>Sheloah's POV<
Nandito na kami sa rooftop. Kumpleto kaming lahat. Buti naman at walang nawala sa amin at buti hindi kami nabawasan pero alam ko sa simula lang ito.
Paano kaya pag tumagal na ang ganitong sitwasyon? Hindi namin maiiwasang mababawasan talaga kami.
Napabuntong-hininga ako at nakaupo ako sa sahig at niyakap ko ang dalawa kong tuhod. I can't help but feel bad sa iba naming schoolmates.
May mga buhay pa kaya sa baba? May mga grade 7, grade 8, third years and fourth years pa bang natitira sa labas ng rooftop?
Tatagal ba kami rito?
Hindi kami sigurado kung safe na talaga kami rito sa sobrang dami ng tao naman dito sa school namin. We are over 3000+ students. Eh, 47 kami rito. Yung mga natitira, zombies na rin ba? Or are there still some survivors? Paano kung yung 2000+ naming schoolmates ay nakagat ng mga zombies. Edi, malaking challenge ito. Imagine… tatakasan namin itong lahat! Mahirap kung sakali ganito ang mangyayari.
We are not too sure.
Tinitingnan ko si Veon. "Veon… anong oras na," tanong ko sa kanya at tiningnan niya yung orasan niya.
"12:13PM. Lunch na," sagot niya sa tanong ko at tiningnan niya yung mga classmates namin na nakaupo sa sahig.
I nodded at my thoughts. It's best kung kumain na kaming lahat for lunch, to calm everyone down a bit.
"Guys," I called their attention at lahat sila nakatingin sa akin. "Kain na tayong lahat. Lunch na. Remember, naghihirap na tayo ngayon. Don't hesitate to share. Don't forget to thank God, our Father," sabi ko at nagsilabasan na sila ng lunch, and they started eating in groups.
Buti naman at naiintindihan nila ang kalagayan ngayon. Maybe malapit na mawala ang mundo dahil sa zombie attack na ito and all we need to do for us to survive is attack, escape, share, and act quick.
Hindi namin ito maiiwasan. Survival na talaga ang nangyayari at dapat magpasalamat kami sa Diyos kahit naghihirap kami ngayon dahil may pagkain at tubig parin kami para sa araw na ito.
"Sheloah," tinawag ako ni Veon at tiningnan ko siya. Nakaupo siya sa isang sulok at nakatingin siya sa akin habang kinakalkal ang bag na nasa tabi niya.
"Oh, bakit," tanong ko at umupo siya sa isang corner ng rooftop. Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya.
"Wala kang lunch," tanong niya sa akin at nilabas niya yung lunch box niya pero hindi pa niya binubuksan.
"Wala. Binigay ko sa mga classmates natin para sakto sa kanilang lahat," sabi ko at tumango si Veon sa sagot ko.
"Sakto naman sa kanila 'yang 29 lunch boxes. May mga stashes pa sila na biscuits," sabi niya at binuksan niya yung lunch box niya. "Share na tayo," dagdag sabi niya at binigay niya sa akin yung tinidor niya.
Nginitian ko siya. "Thanks," sabi ko sa kanya and he just nodded at me.
Lunch namin is tuna tapos snacks namin is Cream-0. Kuntento na kami rito. At least kahit ganito ang nangyayari, nakakakain pa kami.
Kinuha ko yung tubig ko sa isang bag at binigay ko kay Veon. "May dala akong extra," sabi ko sa kanya at kinuha niya.
"Salamat," sabi naman niya sa akin at ininom niya yung tubig ko. May tinira pa siyang kalahati, at binigay niya sa akin. Ininom ko ang natira at tinago ko yung bote sa bag ko.
Habang nakaupo kami rito, tinitingnan ko yung classmates ko na nakaupo sa sahig, at nag uusap. Nasa gitna kami ng malaking rooftop na ito. Napangiti ako dahil nakangiti rin ang mga ibang classmates ko. Gusto ko na masaya kami kahit ganito ang nangyayari kasi we have to act quick.
Kasi hindi tatagal ang mga ngiti na ito.
Tumayo ako at pumunta ako sa pinakadulo ng rooftop at tumingin ako sa baba. Yung rooftop kasi namin makikita namin yung nasa labas ng school kaya makikita namin kung ano'ng nangyayari.
No'ng tumingin ako sa baba, medyo nagulat ako sa nakita ko pero expected na rin na ganito ang mangyayari.
May sunog sa iba't-ibang parte ng lugar. May nagtatakbuhan at maraming sumisigaw. May mga kotse na nag bungguan na. May mga zombies na kinakagat ang mga tao at within a minute, nagiging zombie na rin sila.
Napansin ko na hindi ito tulad ng World War Z na 12 seconds, zombie na agad. Pero proven siguro yung isang part doon sa World War Z na pwede maging zombies for a minute or more. May time limit.
Tinabihan ako ni Veon at tumingin din siya sa baba. "Dumadami na ang mga zombies dito sa city natin. Paano na kaya sa ibang lugar," tanong niya and I shook my head.
"Siguro, nagsisimula na rin ang zombie apocalypse sa kanila," sabi ko na lang and I put my arms together. "Mayro'n din ba zombie apocalypse sa ibang bansa? Nagsimula na rin ba roon," tanong ko rin and Veon shrugged his shoulder.
"Ewan ko. Maraming zombies dito at kinakagat na nila ang mga ibang tao. Mabilis na ito kumalat," sabi naman niya at napaisip ako.
If we don't act quick now...
We will all die.
Salamat sa pagbabasa! :D Comment naman kayo diyan! :3