MJ's POV
Louie's been courting me 5 months now. And to be honest, he became more sweet than ever, maalaga rin siya, at sa 5 buwan na pangliligaw niya saakin, nakuha niya na rin pati ang pagmamahal at tiwala nang aking mga magulang.
Tinatanong na nga ako ni mama kung kailan ko ba daw sasagutin si Louie, same kila Carla at Ben, ang rason nila, baka daw nagiinarte pa ako kaya hindi ko masagot-sagot si Louie.
Nagbiro pa nga si Ben na kung hindi ko pa daw sasagutin si Louie, eh aagawin niya na daw ito saakin. Mga baliw talaga.
Parang hindi pa kasi tama yung timing kung sasagutin ko siya. I want it to be something romantic. Kaya iniisip ko kung kailan ko na nga ba siya sasagutin.
Nga pala, 3 months ago, natapos na yung internship ko. Yes, habang nagtuturo kami sa mga bata, hindi parin nawala yung panliligaw niya saakin like pasimpleng sweetness sa school, hatid sundo nga ako niyan always eh, kaya medyo less stress na din sa part ko.
Going back to the issue, nandito kami ngayon sa cafe na malapit sa university namin. Few months from now, graduation na namin. Pero parang wala sa isip ni Louie ang tungkol sa graduation.
"Kailan mo ba ako sasagutin?" Tanong niya saakin na hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses niya nang naitanong yan saakin..
"Bakit? Naiinip ka na ba? Sumusuko ka na ba sa panliligaw saakin?" Tanong ko sakanya.
"Of course not. Never akong susuko noh. Tandaan mo yan always. Kahit gaano pa katagal ka magpapakipot saakin, hihintayin ko pa rin yung araw na, sasagutin mo na rin ako." Sabi niya sabay ngiti saakin. Napangiti naman ako sa lalaking to.
Naglakad-lakad kami dito sa mall hanggang sa naisipan naming lumabas dahil parang may veranda ba yung tawag doon? Basta yung parang makikita mo yung stars and everything sa labas ng mall. And may fountain pa sila rito na umiilaw.
Hawak kamay kaming naglakad palabas. Ganitong gesture lang, masaya na kaming dalawa. Kontento and satisfied. Yun naman ang importante diba? Ang maging masaya at kontento sa isa't-isa.
"There are lots of stars in the sky.." He said sounds amazed.
I look up and wow.
"Indeed. Wonderful.." I said sounding flabbergasted.
"Very beautiful view.." He said while looking at me.
Ang daming tao dito, mostly couples. Parang dating place kumbaga.
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan yung mga kamay ko at tinignan ako ng diretso saaking mga mata.
"MJ, for the last 5 months of my life, mas sumaya ako, at mas naging makulay yung buhay ko. Never have I imagined na darating ang time na to na sasaya ako ulit. Masaya na ako dati pero mas sumaya nang dumating ka. You know how much I love you, right? And it'll never change. Never." He said while looking at me with tender and love in his eyes..
"MJ, I meant everything that I said earlier..I will wait for you no matter how long will it be. I will hold on no matter how hard it is. And I will love and continue to love you each day of my life." He said in a very sweet voice na nagpapakilig at nagpapainlove saakin lalo.
"Take your time, MJ. There's no pressure. Malaman ko lang na napapasaya kita, okay na ako doon. I'm more than happy kahit sa ganoon lang, MJ. " Napaiyak naman ako dahil sakanya. Langyang lalaki to! Ang hilig-hilig magpakilig!
"Hey, why are you crying? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong niya. Umiling ako.
"No, there's no wrong nor masakit saakin. Masaya lang ako kasi dumating ka sa buhay ko. Na kahit nabuhay ako na puno ng kalungkutan, ay nagawa mo paring alisin yung sakit, lungkot at lumbay saakin. Thank you for coming into my life, Louie. Thank you so much!" I said at tumulo na yung mga luha ko. I can't handle it anymore. Kung dati umiiyak ako dahil sa sakit at lungkot, ngayon naman umiiyak ako sa sobrang kasiyahan na dulot ng lalaking nasa harapan ko ngayon.
Niyakap niya ako at hinawi yung kaunting hibla ng buhok ko.
I guess it's time..
Umalis ako sa yakap niya at tinignan siya ng diretso sa kanyang mga mata. Nagtataka naman siya sa naging aksyon ko.
"Bakit?" Tanong niya.
"I know, you've waited for 5 months. Alam ko rin na, malaking adjustment yung ginawa mo dahil sa mood swings ko, yung mga panahon na nagtatantrums ako na walang dahilan, at lalo na, nakuha mo yung love and trust ng mga magulang ko is more than enough na patunayan mo saakin na malinis ang intensyon mo saakin and I thank you for that." Sabi ko na patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko.
He wiped my tears and held my cheeks while smiling at me..
"Pinatunayan mo rin saakin na hindi masama ang sumaya ulit, na ipagpatuloy ko yung nasimulan kong pagkanta, at alam ko na mahabang pasensya at effort ang ginawa mo para maibalik ang dating ako. Doon palang, nakuha mo na ako." Literal na nagulat siya sa sinabi ko.
"Wait... Are you trying to say..." Hindi makapaniwalang sagot niya saakin.
"Yes, Louie Mendez. Yes. Matagal na kitang gusto, pero pinilit kong pigilan yun dahil takot ako na muling masaktan, pero dahil sayo, napawi yun, dahil sayo, muli akong nagtiwala sa pag-ibig." Sabi ko sakanya. Unti-unting nagkakaroon ng tubig ang kanyang mga mata habang nakangiti saakin.
"The long wait is over now, Louie. Finally, I can say these words to you...
I love you..." Sabi ko at biglang bumuhos yung mga luha ko. Tumulo rin yung mga luha niyang kanina pang nagbabadyang tumulo dahil sa sobrang saya..
And then he looked at me with love, respect and care, sabay hawi ng mga hibla ng buhok na natatakpan yung mukha ko, sabay ngiti saakin, and then he leveled his face to mine, and the next thing I knew, he kissed me on my lips.
I kissed him back and crossed both of my arms around his neck. There's no words that can explain how happy I am today. It was a blissful day for the both of us.
Because under these ten thousand of stars...
I had my first kiss...
With the man I truly love..