"Ano ba, bakit mo ba ako pinipigilan? Bitiwan mo nga ako!" Piksi niya dito at pilit ring kumakawala.
Samu't-sari na nga ang kanyang nararamdaman at dumagdag pa ang tungkol sa katauhan nito.
Pakiramdam tuloy niya mukha na siyang tanga.
"Ma'am pasensya na talaga kung kailangan ko itong gawin! Pero pinoprotektahan ko lang kayo, hindi ba dapat mag-isip muna kayo ng dapat n'yong gawin?"
Tugon nito sa kanya at binitiwan na rin siya nito. Matapos nitong masiguro na kalmado na siya at handa nang makinig.
"Pasensya na naman at ano naman kaya ang alam mo sa pagprotekta ha', eh' nagawa mo nga akong lokohin sa umpisa pa lang hindi ba'?"
Sigaw niya dito na punong puno ng pagkadismaya.
"Hindi kita niloko Ma'am, na mis-interpret mo lang ako! Dahil hindi ako manloloko gaya ng iniisip mo.
'Alam ng mga kasama ko kung sino ako? Dahil hindi rin lingid sa kanilang lahat na babae ako.
'Kaya nga ako ang naatasan na magbantay sa'yo para maiwasan ang kahit ano mang problema.
'Celibacy ang lahat ng mga kasama ko. Dahil sa aming trabaho. Dahil sa ganda mo daw baka makapatay ng kaibigan si Boss, kapag may nagkamali sa'yo! Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin du'n?
'At dahil kaya ko rin naman ang lahat ng kaya nilang gawin. Kaya tiwala sa'kin si Boss na kaya kitang protektahan.
'Kaya sana naman h'wag mo na akong pahirapan na patunayan sa kanilang lahat ang kakayahan ko.
'In short h'wag mo naman akong ipahiya Ma'am! Okay naman tayo hindi po ba?"
Mahabang paliwanag nito.
Bigla namang nakuha nito ang kanyang simpatya.
"Okay siguro nga mali man ako ng pagkakilala sa'yo pero wala ka pa ring karapatan na pigilan ako sa gusto kong gawin. Kaya p'wede ba pabayaan mo na lang akong makababa. Kaya buksan mo na ang lock!" Utos niya na may kasamang inis. Kahit pa hindi naman niya intensyon na maging magaspang dito.
"Okay sige ikaw ang bahala, pero p'wede bang pakinggan mo muna ang sasabihin ko?"
"Ano na naman ba ang sasabihin mo?" Turan niya na nawawalan na talaga ng pasensya.
"Sa tingin ko, hindi ka pa makapag-isip o maaaring hindi mo siya kilala?" Saad nito sa mahinahon pa ring salita. Tila kinukuha nito ang buo niyang atensyon.
"Bakit sino ba siya, kilala mo rin ba siya?" Akusa niyang tanong.
"Kung ganu'n hindi mo pa nga siya kilala?" Tugon ulit nito na kunot ang noo. Imbes na sagutin ang kanyang tanong.
"P'wede ba, kung kilala mo siya sabihin mo na lang. Dahil tama ka hindi ko siya kilala at wala rin akong balak na kilalanin pa siya! Dahil ang alam ko lang hindi ako papayag na basta na lang niya aagawin sa'kin ang mag-ama ko!"
Buong pagmamalaki pang tinuran niya.
Napailing naman ito ngunit hindi niya maintindihan. Kung bakit?
Hanggang sa magpatuloy ito sa pagsasalita...
"Isa siyang sikat na modelo sa panahon niya. Siya si Liscel Borromeo at siya rin ang dating nobya ni Joaquin at tunay na ina ni VJ." Muling turan nito sa malumanay na salita.
Ano mang pag-iingat nito na huwag maging marahas ang dating sa kanya.
Ngunit tila nabingi pa rin siya sa sinabi nito at hindi pa rin lubos na matanggap ng kanyang isip...
"Hindi! A-anong sinasabi mo?" Kilala niya si Liscel, hindi man sa mukha ngunit kilala niya ang buong pangalan nito.
Ang lakas pa nang loob niya na i-claim ito na mag-ama niya, iyon pala mukha lang siyang tanga!
Dahil kahit saang anggulo pa niya ibaling? Hindi pala ito ang mang-aagaw, kun'di siya.
Dahil siya ang may intensyon na gawin ito at mang-agaw ngayon! Daig pa niya ang paulit-ulit na sinampal at parang gusto rin niyang manliit sa hiya.
Kaya pala?
Kaya pala, ganu'n na lang ang pagpigil sa kanya ni Lyndon na h'wag basta na lang sumugod.
Dahil siya rin ang mapapahiya at wala sa tamang posisyon. Dahil ano nga ba ang karapatan niya na gawin iyon? Ni hindi nga siya opisyal na nobya ni Joaquin.
Dahil bunga nga lang pala siya ng lihim nitong relasyon!
Dahil kahit naman hindi pa natuloy ang kasal ng mga ito noon.
Ang mga ito pa rin ang una at siya pa rin ang pangawa. Ang mga ito pa rin ang pamilya at siya saan nga ba siya naka-lebel?
Saling pusa, other woman o kabit?
Dahil saang anggulo man tingnan, siya pa rin ang may intensyon na makakasira at maaaring maging dahilan ng gulo sa oras na pumasok pa siya sa eksena.
Lalo na ngayong nakita at nasaksihan niya kung gaano kasaya ang mga ito habang magkakasama. Marahil nagkabalikan na si Liscel at Joaquin kaya ano pa ang magiging papel niya ngayon?
Makakaya ba niyang sirain ang kaligayahang nakikita niya para sa pansarili niyang kapakanan?
Hindi!
Para naman ito sa kapakanan ng kanyang magiging Anak!
Saglit na pagtutol pa ng kanyang isip. Ngunit daglian rin niya itong nasagot sa isip.
Dahil paano ba niya ipaliliwanag sa kanyang Anak ang kanyang sitwasyon. Paano kung malaman nito paglaki nito na, nang-agaw lang siya ng eksena.
Sumingit lang siya sa isang pamilya na may posibilidad sanang mabuo kung hindi lang siya bumalik at ipinagpilitan pa ang sarili.
Paano niya ipagmamalaki sa kanyang Anak na ginawa niya ito! Dahil--- 'Para sa'yo Anak dahil gusto ko magkaroon ka ng Ama at buong pamilya!'
Pero magugustuhan mo ba talaga ito paglaki mo? Bulong na tanong ng naguguluhan niyang isip.
Tama ba na ipaglaban pa niya ang karapatan nilang mag-ina. Paano kung ayaw naman talaga sa kanya ni Joaquin?
Dahil masaya na ang mga ito ngayon kasama si Liscel.
Ang tagal niyang iniisip kung ano kaya ang itsura nito noon.
Ngayong nakita na niya ito lalo lang siyang nanliit sa sarili.
Bagama't hindi patatalo ang kanyang ganda. Ngunit hindi pa rin niya ito mapapantayan.
Dahil batid rin niya na labis itong minahal ni Joaquin noon. Paano naman siya, minahal ba talaga siya ni Joaquin?
Ilang buwan nga lang siyang nawala pero kay'dali lang nawala ang lahat sa kanya.
Kasalanan rin naman niya dahil umalis siya. Pero ganu'n na lang ba iyon kabilis? Pagkatapos ng lahat, nalimutan na ba siya ng mga ito agad?
Pero ano ba ang laban niya sa tunay na ina ng isang Anak na inalagaan lang niya.
Hindi naman niya ito p'wedeng palitan.
Saka kawawa naman ang kuya VJ mo kung aagawin natin sa kanila ang Daddy n'yo Anak.
Bigla rin niyang naisip.....
Matagal na panahon na hindi niya nakasama ang Mommy at Daddy niya. Ngayong kasama na niya ang mga ito, sigurado akong masaya siya Anak.
Lalo na ngayon na bigla na lang siyang nawala sa tabi nito.
He deserved a happy family instead of having me as a substitute Mommy.
At paglaki mo ipapakilala kita sa kanya Anak. Gusto kong makilala mo siya at s'yempre ang Daddy n'yo.
H'wag kang mag-alala Anak hindi kita ipagkakait sa kanila at makikilala ka rin nila.
Pero ngayon sa akin ka na lang muna ha', tayong dalawa na lang muna Anak.
Tila unti-unti na rin niyang natatanggap ang sitwasyong kinalalagyan.
Habang patuloy ang paghaplos niya sa bahagya nang maumbok niyang tiyan.
Kasabay rin ng patuloy na pagbalong ng luha sa kanyang mga mata.
Mahirap mabuhay ng walang Ama lalo na kapag buong buhay mo nakadepende ka sa kanya.
Pero nakaya namin 'yun Anak! Dahil sa kabutihan ng aming Mamang at alam ko makakaya rin natin ito. Hindi ko alam kung kakayanin ko na maging "The best Mom".
Patuloy na bulong niya sa isip patungkol sa kanyang Anak.
Pero susubukan ko Anak kagaya ng ginawa sa amin ng Lola Annabelle mo noon.
Gagawin ko rin ang lahat at magiging malakas ako para lang sa'yo...
Ang luhang kanina pa hindi maampat na ngayon nauwi na sa mahinang hikbi.
Dahil kanina pa rin niya pinipigilan ang pag-alpas ng kanyang emosyon. Napayuko na lang siya at tahimik na umiyak.
Nang isang panyo ang inabot sa kanya ni Lyndon.
Ngayon lang ulit niya naalala ang presensya nito. Kanina pa kasi ito walang kibo, marahil hinahayaan lang siya nito na makapag-isip at hamigin ang emosyon.
Saglit pa s'yang nag-atubili kung tatanggapin ba niya ito o hindi? Matagal pa niya itong tinitigan lang bago s'ya nagpasyang kunin.
May sarili din naman s'yang panyo kaya lang dahil kanina pa niya ito ginagamit kaya halos p'wede na rin itong palipitan.
Marahil napansin din nito iyon kaya ito nag-insist...
"H'wag kang mag-alala malinis 'yan, hindi ko pa nagamit. Galing 'yan sa taong especial sa akin. Kaya nanatili lang 'yan sa akin pero hindi ko ginagamit. Pero dahil alam kong mas kailangan mo 'yan ngayon, kaya sige na sa'yo na lang..." Saad pa nito.
"Salamat kahit nakakahiya sa'yo, siguro pinagtatawanan mo na ako no?
'Dahil ang tanga ko at ang lakas pa ng loob ko na magyabang sa iyo kanina.
'Pero ang totoo kung hindi kita kasama. Marahil malaking gulo na ang nagawa ko ngayon." Saad niya.
"Bakit naman kita pagtatawanan baka naman nasa isip mo lang 'yan? H'wag kang mag-alala hindi lang naman ikaw ang naging tanga pagdating sa pag-ibig.
'Natural lang na maging tanga paminsan-minsan. At least alam mo na naging tanga ka lang at hindi sinungaling!
'Dahil totoong minahal mo s'ya at hindi ka nagpakatanga lang ng walang dahilan." Makahulugang tugon nito.
Hindi niya alam kung ano ba ang pinaghuhugutan nito. Pero hindi na iyon mahalaga sa ngayon.
Ang mahalaga narito ito sa tabi niya at may nakakausap siya. Kahit paano nakakatulong ang presensiya nito para lumuwag ang kanyang pakiramdam.
Dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kanya kung siya lang mag-isa.
"Gusto mo bang hintayin pa natin silang lumabas ulit? Okay ka na ba, hindi ka ba nagugutom?" Sunod-sunod na tanong nito na nag-aalala na rin sa kanya.
Sa pagkakataong iyon bigla niyang naalala ang kaibigang si Dorin. Nami-miss na niya ang kaibigan. Ito ang takbuhan niya kapag may ganitong problema siya.
Alam niyang hindi s'ya iiwan nito. Ngunit ngayon maging ito ay hindi na niya maaaring lapitan.
Dahil sa sitwasyon nila ngayon parang bigla rin nakaramdam siya ng hiya na lumapit pa dito at abalahin ito.
Siguradong malaki na rin ang tiyan nito o baka nga nanganak na ito? Kahit plano sana niyang puntahan ito pagkatapos niyang makausap sina Joaquin.
Pero hindi na ngayon!
Dahil sigurado naman, oras na lumapit siya sa kaibigan. Alam niyang malalaman din ng lahat na nakabalik na siya at iyon ang ayaw niyang mangyari.
Dahil siguradong magiging kaawa-awa lang s'ya sa mata ng lahat. Ayaw niyang magmukhang nagsusumiksik sa isang bagay na hindi naman talaga para sa kanya.
Ngayon pa nga lang hindi na niya alam kung saan pa siya lulugar? Alam naman niya na wala nang space para sa kanya. Kaya bakit pa niya kailangan ipagpilitan ang sarili?
Kung kaya naman niyang mag-isa, kailangan kayanin niya. Para sa kabutihan ng lahat at para sa kanyang mga Anak. Para kay VJ at sa munting buhay sa kanyang sinapupunan.
"H'wag na lang okay na'ko umalis na tayo dito!" Tugon niya na pilit mang pinipigilan na h'wag nang umiyak pang muli.
Ngunit tila ayaw makisama ng kanyang mga mata, na ngayon ay patuloy na namang dinadaluyan ng masaganang luha.
Habang patuloy sila sa paglayo sa lugar na iyon, na naging malaking bahagi na, ng kanyang buhay.
Bigla tuloy niyang naisip ang tanong...
Kailangan na ba talaga niyang magpaalam ng tuluyan? Dahil hindi naman talaga sila ang nakatadhana para sa isa't-isa.
______
Kasalukuyang nasa opisina si Joaquin ng araw na iyon.
Magmula ng magpasya siya na manatili na lang sa Pilipinas.
Isa sa kilala at top Accounting Firm company ng Pilipinas ang nag-hired sa kanya at nag-offer na makipagmerge at somosyo na lang siya sa kumpanya.
Ito ang REAL ALDANA and Co. na kaalyado rin ng isa sa top 5 Accounting Firm international company sa iba't-ibang Bansa.
Kung saan isa rin siya sa dating representative ng naturang kumpanya. Bago siya nagsolo kasama si Russell pero nanatiling connected pa rin sila dito.
Kaya isa ito sa nag-recommed sa kanya sa RAC sa kondisyon na rin na magtatrabaho siya dito at personal na isusupervise ang company.
Kaya narito s'ya ngayon sa sarili niyang opisina na sadyang inilaan para sa kanya at para na rin maging personal niyang working place.
Bukod kay Russell may personal secretary at staff siya na nasa labas lang kanyang opisina.
May kanya-kanya itong cubicle at partisipasyon sa bawat parte ng kanilang trabaho. Kaya naman mas naging magaan ang lahat.
Very smooth and contented siya mula sa simula hanggang sa mga oras na ito. Kaya maayos naman at walang problema.
Maliban lang sa sarili niyang pakiramdam, pero kahit paano naman nagagawa niyang ihiwalay ang trabaho niya sa personal niyang buhay.
Ngunit may mga pagkakataon tulad na lang ngayon, hindi niya maiwasan na hindi mag-isip at isipin ang kasalukuyan niyang sitwasyon.
Dahil ang buong akala niya madali lang ang magkunwaring masaya.
Isang simpleng bagay na nagawa na niya dati, kaya makakaya naman niyang gawin ulit.
Pero hindi pala...
Dahil sa bawat paglipas ng araw lalo lang tumitindi ang sakit na kanyang nararamdaman. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya na sobrang nakakatorture na sa kanya nitong huli.
Ano ba ang nagawa niyang mali, bakit ganito, bakit ganu'n? Ang mga tanong sa isip niya na, nanatili lang na naghihintay ng kasagutan.
Pakiramdam niya, para siyang isang bagay na bigla na lang itinapon. Dahil wala nang itong silbi at hindi na kailangan!
Ito ang tumitimo sa kanyang utak at lalong nagpapasiklab ng galit sa kanyang dibdib.
Ngunit kahit ano pang galit ang nararamdaman niya. Kung bakit hinahanap-hanap pa rin niya ang babaing 'yon.
Dahil aminin man niya o hindi, ito pa rin ang nag-iisang itinatangi ng kanyang puso.
Kahit ano pang gawin niyang pagtanggi. Hindi pa rin niya ito maiwaglit sa kanyang isip.
Hindi pa rin niya maikakaila ang katotohanang hindi man lang nabawasan ang nararamdaman niyang pagmamahal kay Angela man o Amanda.
Kahit puno pa siya ng galit, hindi pa rin niya maitatanggi ang kagustuhan niyang makita at makasama itong muli. Pero alam niyang imposible nang bumalik pa sila sa dati.
Dahil tuluyan na itong nawala sa kanya, hindi ba talaga sila ang itinadhana para sa isa't-isa?
Kung bakit hindi niya naisip na iiwan din siya nito at ipagpapalit sa iba. Dahil umasa lang naman siya sa pangako nito, na hindi siya nito iiwan at hindi rin ito mawawala sa kanya.
Matatanggap pa nga niya siguro kung ang kuya Joseph niya ang mas pinili nito.
At least mas maiintindihan niya, pero bakit sa lalaki pang iyon hindi niya maintindihan?
Ano ba ang meron ang lalaking iyon at ganu'n na lang kadali itong sinamahan ni Angela.
Paano kung tama ang kanyang Papa, paano kung bumalik na pala ang alaala nito at hindi na sila naaalala?
At ang taong iyon lang naaalala nito...
Tang*** at ako hindi man lang ba niya naalala? Hiyaw ng puso niya na labis na nasasaktan ng mga oras na iyon.
Pero bakit maging si Amara ay hindi siya kilala?
Sino ka ba talaga, Dustin Ruffert Torres?
Ano ba ang meron ka at nagawa niya akong iwan, dahil sa'yo?
H'wag na h'wag lang magkukrus ang ating landas!
Dahil siguradong sisingilin ko kayong dalawa... Bulong niya sa sarili.
Hanggang sa...
"TOK, TOK, TOK! BOSS P'WEDE BA AKONG PUMASOK?"
Mga katok sa pinto ng kanyang opisina, na tila nagmamadaling makapasok. Ang nagpabalik ng malalim na sanang itinatakbo ng kanyang isip.
Bago niya narealized na si Rusell pala ang kumakatok.
Matagal pa itong nakatayo sa kanyang harapan bago pa niya nagawang hamigin ang sarili.
"Boss, tumawag si Sir Liandro, papunta sila ngayon dito sa Manila. Kailangan na daw kasing magpa-admit ni Liscel sa Ospital. Pumunta ka na daw sa Ospital at doon na lang kayo magkita-kita."
Humahangos na saad nito sa kanya pagkapasok pa lang ng pintuan ng kanyang opisina.
"Ha' o-oo ano bang nangyari?"
"Emergency yata Boss hindi na nasabi ni Sir Liandro."
"Okay sige ako na ang bahala, tatawagan ko na lang ang Papa. Ikaw na muna ang bahala dito ha?"
"Sige ako na ang bahala!"
Tuluyan na s'yang umalis matapos magbilin kay Russell.
Nakakaramdam siya ng kaba sa posibleng mangyari ngayong araw. Bakit ba hindi niya mapigil na hindi kabahan.
Alam niyang hindi kailangan dalhin ng Maynila si Liscel kung hindi ito seryoso.
Dahil may sarili naman itong Doctor na palaging tumitingin dito sa Ospital sa Batangas.
Maayos naman ang kalagayan nito, nitong mga huling araw ah'. Iniisip nga niya na bumubuti na kalagayan nito.
Kaya balak niya sanang yayain itong magbakasyon sila kung saan man nito gusto pumunta?
Pero ano kayang nangyari?
Pagbaba niya ng building deretso na siya sa parking at tuloy tuloy na sumakay ng sasakyan at agad na pinasibad ito.
Mabuti nang siya na lang ang maghintay, kaya sa St. Patrick Hospital na siya dumeretso agad.
Agad na rin siyang nagpaabiso sa Ospital para sa pagdating ng pasyente. Tinawagan na rin niya ang Doctor na naka-assign kay Liscel. Nakahanda naman na ito sa mga ganitong pagkakataon.
Dahil alam na nito ang mga bagay na posibleng mangyari sa kalagayan ni Liscel. Kaya lagi itong nakahanda ano mang oras nila itong tawagan.
Makalipas lang ang kalahating oras dumating na ang pasyente. Kasama na nang kanyang Papa ang mga magulang ni Liscel ng mga oras na iyon.
Dahil isang Ambulansya ang sinakyan ng mga ito kaya naging mabilis ang b'yahe.
Agad namang inasikaso ng mga Doctor si Liscel pagdating ng mga ito sa Ospital. Kasunod nito ang mga magulang na umaasiste dito at ang kanyang Papa.
Nang mapagmasdan niya si Liscel halos wala na itong kulay at walang malay. Agad rin s'yang nakaramdam ng awa sa babae.
Kaya tila nagbantulot pa s'yang lapitan ito. Minabuti niyang alamin na lang muna ang nangyari at ang kalagayan nito sa kanyang Ama.
"Papa a-anong pong nangyari?"
"I'm sorry hijo pero bigla na lang s'yang nagcolapse. Dinala naman namin s'ya agad sa Ospital kaya lang..." Saglit muna itong nag-alis ng bara sa lalamunan bago muli itong nagpatuloy sa pagsasalita.
"Ang sabi ni Dr. Linares kailangan na s'yang ilipat ng Ospital. Para mas mabantayan ang kondisyon niya."
"Tama lang po na dinala na siya dito agad mas matitingnan siya ng maayos dito. Si VJ po Papa kumusta na siya?" Naalala niya ang kalagayan ng Anak.
"Okay naman siya Anak, mabuti na nga lang at dumating na si Joseph kagabi kaya naiwan ko ang Anak mo." Saad nito.
Kahit paano nakahinga siya ng maluwag sa kaalamang naroon na ang kanyang kuya Joseph.
Alam naman niyang hindi ito pababayaan ng kanyang kapatid.
Kaya't lihim din siyang nagpapasalamat na umuwi na ito. Kaya may mag-aalaga kay VJ habang wala sila.
Bigla kasi itong nawala noong panahon na tumigil na siya sa paghahap. Hindi nila alam kung saan ito nagpunta.
Pero pagkaraan ng mahigit isang Linggo tumawag naman ito sa kanila. Kahit hindi nito sinabi kung nasaan ito ng araw na iyon.
Sapat na, na tiniyak naman nito sa kanila na nasa mabuti itong kalagayan. Kaya't kahit paano naibsan ang kanilang pag-aalala lalo na nang kanyang Papa.
Natigil ang kanilang pag-uusap ng lumabas na ang Doctor na nag-asikaso kay Liscel.
Kaya napalapit silang bigla sa kinaroroonan nito kausap nito ang mag-asawang Borromeo.
"Doc? May problema po ba, okay lang naman siya hindi ba?" Tanong pa niya ng kaharap na nila ang Doctor.
Ngunit sadya yata talagang hindi maitatanggi ang katotohanan...
Tanging iling lamang ang unang sagot ng Doctor. Reaksyon na madaling bigyan ng kahulugan, ngunit tila mahirap maunawaan at tanggapin.
"I'm sorry, pero dumating na tayo sa last stage. Hindi na umeepekto ang ibinibigay naming gamot. Sad to say pero kumakalat na ang canser cell sa lahat ng kaniyang mga organ. Hindi na rin ito maaaring operahan. Baka hindi na rin niya kayanin pa?"
"Oh' my God, ang Anak natin Oscar! Liscel Anak ko..." Hindi na napigilang palahaw ng ina ni Liscel. Dahil sa nangyayari sa Anak.
"Wa-wala na po ba tayong magagawa pang paraan Doc?"
Tanong niya na umaasa pa rin na mayroon pa ring solusyon at pag-asa. Ngunit muli na namang umiling ang Doctor na lalong nakapagpapahina ng loob at nakakawala ng pag-asa.
Noon galit na galit siya kay Liscel may pagkakataon na nasabi niya sa sarili na sana mamatay na ito.
Pero iba na ngayon kung p'wede lang gagawin niya ang lahat para madugtungan pa ang buhay nito.
Dahil kahit gaano pa kasama ang ginawa nito sa kanya noon, kahit niloko pa siya nito. Hindi pa rin niya maitatanggi na ito pa rin ang ina ng kanyang Anak.
Bagay na hindi na magbabago pa kahit kailan at naging bahagi na rin ito ng buhay niya.
Kaya aminin man niya o hindi may bahagi pa rin ito sa puso niya.
Kahit pa hindi na ito matatawag na pag-ibig sa ngayon. Espesyal pa rin ito sa puso niya. Dahil ito ang babaing nagbigay sa kanya ng una niyang Anak. Ang dahilan kung bakit mayroon siyang VJ ngayon na mahal na mahal niya.
Kaya't hindi niya maiwasan ang hindi malungkot sa kawalan ng pag-asa at mainis na wala s'yang magawa para matulungan ito.
"Doc hinahanap po ang kaanak ng pasyente."
Hindi na siya nagawa pang sagutin ulit ng Doctor, nang isang nurse ang lumabas upang ipagbigay alam sa kanila na hinahanap na sila ni Liscel.
Bigla s'yang nakaramdam ng kaba, ayaw man niyang isipin. Ngunit iba na ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon.
Kung kaya't saglit pa siyang nag-alinlangan at nawalan ng lakas ng loob na pumasok.
Minabuti niyang hayaan na lang muna ang mga magulang ni Liscel ang maunang kumausap sa babae.
Ngunit ilang minuto lumipas, lumabas na ang mga ito upang tawagin siya. Kung kaya't hindi na siya nakatanggi pa...
Pagpasok niya sa loob ng ICU agad niyang nabungaran ang nakangiting si Liscel. Kahit pa batid niya na pinipilit lang nitong ngumiti.
Dahil bakas ang paghihirap nito sa tinitiis na sakit. Ilang panahon din itong pinahirapan ng sakit nito sa matris. Ovarian Cancer ito rin marahil ang dahilan. Kung kaya't hindi na rin ito nagkaroon pa ng anak maliban kay VJ
Kahit pa matagal din namang nagsama ito at si Warren. Ang lalaking sinamahan nito noon at kasabwat sa panloloko sa kanya.
Pero tapos na iyon at matagal na niyang natanggap ang lahat ng nangyari. Siguro nga napatawad na rin niya ito.
"Halika lumapit ka, pasensya na hindi na ako nakapag-ayos. Ang pangit pangit ko na siguro ano? Hindi na ako tulad ng dati..."
Pinipilit pa nitong bumangon ng makita siya. Kaya naman bigla ring napabilis ang paglapit niya dito upang agapan ito.
"Dahan-dahan lang h'wag ka nang kumilos baka mahirapan ka lang..." Agad niya itong inalalayan at pinigilan sa tangkang pagbangon.
Alam niyang nahihirapan na itong gawin iyon.
"O-okay lang bang hi-hilingin ko na dito ka lang muna sa tabi ko?"
Maging ang pagsasalita nito ay tila hirap na rin. Ngunit pinipilit pa rin nitong ngumiti. Marahil upang ipakita sa kanya na kaya pa nito ang sarili o ayaw nitong kaawaan niya ito.
"Oo naman narito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan. May gusto ka ba, sabihin mo lang..."
Tugon niya dito na puno ng pag-aalala.
"Wa-wala na siguro akong gusto kun'di ang makasama kayo kahit ngayon lang..." Saglit muna itong huminto na tila ba nagpahinga.
Bakit ba parang bumibigat na rin ang kanyang pakiramdam?
Hindi niya kailanman naisip na ang babaing isinumpa niyang h'wag nang makita pa kahit kailan. Narito ngayon at tila gusto nang magpaalam sa kanya.
"Pu-pwede bang mahawakan ko ulit ang iyong kamay?" Hindi na siya nag-atubili pa, siya na mismo ang humawak sa kamay nito.
Dahil sa pagkakataong iyon kahit ano pa yata ang hilingin nito magagawa niyang ibigay.
"A-alam mo ba kung ano 'yung dalawang bagay na pinagsisihan ko na nagawa ko sa buong buhay ko noon?
'Iyon ay nang hindi ko pinahalagahan ang nag-iisang lalaki na nagbigay sa akin ng halaga at pagmamahal.
'Noong iwanan kita at ang anak natin, sinayang ko lang ang lahat ng iyon.
'Siguro kung nakita ko lang agad ang magandang bagay na iyon. Ang saya-saya siguro ng buhay ko ngayon.
'Alam mo kung ano ang pinaka masakit? Iyong kahit magsisi pa ako ng paulit-ulit. Alam kong hindi ko na p'wedeng ibalik ang panahon.
'A-ang gusto ko na lang isipin, tadhana na ang nagtakda na mawala ka sa'kin at ako sa'yo.
'Sabihin mo galit ka pa rin ba sa akin? A-alam ko hi-hindi ko na maibabalik ang pagmamahal mo. Dahil alam kong may iba nang nagmamay-ari ng puso mo.
'Alam mo ba? Kahit pa nga ang Anak natin, kahit pa hindi s'ya nagsasalita nararamdaman ko na nami-miss niya ang Mama niya at hindi ako iyon.
'Pero hindi ko siya masisisi, hindi naman kasi ako naging mabuting ina sa kanya.
'Masyado nang malalim ang naitanim niyang pagmamahal. Kaya naniniwala ako na hindi ganu'n kadali na magagawa niya kayong kalimutan. Maaaring mayroon lang itong dahilan." Tukoy pa nito kay Angela.
Hindi naman siya nakapagsalita at hindi rin nakatutol.
"Ba-bakit hindi mo alamin ang dahilang iyon?
'Hindi mo man maibalik ang dati at least magkakaroon ng closure sa pagitan n'yong dalawa.
'Magkakaroon ka na rin ng pagkakataong magmahal ng iba.
'H'wag mo sanang sayangin ang panahon. Deserve mo ang magmahal at mahalin.
'Gustong kong maging masaya ka ka-kapag wala na ako magiging masaya akong isipin na magiging masaya ka na rin.
'Ipangako mo sa akin na magiging masaya ka ha'? Kahit kalimutan mo na ako okay lang kasi, alam ko wala naman akong magandang alaala na ibinigay sa'yo..." Malungkot na saad nito habang pilit pa ring iniignora ang paghihirap ng pakiramdam.
"Ano bang sinasabi mo hindi totoo 'yan! Marami rin tayong magagandang alaala noon hindi ba?
'Lalo na noong college day natin, noong mga panahon na palagi tayong sabay pumasok sa eskwela.
'Alam mo bang proud na proud ako sa sarili ko noon. Dahil kasi palagi kong kasama ang muse ng Campus.
'Ang pinaka maganda at seksing babaing nakilala ko noon. Alam kong kinaiinggitan ako ng lahat kasi naman ang ganda ganda lang naman ng nobya ko."
Pilit itong ngumiti...
Muli naman siyang nagpatuloy.
"At 'yun panahon na nagsisimula ka pa lang pumasok sa modeling school. Alam kong masayang masaya ka noon kaya naman palagi lang ako sa tabi mo para suportahan ka. Kaya lang....."
Saglit muna siyang huminga para kasing may bara sa kanyang lalamunan.
"Gusto ko ring aminin sa'yo na na-realized ko nitong huli na, marami rin pala akong naging pagkukulang sa'yo.
'Dahil sa kagustuhan nating sundin ang ating mga sariling pangarap. Nakalimutan natin ang presensya ng isa't-isa.
'Tama ka gusto ko ring isipin na maaaring nakatadhana lang na magkahiwalay tayo ng landas."
Biglang kamb'yo ng kanyang bibig. Gusto sana niyang magsinungaling ngunit hindi niya magawa.
Gusto man niyang sabihan ito ng magagandang bagay at paasahin na p'wede pa namang maging sila ulit.
Ngunit hindi niya ginawa, dahil ayaw na niyang lokohin pa ito. Dahil alam naman niya sa sarili na iba na ang nilalaman ng kanyang puso.
Hindi dahil ayaw niya itong mahalin ulit. Kun'di dahil hindi pa siya handa na magmahal ulit ng iba...
"Salamat ha', salamat na minahal mo ako noon at salamat rin na naging tapat ka pa rin sa akin hanggang ngayon. Napakabuti mo talaga! Pasensya ka na ha' sadyang tanga lang ako na nagawa pang magmahal ng iba."
"Liscel..." Tila ba nawalan s'ya bigla ng sasabihin.
"Na-napapagod na ako, ikaw na ang ba-bahala sa Anak natin ha'. A-ang gusto ko lumaki siyang katulad mo....." Saglit ulit itong huminto na para bang galing sa mahabang pagtakbo.
"Gusto mo bang dalhin ko siya dito para masamahan ka niya."
"No! H'wag na please, a-ayokong ma-makita niya akong ga-ganito. Ba-baka kasi hindi ko na rin siya ma-mahiinntay."
Pahina na rin ang boses nito para bang pinipilit na lang nitong magsalita.
"Liscel, h'wag mo namang sabihin 'yan please! Kailangan ka pa ng Anak natin. Magpalakas ka pa please..."
Ayaw na niyang makita itong nahihirapan, ngunit bakit ba parang natatakot siya ngayon na akuin ang buong responsibilidad para sa kanilang Anak.
Nang bigla na lang...
"Hah' ang sakiiiit, hmpp!" Bigla na lang nitong sinalo ng kamay ang ibabang bahagi ng tiyan.
"LISCEL! A-ANONG NANGYAYARI SA'YO? SA-SANDALI TATAWAG AKO NG DOCTOR." Bigla na lang siyang naalarma at kinabahan sa ikinilos nito.
"Aaaaahhhh!"
"Doc!" Dahil sa kalituhan ilang segundo pa ang lumipas bago niya naisip na pindutin ang button sa side ng kama nito.
Dahil nasa ICU sila mabilis naman na naka-responde ang mga Doctor.
Agad namang inasikaso ng mga Doctor si Liscel. Ngunit sadya yatang hanggang doon na lang ang lahat.....
"Time of death... 5:55 PM"
Mga huling salita na kanilang narinig sa bibig ng Doctor.
Tila ba kasabay rin ng paglubog ng araw ang tuluyan nang pagbigay ng katawan nito.
"LISCEEEL!"
*****
By: LadyGem25
Hello Buddies,
Updated! Updated! Kahit laging late...
Pero natutuwa pa rin ako sa lahat nang tumatangkilik at patuloy na sumusubaybay sa story sa kabila ng mabagal na update.
Sa mga nagvovote at comments mas masaya sana kung may reviews at rates din tayo sa story.
Pero bahala kayo, basta ako tuloy sa pag-updated..... HAHAHAHa
Kaya next chapter nlng ulit!
Maraming salamat!
GOD BLESS PO SA ATING LAHAT!
*****
@LadyGem25
(03-01-21)