Baixar aplicativo
64.55% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 51: Chapter 50

Capítulo 51: Chapter 50

My Demon [Ch. 50]

 

After class, dumiretso ako sa faculty dahil doon ako pinapunta ni Ma'am para mag-take ng long quiz na na-miss ko kanina. But before that, nagpasalamat ako kay Demon sa text.

"Salamat po, Ma'am."

"Oo na. Pang-ilang sabi mo na yan?"

Natawa ako ng mahina.

Paglabas ko ng Faculty Room, nagulat ako kasi nakita ko si Johan. Nakatayo siya habang nakasandal sa wall. Nagce-cellphone at may earphone na nakapasak sa tenga niya.

Nilabasan ko ang phone ko para tingnan ang oras. 3PM na. Pero wait, nagtext si Demon.

From: My Demon

Good luck.

 

Napangiti ako. Sayang ngayon ko lang nabasa. Edi sana lalo akong ginanahan kanina bago ako magsagot ng questionaire. Char!

Binulsa ko na ulit yung phone ko at nilapitan si Johan. Kinalabit ko siya na kumuha ng atensyon niya.

He flashed a smile tapos tinanggal ang earphone sa tenga niya.

"Bakit nandito ka pa? Kanina pa uwian ah," sabi ko sa kanya.

"Inaantay kita eh."

"Huh? Bakit naman?" Mabilis akong nag-isip ng dahilan kung bakit niya ako inantay. "Ah, magka-group nga pala tayo sa English. Ngayon na ba tayo gagawa?"

"Hindi," sagot niya, half laughing. "Hinintay kita kasi─ wait, pwede ka ba ngayon?"

"Saan? Ano at bakit?"

"Sa bahay, may lakad kasi yung sister ko and walang mag-aalaga sa baby niya kaya dinala niya sa bahay. She texted me. Hindi kasi ako marunong makipaglaro sa bata. Baka ma-bore yung baby at umiyak ng umiyak. Yun. Ikaw ang unang naisip ko na pwedeng makipaglaro sa baby ng sister ko," paliwanag niya. "Kung okay lang naman sa'yo.

"Ah, isasama mo ko sa bahay niyo para may clown yung baby ng ate mo?" I joked.

He chukled.

"That's not what I mean. Babawi ako, promise."

"Talaga? Babawi ka? Kahit ano?"

He raised his hand na parang nagpapanatang makabayan. "Promise."

"Sabi mo yan, huh?" I grinned from ear to ear.

"Oo naman. Ikaw pa." Ngumiti na naman siya. Aww. So cute!

Nagpunta kami sa bahay nila Johan at nagtrabaho ako bilang clown. De, joke lang. Nag-enjoy din naman ako sa 3 years old baby. Ang cute cute niya kaya! Hihi! Ang taba at ang rosy ng cheeks.

Sabi ni Johan, hindi daw siya marunong makipaglaro sa bata. Weh? Ang kulit kulit niya nga eh. Katulad ngayon, naglalaro sila ng "Horsy Horsy" (ayon kay Jingle. Yung baby niyang pamangkin).

Nakasakay sa likod ni Johan si Jingle.

Nakatulog na si Jingle. Dahil na rin siguro sa pagod sa paglalaro. Nag-offer si Johan na sa kanila na ako mag-dinner. Grasya na e, tatanggihan ko pa ba? Hahaha.

Habang magkasama kami ng ilang oras, may napatunayan ako: crush ko pa din siya. Pero hanggang doon lang talaga iyon. Hindi na pwedeng lumevel up pa katulad ng nararamdaman ko kay Demon.

Gusto ko si Demon at lalong tumitindi ang nararamdaman ko sa kanya araw-araw pigilan ko man o hindi. Ganyan kalakas ang spell ng lokong yun.

After that dinner, di ko na sinabi na kailangan ko ng umuwi dahil mismong si Johan na ang nag-decide na ihatid na ako pauwi dahil gabi na daw.

"Salamat, Johan. Sa paghatid," sabi ko nang makalabas ng kotse.

"No, I thank you. Sana maulit pa. Nag-enjoy si Jingle... at ako." He smiled.

I smiled back. Umatras ako para isara ang pinto tapos kumaway.

Hindi naman tinted ang kotse niya kaya malaya kong nakita ang pagkaway niya sa'kin pabalik.

Hinintay ko muna na mawala sa paningin ko ang kotse ni Johan bago nagpasyang pumasok ng bahay. At pagkapasok na pagkapasok ko, halos mabitawan ko at sumabog sa mukha ko ang chocolate popcorn na binili sa'kin ni Johan. Pa'no, may bruhong nagsalita.

"Uwi ba ng matinong babae ang ganitong oras?!" Kilala niyo na siguro kung sino siya.

"Bakit ka nandito?! Ikaw ha! Pumapasok ka nalang dito ng basta-basta."

"Wag mong iniiba ang usapan! Bakit ngayon ka lang?" Naka-cross arms pa siya habang nakasandal sa dingding. Akala mo striktong tatay.

"Makapagtanong ka parang tatay kita. Atsaka, maaga pa kaya. Feeling mo hatinggabi na?" Tinaasan ko siya ng kilay at umupo sa sofa. Binaba ko muna yung popcorn saka nagtanggal ng sapatos at medyas.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa malumanay na boses di tulad ng kanina.

"Oo, pinakain na ko ni Johan sa kanila."

"Ni Johan?"

Tumango ako. "Siya nga din bumili nito o." Tinuro ko yung popcorn na nasa gilid ko.

"Akala ko yung kaibigan mong maharot ang kasama mo. Lalaki pala." Nanlulumo siyang umupo sa sahig at sinandal ang likod sa dingding.

"Ano bang problema mo?"

"Wala!" padabog na sagot niya. "Nagpakagutom lang pala ko sa wala."

"Nagugutom ka?" Parang ang hirap namang paniwalaang nagugutom siya. Ang bossy bossy kaya niya! Kayang-kaya niyang mang-utos sa kahit kanino na ipagluto siya. Gamitin niya lang ng angas at tapang talent niya e. Samahan pa ng pagbabanta at pananakot.

Tumayo ako at nilapitan siya.

Nakayuko siya sa sahig, nakatupi ang isang binti at nakapatong doon ang siko niya.

Weird. Nakaupo siya sa sahig ngayon na dati ay hinding-hindi ko ma-imagine na magagawa ng napakaarteng siya.

"ANO NA NAMAN BA YUN?" singhal niya nung hahawakan ko sana ang tiyan niya.

Kalma lang, Soyu. Gutom yan kaya mainit ang ulo. Isa pa, wala kang laban diyan.

"Titingnan ko lang naman kung totoong gutom ka na e," katwiran ko.

"Niloloko lang kita. Hindi ako gutom," malamig na sabi niya at tumayo.

Wala na. Mas matangkad na naman siya sa'kin. Okay na nga yung nakaupo siya habang ako nakatayo e. Tumayo pa. Hmp!

"Weh?"

"Oo nga! Di nga sabi ako gutom!" Nilagpasan niya ako.

"Di nga? Eh bat lalo kang naging masungit na masungit ngayon?"

Umikot siya at binalikan ako. "HINDI NGA SABI AKO GUTOM! HINDI KO TINAWAGAN ANG CHEF KO NA HUWAG NA KONG IPAGLUTO DAHIL SA'YO AKO MAKIKIKAIN! HINDI KITA HININTAY DITO NG ILANG ORAS PARA MATIKMAN ANG LUTO MO! AT HIGIT SA LAHAT, HINDI AKO NAGPAKAGUTOM PARA LANG MAKASABAY KANG KUMAIN! HINDING-HINDI!─" Natigilan siya dahil sa tunog ng tiyan niya.

Aguy! Hindi daw siya gutom huh?

Napahawak siya sa tiyan niya at umiwas ng tingin.

"Sarap niyong pag-umpugin ni Johan," sabi pa niya bago tumalikod. Nagsimula na ulit siyang maglakad palabas ng bahay.

"Sandali!" pigil ko sa kanya. Ngunit patuloy pa rin siya sa paglalakad.

"Demon, bumalik ka dito!"

Lakad pa rin siya ng lakad hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng bahay. Hindi pa sinara ang pinto. Kunyare pa siya, gusto lang magpahabol e.

"Demon, ipagluluto kita," sabi ko na siyang ikinatigil niya.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C51
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login