Baixar aplicativo
56.52% Trying Again (Tagalog) / Chapter 39: First, Second, or Third (3)

Capítulo 39: First, Second, or Third (3)

Kung kutsilyo lang ang mga salitang binitawan niya, duguan na siguro ako at naghihingalo na.

"Oo." Nanginginig ng kaunti ang boses ko pero sa mata ko siya tiningnan. "Wala nga akong narinig sayo. Ni hindi mo nga sinabi sa akin na alam mo pala kung bakit biglang umalis si Keith."

Lumapit pa ako sa kanya hanggang sa halos wala ng espasyo na namamagitan saming dalawa. Sinamaan ko pa lalo siya ng tingin kahit nagulat siya sa sinabi ko. "Ilang beses kitang tinanong. Anong sinabi mo? Wala. Oo, wala ka ngang sinabi kaya wala ka din karapatan na magalit sakin dahil isa ka sa nagtulak sakin para gawin ang ginawa ko."

Pinalo ko siya ng isang beses sa dibdib gamit ang kamao ko bago ako tuluyang tumungo. Hinawakan ni Stan ang kamay kong nakapatong sa dibdib niya. Malamig ang kamay niya at hindi ko magawang hindi isipin kung ano na ang mangyayari samin.

"Hindi ko sinasadyang itago yun sayo at—"

"Hindi sinasadya? Paano nangyari yun? Ha?" itinulak ko siya at nakita ko muli ang mukha niya, may bakas ng hindi pagkasigurado at pagkataranta.

"Paano ko sasabihin sayo? Alangang sabihin ko na nakipagbreak ang boyfriend mo sayo dahil pinagpipilitan niya na mahal mo ang best friend mo at na kahit anong pilit ko sa kanya na hindi kita mahal, na kahit kailan ay hindi humigit sa pagiging best friend ang tingin ko sayo ay wala akong nagawa."

"Edi sana sinabi mo na lang sakin kung bakit siya biglaang lumipat ng school."

Napabuntong hininga siya at parang hindi na din niya naiintidihan ang mga nangyayari. "Eh ano kung nalaman mo? Alam ko namang hahabulin mo lang siya doon at di hamak naman na mas maayos na dahilan ang iniwan niya sayo kesa doon sa spekulasyon niyang wala namang katotohanan."

"Kahit na!" pasigaw na sagot ko sa kanya. "Dapat hindi mo pa din tinago! At paano kung totoo pala yung sinabi niya?"

Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na kaagad ako at alam kong hindi na niya ako susundan pa dahil nagulat siya sa sinabi ko. Kahit ako'y nabigla din sa sarili ko. Hindi ko alam kung nadala ako ng emosyon o ng mga pangyayari pero inaamin ko na nakaramdam ako ng panliliit noong todo niyang itinanggi at na kahit kailan hindi nag-iba ang pagtingin niya sa akin.

Halos tinakbo ko ang papunta sa amin kaya hingal na hingal ako pagdating sa bahay at kahit malamig ang simoy ng hangin, pinagpawisan pa din ako. Bago pa man ako masigawan na kung bakit gabi na ako ay nakapagsabi agad ako ng nakakain na ako at nagmadali na akong umakyat papunta sa kwarto ko. Tinapon ko agad ang bag ko sa kama tapos sabay lock ng pinto.

Hindi ko na maalala kung anong oras ako nakatulog kaya noong tumunog na aking alarm, tila wala akong naipahinga. Ilang beses ko nireview ang music sheet para sa competition para maiwasan kong mag-isip. Mayamaya, nakaramdam na ako ng antok kaso pagkahiga ko, hindi pa din ako nakatulog kaagad. Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko yung nangyari kanina. I just did something I can't possibly take back. Did I throw away our friendship?

"Kayo ba ni Stan?" "Best friend lang ba talaga ang tingin mo kay Stan?"

Ilang beses na naitanong sakin ang mga linyang yan at tinawanan ko lang sila pero ngayon hindi ko na alam ang isasagot ko.

"Mahal ko ba si Stan?"

Oo naman.

"Higit pa sa kaibigan?"

"Si Keith, mahal mo pa ba?"

Hindi ko alam. Hindi ko alam! "Hindi ko alam!"

"Alin ang hindi mo alam?"

Huh? Unti-unting luminaw ang aking paningin at nakita ko si Ms. Martha, pinagmamasdan niya ako at tila may bahid ng pag-aalala sa kanyang mukha. Halos wala pa din ako sa sarili at napatingin na lang ako dun sa ilaw. Sa sobrang liwanag, napapikit ulit ako. Pagmulat ko, dahan-dahan kong tiningnan ang paligid at saka ko lang napansin na hindi lang pala kaming dalawa ang nasa kwarto. Napaupo ako ng ayos. Bigla kong naalala na nasa waiting room nga pala ako para sa competition.

"Ayos ka lang ba? Hindi ka siguro nakatulog ng ayos kagabi. Kumain ka na at mayamaya'y magsisimula na ang second half," sabi ni Ms. Martha sa akin saka niya ako inabutan ng pagkain.

May narinig akong ilang mahinang tawa at hindi ko na nagawang tumingin pa sa kanila. Umalis din kaagad si Ms. Martha. Nag-unat ako ng kaunti bago ako napatingin sa labas. Nasa may tabi kasi ako ng bintana. Pati yung panahon, nakakaantok, lilom at may mga ilang ulap.

Alas otso palang ng umaga nandito na kami ni Ms. Martha. Pang-siyam ako sa tutugtog at tapos na ang first half, number one hanggang seven. 25 to 30 minutes ang bawat piece na kailangan tugtugin at dapat saulo ang buong piece. Hindi naman talaga biglaan ang pagsali ko sa competition. Noong dalawang linggo lang napagdesisyunan na dagdagan ang practice hours ko kaya lang sumabay pa yung play.

Bago nagsimula ang second half ay dumating na sina Mama kasama si Ate Liza at ang dalawa kong kapatid. Nanlalamig ang kamay ko sa buong performance ng nauna sa akin at kahit naka-full sleeves ang dress kong suot ay nilamig pa din ako dahil sa kaba. Medyo nanginginig ako naglakad papunta sa piano noong tinawag na ang pangalan ko. Hindi puno ang music hall at pagkaupo ko, naalala ko ang mga mensaheng galing sa mga kaibigan ko, good luck at kung ano ano pa. Nakatanggap din ako galing kay Keith at Lance pati na kay Jared at Denise. Huminga ako ng malalim.

Beethoven Sonata No. 21 'Waldstein'

Malayong tinig ng palakpakan ang narinig ko pagkatapos kong tumugtog. Nagpahinga lang ako ng konti sa waiting room bago pumunta sa lobby para tagpuin sina mama. Pagdating ko doon, hindi ganoon kadami ang tao at nainag ko ang bakarda, napangiti ako pero nawala din kaagad ito. Ang isa sa kanila ay dalang bouquet ng bulaklak.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
wickedwinter wickedwinter

Yo, yo, yo, thanks for reading! Check out my English story, Ugly Little Feelings, if you're 18 and above.

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C39
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login