Baixar aplicativo
90.9% When The Fate Plays / Chapter 60: 60th Chapter

Capítulo 60: 60th Chapter

Paolo's Point of View

Dahil sa gulat hindi ko na tinapos pang panoorin ang interview kay Eloisa, hindi ako makapaniwala sa narinig ko, hindi sumagi sa isipan kong maaaring nawalan siya ng memorya kaya hindi niya ako maalala, bakit napaka tanga ko?

Natapos ang araw ko sa trabaho na nakatuon lang sa monitor at nag-eencode, konting print ng mga files na kailangang ipasa at staple noon, nakakabingi rin ang walang tigil na pagtsitsismisan ng mga colleague ko dahil sa napanood nila kanina sa Conference Hall.

Kakalabas ko lang sa kumpanya, nagpapaalam ako sa mga nakakasalubong kong kakilala at pumunta na sa parking lot para sumakay sa aking kotse, nang makapasok ako sa kotse ko ay agad kong idinukdok ang braso ko at ulo sa manibela.

Napamura ako dahil sa galit. "Putangina, bakit? Bakit hadlang na naman sa amin ang tadhana?"

4 years ago nakipaglaro sa amin ang tadhana, ngayon hadlang na naman ito at gusto na namang makipaglaro.

Una, half-brother ko ang half-brother niya, pagkatapos ngayon engaged na nga siya, mayroon pa siyang amnesia? Paano ko maipaglalaban ang pagmamahal ko sa kaniya kung may hadlang na naman?

Alam kong mali ang naging desisyon ko noon kaya babaguhin ko na ngayon at gustong magsimula ulit kami pero paano ko yun magagawa kung ikakasal na siya sa ibang lalaki at hindi niya ako maalala?

Tangina namang buhay ito.

Biglang nag-ring ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking suot na slacks, kinuha ko ito at nakitang ang kaibigan kong si Warren ang tumatawag.

I sighed. Sinagot ko ang kaniyang tawag.

"Dude, shot tayo?" bungad ni Warren sa akin, bigla naman akong napangiti, alam talaga niya kung kelan ako tatawagan at aayaing uminom.

"Dating tambayan?"

"Naman! Sa bar ni pareng Aldrin," naririnig ko ang pagbukas ng makina, mukhang pasakay na siya ng kaniyang kotse.

Inistart ko na rin ang maki ng kotse ko. "Sige, punta na ako agad, salamat, dude, libre niyo ha?" sambit ko, nang marinig kong sasabat niyang hindi nagsalita ako agad at nagpaalam. "Salamat!" natawa naman ako bigla, namiss ko yung ganto, yung puro gaguhan lang kami ng mga kaibigan ko, tumatanda na kami kaya malimit na lang magkasama, akalain mo magkakainuman na naman kami dahil lang kay Eloisa, napapikit ako, ayoko nang masaktan pa.

Kung may problema alak ang sagot.

Tinext ko si Mama at sinabi kong malelate ako ng uwi.

***

Eloi Samantha's Point of View

Napabuntong hininga ako nang maalala ko ang mga sinabi ni Paolo, nakatatak pa rin sa akin, sobrang sakit, I've no idea if he really meant it but regardless if it's true or not, it still broke my heart into pieces.

I closed my eyes and breathe in and out, kailangan kong ayusin ang mental state ko.

Kinuha ko ang mga luggages ko at dinala iyon pababa, bumungad sa akin ni Mama, kuya Ericson at ate Cassandra na nasa sala.

Pinilit kong ngumiti para ipakita sa kanilang okay lang sa aking lumipad pabalik sa US, lalo na kay kuya at ate na against sa utos na ito ni Mama, my siblings smiled at me too.

"I am glad you obeyed me, this is for your own sake, anak," my mom stated, she gestured a hug, ngumiti ako at mabilis na pumunta sa bisig ng aking ina. "Patawarin mo ako dahil kailangan mong maranasan ito, patawarin mo si Mama, ha?" bulong niya sa akin habang hinihimas ang aking ulo, hindi ko na napigilan pang huwag humikbi, tumakas na ang mga luha sa aking mata.

Hindi ko matanggap na sa dami ng tao sa mundo sa amin pa nangyari ito, hindi ko matanggap na kailangan kong maranasan ito, hindi ko matanggap na yung taong mahal ko ay hindi pedeng maging akin, hindi pinayagang maging akin.

Gusto kong sisihin si Papa pero hindi ko magawa. Mas lalo akong naiyak dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Mahal na mahal ko si Paolo, mahal na mahal ko siya, siya iyong unang lalaking minahal ko pero bakit hindi kami pede?

"Ang drama naman, baka malate ka na sa flight mo, Eloi," rinig kong sabi ni Ate, kumalas na ako kay Mama at saka tumawa, sunod ko namang niyakap si ate.

"Dalawin mo ako minsan sa Massachussets, ate, ha, hindi tayo gaanong nagkasama habang nandito ako sa Pilipinas, e," pagbibiro ko, niyakap niya rin ako ng mas mahigpit.

"I will, sasabay ako kay Mama pagsunod niya sayo," she said, that made me smile, I am supposedly going to US with my mother, but she have some things to organized at her business first, si kuya naman ay magsstay talaga dahil siya muna ang magmamanage ng business ni Mama, that's one of the reason why too kung bakit hindi pa ako masamahan ng aking ina, iyon ay dahil kailangan niya munang turuan si kuya for a couple of weeks habang si ate Cass naman ay 2 days ago lang nakapagdesisyon sumama sa akin, wala pa siyang passport kaya kailangan niya muna iyong asikasuhin.

Narinig ko ang pag-whine ni kuya Ericson. "Tss, !ko ba hindi mo yayakapin? Ako yung pinaka hindi mo makikita," aniya na nagpatawa sa akin.

Inalis ko ang pagkakayakap ko kay ate at nag-open arms sa harap ni kuya. "Syempre makakalimutan ba kita, kuya? Payakap?" tanong ko sa kaniya, nakita ko ang ngiti niya at agad naman niya akong niyakap.

"I hope you are doing great, Eloi, you have to, and you will get through all of this," he whispers, napangiti ako nang wala sa oras.

"Thank you, kuya," I said.

Kumalas na siya sa aming yakapan. "Good, ah, may mga bisita ka nga pala, gusto ka raw nilang makita bago ka umalis," sambit ni kuya na nagpakunot sa aking ulo.

Sino naman iyong mga bisita ko?

Naglakad na ako papalabas ng aming bahay, si kuya ang may hawak ng mga luggages ko, at paglabas ko nang pinto, nagulat ako sa pagsaboy ng confetti sa mukha ko.

"Surprise!" a familiar voice shouted, a smile suddenly painted into my mouth.

"Andy..." nang tiningnan ko ang mga kasama niya mas lalo akong napangiti, naluha na rin ako dahil sa halong saya at lungkot.

Saya dahil nandito sila ngayon sa harapan ko, mga taong naging parte ng masayang ala-ala ko sa Craeven. Lungkot naman dahil hindi ko na sila makakasama, I know I will stay permanently in US, with all the complications happened here, it is impossible for my mother to let me come back.

"Oh, bakit ka umiiyak? Lah!" natawa ako sa reaksyon ni Julian kaya pinunasan ko agad ang luha ko.

Nasa harapan ko sina Andy, Japs, Julian, Lance, Warren at Dominic, mayroong mga ngiti sa kanilang mga labi. I will definitely miss them so much.

"Bakit naman may paganito kayo, mas mamimiss ko kayo dahil sa ginawa niyo ngayon," sambit ko sa kanila.

"Si Andy mastermind nito," turo ni Lance kay Andy, tiningnan ko si Andrea at iba naman ang tinuro niya, tiningnan ko ito at itinaas ko ang kilay ko nang makita ko siya.

"Ikaw ba, Dominic," tanong ko sa kaniya, tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay at ngumisi.

He nodded. "Yes, it's me," he said with a smile, I will miss this guy as well.

"Wait, let's stop this turuan game, groupie muna tayo, baka after 10 years na uli natin makita si Eloi, e," suggestion ni Japs.

Kinuha ni Warren ang kaniyang selfie stick at inadjust ito. "Okay, pagkabilang kong tatlo at pagkasabi ko ng say cheese mag-pose na kay一" hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil kay Japs na kinurot siya.

Ang cute talaga nilang dalawa, napangiti ako.

"Magpicture na lang tayo, ang dami mong pauso," natawa kaming lahat dahil mukhang may LQ na naman silang dalawa. "Why are you guys laughing?" mataray na tanong ni Japs, meron ata itong kaibigan kong ito.

For a second nakalimutan ko si Paolo, at dahil iyon sa mga taong kasama ko ngayon, napaka swerte ko dahil I have them.

Niyakap ko sila isa-isa't binulungan ng salamat.

"Mamimiss ko kayong lahat," I said as I opened my arms wide. "Can you all give me a hug?" when I asked that, sabay-sabay nila akong niyakap.

Narinig ko ang hikbi ni Julian at sumunod naman si Japs. I tried to calm them but they cry and cry.

Saktong pagkalma ng dalawa ay paglabas ng kuya ko sa bahay, pinakita siya sa akin ang wrist watch niyo and he mouthed it's time.

"I have to go, guys," sambit ko na nagpakas ng kalungkutan sa kanilang mga mukha.

Niyakap ulit ako ni Andrea. "Promise me, you will still message us, ha?" bulong niya sa akin, tumango naman ako at niyakap siya pabalik.

I hugged them for the last time and bid goodbye, I am afraid to deny that I will really miss them, so much.

Mabigat ang loob kong sumakay sa kotse ni kuya, nakikita ko mula sa kotse ang mga kaibigan kong kumakaway, kita ko rin si Mama at si ate Cass, bigla na lamang may luhang tumulo galing sa aking mga mata, I can't help but cry, hindi ko alam kung makakaya ko pa ba ang buhay sa America after umalis doon, pgakatapos pagbalik ko ay mas wasak ako.

Iniiyak ko na lahat sa kotse, hindi naman ako pinapansin ni kuya, naiintindihan niya ang sitwasyon ko, I am trying to hold it awhile ago, right now, I can't hold it anymore.

Hinayaan kong tumulo ang luha ko ng walang katapusan hanggang sa makarating kami sa airport, ang sakit sa dibdib na pumunta ako sa Pilipinas para magbagong buhay at kalimutan ang pighati na nadama ko sa pagkamatay ni Lola pero babalik ako doon dahil may pighati na namang naganap sa akin habang nandito ako.

I was supposed to be here to be happy but the happiness that I thought would last a lifetime is just a short period of time, it sucks, it sucks just by thinking of it so damn much.

Bumaba ako sa kotse at inalis na ni kuya ang mga luggages ko na nasa trunk, mayroon siyang inabot sa aking panyo.

"Ayokong nakikita kang ganto, Eloisa, ang pangit mo kaya," pinalo ko ang kaniyang balikat dahil sa sinabi niya, sinamaan ko rin siya ng tingin, he smiled and put his hands on my head and patted it. "Forget everything that happened, that's the only way for you to be happy again, I want you to erase all the memories you had while you are a Craeven Academy student, I want you to be happy again, Eloisa, understand?" he said. Marahan akong tumango at ngumiti naman siya.

Napataas ang kilay ko nang makita ko siyang nakatingin sa aking likod, I heard a loud breathing from my behind..

Nanlamig ako dahil sa naiisip ko, could it be him?

I looked at my back.

"Jared?" sambit ko nang makita ko siyang hinahabol ang kaniyang hininga.

"Thanks God..." huminga muna siya ng malalim bago magpatuloy sa pagsasalita. "一naabutan kita," aniya pa.

I am partly disappointed that it's Jared, but I am partly relieved it is not him一because if it was him I don't know what I might do.

"Why are you here, Jared?" tanong ko sa kaniya.

He smiled to me before answering my question, mukhang malayo ata ang tinakbo niya dahil pawis na pawis siya ngayon. "I will now let you go as my first love, Eloisa," sambit niya sa akin. Inilahad niya sa akin ang kaniyang kamay. "But in return, can we still be friends? Oh, that went wrong, I meant, can we now be一officially friends?"

Kinuha ko ang kamay niya at nakipagshake hands. I nodded. "It is my pleasure, Jared."

Hinigit niya ako papunta sa kaniya at niyakap ako ng mahigpit. "Salamat, Eloisa, mamimiss kita."

Jared and I probably didn't end up with each other, nor Dominic and I even Kian and I but at least I know they are now genuine friends and someone I can treasure forever. Kaya mas maganda ang friendship kaysa sa relationship, a relationship has a finish line while friendship has no finish line.

"Hindi ko gustong istorbohin kayo pero malapit ka nang magboard, Eloisa," sambit ng kuya ko kaya nagmadali na akong nagpaalam kay Jared.

"Ingat," huling paalam ni Jared bago siya mawala sa paningin ko.

Now I am really going, I guess?

Tiningnan ko ang labas ng airport.

"Until we meet again," sambit ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad papasok sa loob.

I was nostalgic when I sit in my designated seat, parang noon lang papauwi ako sa US, ngayon naman pabalik na ako doon. Everything went so fast, I want ti to rewind it because it might break me again.

Can I forget him? Can I really forget someone I love? Can I really erased all the memories? Mapa-masaya man o malungkot ayokong kalimutan pero mayroong parte sa aking gusto kong mabura na lang lahat, lalo na iyong mga oras na mayanajg ang mundo ko.

When I landed in the United Stated and called a cab hindi mawala-wala sa isip ko kung paano ko kakalimutan ang taong minahal ko, paulit-ulit ring sumagi sa isipan ko ang lahat, iyong pakikipaglaro ng tadhana sa amin at pananakit nito sa akin.

It's absurd, I want to accept that he only hurt me because he doesn't have a choice but I still can not attain to stop myself from hating him. Nalagpasan sana namin ito ng pareho kung gugustuhin namin, pero inalis niya ako sa frame, napagdesisyunan sana naming pareho kung maghihiwalay ba kami o hindi, pero siya lang ang nagdesisyon na hiwalayan ako, it's unfair. I hate him.

Now, I really want to forget him, kung pede lang sanang malimutan ko na lang siya bigla, ikasisiya ko iyon.

But... I love him. I love him so much, I love Paolo so much!

May luhang pumatak sa aking mata, hindi ko kayang kalimutan niya dahil mahal na mahal ko siya.

Tumingin ako sa kanang bintana ng aking sinasakyan at doon nakita ko ang papalapit na truck sa amin, nanlaki ang mata ko dahil sa bilis ng pangyayar dahil sa isang iglap, nabangga na kami nito at unti-unti nang gumulong ang cab na sinasakyan ko, I could see the broken pieces of glass scattered in the air, I could also hear my breath getting weaker and weaker, palabo na rin ng palabo ang mata ko.

It hurts, I am hurt一

Nagising ako mula sa aking panaginip, hinahabol ko ang aking paghinga, mabilis akong tumayo sa aking kama at pumunta sa kitchen, binuksan ko ang refrigerator at tumungga roon ng pitcher ng tubig.

Huminga ako ng malalim bago nanlambot ang tuhod, napaupo ako sa sahig, I hold my temple. I always have that same dream fir the past few years after the accident, ang panaginip bago ako maaksidente, at ng aksidente, tanda ko pa rin ang pagbangga ng truck sa sinasakyan kong cab, napapikit ako at kinalma ang sarili ko.

"Breathe, Sam, breathe," sambit ko sa aking sarili.

But the accident is not the reason I am having a panic attack it is because of something else.

4 years ago, ang nakaraang sinusubukan kong ibaon sa limot ngunit hindi ko magawa, ay lagi kong napapaniginipan.

Paulit-ulit at walang pasabing pumapasok sa paniginip ko, biglang susulpot at sasaktan ang puso ko.

Sa mata ng mga taong nasa paligid ko ngayon wala akong memorya sa nangyari noon, kaya akala nila okay ako.

My amnesia is just my mechanism of not hearing anything about what happened 4 years ago, and it worked, no one has ever told me what happened but little did they know, I remember it all, I remember every single thing.

Akala nila hindi ko maalala ang dahilan ng paghihiwalay ng aking magulang.

Akala nila hindi ko maalala si Ace na kapatid ko sa ama.

Akala nila hindi ko maalala ang lahat ng nangyari habang nag-aaral ako sa Craeven Academy.

Akala nila hindi kita maalala, pero tandang-tanda pa rin kita, hinding-hindi ko malilimutan kung paano kita minahal, at paano mo naman ako sinaktan, Andrei Paolo Scott.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C60
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login