Baixar aplicativo
57.14% MY BODYGUARD [TAGALOG - COMPLETED] / Chapter 24: CHAPTER 23

Capítulo 24: CHAPTER 23

SUMMER POV

MAAGA palang ay gising na ako. Nadatnan ko naman si Parker sa kusina na nagluluto. Dumiritso ako sa labas ng bahay at lumanghap ng sariwang hangin.

Sa mga araw na dumaan. Hindi kona maramdaman ang sarili ko bilang isang mayaman at rumarampa. Pakiramdam ko isa na akong simpleng mamamayan ngayon. Ang hirap mag adjust pero kinakailangan. Wala naman akong choice ,

Kong dati kain , tulog at gala lang ang trabaho ko ngayon iba na, ayaw ko namang tutunga nga lang at hindi tutulong sa gawaing bahay.

Hirap na hirap pa akong hugasan ang mga plato buti nalang plastic ang mga iyon at hindi gawa sa tiles yung baba kondi basag basag na ang mga ito.

Feeling ko hindi na makinis at malambot ang kamay ko. Tahimik akong naupo sa duyan at marahang idinuyan ang aking sarili gamit ang isa kong paa.

Kailan kong maglaba ng mga gamit ko dahil nakakahiya naman kong si Parker ulit ang gagawa non, Tinuturuan niya ako sa pagluluto pero ayun palaging epic fail lage ang kinalabasan kondi hilaw ang kanin sunog naman.

Gusto ko nang unuwi ng maynila namiss ko nang rumampa , namiss ko na si Dady yung kwarto ko mga gamit ko. Subrang miss na miss kona.

"Bored kana?"napaangat ako ng tingin sa baritonong boses na nagsasalita.

Nakita ko si Parker nakadungaw sa bintana at nasa malayo ang tingin.

"Alam kong bagot na bagot kana, kaya mag agahan kana at ipapasyal kita sa kabilang Isla maeenjoy ka dun "dagdag pa nito.

Tipid lang akong ngumiti saka bumaba sa Duyan at pumanhik sa loob. Nakahanda na sa mesa ang pagkain may etlog , ham at kape Sympre nerequest kona yan.

Tahimik lang akong kumain, kita ko din ang panay sulyap ni Parker sakin. Pero hindi ko itinuon sa kanya ang attensyun ko nasa pagkain. Nauna na akong natapos sa pagkain kaya nagtungo na ako sa kwarto para maligo.

"Mag eenjoy ka dun , ". Biglang sabi nito.

Nilampasan ko lang siya saka nagtuloy sa paliguan at naligo. Pagkalabas ko nakita ko siyang nakasandal sa hamba ng pinto at naka halukipkip kunot ang noong nakatingin sa akin.

'Problema ng lalaking to?'

Akmang lalampasan ko siya ng hawakan niya ang braso ko.

"Ano?"inis kong tanong dito.

"Ano bang problema mo? Bat ang tahimik mo?"nagulat ako sa tanong niya.

"Ano naman ang problema kong tahimik ako? Eh sa diko type magsalita? Tska ayaw mo non di ako maingay , pag nagsasalita naman ako panay reklamo ka ang ingay ko at napakareklamador , ewan ko sayo Parker bitawan mo nga ako!"binawi ko ang braso ko saka nagtuloy na sa loob at nagbihis.

Hindi ko alam na Sumunod pala siya sa akin buti nalang nakadamit na ako.

"Hindi ako sanay sa pananahimik mong yan mas gusto ko pang magdaldal ka kesa ganyan tahimik ka diko alam kong anong nararamdaman mo "seryuso nitong sabi.

Humarap ako sa kanya. Hindi ko mabasa nag reaction ng mukha niya pero ang mga mata niya nahahawa ako sa kalungkutan ng matang nyang yan. Nakakainis!

"Hindi ako sanay sa ganitong buhay alam mo naman seguro yun diba? Nanibago lang ako Parker nahihirapan na akong mag adjust sa kong anong meron ako ngayon gusto ko nang umuwi ng maynila pero hindi pa pwede dahil magulo pa naintindihan ko naman yun pero hindi rin naman ako titigilan ni Thana kaya gusto kong bumalik na tayo dun at haharapin ko ang babaeng yan hindi pweding habambuhay ako magtatago Parker "

"Hindi naman pagtatago tong ginawa natin, inilayo lang kita pansamantala habang inaayos pa ng kaibigan ko ang lahat pero kong gusto munang babalik na tayo sege ibabalik kita sa maynila kong hindi ka mag eenjoy sa pupuntahan natin ". Tumalikod na ito sa akin.

Hindi ko alam kong bakit pakiramdam ko malungkot ako. Mabigat ang pakiramdam ko ngayon. Tahimik lang akong sumunod kay Parker hanggang sa makasakay kami sa bangkang de motor.

Nag uusap sila ni Tay Lusyo samantalang ako nakatingin lang sa malawak na karagatan.

"Ate,"

Napatingin ako sa gilid ko ng tumabi si Jushua sakin anak ni Nanay bering at tatay Lusyo.

"Bakit bhe? "

"Asawa mo po si Kuya Parker?"

Natigilan ako sa tanong ni Jushua bakit parang ang sarap sa teynga pakinggan ang salitang yun?

"A-ahm hindi Bhe, Bodyguard ko lang siya "sagot ko.

"Akala ko Asawa mo sya , bagay pa naman kayo , may nobyo kana ate?"

Ang daldal din ng. Batang ito matanong din parang nahihiya yung kadaldalan ko sa kanya.

"Wala na akong boyfriend bhe " sagot ko saka ibinaling sa dagat ang paningin ko.

"Hintayin mo po ako ate , liligawan kita paglaki ko "

Natawa ako sa sinabi ni Jushua. Saka muling tumingin sa gawi niya.

Natigilan pa ako ng ngumuso ito at hinalikan ako pisngi. Kakaibang bata to aa.

"Para san yon? " tanong ko sa kanya.

"Ang ganda mo kase Ate , gusto kitang maging nobya pag laki ko "

"Patuli ka muna boy bago mo landiin ang Ate mo ,"napatawa ako sa tinuran ni Parker halatang nainis naman si Jushua sa ginawa niya. At umalis ito sa tabi ko at lumipat ng ibang pwesto. Lumapit naman sa tabi ko si Parker at naupo.

"Pinapahiya mo yung bata sa sinabi mo Parker ,"saad ko.

"Nainis ako eh, ke bata pa maharot na "seryuso nitong tugon.

"Seryuso Parker ? Para kang baliw eh nagbibiro lang naman yung bata " depensa ko.

"Hindi na yun bata, desi syete na yun Summer halata namang gustong gusto ka non "

"Eh Ano naman sayo kong type ako nun? Baka nainis ka kase hinalikan ako sa pisngi "

"Hindi a! "

"Sus nakakahalata ka Parker "pang aasar nito.

"Ayuko lang na paasahin mo yun "

"Wala akong sinabi na ganon , at kong magkatotoo man yung sinabi niya bakit hindi ko bibigyan ng chance staka isa pa mahitsura sya at mabait pa " pang iinis ko pa. Gusto ko siyang pagtawanan dahil hindi na maipinta ang mukha niya sa subrang inis. Hindi ko alam kong bakit ganito ang inaakto niya napakaweird niya talaga.

"Magsama kayo " sinamaan niya ako ng tingin saka umalis sa tabi ko.

'Hala! Anong nangyari dun?'

Hindi ko nalang siya pinansin. Namangha ako ng makita ko ang asul na dagat. Papalapit na kami sa kabilang Isla.

Maganda nga dito. Ng marating namin ang Isla bumungad sa akin ang mabubuting buhangin. Napakalinis ng lugar maraming matataas na punong kahoy at niyog. May mga iilang foreigner na malayang nahiga sa buhanginan nag susun bathing. Yung iba naman enjoy na enjoy sa paglalangoy.

Maraming magagandang bulakbulak na nakahelira sa maliit na parke.

"Parker, ang ganda dito , " komento ko.

"Sinabi kona sayo diba?, well enjoy yourself maglibot libot ka feel free ".

Sinuyod ko ng tingin ang buong paligid. Lumakad narin si Parker at Naiwan si Jushua sa bangka samantalang si Tatay Lusyo naman ay May bibilhin sa Palengke.

Napadako ang tingin ko sa isang batang babae na may ginagawang bracelet na gawa sa malilit na shells.

"Magkano yan bhe?"tanong ko.

"Hindi ko to binibenta ate, Gusto mo gawan kita?"nakangiti nitong tanong.

"Sege "

Nanuod lang ako sa bata habang ginawa niya ang bracelet na gawa sa shells.

"Alam mo Ate may kwento sa mga maliliit na shells na ito eh"bigla niyang sabi.

"Anong kwento naman bhe?"

"Kaya sila nandito sa dalampasigan at namamatay dahil hinihintay nila ang mama nilang makabalik sa kanila pero dahil nahuli nang lambat ang mama nila hindi na ito nakabalik kaya ito namatay sila sa dalampasigan na magkasama ".masayng kwento nito.

"Ang sad naman ng kwento mo bhe, "

Nagkwentuhan pa kami sa bata hanggang sa matapos niya ang bracelet. Nagpaalam ako dito. At saka gumala pa.

Nawala sa isip ko ang maynila at parang gusto kong dito nalang manatili sa Isla. Hindi kona namalyan na hapon napala. Nagmamadali akong bumalik sa Bangka pero si Jushua lang ang naabotan ko at tulog pa ito. Iginala ko ang aking paningin.

'Nasan si Parker?'

Umakyat na ako sa bangka at dito nalang hintayin si Parker.

THIRD PERSON POV

NAKAUPO sa pangisahang upuan si Thana kaharap niya si River na ngayon ay wala nang malay.

Muntik pa siyang maisahan nito kaya inunahan na niya. Nabaling ang paningin niya sa mesa ng makita ang pag ilaw ng cellphone niya mabilis niya itong dinampot.

"Ano? May balita na ba kayo?"tanong niya sa kausap.

"Yes Mam, natunton na namin ang lugar kong san nagmula ang tawag ".

"Very good Gregor maasahan ka talaga, sege Sunduin niyo na si Summer at dalhin niyo sa akin ".

'Mawawala ka nang tuluyan sa landas ko Summer , Wala nang salot at tinik sa daanan ko '

SALVIE POV.

ILANG araw na simula nong mapabalita ang nangayri sa Amo ni Parker at hanggang ngayon wala kaming tawag na natanggap mula sa kanya. Hindi ko maiwasan ang subrang pag aalala.

"Mom, can you please sit down? Nahihilo na ako sa ginagawa mo "

"Baby, I'm really worried "

"Your acting like his wife again mother, Worried ka lang ba o nagseselos ka?"

"Lixx , Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang Mama mo kong andito ang Dady mo magagalit yun sayo"sabat ni Nana

"Nana, Nakita mo naman seguro ang inakto niya ng makita ang balita 3 days ago "

Sumibol ulit ang inis at selos na nararamdaman ko nang makita ang balita.

Nakunan kase sa video ang pagsagip niya sa babaeng model na kamuntikan ng mahulog na nasalo naman niya.

Hindi ko alam kong bakit ko Yun naramdman pero kase natigilan ako sa mahaba kong pag iisip ng tumunog ang telepono. Nagmamadaling tumayo si Nana at sinagot ang tawag.

"Dios ko! Parker! Anong nangyari sayo bata ka? Nabalitaan namin ang nangyari? Okay ka lang ba?"

Nakaramdam ako ng kasiyahan ng marinig ang pangalan ni Parker.

"Gusto kang makausap ng ama mo Lixx "

Agad namang kinuha ni Lixx ang telepono at sinagot ito.

"Parker?,.. Yeah I'm doing well, how about you?.... She's always acting that she cares about me there's no new Parker.... Are you with her? Really? Oh I saw you in the news Parker and i like her she's very beautiful ". Hindi kona kayang makinig sa usapan nila dahil parang dinurog ang puso ko sa papuri ni ng anak ko sa babaeng Binabantayan ni Parker.

Umakyat ako sa guestroom at Don pinakawalan ang mga luha ko sa mg mata. Hindi malabong magustuhan ni Parker ang babae dahil batang bata pa ito at may angking kagandahan.

Natigilan ako sa pag iyak ko nang bumukas ang pinto.

"Sorry for hurting your feelings again mom , Gusto ko lang din makitang sumaya ulit si Parker ". Saad nito.

"Ayaw mona bang balikan ako ng Dady mo baby?"

"After what you did Mom? Naiisip mo bang makipagbalikan kay Parker? I want him happy and yes it's not you not again you done hurting him at ayaw ko nang uulitin mo yun i don't want to see Parker messing his life again because of you mother ".

Natigilan ako sa tinuran ng anak ko at napapahiya naman ako. Nasaktan pero ito ang nababagay sa akin. Pero hanggang kailan ko pagbabayaran ang kasalanang nagawa ko? Wala naba talagang pag asa na maayos ko pa tong pamilya na to? Wala na ba talaga?


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C24
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login