang tingin sa impaktong iyon.

Wala na lang tuloy akong nagawa kundi ang tanggalin ng palihim 'yong karayom sa batok niya. Ngunit bago gawin iyon ay binalaan ko muna siya. Hindi ito umimik at naglabas lang ng hangin sa ilong.

Napahawak siya sa batok niya at hinimas himas ito, "Tsk. Alis na ako" inis na paalam ng lalaking 'yon at umalis na nga. Ganoon din naman ang ginawa ko.

Maybe I'll eat some Ice Cream.


Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C3
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade de Escrita
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login