>Sheloah's POV<
Nagsimula na ang training. Si Tito John tinuturuan ang mga tatay ng iba kung paano mag handle ng guns. Sinabi sa amin ni Dannie na may kwarto pa pala ang dad niya para sa guns niya. Yung una, yung room sa 2nd floor. Yung pangalawang room, yung nandoon sa cellar.
Sabi ni Tito John sa amin na sila ang gagamit ng mga malalaking guns or shot guns. I suggested na may isa or dalawa sa aming mga students na sasali sa Sniper Team at ang unang lumabas sa isipan namin na isang student na sasali ay ang classmate naming si Ashley.
Ang classmate naming lalaki na sobrang talino at mahilig kumain. Medyo chubby, magaling mag hack, mahilig sa games at adik din sa animes. Pag dating sa computer, alam niya ang ginagawa at pinagsasabi niya. Magaling din siya mag assemble ng mga gamit.
Sa klase namin, siya yung tinatawanan namin, siya yung tinatawanan namin minsan dahil natutulog siya sa klase at minsan, yung mga sagot niya sa recitation nakakatawa. Kumakain during lessons ng oranges. Kung hindi oranges, suha ang kinakain niya. Pinagsasabihan siya ng teachers na 'wag kumain pero kahit ano'ng gawin nila na pagsabihan si Ashley, kumakain parin siya. Kaya hindi na minsan pinagsasabihan ng teachers, hinahayaan na lang si Ashley, and yes…
Despite the name, Ashley's a boy and despite the good qualities in him, he is a bit lazy.
Nakita namin si Ashley na nakahiga sa bench, sa ilalim ng puno. Pinuntahan namin ni Veon at nang lapitan siya, nakapatong sa mukha niya ang braso niya. Plano namin siyang kausapin para makasama siya sa Sniper Team.
"Umm, Ashley," sabi ko sa kanya and I poked his arm.
Nag grumble lang siya at hindi niya man lang kami tiningnan para kausapin kami. Tinuloy niya lang ang pagtulog niya. I sighed and I folded my arms in front of my chest.
"Ashley, pwede kang kausapin," tanong naman ni Veon habang kinakausap siya pero lumingon lang si Ashley para hindi kami tingnan at tinuloy niyang matulog.
Veon and I sighed and shrugged our shoulders. Paano namin siya makakausap ng maayos?
"Guys," sigaw ni Dannie at napalingon kaming dalawa ni Veon para tingnan siya. "Nakausap niyo na ba si Ash," dagdag tanong pa niya and Veon and I shook our heads as an answer. " Nilapitan ni Dannie si Ashley.
"Tinuloy niya lang ang pagtulog niya," sabi ko at tiningnan ni Dannie Ashley.
"Oy, Ash! Gising," sabi ni Dannie sa kanya at tinapik niya pero wala parin. Pinalo naman ni Dannie ang pwet niya nang napakalakas at agad naman napaupo si Ashley habang nakatingin sa aming tatlo, as if ayaw niyang magising.
He was rubbing his eyes tapos kinuha niya ang eye glasses niya at sinuot niya. "Ano," tanong niya at sumandal siya sa rest ng bench habang nakafold sa harapan niya ang arms niya.
"Isasama ka sa Sniper Team," deretsyohang sagot ni Veon at tinaasan kami ni Ashley ng kilay.
"Ako, kasama," tanong ni Ashley at tinuro niya ang sarili niya. Parang hindi siya makapaniwala at natatawa pa siya. Tumango lang kami nina Dannie bilang sagot at tumawa siya ng onti.
"Bakit? Ano'ng nakakatawa," tanong naman ni Dannie and Ashley just shook his head.
"I respectfully decline," sagot niya agad at gumawa siya ng "no deal" sign at nagulat kaming tatlo sa desisyon niya.
"Bakit naman ayaw mo," tanong pa ni Dannie at humiga uli si Ashley sa bench pero naka-sideview siya at nakapating ulo niya sa right hand niya at nakatingin parin siya sa amin,
"Kasi tinatamad ako," sagot niya at nag sigh kaming tatlo.
Seriously, kahit ganito ang sitwasyon, ayaw niya?
"And besides… ayos na ako serving as one of the attackers. Bakit sa Sniper Team pa," dagdag sabi pa niya at nag yawn siya sa harapan namin. Mukhang bitin pa ang nap niya.
"Nagpakain ka na lang sana sa zombies kung tamad ka," sabi ni Dannie at inirapan niya siya. "Ayaw mo bang tumulong," dagdag tanong pa ni Dannie at nginitian lang siya ni Ashley.
"Kung ayaw kong tumulong, edi, sana hindi ako sumama at nagpakain nga ako sa zombies," sabi ni Ashley and Dannie sighed.
"Bakit ayaw mong sumali," tanong ko at tiningnan niya ako.
"Kasi wala ang gusto kong baril. If you want me to join, then you must have the gun for that," sagot niya sa tanong ko at agad nagsalita si Veon.
"Siguro naman, mayro'n sa papa ni Dannie ang gusto mo," sabi naman niya at agad kaming tumingin sa kanya.
"Really, you have it," tanong ni Ashley and Dannie cleared her throat and she bit her lip. Parang hindi sure kung mayro'n talaga ang gusto niyang baril sa papa niya.
"Ano'ng baril ba ang hinahanap mo," tanong ni Dannie and he smirked at her question. Tumayo si Ashley at nilapitan niya kaming tatlo. Pumunta siya sa gitna namin at tiningnan namin siya.
"A 50 cal sniper rifle. Specifically, a rifle called Barrett M82 or Barrett M107," sagot niya at lahat kami biglang naging speechless dahil hindi namin alam ang sinasabi niyang baril; kung mayro'n ng aba ang baril na 'yon sa papa ni Dannie.
"Bareta? Ano," tanong ni Dannie at tumawa kaming dalawa ni Veon at nginitian lang siya ni Ashley.
"It's a sniper rifle. Barrett M82 or M107. You know… designed by Ronnie Barrett, which the action is recoil-operated; rotating volt," dagdag sabi pa ni Ashley at sumasakit na ulo naming tatlo.
Such a nerd.