Baixar aplicativo

Capítulo 145: Chapter 7

"GABRYEL, ano ba ang ginagawa mo sa akin? Bakit hindi ka pa rin mawala sa isip ko?" tanong ni Sindy sa sarili habang kusang nagta-type ang kamay niya sa laptop computer kahit na lumilipad naman ang isip niya kay Gabryel.

Nawalan siya ng focus sa isinusulat at napilitan siyang ibasura iyon. Kahit hindi kasi nagpapakita si Gabryel sa kanya, kung anu-ano naman ang ginagawa nito para sa kanya. Ginawa nitong personal coffee brewer niya si Kylie. Nadulas lang si Kylie na banggitin ang pangalan ni Gabryel kaya niya nalaman na ito ang may pakana ng supply niya ng brewed coffee.

Kaya tumuloy siya sa malapit na coffee shop bitbit ang laptop niya. Pero hanggang doon ay hindi na ito mawala sa isip niya. Paano niya ito makakalimutan kung iniisip niya kung ano na naman ang gagawin nito sa susunod?

Nang tingnan niya ang isinusulat ay Gabryel na ang naka-type na pangalan ng hero niya sa halip na Ismael. "Hala! Bakit Gabryel ito?" gulat na sabi niya. Mabilis na pinindot niya ang replace key para palitan ang pagkakamali. "Saang lupalop ba ako dapat pumunta para takasan ang Gabryel na iyon? Tuluyan na niyang sinisira ang diskarte ko." Kahit ang kaibang ambiance ng café ay hindi nakatulong para mapatino ang pagsusulat niya.

"Uy, ang guwapo naman niya," narinig niyang usal ng babae sa kabilang mesa. "Hindi ba commercial model iyan? `Di ba iyan kasama sa Stallion Boys?"

"Hindi, `no? Pero puwedeng-puwede siyang sumama sa mga iyon."

Mula nang lumabas ang commercial ng Stallion shampoo and conditioner, naging batayan na ng kaguwapuhan ang mga lalaking lumabas sa commercial niyon. Ang ibig sabihin ay guwapo nga ito. Dahan-dahang hinagilap ng mga mata niya ang guwapong tinutukoy ng mga babae. Baka sakaling saglit na mawala sa isip niya si Gabryel.

Napatulala siya nang mahagip ng tingin ang lalaki. "Guwapo nga!" Paanong `di guguwapo? Si Gabryel ang lalaki. Nakangiti ito habang palapit sa kanya.

"Hi! I was about to buy some coffee when I saw you."

Ngumiti siya nang maasim. "Hi and good-bye!"

Ibinalik agad niya ang tingin sa laptop para ipakitang busy siya at wala siyang oras sa kaguwapuhan nito. Hindi ka ba masayang sira na ang concentration ko sa trabaho, magpapakita ka pa? Gusto mo bang tuluyan na akong magutom?

Nawala ang ngiti nito pag-upo sa harap niya. "Teka, ang bilis mo naman yata akong itaboy? Kadarating ko lang. Hindi ka ba masaya na makita ako?"

"Brye, nandito ako para magtrabaho. Hindi sa ayokong makita ka." Excited nga ang puso niya makita pa lang ito kanina. "Kaya lang, medyo busy ako. Kaya pumunta ka muna kung saan mo man gustong pumunta."

"Ikaw naman ang pupuntahan ko, eh! `Buti nga, nakita kita rito."

"Unfortunately, I don't have time for a chitchat right now. As you can see, I have a deadline to beat or I'll be dead. I am just a simple working classman now. At hindi ko puwedeng itigil ang pag-ikot ng mundo ko para sa iyo."

Lumungkot ang mga mata nito. "Galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon."

Tuluyan na siyang tumigil sa pagsusulat at nakapangalumbabang pinagmasdan ito. "Hindi ako galit pero tuluyan na akong magagalit sa iyo kapag hindi ka pa umalis ngayon. Istorbo ka na, eh!"

"`Di ako aalis hangga't `di mo ako napapatawad."

Mas makulit din ito kapag alam na galit siya. He would do everything to get her attention until she proved to him that everything was okay.

Bigla ay naging matamis ang ngiti niya. "You are forgiven. Now go!"

Nagulat siya nang lumuhod ito sa harap niya. "Ano pa ba ang kailangan kong gawin para patawarin mo ako?" malakas na tanong nito.

Nagulat siya sa ginawa nito. Hindi agad siya nakapagsalita. Gosh! Daig pa nito ang lalaki na nagpo-propose ng kasal. Nakakaloka!

"Oh, that's romantic!" kinikilig na sabi ng babae sa kabilang mesa.

"Kung ganyan kaguwapo ang boyfriend ko, kahit patawad lang ang hinihingi niya, pakakasalan ko na agad siya sa lahat ng simbahan," sabi ng isa pa.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
Sofia_PHR Sofia_PHR

Stallionatics, kaway-kaway naman diyan.

Load failed, please RETRY

Presentes

Presente -- Presente recebido

    Status de energia semanal

    Rank -- Ranking de Poder
    Stone -- Pedra de Poder

    Capítulos de desbloqueio em lote

    Índice

    Opções de exibição

    Fundo

    Fonte

    Tamanho

    Comentários do capítulo

    Escreva uma avaliação Status de leitura: C145
    Falha ao postar. Tente novamente
    • Qualidade de Escrita
    • Estabilidade das atualizações
    • Desenvolvimento de Histórias
    • Design de Personagens
    • Antecedentes do mundo

    O escore total 0.0

    Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
    Vote com Power Stone
    Rank NO.-- Ranking de Potência
    Stone -- Pedra de Poder
    Denunciar conteúdo impróprio
    Dica de erro

    Denunciar abuso

    Comentários do parágrafo

    Login