Walang tigil sa pagtipa sa keyboard si Tamara. Nanlalabo na ang mata niya sa gutom pero di niya pinansin. Gusto niyang matapos ang bagong panukala na ila-lobby ng grupo nila sa Congress para protektahan ang wild life sa bansa. They would also want to ask for help from international groups. Di kasi mga kapwa Filipino niya ang naninira ng kalikasan kung minsan kundi ang mga illegal aliens na dumadayo sa mga karagatan ng Pilipinas at nagnakakaw sa yaman ng bansa.
"Doktora, hindi masamang mag-break," untag sa kanya ni Shiela. "Ayan! Um-order na ako ng veggie salad para sa iyo."
Ngumiti siya. "Thank you, ha?"
Inilapag pa nito ang isang styro container. "Ayan! Sinamahan ko pa ng chopseuy with extra rice. Nangangayayat ka na."
"Iyong iba nga problema ang pagpapapayat," sabi niya at sumubo ng carrots mula sa chopseuy. Sinundan pa niya iyon ng isa pang subo. Gutom nga siya.
"Hindi naman sinabi na buto't balat. Malnourished ka na. Tapos wala ka rin yatang tulog. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?"
"Sumama ako sa pagre-rescue ng mga street dogs. Kawawa naman sila kasi malapit na sana silang dalhin sa slaughter house."
Ibinebenta ang mga iyon sa mga taong kumakain ng aso. Naawa siya sa kalunos-lunos na kalagayan ng iba. Di man sakop ng wild life center ang mga asong kalye, nag-volunteer siya sa isa pang animal welfare group para tumulong.
"Kawawa ka rin naman kapag nagkasakit ka. Walang mag-aalaga sa iyo. Hindi bale sana kung may guwapo kang boyfriend na titingin sa iyo."
Malungkot siyang ngumiti. Naalala kasi niya si Reid. Kung nasa riding club siya, tiyak na aalagaan siya nito kapag nagkasakit siya.
Dalawang linggo na ang nakakaraan mula nang bumalik siya sa wild life center. Tuluyan na niyang iniwan ang Stallion Riding Club at si Reid. Halos di siya tumitigil sa pagtatrabaho para wala na siyang oras pa para isipin si Reid. Mas gusto na niyang nasa dati niyang trabaho. Malaya siyang gawin ang lahat.
"Broken hearted ka ba?" biglang naitanong ni Shiela.
Natawa siya. "Ano bang tanong iyan?"
"Baka kasi may guwapong bumigo sa iyo sa riding club kaya umalis ka na doon. Mayroon ba?"
"Wala," kaila niya habang nasa isip niya ay mukha ni Reid.
What he did to her was unforgivable! Ginawa siya nitong istupida!
Para sa kanya ay amanos na sila ni Reid. Sinaktan na siya nito. Sobra-sobra na pambawi sa nadungisan nitong pangalan.
"Bakit ka umalis sa riding club?" usisa pa rin nito.
"Nami-miss ko ang trabaho ko dito. Maganda nga ang riding club pero di naman ako nakakabiyahe. Saka nakakasawa rin na laging napapaligiran ng mga guwapo at kabayo. Gusto mo rin na maiba-iba naman."
"Nakakasawa rin pala ang napapaligiran ng mga guwapo. Sana ako na lang ang nasa Stallion Riding Club. Hinding-hindi ko sila pagsasawaan."
Natawa na lang siya. Bigla siyang natigilan nang marinig ang tawa niya. Wala iyong buhay. Parang pilit na pilit. Tumawa lang siya para nasabing natatawa siya.
Pakiramdam niya ay di na siya ang dating Tamara mula nang umalis siya ng riding club. Parang kinuha na ni Reid sa kanya ang kakayahan niyang maging masaya. Mas malala pa siya kaysa dati. Nagkukunwaring masaya kahit ang totoo ay nagdurugo naman ang puso niya.
"READY for a new assignment, Tamara?" tanong ng director ng wildlife center na si Anton. Nitong nakakaraang araw ay puro office works lang ang ibinibigay nito sa kanya para daw di siya mabigla. Sa pagkakataong ito ay inaasahan niyang sa malayo na siya ipapadala. She missed working on field.
"I hope it is somewhere far."
"Malayo nga siya. Sa sobrang layo, di ko alam kung magugustuhan mo."
"Mas malayo, mas maganda po." Para naman makasagap siya ng sariwang hangin at maaalis sa isip niya si Reid.
"Good." Inabot nito ang folder sa kanya. "Do you like the ideas of looking for wild horses up north?"
Binasa niya ang magiging assignment niya. "Wild horses in Cordillera?"
Tumango ito. "Dati marami pa sila. Pero nag-aalala na ang mga tao doon nang isa-isa na silang nawawala. You have to find out why they are diminishing. Kailangang mai-report sa mga officials doon para magawan nila ng aksiyon. At kung may matatagpuan pa tayo, paano sila mapoprotektahan."
She was fascinated by the assignment. "First time ko yatang magkakaroon ng encounter sa mga wild horses."
"I know they are a bit different from the horses at the riding club. Pero dahil may background ka sa kanila, naisip kong isama ka sa assignment."
Ngumiti siya. "I am in, Sir."
"Mabuti naman. May private individual na mag-I-sponsor ng project. He is a horse aficionado. Sasama din siya sa assignment dahil concern siya sa mga wild horses. I am sure magkakasundo kayong dalawa."
Tumango na lang siya. Nakakatuwa na rin may ibang makausap tungkol sa mga kabayo. Well, anybody would do except Reid Alleje.
"DOKTORA Tamara naman! Bakit wala pa rin kayo dito? Sisikatan na tayo ng araw," angal ni Shiela sa kanya habang kausap ito sa cellphone. Iyon ang araw na aalis sila papunta sa Cordillera.
"Sorry. Nahirapan akong kumuha ng taxi." Iniwan kasi niya ang kotse niya kina Sharon Joy. Gawain na niya iyon tuwing may assignment sa malayo. Mas mame-maintain kasi ang kotse niya kung doon iiwan.
"Nakakahiya talaga sa sponsor natin. Baka sa susunod hindi na ito tumulong sa project natin. Kasalanan mo pa," pananakot nito.
"Ikaw na muna ang mag-entertain. Parating na ako."
Anneong! How's your day?
Sana mapasaya ka ng Stallion Boys.