Baixar aplicativo
22.51% The Actor that I Hate to Love / Chapter 43: Solace

Capítulo 43: Solace

Shanaia Aira's POV

PINAGTITINGINAN na kami ng mga tao sa resto dahil sa walang humpay na pagtutungayaw ni Charmaine Gonzalo sa akin. Parang gumagawa sya ng eksena para mapansin at my expense.Pinalalabas nyang siya ang dehado sa nangyari. Akala mo naman ikasisikat nya ang ganitong estilo ng pagpapapansin.

" I said I'm sorry." hinging paumanhin ko.

" Sorry? Look at what you did to my dress? Alam mo ba kung gaano ito kamahal? Baka hindi mo kayang bayaran ito kung pabayaran ko sayo. Kung di ka ba naman tatanga-tanga eh!"

" Charmie!" bulyaw sa kanya ni Gelo.Eiw,sagwa ng nickname nya,parang brand ng sanitary napkin.

" Bakit Gelo,kilala mo ba ang tangang ito?" si Gelo naman ang hinarap nya. Nakatawag na sya ng atensyon sa mga tao. Ang dami ng nakatingin sa gawi namin.

" Watch your words. Don't say anything bad against her in front of me or else." pigil ang galit na turan ni Gelo. Mahina lang ngunit may diin ang pagkakabigkas nya ng mga salita.

" Bakit? Ano mo ba to?" tanong nya sabay turo sa akin.

Sasagot na sana si Gelo ng biglang dumating si ate Shane. Napansin na yata ang nangyayaring eksena.

" What's happening here?"

" Oh my God, Shane Gallardo, my idol! " maarteng tili ni Charmaine Gonzalo pagkakita kay ate. Hindi naman sya pinansin ni ate,kay Gelo sya nakatingin.

" Eh kasi Ms.Shane itong tatanga-tangang babaeng ito tinapunan ako ng tubig sa dress ko eh ang mahal pa naman nito, baka hindi pa nga nya kayang bayaran ito. " maarteng tugon ni Charmaine.

" How dare you! Sino ka para pagsalitaan si Aira ng ganyan? " galit na asik ni ate sa kanya.

" Miss Shane?!" tila napapahiyang bulalas ni The Charmaine Gonzalo.

" Huwag mo nga akong tawagin sa pangalan ko,hindi kita kilala. At wala kang karapatang pagsalitaan ang baby sister ko dahil lang sa dress na hindi naman niya sinasadyang mabasa. Gaano ba kamahal yan para insultuhin mo sya ng ganon na lang? FYI, kahit buong pagkatao mo kaya nyang bilhin.Hindi ka pa ganon kasikat may attitude ka na!"

" Sister mo sya? Oh I'm sorry hindi ko alam." hindi magkandatuto na hinging paumanhin nya. Kanina lang kung hiyain nya ako,wagas.

" Kung nagkataon pala na hindi ako ang ate nya,hindi ka magso-sorry? Miss kung gusto mong sumikat huwag kang manghamak ng tao katulad ng ginawa mo sa kapatid ko. Yang mga ganyang attitude hindi pa man sumisikat eh nalalaos na. Halika na baby nandun na yung order natin. At ikaw Gelo, sumama kana sa amin pagkatapos mo dyan at mag-uusap tayo." hinigit na ako ni ate Shane at tinalikuran na namin ang natulalang si Charmaine Gonzalo. Tinapunan ko ng tingin si Gelo bago ako tumalikod. Puno ng pagsisisi at lungkot ang nakita ko sa mga mata nya.

Pagdating namin ni ate Shane sa table namin, agad kaming tinanong ni mommy kung ano yung eksenang nakita nila.

" Hay naku mommy, yung ka loveteam ni Gelo,hiniya itong si baby ng hindi nya sinasadyang natapunan nya ito ng tubig sa dress. Akala mo kagandahan kung makapagsalita. Akala naman nya ikasisikat nya yung ganong paggawa ng eksena. Swerte lang nya ako nakatapat nya. Akala nya hindi ko sya papatulan eh kapatid ko yung hinihiya nya." nanggigigil pa rin na kwento ni ate.

" Nakita kong kasama nya si Gelo.  Hindi ka ba nya pinagtanggol baby?" tanong naman ni daddy sa akin.

" Pinagtanggol naman po nya ako dad. Halatang nagpipigil nga ng galit si Gelo dahil nasa public place sila. Tsaka usapan na po namin ni Gelo na hindi namin ipapaalam sa madla na ako ang girlfriend nya, for my privacy dad." tumango-tango si daddy sa sinabi ko.

" Kaya nga hindi na kami nakisali baka may taga media na nagkalat, mahirap na. Kaya hinayaan na lang namin ang ate mo baka mabalita pa na ang pamilya Gallardo ay pinagtulungan ang isang baguhan. Naku imbes na sya yung kainisan sa ginawa nya eh tayo pa ang lalabas na masama pag nagkataon." turan ni mommy.

" Mabuti walang media na nagkalat. Andrew sabihan mo yung manager na huwag ng ilabas itong nangyari,kawawa naman si bunso baka madamay pa sa intriga." pabulong na baling ni dad kay kuya Andrew na agad namang tumayo sa kinauupuan nya na tila alam na alam na ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon.

" Okay ka na ba bunso?" tanong ni ate.

" Okay na ako ate.Salamat."

" Wala yon baby. Narinig ko kasi na tinatanong nya si Gelo kung ano ka nya kaya to the rescue na ako. Sa pinipigil na galit ni Gelo na yon hindi maaaring hindi nya masabi yung totoo tungkol sa inyong dalawa. Mahirap na, baka madawit ka pa sa tsismis at gawan ka ng kwento ng babaeng yun sa mga walang magawang reporter." wika ni ate sa mahinang tono, baka kasi may makarinig.

Nang makabalik si kuya Andrew at sinabing ayos na ang lahat saka pa lang kami nagpatuloy sa pagkain. Masaya kaming nag-uusap tungkol sa naging buhay nila sa US na parang walang nangyaring gulo kani-kanina lang.

After a while namataan kong dumaan  si Charmaine Gonzalo na nag-iisang lumabas ng resto. Pasimple kong tiningnan ang pwestong pinanggalingan nya at nakita kong tumayo na rin si Gelo matapos mag-iwan ng pera sa mesa para sa bill nila.

Ilang sandali lang ay nandirito na sya sa table namin at pasimpleng bumati sa aming lahat bago tumabi sa pagitan namin ni ate Shane.

" Sorry for that." bungad na wika nya agad ng makaupo na sya. Nginitian sya ng pamilya ko at hindi naman ako kumibo,nanatili lang akong abala sa pagkain ko.

" Bakit ba kasi kasama mo yung babaeng yon? May movie ba ulit kayo?" si ate Shane ang hindi nakatiis na magtanong.

" Galing ako sa office ng ABS kanina at nagkataon na nandun sya. Nakiusap na ihatid ko sya dito dahil wala syang dalang kotse. Ayoko namang hiyain dahil nakiusap rin naman yung manager namin na samahan ko na kaya hayun nilubos-lubos naman nya, hanggang pati sa pagkain ay nagpasama pa.Hindi ko naman alam na attention seeker sya. Kung wala lang kami sa public place na katulad nito hindi pwede sa akin yung inasta nyang yon."

" Ganoon talaga siguro ang style nya para mapansin kaya lang itong si baby pa ang natyempuhan nya, kaya sorry na lang sya hindi ako basta-basta magsasawalang-kibo kapag itong kapatid ko na ang involved." turan naman ni ate Shane.

" Tama na nga yan, order pa tayo nagugutom pa ako." singit ni kuya Andrew na nagpatawa naman sa lahat.

Nang matapos kaming kumain ay nagyaya naman si Dindin sa toy store at ng makabili na ng gusto nya ay dumiretso na kami sa bahay kasama si Gelo.

Doon na ako pinasakay nila daddy sa kotse ni Gelo para may kasama naman daw ito habang bumibyahe pauwi sa amin.

Hindi pa rin ako kumikibo habang binabagtas ang daan papunta sa bahay. Hindi naman ako galit sa kanya pero ewan ko ba kung bakit ayaw ko syang kausapin. Naiinis lang siguro ako dun sa nangyari kanina o baka naman nagseselos lang.

Nagseselos? Jusme,saan naman galing yun? Hindi ko naman ugali ang magselos. Siguro nga naiinis lang akong makita na kasama nya yung Charmaine na yun na sanitary napkin ang nickame. Oo tama naiinis lang ako,yun lang yun.

Weh di nga?

" Baby I'm sorry." mahinang turan nya habang abala sa pagmamaneho. Nilingon nya ako saglit at tumingin muli sa kalsada.

Hindi ko sya pinansin. Bumuntung hininga ako at marahas na humalukipkip.

" Sorry na. Galit ka ba sa akin? Kanina mo pa ako hindi kinikibo eh."

" Bakit naman ako magagalit sayo? May ginawa ka ba para ikagalit ko?"

" Hindi ka kasi kumikibo dyan eh. Usually kapag ganyan ka....ah alam ko na, nagseselos ka noh?" sa tonong parang nang-aasar.

" Bakit naman ako magseselos? Para yun lang magseselos na ako? Hindi ba kamo napapagod ka at gusto mo akong mayakap kaagad? Eh anong ginagawa mo doon sa resto at kumakain kasama ang sanitary napkin na yon na akala mo ubod ng ganda kung manghiya ng tao?Mukha namang bond paper sa puti yung face nya tapos yung nguso nya sobrang pula na akala mo nangudngod sa atswete. At yung suot nya halos lumabas na yung mga dapat itago. My goodness Angelo,mga ganun na pala ang sinasamahan mo ngayon." inirapan ko muna sya bago ako tumalikod ng upo sa kinauupuan kong girlfriend's seat ng kotse nya. Yun ang tawag nya sa pwestong yon sa kotse nya at syempre exclusive lang yon sa akin.

And speaking of girlfriend's seat...

" Saan mo nga pala iniupo yung babaeng yon dito sa kotse mo? Dito,dito ba ha?" turo ko sa kinauupuan ko.

" Hahaha..relax lang baby. Hindi ka nagseselos ng lagay na yan ha? And don't worry hindi ko sya pinaupo dyan kahit nagtataka sya kung bakit. Kahit nagmukha akong driver nya hindi ko sya hinayaang makaupo dyan. Alam mong kahit na sino sa pamilya ko hindi umuupo dyan dahil alam nilang exclusive sayo yan. O ano galit ka pa ba?"

I just heaved a sigh. Wala na akong masabi. Nabawasan na ang konting inis ko mula kanina.

Ilang sandali pa ay nasa bahay na kami. Inabutan namin sila ate Shane na nagpapamahagi ng mga pasalubong sa mga kasambahay. Nagkakagulo ang bawat isa sa dami ng dala nilang pasalubong.

" Gelo yung sayo pati yung para kila tita Mindy ay nandoon sa may couch. May kanya-kanya ng pangalan yon kaya hindi kana mahihirapang ipamigay sa kanila. Baby yung mga bilin mo ay pinaakyat ko na sa room mo." wika ni ate Shane sa aming dalawa ni Gelo pagpasok pa lang namin sa bahay.

" Thank you besty." turan ni Gelo.

Sa bahay na namin naghapunan si Gelo. Nagkatuwaan silang mag-inuman nila dad at kuya Andrew dahil matagal silang hindi nakapag-bonding na tatlo. Si ate Shane at Dindin naman ay nasa living room kasama ni mommy habang itinuturo sa bata kung paano i-operate yung bagong educational toy na binili nila sa US para dito.

Habang pinagmamasdan ko sila,hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti sa nakikita kong bukas ng mga mukha nila. Nakikita ko ang tunay na kaligayahan sa kanila ngayon,parang pare-pareho na silang naka-move on sa mga nangyaring dagok sa pamilya namin. We are home again. This is what I've been longing for the past months.Home is where you can find solace from everything you've been through.Para akong nabunutan ng tinik at lubos na nagpapasalamat sa Diyos na nalampasan na namin ang pagsubok na yon sa tulong na rin Niya.

When you've done everything you can do,that's when God will step in and do what you can't do...


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
AIGENMARIE AIGENMARIE

Ang sweet ni ate Shane to the rescue kay baby Aira..

Thanks again for reading guys. ❤️

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C43
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login