Baixar aplicativo
57.4% Army of True Salvation (TagLish) / Chapter 122: Ang Weird

Capítulo 122: Ang Weird

>Veon's POV<

"Shet, tol. 'Wag kang lumapit sa akin. Nakakatakot ka." Sabi ni Isobel sa kanya pero tumawa na lang kami ni Dannie at ni Tyler at si Shannara nginitian lang siya.

"Punta na tayo sa bahay." Sabi ni Dannie at lahat kami napatingin sa kanya. "Bago pa may zombies na papunta sa atin. Palapit na sila." Sabi niya at tinuro niya yung mga zombies na patakbo sa amin.

"Gagawa tayo ng panibagong plano." Sabi ko sa kanila at tumango sila sa sinabi ko. Pumasok kami sa gate ng bahay at sinira namin ito nang makita namin ang zombies malapit na sa amin. Dumadami sila at agad kaming pumasok ng bahay at sinarado yung pinto.

"May dala ba tayong Granada para mamaya pag aalis na tayo rito?" tanong ni Shannara at tumango si Tyler.

"Nandito." Sagot niya at pinakita niya sa amin na may dala siyang apat na granada.

Narinig namin na binabalibag na yung gate kaya umupo na kami agad sa couch para gumawa ng panibagong plano. Hindi pa kami nag sasalita. Tinitingnan namin ang kapaligiran ng bahay na pinasukan namin.

Magulo ito. Siguro dahil sa zombie apocalypse, nag kagulo ang lugar na ito. Marami pang mga dugo na nasa sahig. Tapos isang babae na halos nakikita mon a ang mga buto niya at nakahiga sa sahig. May skin at laman pang natitira pero sa ibang parte, buto na talaga. Ang baho rin ng lugar na ito dahil sa bangkay na naririto. Amoy bulok. Nakakasuka.

Napatayo ako para tingnan ng mas Mabuti ang bahay. May dalawang batang lalaki na patay na rin, nakahiga sa sahig. Hawak nila ang isa't isa at naawa ako sa kanila. Dahil sa nangyayaring ito, hindi na sila buhay. Bata pa lamang sila at marami silang dapat maranasan sa buhay pero wala na sila.

Nilapitan ako ni Isobel. "Hindi ko gets." Sabi niya at napatingin kami sa kanya. "Kung maraming zombie na ngayon, bakit ang babae na nasa living room, at yung dalawang bata na ito, hindi pa naging zombie?" tanong niya at nagtaka nga kaming lahat.

Totoo ang sinabi niya. Kung meron sila rito bago ang zombie apocalypse, bakit hindi sila naging zombie? Nandito lang sila. Patay na at walang kamalay-malay. Ano kaya ang rason kung bakit sila ganito? Hindi ba sila pinasukan, nawalan ng pag asa at nagpakamatay na lang?

Nilapitan ni Tyler ang bata at hinawakan niya ang kamay ng isa at nakakita siyang marka sa kanyang kaliwang braso. "He's stabbed." Sabi niya at lumapit din si Dannie at tiningnan niya ang isa pang bata.

"Ang weird." Sabi ni Dannie at tiningnan namin siya habang pinapakita niya ang leeg ng bata na nakasandal sa dingding ng kanilang bahay. "May bite mike siya sa leeg, pero hindi ito naging zombie." Dagdag sabi pa niya at agad lumapit si Isobel at nilapitan niya ito.

"Bite mark, pero hindi zombie." Sabi ni Isobel at in-examin pa niya ng mas Mabuti ang kagat sa leeg ng bata. "Kagat ito ng isang tao. Hindi sa zombie mismo." Dagdag sabi pa niya at nagakata si Shannara.

"Hindi ba ang zombie nanggagaling sa mga tao? Bakit naman sinasabi mon a hindi ito kagat ng zombie?" tanong ni Isobel at nilapitan ko si Tyler at in-examine pa ang bata na tinitingnan niya. Halos wala na kasi siyang laman, at panay buto na lang ang natitira. Nakakaawa talagang tingnan kahit patay na sila.

"Ang kagat ng zombie, masyadong malalim. Ito naman kasi, hindi gaano kalalim." Sagot ni Isobel sa tanong niya at napatingin kami lahat sa kanya.

"Edi, ibig sabihin na sa tao mismo ang kagat na ito?" tanong ko at tumango siya bilang sagot. "Sino naman ang taong gumagawa nito? Kumakagat ng tao mismo?" dagdag tanong ko pa at walang sumagot kasi hindi namin alam kung ano nga ba ang sagot.

Bigla kaming nagulat nang may narinig kaming tunog na nanggagaling sa kitchen cabinet. Napalingon kami agad at mas nagulat kami nang nakita namin na may lalaki na lumabas doon at agad kinuha si Dannie kasi siya ang pinakamalapit sa kanya.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C122
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login