Baixar aplicativo
87.5% All The Love in the World (TAGLISH) / Chapter 7: KABANATA 6

Capítulo 7: KABANATA 6

Naunang makapasok si maam tapos sumunod si CL na nakasimangot. Kahit nakasimangot siya ang ganda parin niya. Mukha tuloy siyang si Maleficient, wala nga lang siyang sungay.

"Class settle down, we have another new student. Introduce yourself miss" Nakangiti nitong tugon pero hindi siya pinansin ni ate girl. Taray oh!

"Good morning, you can call me CL" Pagpapakilala nito saka siya umalis sa harap saka naglakad papunta sa likod tapos umupo sa banda bintana.

Ngek? Yun na yun? Hindi man lang nagpakilala ng buong pangalan. Naiwan tuloy si maam na tulala sa harap. Hindi ka naman nagmamadaling umupo diba?

Ng makabawi siya sa pang dededma ni CL ay umiling iling ito saka umubo ubo pa.

"Miss Morris bring out a sheet of paper we have a quiz"

Tumango naman si CL saka kumuha ng papel sa kanyang bag.

May naglag pang bote ng yakult kaya nagtawanan ang ilan naming mga kaklse pero dedma na naman siya.

"Ok continuing, number 2 How many constellations do we have?"

"Number 3, 4, 5 put a bracket. Name the 3 Laws of Motion"

"Number 6, What is the name of the telescope that was designed to collect infrared energy that is blocked by the Earth's atmosphere?"

Shet na malagket! Ano daw?! Telescope? Matapos ang halos benteng mga tanong ay ewan ko kung ilan ang mga tama kong sagot.pakiramdam ko yung score ko yung parang ulam namin kanina. Itlog.

Nakipagpalitan kami sa mga katabi namin para maiwasto ang aming mga papel at halos manlumo ako ng makitnang mas marami pa ang mali ko kaysa tama.

In the end 8 lang ang score ko shet! Nakakahiya.

"Pass your papers to the center aisle"

Nang makuha niya ang mga papel ay unti unting kumunot ang kanyang noo. Marahil hindi niya nagustuhan ang mga marka namin. Maya maya hinati niya ang mga papel sa dalawa.

"Itong nasa kaliwa ko ay ang mga nakapasa at ito namang sa kanan ay ang mga estudyanteng kailangang makatikim ng penitensya. Ilang beses ko bang sinabi sainyo na bago tayo mag umpisa ng klase ay may quiz tayo diba?!" Highblood na si maam oh. Aba wala akong alam diyan, bago lang ako. Nilapag niya ang mga papel sa lamesa saka sumandal doon at pinagkrus ang mga braso.

"Miss Morris stand up"

Ha? Si CL? Agad naman siyang tumayo. Syempre tinginan kaming lahat sakanya.

"Mister Santos stand up" Tumayo naman ang lalaking katabi niya. Wow naman! Pogi niya ah?

"Miss Weber stand up"

"Mister Dela Vega stand up"

"And lastly Miss Valdez stand up" Gumalaw ang upuan sa tabi ko at nalaman ko nalang na tumayo rin si Rica.

THE HECK?! Anong nangyayari?

"Sila lang ang nakaperfect ng quiz. And partida isang transferee ang nakaperfect." Natahimik ang buong klase pati ako. Pero sa loob loob ko lalo akong bumilib kay CL at Rica. Perfect nila? Hoho pero wait paanong naperfect ni CL eh wala siya noong sinabi ang number one diba?

"Take your seat except you Miss Morris" Umupo naman ang ilan kaya si CL nalang ang tinititigan namin.

"Did you cheat?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang tanong ni maam kay CL. Ano daw? Cheat?

The fuck!?

"No maam" Diretso naman niyang sagot at taas noo pa.

"Katabi mo lang si Mister Santos at siya ang candidate for Valedictorian for this year. Its possible na nangopya ka" Sarkastiko niyang tugon kay CL na parang wala lang. Grabe naman mang judge si maam oh. Hindi ba pwedeng bright kid lang si CL.

"Hindi nga ako nangopya"

"Bakit puro bura ang papel mo kung hindi ka nangopya? And how come may sagot ka sa number one diba number two ng dumating ka?" Ipinakita niya sa lahat ang papel niya. Puro nga bura ito at ang dumi.

"Narinig ko ang tanong mo sa labas ng pinto. Ang lakas lakas ng boses mo atsaka mali ba magkamali? Wala akong correction tape eh"

"Ang quiz na ito ay no erasures baka nakaka--

"I just transfered here how am I supposed to know that?" Bored niyang tugon habang titig na titig kay maam. Ito na naman siya sa masama niyang tingin. Natigilan naman si Maam pero agad ring nakabawi.

"Sige tatanggapin ko yang sagot mo pero itong papel mo ay hindi. Uulit ka ng quiz, Impromptu at sasabihin mo sakin ang sagot" Nginisian niya si CL na wala lang ang itsura.

Ano bang problema ni Maam?

Judgemental na nga ayaw pang magpatalo. Tch

Yung mga kaklase naman namin halos mabali na ang leeg dahil nasakanya ang paningin. Bakit kasi sa likod ka pa umupo ang hirap mo tuloy lingunin.

"Give the 4 Orbiting Observatories" Ani maam habang nakataas ang kilay at hindi mawala ang ngisi. Narinig ko namang bumuntong hininga si CL na animoy nawawala na ng pasensha.

"Hubble Space Telescope, Compton Gamma Ray Observatory, Chandra X-ray Observatory, lastly Spitzer Space telescope maam" Sunod sunod niyang sagot saka binigyang diin pa ang salitang maam.

Naiwan namang nakanganga si Maam habang kami naman ay tahimik na pinagmamasdan siya. Wow talino. Nag bonakid siguro to noong sanggol siya.

"What is the mass of the sun?"

"1.989x1030 kg"

"How about the diameter of the sun?"

"1, 3900,000 km"

Napalunok ako pati narin si maam. Wew, ibang klase.

"How old are you?"

"Sixteen" Napasinghap ang ilan sa mga kaklase ko ng malaman ang edad niya. Maski ako duh? Ganyan ang edad pero grabe ang talino. Tapos andito siya sa mga seniors kahit na dapat andon siya sa juniors. Advanced ka bitch!

Nang mapatingin ako kay Maam ay bakas na ang pagkamangha sakanya pero andoon parin ang ngisi.

"Take your seat, that's enough questioning for one day. Miss Morris my apologies. I was just testing your intelligence."

"Paano ba yan Mister Santos mukhang may kalaban ka narin sa wakas haha" Ani Maam saka nginisian ang lalaking katabi ni CL na isa ring walang reaction.

Ano ba yan?! Kay gagandang nilalang na pinagsakluban pa ng katalinuhan ganyan ang mga reaction? Ng matapos ang kahabag habag na tanungan na daig pa ang slumdog millionaire ay nagpatuloy na sa pagdidiscuss si Madam. Nang matapos ang klase niya ay pumunta na kami sa aming classroom para sa susunod na subject.

Maganda ang classroom namin at malawak. May pagka Britain ang loob at malamang sa harap na naman kami naupo.

Nagpatuloy ang discussion at syempre pagpapakilala pero ako lang ang may kapal na mukha na gawin iyon dahil si CL ay nananahimik sa gilid.

Hanggang sa dumating ang lunch ay kaming tatlo parin ang magkakasabay. Humiwalay na naman si friendship hays. 


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C7
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login