PAGDATING ng weekends ay excited akong gumising. Mas maaga pa sa pagtilaok ng manok. Ganado kong diniligan ang mga halaman ni Lolo Carlos sa glass garden. Napapakanta at sayaw pa ako ng "Boy with Luv" by BTS.
"Oh tell me, oh yeah, oh yeah… ah yeah, ah yeah," tumataas baba ang balikat ko habang dinidiligan ang mga halaman.
"Oh my my my, oh my my my… I've waited all my life… Ne jeonbureul hamkkehago sipeo… Oh my my my, oh my my my… Looking for something right… Ije jogeumeun na algesseo."
Syempre kabisado ko rin ang steps dahil one thousand times ko nang pinanuod ang MV nila sa youtube.
Sunud-sunud na tikhim ang narinig ko na nagpahinto ng pagsayaw ko. Pagtingin ko sa likod, nakangiti na sa akin si Lolo Carlos.
"Aba'y ka galing naman palang sumayaw ng paborito kong apo."
Napanguso ako at nahihiyang humarap sa kanya, "Lolo! Kanina ka pa ba dyan?"
Humalaklak ito, "Oo, at kahit 'di ko maintindihan kung ano ang kinakanta mo eh nakakaaliw ka pa rin panuorin. Ano ba ang meron at mukhang maganda ang mood mo?"
Lumapit sa tabi ko si Lolo Carlos para tulungan akong mag-dilig.
"Hehe, wala naman lolo, sinasayawan at kinakantahan ko lang yung mga alaga mo para bumuka ang kanilang mga bulaklak, at sasayaw ang reyna ng boom tiya boom tiya boom yeh yeh…."
Tumawa ulit si Lolo, "Ikaw talagang bata ka, kung ano-ano ang mga kalokohang naiisip mo. Oh siya, bilisan mo diyan at mag-almusal ka na, luto na ang agahan."
"Sige po, Lolo."
Pagtapos ko magdilig at kumain ng almusal, tinulungan ko naman si Mama sa paglalaba at pagsasampay sa likod ng bahay. Tapos nilinis ko rin ang buong kwarto ko.
"Oh, bakit ang sipag mo ata ngayon Apple?" tanong ni Mama habang nakatayo sa tapat ng pinto ko.
Tumigil ako sa pagwawalis at nahihiyang lumapit kay mama, "Ah, eh, kasi 'ma… ano, magpapaalam sana ako… aalis ako mamayang hapon."
Tumaas ang kilay ni Mama, "Saan ka pupunta?"
"Manu… m-manunuod lang ng sine."
Napatungo ito, "Okay, sila Sam at Erin ba ang kasama mo?"
Nakagat ko ang labi, ayaw ko naman magsinungaling kay mama kaya napilitan akong sabihin ang totoo, "Hindi po… ka-schoolmate ko 'ma."
Gumuhit ang panunuodyo sa mata ni Mama at lumapit sa akin, "Hmm… lalaki ba 'yan?"
Mabilis na namula ang magkabila kong pisngi, "K-kaibigan ko lang si Kyle 'ma…"
Mas lalong lumaki ang ngiti niya saka hinimas-himas ang buhok ko, "Lalaki nga. Naku, dalaga na ang anak ko, buti naman at nakikipaglapit ka na sa lalaki. Akala namin ng Papa mo tatanda ka ng dalaga, eh."
"Ma, naman!"
Tumawa ito at hinagkan ako ng mahigpit, "Joke lang, sa ganda ba naman ng pinakamamahal kong unica hija? Imposibleng walang lalaking magkakagusto sa'yo."
Uminit naman ang puso ko sa sinabi niya at hinagkan siya ng mahigpit, "Talaga?" ngumuso ako, "Hindi naman ako kasing ganda ni Sam at Erin. Ordinary lang ang itsura ko."
Nagpalatak si Mama at kinuha ang dalawa kong pisngi saka ako tinitigan, "Apple, you're beautiful the way you are. Stop comparing yourself to your friends or to other people. We are all unique in our own different ways. Besides, ano naman kung simple lang ang ganda mo at hindi mala-beauty queen? Ang importante ay ang kagandahan ng kalooban mo," tinuro ni Mama ang dibdib ko.
"Thank you ma, nanay talaga kita."
Ginulo niya ang buhok ko, "Oh sige na, bilisan mo diyan para makapag-ayos ka na sa date mo. Susunduin ka ba ng kaibigan mo?"
"Opo, mamayang 5pm."
"Gwapo ba yan?" ayan na naman ang mapanuksong tingin ni Mama.
Nakagat ko ang labi nang maisip ang mukha ni Kyle, tila teenager na kinikilig akong tumungo-tungo, "Super. May dimples pa siya dito," tinuro ko ang ilalim ng baba.
Sabay kaming napahagikgik ni Mama.
any BTS fan here?