DONA SALVIE POV
PAKIRAMDAM ko mas humaba ang oras bawat araw na nagdaan. Gusto ko nang makita si Parker dahil kinakabahan na ako. Kinakabahan na baka isang araw mag uwi na siya ng babae dito sa bahay niya.
Gusto kong ayusin ang relasyon namin. Dahil mahal ko pa si Parker. Nakakahiya mang aminin pero mas lalo lang lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. At hindi ko hahayaang mapunta sa iba si Parker. Akin lang siya dahil ako ang mas higit na May karapatan sa kanya dahil ako ang asawa niya.
Nadatnan ako ni Lera sa kwarto na nag aayos nang gamit nagtaka ang hitsura nito kong ano ang ginagawa ko.
"Why are you packing your things Salvie? Are you leaving again?"tanong nito.
"Im leaving yes to go after my husband Lera,"seryuso kong saad
"Bakit alam mo naba kong nasan si Parker?"
"Hindi. Pero im sure na alam ni Anton "hindi kona lang siya pinansin alam ko namang hindi boto sakin ang dalawang yan simula pa lang.
"Nasa Bangkok si Anton hindi pa umuwi may iniutos si Parker ,"
Natigilan ako sa pag eempake tsaka humarap sa kanya.
"May babae na ba si Parker?"walang alinlangang tanong ko dito.
"Hindi ko alam , tska bago pa lang nagpakita sa amin si Parker sa ibang tao na nga namin nalaman yung nangyari sa inyong dalawa "tugon nito.
"Susunduin ko ang Asawa ko kukunin ko siya may karapatan naman seguro ako diba? "Diin ko sa salitang Asawa. Ngumisi lang ito saka humalukipkip.
"Alam mo Salvie, kong ako sayo umalis ka nalang ng tuluyan sa bahay na ito. Hindi ka naman seguro manhid no? Ramdam mo naman seguro ang pakitungo sayo ng mga nakatira dito"ayan nagsisimula na naman siya.
"Hindi si Parker hindi niya ako tinatro ng iba I am still special to him Lera "paniniguro ko.
Nagkibit balikat lang ito sa akin.
"Well i have to go susunduin ko si Lixx wala silang pasok mayang hapon "saka agad ako nitong tinalikuran.
Ayuko nang mastress pero Kailangan kong isama sa pag alis ko si Lixx hindi makatanggi si Parker pag kasama ko ang anak namin.
Kinuha kona din ng mga damit si Lixx kailangan makaalis kami agad ni Lixx. Hindi pweding bigyan ko pa ng pagkakataong magsama sila ng matagal ng babaeng yun.
PARKER POV.
HAPON na nang makabalik ako sa bangka nadatnan kong panay ang tawanan ni Summer at jushua na ikinainis ko bigla.
Damn! Ano bang nangyari sa akin? Bakit ramdam kong nagseselos ako? Bwesit naman oh !
Sinamaan ko nang tingin si Summer nang magtama ang mga mata namin pero mukhang hindi niya nakuha ang ibig kong ipahiwatig kaya nagmartsa ako palapit sa kanila at umupo sa gitna nila.
"Parker? Anong ginagawa mo jan? Kita mong nag uusap kami dito"nakangusong saad ni Summer.
"Pwedi naman kayong mag usap di naman ako mang aabala nakikiupo lang naman ako "
"Usap nalang ulit tayo ate Summer , salamat ulit "
Good mukhang nagets niya ang ginagawa ko. Sinundan lang ng tingin ni Summer ang papalayong bulto ni Jushua
"Hey! Bakit panay ang dikit non sayo? "
"Eh ano naman sayo? "Tumayo ito saka may dinukot sa bulsa.
"Ito isuot mo remembrance ko yan sayo "
Parang may humaplos sa puso ko nang makita ang bracelet na gawa sa maliliit na shells. Agad ko iyong tinanggap at isinuot.
"Couple bracelet yan meron din ako"saka nakangiting pinagdikit ang mga bisig namin.
Gusto kong matawa dahil pakiramdam ko para akong teenager ulit. Pero natigilan ako sa sayang naramdaman ko ng maalala ko si Lixx at Salvie.
Walang lugar sakin ang mga ganitong pakiramdam. Masasaktan ko sila pareho. Napabuga ako ng marahas na hininga bagay na ikinakunot ng noo ni Summer
"Di mo ba nagustuhan?"malungkot nitong tanong.
"Gusto ko may naalala lang ako ,"pagsisinungaling ko.
"Wag mong hubarin yan Parker mangako ka wag mong huhubari yan "
"Oo pangako hindi ko to huhubarin "
Natigilan ako ng bigla nalang itong tumabi ng upo sa akin saka yumakap sa leeg ko.
At ito na naman ang pakiramdam ko ang kaba ang pagwawala na naman ng puso ko. Normal pa kaya ito?
Pakiramdam ko parang hindi na yata.
Napakalas ng yakap si Summer sa akin nang makita namin si Tay Lusyo na paakyat sa bangka may maraming bitbit na supot. Na agad namang sinalubong ni Jushua.
"Doi , dae sa bahay kayo naghapunan may inumin akong binili ,"nakangiting saad ni Tay Lusyo
"Sege po Tay ,"halos sabay naming sagot ni Summer.
Sumilay naman ang nakakalokong ngiti ni Tay Lusyo. Sinimulan na niyang paandarin ang bangka at napakapit pa si Summer sa akin.
Napapansin kona panay na ang lapit sakin ni Summer. Hindi ko naman iyon ininda pero ngayon parang natatakot na ako sa pagiging malapit niya sa akin dahil mukhang nasasanay na ako.
"Salamat Parker, nag eenjoy ako sa lakad nating to, ang dami kong magagandang memories na babaonin pagbalik natin sa maynila soon"nakangiti nitong saad.
Napatingin lang ako sa gawi niya gusto ko siyang pakatitigan ng mabuti gusto kong mamemorya ang lahat ng kabuoan ng mukha niya.
"Sinabi ko naman sayo mag eenjoy ka eh "
"Parang ayaw konang bumalik sa maynila Parker, mas gusto kong andito nalang tayo kasama ka , kasama sina tatay at nanay bering , tahimik ang buhay dito malayo sa peligro walang nanggugulo nakakatulog ako ng maayos gigising kinabukasan na walang pangambang nararamdaman "seryuso na nitong saad.
"Pero hindi pweding manatili tayo dito habambuhay Summer , pansamantala lang naman to , tska baka sa susunod na araw babalik na tayo sa maynila "
"Di susulitin nalang natin yung mga araw na nandidito tayo "nakangiti nitong saad na nakapadagdag lalo sa kagandahan niya.
Magsisinungaling lang ako kong sasabihin kong hindi ako nagagandahan sa kanya dahil ang totoo magandang maganda siya. Seguro kong hindi ako umalis sa bahay nila non baka mas close pa kami ni Summer.
Hinubad ko ang jacket kong suot ng mapansin kong bumitaw na sa pagkapit ng si Summer sa braso ko at yakap na niya ang sarili niyang Braso.
"Isuot mo to, "
Sumunod naman siya saka isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko habang nakatanaw kami sa papalubog na araw.
Nang pagabi na ay inakbayan kona si Summer dahil ramdam kona ang lamig.
"Grabe ang lamig pala pag gabi na dito di gaya sa maynila ang init init, komento niya. Parker shooting star oh "manghang sabi nito saka tumingala naman ako.
"Hindi yan shooting star"
"Shooting star nga yan "
"Hindi nga , bato lang yan galing sa ibang planeta tska hindi pa nahuhulog ang star "sagot ko.
Tumingin naman ito sa akin. Napatigil kami pareho ng maramdaman ba subrang lapit na nang mukha namin sa isat isa.
Agad naman akong dumistansya sa kanya. Saka ibinaling sa malawak na karagatan ang paningin ko.
"Dami mo ring alam no? "Sabi nito.
"Totoo naman kase ang sinabi ko bato lang ang mga yan hindi yan shooting stars "
Nag argumento pa kaming dalawa kaya di namin namalayan na nakarating na kami sa Nayon.
Masaya naman kaming sinalubong ni Nay Bering na may dala pang malaking gasera.
"Kumusta ang lakad niyong apat? " tanong ni Nay Bering at nagsimula na kaming maglakad patungo sa kabahayan.
"Subrang ganda sa kabilang isla Nay parang ayaw ko nang umuwi ,"excited na kwento ni Summer
Nakinig lang ako sa usapan nila hanggang sa makarating kami sa bahay ni Nay bering at Tatay Lusyo.
Dumiritso na ako sa kusina para tulungan sa paghahanda ng hapunan si Tatay Lusyo.
"Kailan niyo ba balak bumalik sa Maynila Doi? Wag mo sana masamain ang tanong ko" tanong nito habang naghihiwa ng kamatis.
"Baka sa susubod na araw Tay tinawagan kona ang kaibigan ko may pinaapaayos pa kase ako ".
"Naku malapit na pala , sulitin na namin ang mga araw na natira niyo dito baka matagal pa bago kayo makabisita ulit dito "
"Naku malabong matagalan Tay mukhang napamahal na si Summer dito " nakatawa kong sagot habang binaybayan ang inihaw na isda.
Marami pa kaming napakwentuhan ni Tatay Lusyo ng matapos naming ihanda ang hapunan ay tinawag na ni Tay lusyo si Nay bering Jushua at Summer. nakita kong kumikisklap ang mata ni Summer nang makita ang handa sa mesa. Kong dati masamang masama ang tingin niya sakin ngayon ay parang nagugustuhan na niya.
"Kutsara at tinidor Dae"sabay abot kay Sumemr ng kutsara at tinidor.
"Magkakamay nalang ako Nay ," saka nagsimula na itong kumain gamit ang nga kamay niya.
Napangiti nalang ako. Ang tagal niya ring turuan sa pagsasaing. Kaya di kona pinursege na turuan pa siya dahil baka masayang lang ang bigas.
Matapos naming kumain ay nasa sala kaming lahat at binuksan na ni Tay Lusyo ang binili niyang alak. Hindi ako masydong uminom dahil di naman ako gaanong matakaw sa alak.
"Nay Tay, uuwi na po kami, Medyo tinamaan na po ako sa iniinum natin "sabi nito. Pansin kong pasuray suray na siya.
Ilang shot palang nainum nya lasing na agad? Nagpaalam narin ako sa mag asawa dikona nakitasi Jushua.
Binuhat ko si Summer pauwi dahil pagewang gewang na kong lumakad.
Nang makarating kami sa bahay maingat ko siyang inihiga sa kama niya.
Natigilan ako ng bigla niyang hilahin ang kwelyuhan ko at dinampian ako ng halik sa labi. Napatanga akong nakatitig sa kanya. Namumungay na ang mga mata niya at nakangiti pa.
"I love you Parker ".
' I love You Parker '
' I love you Parker '
' I love you Parker '
Umuulit ito sa pandinig ko. Mga salitang hindi ko inasahang sasambitin niya. Kalalaki kong tao pero napahina niya ang tuhod ko sa ginawa niya.
Parang tinambol nang pagkalakas lakas ang puso ko at gusto nang kumawala nito.
Nabalik ako sa huwesyo nang makitang nakapikit na siya at mukhang tulog na. Umalis ako sa ibabaw niya at Lumabas tinungo ang duyan at naupo dito. Napahawak pa ako sa labi ko na dimapian niya ng halik. Napaka simple lang niyon pero binuhat nito ang buong pagkalalaki ko.
Hindi ito maari ,kamumuhian mo Ako Summer pag malaman mong pamilyado akong tao. Hindi Ako karapat Dapat sa nararamdaman mo.