Baixar aplicativo
48.1% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 38: Chapter 37

Capítulo 38: Chapter 37

My Demon [Ch. 37]

 

Keyr Demoneir's Point Of View

 

"Kuya, si Soyu?" bungad sa'kin ni Khaisler pagkarating ko sa living room. Nakaupo siya sa settee habang nanonood ng TV at may popcorn in bowl na nasa lap niya. "Atsaka, himala, ang aga mo umuwi."

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad. Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad kong binagsak ang sarili ko sa kama. Pumikit ako at hinilot ang sentido kong kanina pa sumasakit dahil sa kakaisip.

Kamusta na kaya siya? Nasugatan kaya siya? I didn't mean na matulak siya. Argh! Nakakaasar! Ayokong nadadapa siya pero ako ang may dahilan ng pagkadapa niya kanina. Gusto kong ako lang ang tutulong at sasalo sa kanya tuwing madadapa siya pero si Johan ang gumawa kanina. Umpisa palang 'to, hirap na hirap na ako.

Paano nalang yun? Nilalayuan ko siya para sa safety niya, pero parang nilalapit ko rin siya sa kaaway ko─ sa karibal ko. Ganun din, talo pa rin ako.

Aish! Hindi ko na alam! At mas lalong hindi ko alam kung paano ako napasunod ng baklang kaibigan ni Soyu. Bakit ko nga ba sinusunod ang payo ng baklang yun, ha?!

Makapagbihis na nga lang muna.

Bumangon ako at hinubad ang polo ko, naglakad papunta sa walk-in closet at kumuha ng damit. Hindi pa ko nakakapagbihis, tumunog na ang phone ko. Di ko pa sana muna papansinin pero parang may kung anong tumutulak sa'kin na buksan ang message.

Sinampay ko muna sa balikat ko ang black shirt na kinuha ko sa walk-in closet at nilabas ang phone ko mula sa bulsa ng pants ko. Pagkabukas na pagkabukas ko ng MMS, natigilan ako sa picture na naka-attach.

"Shit!" I cursed under my breath. Binulsa ko uli ang phone ko, nagmadaling magbihis at agad na lumabas ng kwarto ko. Halos talunin ko na ang second floor pababa sa sobrang pagmamadali.

"Kuya, san ka pupunta?" tanong ni Khaisler at ramdam kong sinusundan niya ko ng tingin. Again, hindi ko siya sinagot.

Nagdire-diretso lang ako papunta kung saan ko pinarada ang motorbike ko. Damn! Nangyari na ang kinatatakutan ko.

Pagka-start ko ng engine, pinaharurot ko na ang motor ko. Mabilis ang pagpapatakbo ko, wala na kong pakialam kung mahuli man ako. Basta kailangan kong mapuntahan agad-agad ang adress na nakalagay sa MMS.

Humanda sila! Humanda talaga ang kung sino mang gumawa nun kay Soyu!

***

"Soyu," mahinang banggit ko sa pangalan niya.

Kung kanina nanghina ako nang makita ko ang picture niyang nakahiga sa sahig at walang malay, mas nanghihina ako ngayon na makita siya sa ganyang sitwasyon nang harapan.

For the eighteen years of my existence, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng panghihina sa katawan. Yung gustong-gusto mong kumilos pero hindi mo magawa dahil nanginginig ang mga tuhod mo.

Naisara ko nalang ang kamao ko habang nangigigil sa galit. Kung sino man ang may gawa nito, hinding-hindi ko patatahimikin!

Matapos makakuha ng lakas, agad akong lumapit sa kanya. Nasa abandoned warehouse kami. Pagkarating ko dito kanina walang ibang tao bukod kay Soyu. Siguro mga nagsialisan na sila matapos akong padalhan ng MMS.

Lumuhod ako at inangat ang ulo niya. "Soyu," panay ang banggit ko sa pangalan niya habang tinatapik-tapik ang pisngi niya. Gusot-gusot at may bahid ng dumi ang uniform niya. Sandali ko ring napansin ang bag niyang nakakalat sa sahig. Halatang hinagis iyon.

"Soyu, gumising ka, please." Binuhat ko ang bewang niya at niyakap siya.

Naramdaman kong gumalaw siya kaya nilayo ko siya ng kaunti. Nakapulupot pa rin ang braso ko sakanya at hawak ng isa kong kamay ang likod ng ulo niya.

"Ang sakit. Demon, ang sakit," umiiyak na sabi niya habang nakahawak sa bandang sikmura niya.

"Sshh." Niyakap ko siya ulit dahil sa tatlong dahilan: para pakalmahin, para hindi ko siya makitang umiiyak, at dahil gusto ko.

Niyakap niya ko pabalik kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sakanya, para na rin pakalmahin ang sarili ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Pagsisisi at sobrang galit.

Nagsisisi dahil sinunod ko ang payo ng baklang yun, at sobrang galit sa mga gagong nasa likod nito. T@ng i*@, malaman ko lang talaga kung sino sila...

Ang dami kong gustong tanungin kay Soyu tungkol sa nangyari pero mukhang di niya kayang mag-kwento. She was so scared so I chose to keep silence hugging her securingly, making her feel I'm always here to protect her. Pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ulit ito mangyayari sakanya.

Hinimas ko ang likod niya at hinalikan siya sa ulo. Maya-maya, nasagip ng mata ko ang isang pirasong papel na sa tingin ko ay nahigaan ni Soyu kanina.

Without breaking our position, pinulot ko ang papel at binasa.

Patikim palang ito, Keyr Demoneir Fuentalez! You know who I am. Pakisabi naman dyan sa iniibig mo "Magkikita pa kami!" See you guys soon... :)

 

Nilikot ko ang papel at hinagis kung saan para hindi na mabasa pa ni Soyu. Sa dami ng mga nakaaway ko, hindi ko alam kung sino ang nasa likod nito. And the only thing I know right at this moment is that I can't distance myself from this special girl of mine. I have to keep her safe to keep myself stable too.

Nang medyo okay na siya, dinala ko siya sa pinakamalapit na clinic.

"Napa'no po ba yan kaya sumakit? May nakain po ba kayo na hindi nagustuhan ng sikmura niyo?" tanong ng nurse.

Nang tumingin ako kay Soyu na katabi ko, yumuko siya at kitang-kita ko ang pagpatak ng mga luha niya. I held her shoulder and squeezed it lightly, assuring her I'm here at her side and no one can mess with her without messing with me first.

Mukhang naintindihan ng nurse ang sitwasyon dahil tumango-tango siya habang nakatingin sa'kin. After niyang check-up-in si Soyu, pinainom niya ito ng pain reliever.

Hinatid ko si Soyu pero nagpababa na siya hindi pa kami nakakarating sa bahay nila. Ang baliw niya talaga. Na-trauma na siya lahat-lahat, nag-iinarte pa. Pero sa totoo lang naninibago ako sakanya ngayon though alam ko naman ang dahilan. Napakatahimik niya kasi at hindi hyper, ayun ang bago dun.

"Demon, pwede bang wag na 'tong malaman ni Mama?" pakiusap niya pagkaabot sa'kin ng helmet. "Ayoko kasing malungkot at mag-alala siya."

At ayoko ring nakikita ka ng ganyan kalungkot.

Tumango-tango ako. "Naiintindihan kita."

"Sige, ingat ka."

Tss. Ako pa talaga sinabihan nya ng ganyan, sa loob loob ko.

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad. May nakalimutan akong sabihin kaya hinila ko agad ang braso niya paharap sa'kin.

She gave me a query look.

"I'm sorry."

Kumunot ang noo niya at nakikita ko ang pinaghalong pagtataka at pagkagulat sa mga mata niya. Pagtataka kung bakit ako humihingi ng tawad, at gulat dahil ngayon niya lang narinig na sabihin ko yun. Maski ako nagulat. Ngayon ko lang ata muling nailabas mula sa bibig ko ang  salitang iyon.

"If only I did not push you away and distance myself to you, nothing's bad gonna happen. I'm so sorry for that."

She flashed a weak smile before saying, "Wala kang kasalanan."

"Hindi ka galit sa'kin?"

"Di ako magagalit sa'yo." Ewan ko, pero napangiti ako sa sinabi niya. Palagi ko siyang inaasar, sinusungitan at pinagtitripan, and still, hindi daw siya magagalit sa'kin. How fortunate I am?

"Talaga?" paniniguro ko na may ngiting naglalaro sa aking labi.

Tango lang ang sinagot niya.

"Yakapin mo nga ako kung tunay yung sinabi mo."

And finally! Ngumiti siya! Not a weak smile unlike what she had smiled earlier, she just flashed a  sweet-angelish smile of her─  the only smile that can weakened and mesmerized the tough me.

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako sa bewang. Lalo akong napangiti at niyakap siya pabalik. Wala na akong pake kung may mga taong nakatingin sa'min. I love this feeling of being so close to her and I knew this would end any seconds by now, so I must have enjoy it.

"Thank you, Demon. Sinave mo na naman ako kahit galit ka sa'kin. Akala ko talaga..." Ayan umiiyak na naman siya.

Hinaplos ko ang buhok niya at mas hinigpitan ang yakap sakanya. "Di ako galit sa'yo. Hindi rin totoo ang mga sinabi ko. Sorry," I uttered then rested my chin against the top of her head.

Tumingala siya at tiningnan ako. "Bati na tayo?" Puno ng pag-asa ang mga mata niya though bakas pa rin dito ang trauma dahil sa nangyari.

"Kelan ba tayo nag-away?" balik tanong ko.

"Palagi." She chuckled, pati ako natawa ng mahina.

"Sige na, umuwi ka na." I released her at inayos ang buhok niya. "Ayaw mo ba talagang magpahatid hanggang sa bahay niyo?"

Umiling-iling siya. "Salamat," ang huling sinabi niya bago tumalikod at umalis.

Hinintay ko muna na mawala na sa paningin ko si Soyu bago sumakay sa motorbike ko at nagtungo sa Police Station. Ngayon lang ako magpupunta doon na ako ang magrereklamo at hindi ako ang nirereklamo, to be honest.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C38
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login