Baixar aplicativo
30.37% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 24: Chapter 23

Capítulo 24: Chapter 23

My Demon [Ch. 23]

 

"Oy, san mo ko dadalhin?" tanong ko kay Demon. Paano sa ibang way kami dumaan. Nasa loob na kami ng village nila pero hindi kami dumaan sa mismong dinadaanan ng driver nya.

"Magsh-shortcut ba tayo?" tanong ko pa.

"Hindi," ang tanging sagot nya. Ni hindi manlang pinaliwanag kung saang lupalop kami pupunta. Talaga naman!

Hindi na ko umimik. Kahit saksakan ng pagkasungit ang taong 'to, may tiwala naman ako sakanya.

Huminto kami sa Ice Cream Parlor. Sya nalang daw mag-isa ang bibili ng ice cream kaya hindi na nya ako pinababa ng motor. Oo, para lang naman akong bata na iniwan ng ama sa motor. Naka-stand naman iyon kaya hindi matutumba. Nakapang-babaeng upo-sa-motor ako ngayon. 

Nakatingin lang ako sa glass door ng Ice Cream Parlor at inaantay syang lumabas.

Sa ilang minutong pag-aantay, natanaw ko sya sa loob na nakapila sa counter. Hindi lang yun, sya pa ang pinapauna ng mga babaeng nakapila din. Kakaiba talaga kapag gwapo. May special treatment.

"Ang yabang nung lalaki pota. Baka kapag sinapak ko yan, di sya makapalag." Nakuha ng dalawang lalaking kalalabas lang ng Ice Cream Parlor ang atensyon ko.

"Oo nga. Akala mo kung sinong gwapo." Lumingon silang dalawa at tinapunan ng tingin... si Demon na nagbabayad sa counter.

Kahit saan talaga lapitin ng away ang lalaking yun. But wait, ano ulit ang sinabi ng isang lalaki kanina? Baka kapag sinapak nya si Demon, hindi makapalag? Wow, ha! Tignan lang natin. Kawawa nga sila kung sakaling narinig ni Demon ang sinabi nyang iyon. Another action na naman. Weee!

Nang madaanan nila akong nakaupo sa motorbike ni Demon, ngumiti sa'kin ang isa sakanila. Yung nagsabing, "Oo nga. Akala mo kung sinong gwapo."

Ngumiti sya sa'kin at siniko yung kasama nya. Ayt, nagandahan ata sa'kin. Haha!

Nginitian ko din sya at nagpa-cute. Minsan lang ata may makapansin sa cuteness ko. Hoho!

"Pare, ang cute nung bata, oh!" sabi pa nya habang sinisiko ang kasama nya at inuutusang tumingin sa direksyon ko.

Automatic na nawala ang ngiti ko sa labi. Bata talaga? Mukha ba talaga akong bata? Dalaga na nga ako eh. Pout.

"Oo nga," pagsang-ayon naman ng isa. "Hello!" Kumaway-kaway pa sya sa'kin habang naglalakad sila ng medyo mabagal.

Hindi ako ngumiti. Naka-pout lang ako.

"Pota, pare, may nakalimutan ata akong bilhin." Huminto yung lalaking unang nakapansin sa'kin at hinalungkat ang eco bag na hawak nya.

"Ano, may nakalimutan ka?"

"Oo, pare. Yung magnium na pinapabili ng syota ko. Nalimutan ko."

Kumaway uli sa'kin yung isa bago sila umikot para bumalik sa ice cream parlor.

Sumilip ako sa loob, papalabas na si Demon habang yung dalawa naman ay papasok. Ayos! Magkakasalubong sila! Tignan lang natin kung kaya nilang labanan si Demon. Wahahaha! I'm sooo excited!

Sinusundan ko ng tingin si Demon habang parang model na naglalakad papalabas. May hawak rin syang eco bag na may printed signature ng Ice Cream Parlor.

Hindi ko masisisi ang dalawa kung bakit nila nasabihang mayabang si Demon. May yabang naman kasi ang dating nya. Mula sa mukha, sa kung paano sya tumayo at sa lahat ng kilos na gawin nya: in all aspects. Yung tipong parang pagma-may ari nya ang lahat.

Sa point of view ng mga lalaki, nakakainis dahil malamang naiinggit sila. Pero sa point of view ng mga babae, nakakadagdag gwapo at napaka-astig tignan.

Sige na, hindi na ko magiging in-denial sa pagiging gwapo ni Demon sa lahat ng aspeto. 

Ayan na. Magsasalubong na silang tatlo. Hindi ko alam kung saan nakatingin yung dalawa kasi nakatalikod sila sa'kin. Si Demon naman, diretso lang nakatingin.

Punong-puno na ko ng thrill sa katawan. Gee gee gee! Ayan na talaga! Panigurado magkakabungguan sila dahil wala ni isa ang umiiwas ng lakad. Pataasan sila ng mga pride. Nagmamatigas din yung dalawang lalaki. Oh well, asa naman sila na mapapaiwas nila ng daan itong si Demon.

Napakapit ako sa skirt ko nang kaunting-kaunti nalang mabubunggo na nila ang ating siga, si Demon.

Akala ko talaga makikipag-matigasan sila kay Demon. Pero hayun! Lumiko sila pareho ng landas. Yun bang nag-give silang dalawa para makadaan si Demon sa gitna nila.

Wow, ha? Kung makapagsabi sila ng mayabang kay Demon ng patalikod parang kaya nilang labanan. But look the two of them, ni hindi mabangga si Demon. How nice. Nasaan na ang sinabi ng isa kanina na, "Baka kapag sinapak ko yan, di sya makapalag."

"Ang lakas mo talaga, Demon!" proud na sabi ko nang makalapit na sya sa'kin.

Kumunot ang noo nya. "Pinagsasasabi mo?"

"Wala!" hyper na sagot ko. Todo ngiti pa ko.

Anong kapangyarihan ba meron si Demon? Wala pa syang ginagaw natatalo na nya ang mga taong gusto nyang kalabanin. Bakit kaya hindi nalang sya ginawang gangster ni author sa story na 'to?

Nagsuot na uli ako ng helmet at umupo ng panglalaki, at umatras para makaupo sya.

"Masisilipan ka ng ginagawa mo," sabi nya. Sasagutin ko sana sya na naka-shorts naman ako nang magsalita muli sya na talaga namang nakakapang-insulto. "Sabagay, wala namang masisilip sa'yo."

Aba't! Hindi agad ako nakapag-react. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung saan mag-uumpisa.

Pagsakay nya sa motor, sinabit nya muna yung eco bag sa handle bar bago nagsuot ng helmet.

"Eeeh!! Nakakaasar ka talaga!" Hinampas ko sya sa likod, hindi naman kalakasan.

***

Akala ko pagkatapos namin maggaling sa Ice Cream Parlor didiretso na kami sa mansion nila. Hindi pala. Pumunta kami sa parte ng village nila na may pond.

Hindi ko na nagawa pang magtanong kung bakit kami nagpunta dito, dahil inaliw ako ng napakagandang ambiance ng lugar.

Napaka-relaxing at refreshing. Ang sarap magpunta sa ganitong lugar na presko ang hangin at may magandang tanawin kapag stress ka o gusto mong makapag-isip isip.

Ang sarap pang panoorin ng mga punong nakikipagsayawan sa hangin. Pati na rin ang mga isdang lumalangoy sa pond. Ang ganda talaga!

"Demon, parang iba ka ngayon," pambasag ko sa katahimikan. Nakaupo ako sa motor nya paharap sakanya, upong pang-babae. Habang siya naman ay nakaupo sa railing ng pond. Nasa gilid pa na yung helmet niya.

Kinakain namin ang ice cream na binili nya kanina. Rocky road ang kanya habang double dutch naman ang akin, parehong nasa cup. Malapit lang naman itong lugar na 'to sa pinagbilihan ni Demon kanina kaya hindi pa tunaw.

Tumingin sya sa'kin. "May iniisip lang ako."

Yeboy! Ngayon ko lang sya nakitang ganito.

Tumingin sya sa paligid at halatang ang lalim ng iniisip. Ano naman kayang tumatakbo sa utak nito? Kalokohan kaya? Ay, baka namimiss nya ang pakikipag-away. Dahil kasi sa tutorial namin, nasisira ang fight schedule nya, ayon sakanya. Pinagduldulan nya sa'kin iyon dati. Nababadtrip daw sya kapag may tutorial session kami. Imbes daw na nakakapag-enjoy sya kapag may laban sya, sumasakit ang ulo nya sa kakaaral.

Wayuf lang. Mas masaya pa sya sa pakikipag-away kaysa sa mag-aral.

"Ano naman yun? Parang ang lalim, ah." Gamit ang maliit na plastic spoon, sumandok ako ng double dutch ice cream at sinubo sa bibig ko.

"Hindi lang malalim. Weird pa."

"Baka mamaya pinag-iisipan mo kung pa'no ko papaslangin," I tried to be facetious.

"Hindi." Sumubo sya ng ice cream nang hindi inaalis ang tingin sa'kin.

Sumubo din ako ng ice cream at tumango-tango. Nakakapanibago talaga kapag ganitong klaseng Demon ang kaharap ko. Di ako sanay.

Akala ko tapos na sya. Ayun pala may karugtong pa ang sinabi nya.

"Hindi kita papaslangin. Gagahasain." Ni-lick nya ang ice cream na nasa bibig nya, still eyes were fixed on me.

Nabigla ako sa sinabi nya kaya nabato ko sakanya yung mini plastic spoon sabay sabing, "Argh! Kainis ka!"

Tumawa lang sya at binato rin ako ng mini plastic spoon nya. Ginantihan pa ko, eno. Ngunit mas malala naman yung kanya. Pagbato nya kasi sa'kin nung kutsara, may tumalsik na ice cream at naglanding sa buhok ko. Kaunti lang naman pero dama ko pa rin ang lagkit.

"Wag mo ng uulitin yun," utos ko sakanya. "Ang manyak kayang tignan." Manyak naman talaga tignan eh. Pero parang mas seductive. Haluh ka, Soyu Sarmiento!! Kung anu-ano nang pinagsasasabi mo.

"Kiss muna."

Blush. Kung nabigla ako kanina, mas nabigla ako ngayon. Tama ba ang pagkakarinig ko?

"A-ano?" nauutal na tanong ko.

"Wala," mabilis nyang sagot at ininom ang ice cream na nasa cup. Wala na kasi syang kutsara, pareho kami.

Medyo tunaw na naman kaya pwede nang inumin nalang. Ganun din ang ginawa ko. May pagkakaiba nga lang. Inom ang ginawa nya, laklak naman ang akin.

"Kiss muna."

 

Sheet of paper!

"Kiss muna."

Naman eh! Kailangan inuulit-ulit, huh, brain?

Nanaig na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa naubos ko na yung ice cream ko.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C24
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login