Baixar aplicativo
74.8% AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1) / Chapter 98: C-97: THE SIBLINGS

Capítulo 98: C-97: THE SIBLINGS

Maraming araw ang matuling lumipas halos hindi na rin niya namalayan ang pag-usad nito.

Mag-aanim na buwan na rin pala mula ng mapagpasyahan niyang manatili na sila dito sa London.

Kay bilis talaga ng panahon, hindi na siya gaanong makakilos dahil sa bigat at laki ng kanyang tiyan.

Nalalapit na rin kasi ang kanyang panganganak. Sana lang hindi siya gaanong mahirapan sa panganganak.

May bahagyang kaba at takot siyang nararamdaman. Ngunit naroon rin ang excitement sa isiping malapit na niyang makita ang munting buhay sa kanyang sinapupunan.

Ang kanyang munting Anghel, Anak na hindi hiram at hindi na maaangkin ng kahit na sino pa man.

Naputol bigla ang kanyang pagmumuni-muni ng bigla siyang tawagin ni Lyn.

Pumasok lang ito sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom ng marinig nito na tumutunog ang kanyang cellphone. Kasalukuyan kasi itong naglilinis ng sasakyan.

"Ate Am, si Bossing nasa phone sagutin mo na... Galit na ang Lolo mo!" Tawag ni Lyn na sinabayan pa ng pagtawa habang sinabi ito.

"Nakakainis talaga 'yang Lolo mo ang galing ng timing. Hindi yata alam ang salitang busy? Ang galing mang-istorbo!"

Litanya niya habang inaalis ang gloves na puno ng harina sa kanyang kamay. May nakaabang kasi silang delivery ngayon na kailangan niyang matapos.

Nagdedeliver sila ng mga tinapay at iba't-ibang klase ng cookies and pastries sa mga food shop na malapit sa kanilang lugar.

Kaya ito na ngayon ang kanyang pinagkakaabalahan at pinagkukunan na rin ng income.

"Hayaan mo na Ate sigurado ako nami-miss ka lang nu'n at saka excited na rin 'yun sa paglabas ni ng baby mo.

'Alam mo bang nakipagpustahan pa si Boss sa kasarian nang baby mo. Isa lang namang ferrari ang katapat n'yan!"

"Ano at kanino naman siya nakipagpustahan?!" Tanong niya.

"Eh' di sa aming lahat!" Nakangiti pang saad nito.

"Hah' ano?"

Habang palapit na siya sa istante na pinagpatungan niya ng kanyang cellphone, na nang mga oras na iyon ay tumutunog pa rin ito.

Makikita sa screen nito ang tag name na "Alikabok" kaya alam ni Lyn na si Dust ang tumatawag.

Nagkataon kasi na pareho rin sila ng tag name na ginagamit kay Dust.

Siguro dahil iyon na talaga ang pinaka-madaling pantukoy at pagkakilanlan sa lalaki.

"Sige Ate sa labas muna ako ulit." Bahagya na lang niyang narinig ang sinabi nito kaya tango na lang ang naging tugon niya dito.

Magmula ng umalis si Dust at ang asawa nitong si Gelli upang bumalik na nang Pilipinas.

Naiwan sila ni Lyn kasama si Ate Liway. Ngunit bukod sa dalawang kasama niya nag-hired rin si Dust ng taong magbabantay sa kanila si Lester.

Kahit paano kampante na rin sana siya dito dahil kilala rin ito ni Lyn. Kaya lang...

Hindi niya gusto ang ganitong sistema. Dahil dagdag gastos pa ito sa parte ng lalaki. Ngunit wala rin naman siyang nagawa dahil ito pa rin ang nasunod.

Kaya naman ng hilingin niya na magkaroon siya ng sideline na trabaho. Hindi siya pumayag na tumanggi pa ito.

Kaya wala na rin itong nagawa pa, kapalit ng pagpayag niya na manatili si Lester sa tabi nila.

Parang hindi rin naman ito nawala sa tabi nila. Dahil halos wala ring palya ang pagtawag nito at pangungumusta sa kanila.

Para ngang kapitbahay lang nito ang London. Dahil once a month kung dalawin rin sila nito doon.

Nagdadala rin ito palagi ng Filipino food na supply na yata nila for one month. Kaya parang hindi rin naman nila na-miss ang Pilipinas.

Kapag busy naman ito at hindi nakatawag, si Gelli ang kinukulit nito na tumawag sa kanila. Then later on, iba na ang pagtawag ni Gelli at sa tawag nito.

Kaya hindi rin niya akalain na mabilis silang magkakahulihan ni Gelli ng loob. Masayahin din pala ito at luka-luka tulad rin ni Lyn.

Kaya naman pala magkasundong magsundo ang dalawa, ngunit ngayon tatlo na sila.

"Hey, bakit ang tagal mo yatang sagutin ang phone? Pambihira pinakakaba n'yo ako ah'!" Reklamo pa nito na halatang natataranta.

"Pambihira? Ikaw lang naman kasi, okay lang naman kami dito. Kausap pa namin si Gelli kagabi."

"Hmmm, si Gelli tinatawagan mo pero ako hindi. Kung hindi pa ako ang tumawag hindi pa kita makakausap.

'Ang suplada mo pa rin talaga pagdating sa'kin. Saka bakit ba, napapansin ko nagsisikreto na kayong tatlo sa'kin ha'.

'Kapag ako nainis pagbubuhulin ko na talaga kayong tatlo."

Kunwaring galit pero malambing pa rin na saad nito. But deep inside alam niyang natutuwa ito na nagkakasundo silang tatlo.

"Hmmm, nagtatampo na yata ang Lolo ko ah'." Pabirong tugon niya.

"Naalala ko bakit ka pala nakipagpustahan sa kanila?"

Bigla niyang naalala, ngunit narinig pa niya ang masayang tawa nito ng dahil sa sinabi niya.

"Bakit ka natawa, totoo naman hindi ba?"

"Excited lang kami sa paglabas ni baby kasi nga hindi mo naman pina-ultrasound para malaman natin ang gender niya.

'Kaya naisip kong gawing mas exciting pa ang paglabas niya. Para may konting pabuenas naman sa paglabas niya." Tugon pa nito.

"Hala, konti ba ang isang Ferrari? P'wede ba alikabok tumigil ka nga! Alam mo bang ang sarap lang masahin 'yang mukha mo?"

"Grabe ka naman ah', okay lang naman 'yun para masaya." Kahit hindi niya ito nakikita alam niyang nakangisi ito.

"Aha! Kaya pala inaalam mo na kung manganganak na ako no?"

"Hindi naman ah', gusto ko lang naman kamustahin ang maganda kong kapatid at ang magiging pamangkin ko may masama ba du'n?" Para naman siyang natauhan dahil sa sinabi nito.

Oo nga naman kaya sila laging binubulabog nito ay para lang masiguro na okay sila doon.

Pero kahit minsan ba? Kinumusta man lang niya ito, na hindi ito ang nauna hindi naman.

Para ngang wala man lang s'yang effort na ginagawa upang kahit paano maiparamdam niya dito na talagang naa-appreciated niya ang lahat ng ginagawa nito.

Dahil ang totoo aminin man niya o hindi. Palagi pa rin kasi siyang naglalagay ng pader sa pagitan nila.

Kasi naman ayaw niyang maging issue sa pagitan nila ang pagiging close sa isa't-isa.

Lalo pa ngayon na magkaibigan na rin sila ni Gelli. Umiiwas lang naman siya sa posibilidad na p'wedeng makasira sa kanilang lahat.

Tulad ng nangyari sa kanya with Joseph and Joaquin.

Meron mang pagkakaiba pero ang punto nasira ang closeness sa pagitan nila ni Joseph dahil sa kanila ni Joaquin.

Kung minsan tuloy parang gusto niyang isipin na sana totoo na lang silang magkapatid para wala nang maging problema.

Pero paano? Para na rin niyang tinanggap na Anak nga ito ng kanyang Papang.

Hindi niya maisip na magagawa silang lokohin ng kanilang Ama lalo na ang kanyang Mamang.

Pero naisip rin niya baka naman Anak na ito ng Papang nila bago pa naging ito at ang Mamang nila hindi lang nila alam?

Kaya naman, okay lang rin ito sa kanyang Mamang noon at hindi lang nito sinasabi sa kanila?

Saka alam naman niya na kung totoo man ang lahat ng iyon...

Hindi naman nito kasalanan ang pagkakamali ng kanilang mga magulang. Kung alam man ni Dust ang katotohanan sa likod nito?

Siguro hahayaan na lang muna niya ito. Hihintayin na lang niya na kusa nitong sabihin sa kanya ang totoo.

Dahil ang totoo takot pa siyang marinig ang katotohanan. Bakit nagsinungaling sa kanila ang kanyang Papang. Kahit pa gusto rin niya itong maging kapatid. Hindi ito dapat nagsinungaling sa kanila.

"Hey, hey! Sigurado ka bang okay ka lang talaga o baka naman napaanak ka na pala diyan ha' at ayaw mo lang magsalita?"

Ramdam niya ang sobrang pag-aalala nito kahit pa wala ito sa tabi niya at kahit hindi pa niya nakikita ang itsura nito.

Alam niyang concerned lang talaga ito sa kanya.

Maaaring rin namang generous lang ito talaga at sinusunod lang talaga nito ang pangako nito sa kanilang Papang.

Bakit ba siya nag-iisip ng mga bagay na hindi naman dapat?

Kaya bago pa ito mai-stress sa kanya...

"Okay lang po ako Kuya, h'wag ka na ngang mag-alala. Sige ka, kapag napaglihihan kita papangit ang baby ko!"

"Whoa! Okay ka lang, ang ganda kaya ng lahi natin, ng mga Nanay natin. I mean dahil kamukha mo ang Mamang mo at ako naman ang Nanang ko. Hindi ba?"

"Hindi kaya, kamukha ko kaya ang Ama ko. I mean ang Pa..."

"No, hindi!" Nagulat pa siya nang bigla na lang itong mag-alsa ng boses.

"Hah'?"

"Oh' no, ah' I mean mas kahawig mo si Tita Anna." Bigla ring bawi nito at malumanay na ulit itong nagsalita.

"Hmmm, sige na nga!" Sabi na lang niya, totoo naman kasi ang sinabi nito.

Dahil ang naalala niya noon pa mang bata sila marami ang nagsasabi na mas kahawig niya ang kanyang Mamang kaysa sa Papang niya.

Si Amara naman sa kanilang Ama mas namana daw kasi ni Amara ang feature ng mukha ng kanilang Ama na si Darius.

Ngunit malaki pa rin ang pagkakahawig nilang dalawa ni Amara.

Kaya nga sa biglang tingin dito mapagkakamalan na siya rin ito. Bukod pa sa pareho rin silang kahawig ng kanilang Mamang.

Mas lamang nga lang daw ang hawig nito sa kanilang Papang. Lalo na kapag tiningnan mo ito sa malapitan.

Pero bakit ba ito gumugulo sa kanyang isip?

Ganu'n naman talaga kadalasan sa magkapatid, ang isa hawig sa Ama at ang isa naman sa ina.

Ang ibig sabihin lang noon equal ang pagmamahalan ng Mamang at Papang nila sa isa't-isa.

Pero si Dust hindi niya masabi kung kamukha ba ito ng kanilang Papang?

Pero may nakikita siya sa mukha nito na hindi niya maisip kung sino? Pero totoong kahawig nga ito ng ina nito.

Kung sakali mang totoong Anak ng Papang niya si Dust. Siguro mas mabuting pag-aralan na lang niya itong tanggapin.

No issues, pare-pareho naman nang wala na ang kanilang mga magulang. Nasabi kasi ni Gellie na matagal na rin pa lang wala ang Nanang nito.

Ang ibig sabihin pare-pareho na silang ulila ngayon. Kaya sino pa ba ang magtutulungan? 

Dahil kahit ayaw pa niya, kung tunay pa rin niya itong kapatid hindi na iyon mababago pa.

Pero ang totoo aminin man niya ito o hindi nagkakaroon na rin ito ng pusisyon sa puso niya. 

Nasasanay na siya sa presensya nito bilang kapatid at sigurado siya magiging kawalan sa kanya kung mawawala pa ito sa tabi niya.

Mula ng bumalik ang alaala niya parang isang buong pelikula na nagbalik rin sa isip niya ang lahat ng mga nawala niyang alaala dati.

May ilan na hindi na niya matandaan pero may mga naaalala siya ng kusa kapag nakita na niya. Kaya malaking bagay na bumalik siya sa mga lugar kung saan sila lumaki.

Dahil kusang naalala niya ang mga kaganapan sa mga lugar na iyon. Lalo na ang mga nangyari sa kanilang lumang bahay.

Mga masasaya at malungkot na alaala. Lalo na ang mga huling sandali sa buhay ng kanilang Papang sa munti nilang bahay.

Mabuti na lang at buo pa rin ito kahit medyo luma na, tila ba may hinihintay pa ito.

Kaya naman hindi pa rin ito bumibigay. Kahit pa ilang taon na rin ang lumipas...

"Sis, hello! Buhay ka pa ba, galit ka ba sa'kin? Sorry na oh' wala nam..."

Hindi na niya ito pinatapos pang magsalita.

"Haysst! Hindi ako galit sa'yo, paano naman mangyayari 'yun eh' Kuya kita kaya naman mahal kita. Okay?"

"Hmmm, totoo?" Tanong pa nito.

"Oo naman, sayang din kaya 'yun supply namin buwan buwan dito no?" Masayang wika niya.

"Sira ka talaga, sige na nga ituloy mo na ang ginagawa mo. Basta mag-ingat kayo diyan ha'. Kapag naramdaman mong sumasakit na ang tiyan mo, pumunta na kayo agad sa Ospital.

'Binigyan ko na nang instructions si Lester kaya alam na niya kung ano ang mga dapat niyang gawin, okay? Huwag ka na rin kasing magpakagod. Baka makasama pa sa inyo ni baby eh'.

'Sabi ko naman kasi huwag ka nang magtrabaho. Dahil kaya ko naman kayong suportahan."

Tuloy tuloy na salita nito. Ang totoo pinapahinto na siya nito sa pagtatrabaho. Dahil nga malaki na ang kanyang tiyan.

"Wow! Kuya sa pagkakaalam ko hindi ako ang asawa mo. Kaya hindi mo kami obligasyon." Ito naman talaga ang sumusuporta sa kanila. Kaya lang ayaw naman niyang iasa dito ang lahat.

"Pero ako naman ang kuya mo, nangako ako sa Papang n'yo na hindi ko kayo pababayaan. Ikaw at si Amara kaya obligasyon ko kayo." Dahil sa sinabi nito parang gusto na tuloy niyang maniwala na Anak nga ito ng kanyang Papang.

"Oo na po Kuya tatandaan ko! Hmmm, naaalala ko tuloy ang Papang dahil sa'yo eh' parang gusto mo na siyang palitan."

"Kung p'wede nga lang sana? Pero alam kong the best pa rin si Tito Darius. Hindi ko kailan man mapapantayan ang pagmamahal niya lalo na sa'yo."

Tila makahulugang saad nito na hindi na lang niya pinansin.

"Sabi ko nga, the best talaga ang Papang ko. Pero the best ka rin naman, kaya nga mahal na kita eh'"

"Salamat talaga ha'!"

"Salamat? Ako yata dapat ang magsabi niyan!"

"Salamat, dahil tinanggap mo ako sa buhay mo. Alam mo namang bukod kay Gelli, ikaw na lang ang pamilya ko.

'Kaya ayokong mawala ka pa sa'kin. Kaya sana kahit ano pang mangyari, huwag ka sanang magagalit sa'kin ha'?" Tila ba may ibig itong ipahiwatig, ngunit inignora lang niya ito.

"At bakit naman ako magagalit sa pinaka-gwapo kong Kuya ha'?"

Ayaw muna niya ng problema, gusto muna niyang i-enjoy ang buhay kasama ito, si Gelli at maging si Lyn. Kahit ano pa man ang totoo sa pagitan nila.

Lalo na kapag kasama na nila ang kanyang anak. Kaya kung ano man ang inililihim nito sa kanya, ayaw na muna niyang isipin pa...

"Ah' basta! Sige na, paalam muna may meeting din kasi ako this afternoon. Kinumusta lang talaga kita at saka naaalala ko lang din itanong. Sigurado ka ba talaga na ayaw mo munang makipagkita kay Amara?"

"Saka na lang siguro, h'wag na lang muna ngayon. Oh' sige na, work muna tayo.

'Okay bye Kuya, ikaw na muna ang bahala sa kapatid natin ha'?"

"Ha'? Ah' o-okay sige... Bye!"

Agad na nitong pinatay ang linya, nakakaramdam siya ng kakaiba.

Ngunit naalala niya ang tungkol kay Amara.

Muli niyang binalikan ang ginagawa habang nasa isip pa rin niya ito.

Halos dalawang Linggo na rin mula ng ibalita ni Dust sa kanya ang tungkol sa kapatid.

Ngunit hanggang ngayon magulo pa rin ang isip niya. Hindi pa siya handang harapin ang mga ito.

Lalo na sa kalagayan niya ngayon. Dahil naguguluhan pa rin ang isip niya kung dapat na ba siyang magpakita kay Amara.

Ano na lang ang sasabihin niya sa mga ito sa oras na malaman nila ang kalagayan niya ngayon?

Hindi pa siya handang sagutin ang mga tanong na maaaring ipukol ng mga ito sa kanya. 

Hindi tuloy niya naiwasang isiping muli ang Ama ng kanyang Anak. Si Joaquin...

Kasabay ng mga tanong sa isip niya, gaya ng kung kumusta na kaya ito ngayon at si VJ?

Siguro masayang masaya na ang mga ito ngayon kasama si Liscel.

Baka nga hindi na siya nito naiisip pa?

Hindi na tuloy niya napigilan ang pagkalaglag ng mga butil ng luha mula sa kanyang mga mata.

Ang buong akala niya ganu'n lang kadali na magagawa niyang kalimutan ito at ang lahat lahat ng nangyari sa kanila.

Dahil narito siya sa lugar na walang magpapaalala sa kanya sa lahat ng mga bagay na may kinalaman sa kanilang dalawa. 

Ngunit nagkamali siya, isang malaking kalokohan lang ang magkunwari. Dahil ang totoo kahit pa isang saglit hindi ito nawala sa puso at isip niya.

Dahil nalimutan niya na may buhay na pumipintig sa kanyang sinapupunan.

Ito ang nagpapaalala sa kanya sa nag-iisang lalaking minahal niya.

Dahil habang patuloy sa paglaki ang kanyang tiyan. Mas lalo lang siyang nasasaktan.

Dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya ito makalimutan at kahit ano pang kastigo niya sa sarili.

Patuloy lang niyang minamahal ang lalaki. Kahit pa alam niyang hindi na sila babalik pa sa dati.

Hindi niya ito maialis sa kanyang isipan. Nasasabik pa rin siyang makita ito at makasama.

Kahit pa alam niyang imposible na, nangangarap pa rin siya na isang araw magiging buo rin sila.

Kahit pa isang kabaliwan na lang na isipin pa niya iyon. Paano naman kasing mangyayari iyon?

Gayung kahit kailan hindi na sila maaaring magsama pa. Dahil alam naman niyang imposible na ring maging sila ulit...

Kaya isang kabaliwan na lang na umasa pa siya. Dahil hindi na iyon mangyayari pa, hindi na!

Baliw ka Amanda, baliw ka! Hindi ka na si Angela ngayon, si Angela ang minahal niya hindi ikaw. Itanim mo 'yan sa utak mo h'wag kang tanga!

Bulyaw niya sa sarili.

Ito rin ang dahilang pumipigil sa kanya, kung bakit ayaw muna niyang bumalik ng Pilipinas.

Dahil sa ngayon, hindi pa niya kontrolado ang sarili. Sigurado siyang hindi niya mapipigilan ang sariling puntahan at hangarin na makita ulit si Joaquin.

Ayaw lang niyang maging kawawa sa paningin ng lahat.

Babalik siya ngunit hindi pa ngayon....

_____

Kahit paano naman nawala na rin ang pag-aalala niya kay Amara. Dahil nalaman niyang kasama na nito ang pamilya ng kanilang Papang.

Bigla rin sumagi sa kanyang isip ang mga pangyayari sa kanyang buhay sa nakalipas na mga taon.

Talagang iba ring magbiro ang tadhana. Bulong niya sa isip.

Hindi niya sukat akalain na matagal na pala niyang nakita ang hinahanap.

Ang dahilan kung bakit siya nagpunta noon ng Maynila at tiniis na mawalay sa kanyang ina at kapatid na si Amara.

Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. May bahagi sa isip niya ang sadya pa ring naguguluhan.

Kung dapat ba siyang matuwa o mainis?

Gusto rin niyang magalit sa mga nangyari sa kanya, para pa ngang gusto niyang sisisihin ang tadhana sa mga nangyayari sa kanya.

Pero ano ba ang magagawa niya kung kapalaran talaga niya ang lahat ng ito.

Ano pa ba ang magagawa niya sa mga bagay na nangyari na? Tapos na ang lahat at hindi na niya kailanman mababago pa.

Gaya rin ng mga pagkakamali niya noon.....

Kung hindi kaya siya nagkamali sa pagtawag sa kanyang Papang.

Posible rin bang nakaligtas ito sa mga kamay ni Anselmo?

Kung hindi siya umalis noon at sinuway niya ang kagustuhan ng kanyang ina o 'di kaya ay nakinig na lang siya kay Amara.

Posible rin kayang buhay pa rin ang kanyang Mamang hanggang ngayon?

Kung hindi siya umalis ng Ospital at hindi niya basta iniwan si Joaquin.

Posible bang siya pa rin ang piliin nito kahit pa bumalik na si Liscel?

Gustong niyang umiyak, kapag naiisip niya ang mga bagay na iyon.

Kung hindi lang sana nawala ang  alaala niya siguro mas naging maayos ang lahat?

Sana nakabalik siya agad at sana nakasama pa niya ang kanyang Mamang.

Kung hindi nawala ang alaala niya noon, may posibilidad rin kaya na mabago ang sitwasyon ng buhay niya ngayon?

Buhay pa rin kaya ang kanyang Mamang hanggang ngayon?

Mga tanong na kailan man hindi na mabibigyan pa ng kasagutan. Dahil nangyari na ang lahat at hindi na mababago pa.

Ngunit kahit kailan naman hindi niya pinagsisihan na nakilala at nakasama niya. Ang mga taong naging bahagi ng kanyang buhay sa nakalipas na limang taon na wala siyang maalala.

Siguro talagang may dahilan lang ang lahat.

Kung meron man siyang gustong panghinayangan iyon ay noong wala siya sa tabi ng kanyang Ina sa mga huli nitong sandali.

Hindi man lang niya nasabi dito kung gaano niya ito kamahal.

Sa pagkakataong iyon gusto niyang mainis sa tadhana, maging sa kanyang sarili at higit sa lahat sa taong iyon.

Ang walanghiya iyon, ang may kasalanan ng lahat ng ito.

Gusto na namang bumangon ng galit sa kanyang dibdib.

Pero nangako si Dust, nangako ito sa kanya na gagawin nito ang lahat para maipakulong si Anselmo.

Kahit paano gusto niyang panghawakan ang pangako nito. Dahil umaasa siya na tutuparin nito, iyon.

Para pagbayaran na ni Anselmo ang lahat ng kasamaan nito.

Hindi na siya makapaghintay na mangyari pa iyon. Gustong gusto na niyang makita ang pagbagsak ni Anselmo.

Muli siyang nabuhayan ng loob at nakasilip ng pag-asa.

Pakiramdam niya nagkaroon siya ng kakampi sa pamamagitan ni Dust.

Kung siya lang ang pamimiliin mas gusto niyang tuluyan nang mawala si Anselmo.

Dahil ang kamatayan nito ang kahulugan ng kapanatagan ng kanilang buhay.

Ngunit may isang bahagi rin sa isip niya ang tila ba bumubulong ng pag-aalinlangan.

Nitong huli tila nagbabago na rin ang kanyang pananaw. Ang nais na lamang niya ay katahimikan para sa kanilang mag-ina at iyon rin ang hangad niya para kay Amara at Anak nitong si Kisha.

Bigla ring sumagi sa isip niya ang nag-iisang Anak ni Anselmo si Bradley.

Noong unang banggitin ito sa kanya ni Dust.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kakaiba ang kanyang pakiramdam.

Bigla siyang nakaramdam ng simpatya sa binatang Anak ni Anselmo.

Kahit hindi pa niya ito nakikita pakiramdam niya maaaring malungkot rin ang buhay nito.

Nalaman rin niya kay Dust na kasalukuyan itong nag-aaral ng medisina sa Europe.

Alam kaya nito ang ginagawang kawalanghiyaan ni Anselmo o katulad rin ito ng ugali ng Ama nito?

Ang sabi ni Dust hindi pa rin nito nakita si Bradley at hindi pa rin nakilala ng personal. Kaya't wala rin itong ideya pero ayon sa source nito.

Masunurin itong Anak, ginusto ni Anselmo na mag-aral ito abroad. Kahit pa ang gusto nito manatili sa tabi ng Ama. Nalaman rin niya na ulila na rin ito sa ina.

Marahil iyon ang dahilan kung bakit gusto nitong makasama ang Ama nito. Ganu'n rin kasi ang pakiramdam niya noon ng mawala ang kanyang Papang.

Kung p'wede nga lang noon kahit isang saglit ayaw niyang mawalay sa kanyang Mamang.

Pero nawala pa rin ito sa kanila at iyon ay dahil sa walanghiya nitong Ama.

Naisip rin niya napakaswete naman talaga ng walanghiya! Dahil sa kabila ng nakasusuka nitong ugali, may Anak pa rin ito na nagmamahal ng labis dito.

Sana lang hindi siya tumulad sa kanyang Ama kahit lumipas pa ang panahon.

Nalaman rin niya na nagtatrabaho rin ito habang nag-aaral at sinusuportahan ang sarili. Lalo na nang humiwalay na rin ito sa poder ng tiyahin nito na nasa Spain.

Isang bagay rin ang tumimo sa isip niya sa sinabi ni Dust. Mahal na mahal daw ni Bradley ang Ama nitong si Anselmo.

Kaya sigurado silang labis na masasaktan ito sa oras na may mangyari masama kay Anselmo.

Tama si Kuya Dust, mas mabuti kung gagawin pa rin nila ang tama. Sapat nang kabayaran ang makita nila ito na nagdurusa sa loob ng kulungan at matigil na ang kawalanghiyaan nito.

Kahit alang-alang man lang sa Anak nitong si Bradley.

Hahayaan na niyang si Dust ang gumawa ng paraan kung paano nila ito pagbabayarin sa lahat ng kasamaan nito.

Tiwala siyang hindi siya nito bibiguin...

Dahil silang dalawa na lang ni Amara ngayon. Kaya ito na lang inaasahan niya na tutulong sa kanya.

Hahayaan na lang muna niya si Amara na makasama ang kanilang Tito Darren at ni Dorin.

Mas mabuti na 'yun para hindi na rin siya mag-alala pa at para na rin makilala nila ang totoong Amara at hindi bilang si Amanda o si Mandy.

Kahit hindi pa sila magkasama ngayon mapapanatag na siya.

Dahil ngayong alam na nila ang totoo, sigurado naman siya na hindi pababayaan si Amara ng kanyang Tito Darren at ni Dorin.

Kaya wala na siyang dapat pang ipag-alala, kahit wala siya sa tabi nito. Titiisin na lang muna niya ang pananabik na makasama rin ito.

Magkikita pa rin naman sila at iyon ang sisiguraduhin niya.

Dahil kahit ano pa ang mangyari mananatiling magkapatid pa rin sila at iyon ang isang bagay na kailanman ay hindi magbabago.

Dahil ito ang patuloy na mag-uugnay sa kanila. Kahit pa malayo sila sa isa't-isa mananatili pa rin ito na nag-iisa at tunay niyang kapatid.

The siblings will still remains siblings and it will never change until forever.

Bigla siyang napatigil sa malalim na pag-iisip ng bigla niyang maramdaman ang paggalaw sa kanyang tiyan.

Saglit muna siyang huminto at huminga ng malalim nang bigla nanaman siyang makaramdam ng kakaiba sa kanyang tiyan.

"Naku naman anak, huwag muna ngayon may ginagawa pa kasi si Mommy please!" Pabulong na salita na niya.

Kaya minadali niya ang pagkilos at sinikap rin na ignorahin ang nararamdaman.

Mabuti na lang patapos na talaga siya. Kaya't ipinagpatuloy pa rin niya ang ginagawa.

Ngunit eksaktong nakatapos siya ng bigla niyang maramdaman na para na siyang maiihi.

Bago pa siya makaisang hakbang naramdaman na niyang may tila likidong dumaloy sa kanyang binti.

Kasabay ng pagsirit ng matinding kirot sa kanyang tiyan.

Bigla na siyang napahiyaw sa matinding sakit...

"Aaaaahhhh...

'Tu-tulungan n'yo kooo!"

*****

By: LadyGem25

(03-23-21)


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
LadyGem25 LadyGem25

Hi, Kumusta na kayo?

Narito na ulit ang ating updated. Siguradong nainip na nmn kayo!

Nakatanggap kasi ako ng extrang work na kailangan munang tapusin.

Sayang kasi panload din 'yun, alam n'yo nmn hindi nmn tayo yayamanin kaya need kumita muna! hahahaha

Kaya nagpapasalamat ako sa mga matiyaga pa ring naghihintay at sa mga nagvovotes at comments.

Maraming salamat.

Mag-ingat tayo palagi, lalo na ngayon dumadami nnmn sila.

KEEP SAFE AND GOD BLESS PO SA ATING LAHAT.

MG (03-23-21)

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C98
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login