Baixar aplicativo
58.22% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 46: Chapter 45

Capítulo 46: Chapter 45

My Demon [Ch. 45]

 

"Alam mo ba?"

"Ay, demonyo!" Nagulat ako sa biglang sulpot ni Kuya Kyle. Panira ng pagsesenti!

"Nice. Iniisip niya kapatid ko," sabi niya. Umupo siya sa tabi ko.

"Kapag demonyo si Demon agad?"

"Si Demon─ I mean, si Keyr lang ba ang kapatid ko?"

Shoot. Oo nga naman. Hindi lang si Demon ang kapatid niya, nandyan din si Khaisler. Masyado kang napaghahalataan, Soyu!

By the way, kakatapos lang namin mag-dinner. Remember may deal kami ni Demon na siya naman ang manglilibre ngayon? Well, hindi natuloy kasi tumawag daw ang Mommy niya at sinabing dito sa bahay nila mag-dinner. 

Base din kay Demon, pinapasama din daw ako ng Mommy niya sa kanila at saluhan silang mag-dinner.

Kinausap ni Tito Romeo si Demon sa office niya. Sinabihan pa ako ng prinsipe niyo na wag akong uuwi at kailangan sabay kaming umuwi or else...

"Alam mo na ba?" tanong ulit ni Kuya Kyle.

"Yung alin?"

"Si Keyr."

"Kuya Kyle," tawag ko sa pangalan niya.

Tiningnan ko siya na nagsasabing, "ayaw sabihin ng diretso?"

Tumawa siya. "Didn't you notice how my brother Keyr softens everytime his gaze shifted on you?"

"Huh?"

"You have the power to sooth the hot-tempered him," he added.

Hindi ako nakasagot. Basta nakatingin lang ako sa kanya habang iniintindi ang bawat salitang binitawan niya.

"Balik na ko sa loob," aniya. "Good luck sa pagmumuni-muni mo diyan." At iniwan na niya akong mag-isa, nakatulala at nag-iisip.

Kinausap lang ba niya ako para lalong pabaliwin sa kakaisip? Waaah!

***

Pinagpiyestahan na ng mga lamok ang mga binti ko kaya naisipan kong bumalik sa loob. Sakto naman pababa na ng hagdan ang mag-ama. Nag-uusap pa sila habang bumababa. Mukhang good vibes silang dalawa ah. Ano kayang pinag-usapan nila?

"Bye, Soyu. Mag-iingat kayo pauwi," bilin ni Tita Juliet nang magpaalam na kami sa kanila. Hinatid nila kami hanggang sa gate.

"Opo, thank you po."

"Keyr," tawag ni Tito Romeo sa anak niya. "Yung pagmamaneho mo."

"Yeah," sagot naman ni Demon. Naka-poker face pa.

"Yung pagmamaneho mo daw, Demon. Ayusin mo," paalala ko sa kanya.

Nagsimula na kaming maglakad.

Bago pa man kami tuluyang makalayo sa kanila, narinig ko ang sinabi ni Tita Juliet na, "Did she just call my son a Demon?"

"Lagot ka sa mommy ko," sabi pa ni Demon malapit sa tenga ko sabay akbay sa'kin.

At dahil nga sa pabebe akong nilalang, inalis ko yun at siniko siya.

Maaga pa naman daw kaya tumambay muna kami sa playground dito lang sa village nila. Pareho kaming nakaupo sa swing bench. Wala naman kaming importanteng pinag-uusapan. More like, nag-aasaran kami. Inaasar niya ko. Hmp.

Tulad ngayon, panay ang usog niya. Syempre uusog ako. Pero hindi siya nagpapatalo kahit naiipit na ko.

"Ano ba, Demon! Wag mo nga kong gitgitin!" reklamo ko sa kanya habang tinutulak siya. Argh! Hindi ko siya matulak palayo. Tinitibayan niya kasi ang katawan niya.

"Ikaw 'tong layo ng layo e," katwiran pa niya.

"Eh lapit ka ng lapit eh! Usog ka nga dun!" Tinulak ko ang braso niya kaso talagang nagmamatigas siya.

"Bakit ba! Bakit ba layo ka ng layo kapag lumalapit ako? Ayaw mo ba sa'kin?"

Natigilan ako sa pagtulak sa kanya dahil sa sinabi niya. Ako lang ba o talagang may ibang meaning?

Nagkatinginan kami hanggang sa pinisil niya ang ilong ko. "Nanahimik ka?" tanong niya pa.

"Ano ba!" daing ko. Inalis ko ang kamay niya sa ilong ko. Nakaupo na kami pero nakayuko pa rin siya sa'kin at ako naman ay nakatingala sa kanya. Hindi na ba pwedeng magbago yun? Psh.

"Ang sikip sikip dito sa pwesto ko eh. Usog ka na dun," pagmamakaawa ko na sa kanya.

Sa wakas, umusog na rin siya. Yun nga lang, tangay-tangay ako. Oo, nakahawak siya sa braso ko at hinihila ako habang umuusog siya ng upo. Diba? Para siyang ewan. Kung hindi lang talaga siya si Demon, iisipin ko na gusto niyang magkalapit kami kasi may gusto siya sa'kin. Kaso dahil nga siya si Demon, alam kong sinasapian na naman siya ng kung anong espiritu kaya siya nagkakaganyan.

"Soyu." May kakaiba sa pagtawag niya ng pangalan ko ngayon. Yung boses niya ngayon ay husky, sweet at. . . at. . . at nakakainlove. Waaah! Demon! Wag kang gumanyan, puhlease!

"Nagka-boyfriend ka na ba?"

"Huh?" Hindi ko talaga expected na makakapagtanong siya tungkol sa ganitong bagay. Si Demon siya eh: ang kadalasang lumalabas sa bibig niya kundi panglalait at pang-aasar sa'kin.

"Hindi pa. Bakit?"

Naglaho ang seryoso kong expression nang nagpakawala siya ng tawa. Napakalakas na tawa.

"Hahahaha! I knew it! Sa itsura mong yan walang ibang magkakagusto sa'yo. Hahahaha."

"Naman ih!" Sinuntok ko siya sa braso. Siya naman patuloy pa rin sa pagtawa na parang wala ng bukas. "Ang yabang mo! May nagtangka rin naman na manligaw sa'kin noon."

Tawa pa rin siya ng tawa. Sabi na e, napaka-imposible para sa isang taong katulad ni Demon ang makapag-open up ng ganung klaseng topic nang walang kasamang pang-iinsulto.

 

"Ano buhay ka pa?" tanong ko sa kanya matapos niya tumawa.

Mahinang tawa lang ang sinagot niya.

"Bakit ikaw, nagka-girlfriend ka na ba?"

"Bakit mag-a-apply ka?"

"Feeling much!" Inirapan ko siya ng pabiro at sumandal sa swing bench na kinauupuan namin.

Ilang segundo ang lumipas sumagot siya, "Wala."

This was my time to take the revenge. "Hahahahaha! I knew it! Sa ugali mong yan walang ibang magkakagusto sa'yo. Hahahahaha!"

Tawa ako ng tawa. Wala na kong pakialam kahit anong sama ng tingin ang itapon niya sa'kin. Hohoho! Kala niya, huh!

"Walang iba? So you mean except for a certain person, wala ng ibang magkakagusto sa'kin?" Napahinto ako sa sinabi niya. At lalong tumigil ang mundo ko sa sumunod niyang sinabi. "Is a certain person. . . is you?"

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa di malamang dahilan. Natatakot din, siguro dahil sa pagkakaakalang alam niya na nagugustuhan ko na siya? Ewan. Hindi ko talaga alam.

He smirked. "You like me. Admit it."

Hindi ako makapagsalita. Bumuka lang ang bibig ko pero wala ni isang salita ang lumabas.

"I'll count one to three. Kapag wala ka pang nasabi, it's confirm. Ibig sabihin gusto mo talaga ako." Kung kanina naka-smirk lang siya, ngayon nakangiting demonyo na rin siya.

"Isa"

Gaano man kalaki ang kagustuhan kong magsalita, ayaw makisama ng bibig ko. Litsi! Ano na bang nangyayari sa'kin?!

"Dalawa."

Hindi pa rin ako makapagsalita. Tumaas ang sulok ng labi niya in a way na nasa kanya ang huling halakhak.

Tumingin ako sa paligid at . . . ting! Gumana ang utak ko. Ang galing talagang tumiming ng katawan ko. Hihi!

"Tat─"

"Ikaw din naman ah!"

Natigilan siya at kumunot ang noo na wari'y naguguluhan sa sinabi ko.

"Gumamit ka rin ng "walang ibang magkakagusto sa'yo". Baka ikaw ang may gusto sa'kin."

Nanlaki saglit ang mga mata niya tapos maya-maya lang . . . namula . . . namula yung . . . waaaaah!!! SI DEMON! NAMUMULA ANG PISNGI! OMG! OMG! NAGBA-BLUSH SIYA!

"Waah! Demon, namumula yung pisngi mo! Ayieee~ Nagba-blush ka rin pala? May gusto ka sa'kin, 'no?" asar ko na sinundan ng maraming tawa.

Nakakatawa lang talagang isipin na ang katulad ni Demon ay may ganitong emosyon din. Pero teka, diba sobrang bihira lang mag-blush ang lalaki? At nangyayari lang yun kapag...

Natigilan ako sa pagtawa at tumingin sakanya. Nakatingin din siya sa'kin. Seryoso.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang magsalita siya.

"Pa'no kung sabihin kong oo?"


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C46
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login