Baixar aplicativo
15.95% PRIDE of Friendship / Chapter 15: Chapter 14: Hidden Smile

Capítulo 15: Chapter 14: Hidden Smile

May naririnig na nag uusap sa baba si Barbie kaya tinanong nya kay Chinchay na nag susuklay ng buhok nya kung sino ang bisita.

"Ah... Si Sir Thew po dumating."

"Eh?"

"Opo ngayon nga lang yun pumunta dito uli di kasi yun nagagawi dito simula nung…"

"Nung?"

"Ah…Ha…ha…ha… wala po Ma'am ayos na po ang buhok nyo gusto mo bang ikuha kita ng makakain?"

"Hindi na po gusto kong bumaba."

"Ha? Pero paano ang paa nyo?"

Napatingin si Barbie sa namamaga at namumula nyang left ankle "ahm…okay lang po yan malayo sa bituka."

"Pero ang sabi ni Sir wag kayo palalabasin dine eh."

"Wag kayong makinig sa mokong na yon epal yun eh. Sige na po alalayan nyo nalang ako."

"Pero kasi…"

Biglang naging clingy si Barbie at umaarteng parang bata "sige na ate Chinchay alam mo namang lab na lab kita eh."

"Haysss…itong batang toh talaga siya sige na pero kapag sinabi ni Sir Kenny na bawal bumaba di tayo tutuloy."

"Okie."

At inalayan na nga ni Chinchay si Barbie na lumabas ng kwarto nito at nung pababa na sa hagdan…

"Thew!" Ang bungad na sambit ni Barbie sa papaalis na si Thew.

"Bie!!!"

Lumapit naman at agad si Thew pero pinigilan sya ni Kenny nung aalalayan na nito si Barbie "hindi ba sabi ko bawal lumabas yan?"

"Pero Sir…."

"Wag ka nga! Ako ang nag pumilit kay ate Chinchay na tulungan akong bumaba."

"Gusto mo ba talagang hindi na makalakad? Tignan mo yang ankle mo magang maga ano nalang sasabihin sakin ni dad at ng nanay mo na hindi kita inaalagaan?"

Barbie smirked at hindi pinansin ang sinabi ni Kenny "Thew, can you help me to go down?"

"Sure."

At inalalayan na nga ni Thew si Barbie at hindi pinansin si Kenny.

"Si—Sir…sorry po." Ang nahihiyang sambit ni Chinchay.

"Hindi nyo naman kasalanan sige na po mag gagabi na rin makakaalis na kayo."

"Sige po Sir, salamat."

Nang makaupo na sa sofa si Barbie nag paalam na rin sa kaniya si Chinchay.

"Sige po ingat kayo."

"Sige. Bukas nalang."

"Salamat po."

"Wala yon ingat kayo dito. Sir, yung mga pinto wag nyo kakalimutang isara ang mga bintana i-microwave nyo nalang po yung dinner niyo ni Ma'am Barbs."

"Sige na ho."

"Okay aalis na ko wag kayong mag aaway ha."

"Don't worry hindi naman ako mahilig sa away."

Barbie smirked "huh! As if naman."

At ng makaalis na si Chinchay bumulong si Thew kay Barbie "bakit kayo?"

"Hmmm?"

"Kilala ko si ate Chinchay at alam ko ngang uwian sya pero tama ba yung narinig ko kayo lang ng epal na yan dito?"

"Ahh…oo no choice bro wala si mommy at tito Bruce eh nasa Manila sila."

"ANO?!"

Nagulat naman si Barbie sa reaction ni Thew sa sinabi nya at napatingin naman si Kenny na naka upo sa kabilang sofa habang nag babasa ng libro.

"So—Sorry pero bakit kayo lang ang nandito?"

Narinig naman ni Kenny ang sinabing iyon ni Thew kahit na mahina lang kaya na pa tayo sya "huh! Ano naman kung kami lang ang nandito? As far as I know bahay namin ito ni daddy at wala naman akong pakialam sa amazonang yan."

"IKAW!!!"

"Sige, sabihin mo diyan sa bro mo ang nangyare kagabi…"

"A—Anong nangyare?" ang kinakabahan na sambit ni Thew.

"Ha? A…Ano kasi…"

Nag gegesture si Barbie na gusto nyang sapakain si Kenny pero wala itong pakialam sa kaniya"tsss…diyan na nga kayo mag usap kayo gang kailan nyo gusto."

"Bumalik ka dito!!!" ang galit na galit na sambit ni Barbie pero hindi sya pinansin ni Kenny na pataas na papunta ng kaniyang kwarto.

"Totoo ba? May nangyare sa inyo kagabi?" Ang curious na nahihiya pang sambit ni Thew.

"WALA!!!"

Habang pataas naman si Kenny pabulong bulong sya dahil narinig nya sa lakas yung sagot ni Barbie kay Thew "maka wala kala mo naman hindi nag ala tuko sa pag yakap sakin kagabi. Tsss…"

"."

Ganabi na ng uwi si Thew dahil napa sarap pa sa kwentuhan sila ni Barbie…

"Sigurado ka bang ayos ka lang dito na mag isa?"

"Ah…oo tsaka hindi naman ako mag isa remember kasama ko dito ang buset na yon."

"Oo nga naman, nag aalala lang kasi ako sayo baka…"

"Don't worry lagot sya sakin tsaka mas lagot sya kay tito Bruce."

Sa isip-isip ni Thew "yah… takot lang ni Kenny sa daddy nya kapag may ginawa syang kung ano sayo."

"Thew?"

"Hmm? Ay, sige uuwi na ko kita nalang tayo bukas ha?"

"Um." Sinubukan nyang tumayo para ihatid sana si Thew pero biglang bumaba si Kenny.

"Ano sa tingin mo ang gagawin mo?" Anito.

Sabay naman napalingon sila Barbie at Thew "ako ng mag hahatid sa kaniya sa labas para masara ko na rin ang gate. Dahil gabi na!" Dagdag pa ni Kenny.

The two both smirked at him.

"Sige Bie una na ko kita kits na lang bukas."

"Oo sige bukas nalang."

"Huh! Kung makakapasok sya." Pabulong bulong na sambit ni Kenny.

***

Sa bahay naman nila Chinchay…

"Ma, bakit po ata na late na kayo ng uwi? Nasan na po ang pasalubong ko?" Ang sambit ni Rewin ang anak ni Chinchay na 7years old na.

"Ah… medyo napa tagal kasi ako sa bahay nila Sir Bruce eh may nangyare kasi."

"Rewin mamaya mo na kulitin ang nanay mo halina kayo at kakain na." Ang sambit naman ni Louis ang asawa ni Chinchay na isang tricycle driver.

"Oh? Naka pag luto ka na?"

"Ah, hindi bumili ako dyan kila Aling Elsa nagugutom na kasi yang si Rewin kaya ayun."

"Oh…sorry ngayon lang ako hindi tuloy ako nakapag luto."

"Hayaan mo na maupo ka na at kakain na tayo."

At habang nakain kinukwento ni Chinchay ang nangyare kay Barbie…

"Ahh…ganun po pala kawawa naman pala si ate Barbie kamusta na po sya Ma?"

"Ayun okay naman kaso nahihirapang mag lakad kasi nga namamaga yung ankle nya."

"Sana'y sinabi mo sakin para naka punta doon at nahilot ko sya."

"Opo nga Ma magaling na manghihilot si Papa."

"Ah… sa taranta ko kanina di ko na naisip tsaka dapat talaga nung dumating yung dalawa sa bahay eh pauwi na ko di ko naman inaasahang ganoon ang kalagayan ni Ma'am Barbs."

"Dapat dun eh wag na muna syang pumasok bukas para hindi lalong mamaga."

"Oo sige sasabihin ko pwede mo bang hilutin?"

"Titignan ko bukas."

"Pwede rin po ba akong sumama bukas? Wala po akong pasok."

"Wala kang pasok nak?"

"Wala po Ma may seminar po daw kasi ang mga teacher."

"Ahhh…sige kung papayag ang tatay mo."

Napatingin naman si Rewin sa tatay nya na para bang nag mamakaaawang isama sya bukas.

"Siya sige pero pag umuwi na ko sasama ka sakin okay?"

"Pero Pa, wala naman po akong pasok bukas kaya pwede ko pong samahan si Mama dun."

"Oo Pa, ako ng bahala sa kaniya wala rin naman syang makakasama dito nakakaawa naman."

"Ikaw bahala basta wag kang makulit don Toto."

"Opo Pa promise."

Sa magkaparehong oras parehas na nag kakairingan ng tinginan sila Barbie at Kenny habang naka upo sa sofa sa sala…

"Ano? Ganto nalang tayo gang mag umaga? Tsss… makatulog na nga." Ang naiinis na sambit ni Barbie at nag babalak na syang tumayo.

"DIYAN KA LANG!!!"

"A—Anong problema mo? Makasigaw ka naman diyan kala mo ninakawan ka."

"Cough… anong meron sa inyo ni Thew?"

"Ano?"

"BAKIT KASI CLOSE KAYO?!"

Sa irita ni Barbie binato nya si Kenny ng unan na naroon sa sofa "hindi ako binge, bwiset!"

Nasalo naman ni Kenny ang binatong unan ni Barbie sa kaniya "cough… sorry…"

"Sorry? Bakit? Dahil sinisigawan mo ko? Huh! Ewan bahala ka na nga inaantok na ko."

"Sorry dahil na bully ka!"

"Ha?"

"Alam kong sila Ellaine ang may kagagawan kung bakit ka…"

Hindi naman na naituloy ni Kenny ang sinasabi nya dahil tumayo na si Barbie at papilay pilay sa kaniyang paglalakad.

"Hoy!"

"Kung nag sosorry ka dahil sa ginawa nila Ellaine hindi pa rin kita patatawarin."

"Ano?"

"Bakit naman sa tingin mo papatawarin kita? Ikaw ba ang nag tapon sakin ng isang baledeng tubig at ng basurang nabubulok sakin? Hindi naman di ba? Naging kasalanan mo lang na naging idol ka."

"Idol?"

"Ganito ba talaga sa probinsya? Kung nasa Manila ka sa taglay mong kakisigan at gandang lalaki magiging artista ka na."

Napangiti naman si Kenny sa sinabing iyon ni Barbie "tsss…pero hindi naman ibigsabhin nun na kasing pogi mo na si Kim Taehyung. Wag kang feeling."

"Tsss…wala akong sinabi tsaka sinong Kim Taehyung? May bf ka na?"

"Wala na ito, pati ang BTS hindi kilala? Alien ba ang isang ito? Si Kokey lang ata kilala ng kumag na re." Pabulong bulong na sambit naman ni Barbie at nag patuloy na sya sa pag taas ng hagdan kahit na hihirapan sya dahil sa maga nyang ankle.

Bigla naman syang binuhat ni Kenny "a—anong ginagawa mo? ibaba mo ko!"

"Tumigil ka na nga! Sa kondisyon mong yan baka umaga na hindi ka pa nakakataas."

"Tsss…"

"Ahm…nga pala nag text ba sayo si Dad?"

"Haysss… wag kang mag alala hindi kita sinusumbong. Humph!"

"Wa—Wala naman akong sinasabi ang akin lang…"

"Pwede ba wag ka ng maraming sinasabi dyan? Bilisan mo na inaantok na ko."

"Oo na!"

"Cough… hindi pa nga pala ako nakain hindi ka ba kakain?"

"Haysss…yan ka eh daldal pa kay Thew."

"Tsss…"

"Sya, kakain na muna tayo."

"Salamat."

"Sus!"

"Wag ka nga hindi parin tayo bati."

"Ano ka bata? May pa bati-bati ka pa dyang nalalaman. Wag kang mag assume ginagawa ko lang ang lahat ng ito para hindi ako pagalitan ni daddy."

"Tsss…alam ko! Humph!"

Pa simple namang napagingiti si Kenny habang buhat nya si Barbie papuntang kusina.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
lyniar lyniar

Sinong kinilig? Eiii... Abangan ang susunod ba kabanata. (>‿◠)

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C15
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank 200+ Ranking de Potência
Stone 0 Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login

tip Comentário de parágrafo

O comentário de parágrafo agora está disponível na Web! Passe o mouse sobre qualquer parágrafo e clique no ícone para adicionar seu comentário.

Além disso, você sempre pode desativá-lo/ativá-lo em Configurações.

Entendi
" class="_close">

obter mais moedas