My Demon [Ch. 55]
Keyr Demoneir's Point Of View
Naglalakad ako mag-isa sa fair ground. May hinahanap kasi ako: babaeng blonde ang buhok, kulot, maliit at saksakan ng pagka-hyper.
Nasaan na ba yung batang yun? Sayang naman ang pinasok ko ngayon kung di ko sya makikita.
May nakasalubong akong lalaki. Hindi ko na sana siya papakialaman nang may mapansin akong nakasabit sa leeg niya─ binoculars.
Nakalagpas na siya sa'kin kaya umikot pa ako at hinila ang uniform niya paharap sa'kin.
Mukhang magmumura pa siya dahil sa ginawa ko, kaso di niya ginawa nang makita ako. "B-bakit?"
"Bigay mo sa'kin yan." Tumingin ako sa binaculars na nakasabit ang tali sa leeg niya.
"B-bakit?"
"Puro ka bakit. Ibibigay mo sa'kin yan o ipupulupot ko yung tali sa leeg mo?"
"Pero kabibili ko lang nito."
Humakbang ako para gawin ang binanta ko sa kanya kanina.
Nataranta naman siya at agad na hinubad ang hinihingi ko, pagkatapos walang anu-ano'y inabot sa'kin.
"Good," nasabi ko nalang habang pinagmamasdan ang bagay na kinuha ko sa kanya. "Sige na, lumayas ka na sa harapan ko."
Sumunod naman siya.
Napangiti ako dahil sa idea na naiisip ko.
***
Mula dito sa fourth floor ng senior building, tinatanaw ko si Soyu gamit ang binoculars.
Mag-isa siyang nakaupo sa bench at kumakain ng chocolate chips habang lumilinga-linga sa paligid. Napakatakaw sa chocolates. Kaya nagiging hyper e.
I set the diopter so that I can see her clearly and in sharpest focus. She's so far yet so close! Ngumunguya-nguya siya. Ang taba talaga ng pisngi. Sakop na sakop ang buong lens nitong binoculars.
Di ko alam kung anong meron sa kanya para maaliw ako tuwing pinapanood ko siya. Para siyang infant na kapag ngumiti though walang ngipin (yung infant!), priceless na priceless.
Tumingin sa kanan si Soyu tapos bumuka ang bibig, nagsasalita. I turned back the diopter para makita rin sa binoculars kung sino ang kausap niya.
Si Johan.
Damn! Palagi nalang ba umeepal ang panget na yan, ha?! Ang ganda na eh! Enjoy na enjoy na ko sa pinapanood ko may umepal na naman! Argh! Hamunin ko kaya ng suntukan yan? Matatalo yan sa'kin tapos matu-turn off sa kanya si Soyu.
Eto namang pandak na 'to walang pinipili. Kahit panget at paepal kinakausap! Kung ako yan, lapitan palang ako ng epal na yan sasapakin ko na agad. Kaasar ampucha! Makikita niyo, pag ako di makatiis sasapakin ko nalang bigla yan.
"Puro ka selos, wala ka namang ginagawa para maging kayo."
Nilingon ko ang taong bigla nalang nagsalita.
"Kelan ka pa naging kabute, Ployj?"
Tipid na ngiti lang ang sinagot niya sa'kin tapos naglakad papunta sa tabi ko. Tinigil ko na rin ang pagsa-sight seeing kay Soyu kasi may panget na siyang katabi na lalong nagpapasama ng pakiramdam ko.
Pakshet lang! Kung nahanap ko lang sana agad si Soyu kanina edi sana ako ang kasama niya ngayon at hindi ang mokong na yan.
Tiningnan ko ulit silang dalawa.
Tawa siya ng tawa habang nag-uusap sila ni Johan pero sigurado akong napipilitan lang siyang tumawa at peke iyon. Kung ako lang talaga ang kasama niya, malamang masaya at kinikilig siya ngayon.
"May kilala ka bang Johan?" tanong ko kay Ployj. Pinapanood ko pa rin sila Soyu through binoculars.
"Bakit?"
"Bugbugin mo. Yung tipong hindi na siya makikilala."
"Ba't hindi ikaw? Passion mo yan, diba?"
"Ayokong magalit sa'kin si Soyu."
"Bakit naman siya magagalit sa'yo?"
Sandali akong natigilan sa huling tanong ni Ployj. Oo nga naman. Ano naman kay Soyu kung gulpihin ko yung kumag na kasama niya ngayon?
"Kasi gusto siya ni Soyu?" dagdag pa niya.
"Walang siyang gusto dun. Sa'kin may gusto si Soyu."
Narinig ko ang mahina niyang tawa. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan!!
"Hindi porket gusto mo si Soyu, gusto ka na rin niya."
I looked at him. "Sa'kin may gusto si Soyu, okay? Pagbuhulin ko kayo ni Johan eh! Pareho kayong epal."
Titingin na ulit sana ako sa binoculars nang may ma-realize ako.
"Teka, pa'no mo nakilala si Soyu? Wag mo sabihing katulad ka rin ni Johan na may gusto sa kanya?" Nilapag ko muna ang binoculars sa railings bago siya tinulak sa dibdib.
Instead of feeling anger, he smiled amusely.
"Hindi kasi siya ang bukam-bibig mo," sarkastikong sabi niya.
Madalas kong ma-kwento si Soyu kay Johan, pero malay ko ba na nakikinig ang mokong. Hindi naman kasi siya umiimik. Mukha siyang hindi interesado kaya nga nagulat ako kanina nang banggitin niya ang pangalan ni Soyu lalo na doon sa sinabi niyang, "Hindi porket gusto mo si Soyu, gusto ka na rin niya".
Wala naman akong natatandaan na umamin ako sa kanya na may gusto ako kay Soyu. Siguro kasi bukod kay Jia, si Soyu palang ang babaeng nai-to-topic ko.
"Ligawan mo na. Baka maunahan ka pa ng iba," he adviced. So unhim.
"Is that really necessary?"
He nodded. "If you really are serious with her, then you must."
Liligawan ko si Soyu. Kapag nanliligaw may possibility na ma-basted, diba? Pucha. Bakit ba kasi naimbento pa yang basted na yan. Pwede namang kapag niligawan mo, magiging kayo na for sure. Hindi na pwedeng tumanggi ang babae o mang-basted lalo na kung ganito kagwapo ang manliligaw. Naligawan ko na eh. Sayang naman kung mapupunta lang sa wala ang effort ko.
"Marunong ka ba? Turuan mo naman ako." Sakanya pa talaga ako nagtanong e isa rin 'tong may allergy sa babae.
"Di mo na kailangan magpaturo," sabi niya. "Do something than can make her feel very special, not because you are courting her but because she really is."
Napaisip ako sa sinabi niya. He was right! Ipapakita ko kay Soyu how important and special she is to me, pero hindi ko gagawin iyon dahil sa nililigawan ko siya. Kundi dahil sa importante at espesyal talaga siya saakin.
Nagpasalamat ako sa kanya kasi ang ganda ng advice niya sa'kin na ang hirap paniwalaan na sa kanya mismo nanggaling.
Nagkamayan kami.
"Ang init mo, pare," aniya.
"Cause I'm hot."
"I'm cool."
Nginisian ko nalang siya. Kinuha ko ulit ang binoculars tapos tumingin na naman kay Soyu. Ha! Tingnan lang natin kung sino ang mas pipiliin niya between Johan and I.
Nilabas ko ang phone ko and dialled her number. I pressed my phone against my ear then glanced at her with the help of binoculars.
Kinuha niya ang phone niya mula sa bulsa ng skirt niya. Tinitigan niya ang screen.
Sige lang, Soyu! Patagalin mo pa para kunware hindi ka excited na makausap ako. As if naman na hindi kita nakikita.
Nagsalubong ang mga kilay ko nung tumigil ang pag-ring. Fuck! Did she just ignore my call?!
Hindi niya binitawan ang phone niya tapos balik na naman sila sa pag-uusap ni Johan.
Sige lang talaga, Soyu! Mas piliin mo yang mokong na yan! Makikita mo, hindi na sisikatan ng araw yan.
Tinawagan ko ulit siya kaso binaba na naman niya. Nakailang attempt akong tawagan siya pero palagi niyang pinapatay.
Ganyan ka pala kapag kasama yang Johan na yan. Ayaw mong magpaistorbo. Fine! Hindi na kita iistorbohin. Magsama kayong dalawa!
Sa inis ko binato ko ang binoculars. May narinig akong napasigaw pero hindi ko pinansin.
Lalong sumama ang pakiramdam ko. Paano ako gaganahang ligawan at paghirapan ka kung ngayon palang ganyan na ang nakikita ko? Nakakapanghina ng loob.