Baixar aplicativo
22.78% MY DEMON (When Childish Meets Bad Boy) / Chapter 18: Chapter 17

Capítulo 18: Chapter 17

My Demon [Ch. 17]

 

Kahit di na ko lumingon, alam ko na kung sino sya. Boses at--- sige na nga, boses at masculine scent nya palang, kilalang kilala ko na sya.

"Bakit na naman?" Umikot ako para harapin sya, at inalis ang kamay nya sa ibaba ng siko ko.

Pagtingin ko sakanya, hindi ko maiwasang hindi matulala at humanga. Nag-iba ang kulay ng buhok nya... lalong lumitaw ang... ka-gwapuhan nya. Sheet of paper! I shook my head mentally dismising the thought. Ayokong purihin ang lalaking walang ibang gawin kundi ang inisin at laitin ako.

Pero wala eh, lalo syang gumwapo ngayon. Naalala ko tuloy ang usapan ng mga babae kanina.

 

"OMG! He dyed his hair! He looks more gwapo!"

 

So sya pala ang pinagkakaguluhan- este kinakikiligan ng mga babae kanina? Kaya pala narinig ko ang pangalan nya kanina. Hindi ko lang masyadong na-diggest kasi mas sanay ako na Demon ang pangalan nya at hindi Keyr. Mas bagay naman kasi sakanya ang Demon. Fit na fit sa ugali nya. Hmp!

May isa pa kong naalala;

 

"Gusto kong lapitan at magpa-picture kaso natatakot ako."

 

"Pft!" pinigilan ko ang tawa dahil sa phrase na "kaso natatakot ako".

Haha! Now I know kung bakit gaano man ka-gusto ng mga babae kanina na magkagulo at dumugin sya gaya ng kadalasang nangyayari kapag may "napaka-gwapong" nilalang ang dumaan o kaya naman ay "artista", hindi nila magawa kasi si Demon yun. Natatakot sila dahil baka kung anong kagimbal-gimbal ang gawin sakanila. Haha! Akala ko hindi natatakot sakanya ang ibang babae. Pero maging ang mga babae na mismong nagkakagusto sakanya ay mga natatakot din pala sakanya. Wahahaha!

"Ba't ka tumatawa? May nakakatawa ba, ha?!" Heto na naman sya. Kung anong kinaganda ng mukha nya, baliktad na baliktad naman ng ugali nya.

"Wala," sagot ko. "Umuwi ka na nga para makapasok ka na bukas. Kulayan mo na rin ng itim yang buhok mo. Ang pangit tignan. Ang sakit sa mata."

Kala nya, huh? Sinabihan nya ko kahapon na tignan palang daw nya ko, sukang-suka na sya. Hehe! Bumabawi lang ang cute nyong bida.

"What did you say?!" Humakbang sya palapit at, as usual, tinitigan na naman ako ng nakakatakot.

Oh well, kaunti nalang ang epekto sa'kin nyan unlike before.

"Sabi ko ang sakit mo sa mata--- aaah!" Napatakbo ako ng inambahan nya ko na hahablutin.

Hinabol nya ko at nahuli.

"Talagang iniinis mo ko, ah!" Hawak-hawak nya ko sa kwelyo at inangat sa lupa para mapantayan ko ang mga mata nyang nanlilisik.

Sinabihan nya kong mabigat pero heto sya, kaya akong iangat sa lupa gamit lamang ang isang kamay.

"Keyr! Bakit sya nilalapitan mo, kami nilalayuan mo?" Pareho kaming na-destruct ni Demon sa babaeng naglabas ng hinanakit. LOL. Sya yung babaeng nagsabi kanina na, "Then ayain nating mag-mall. I'm sure hindi nya tayo matatanggihan. Sa ganda nating ito?"

 

Oh well, maganda man o pangit, may ngipin man o wala, tao man o mukhang masamang elemento ng lupa, walang makakaligtas sa napakagandang ugali ni Demon. Mark my sarcasm, please!

Binitawan ako ni Demon para harapin yung babae. Ako naman, inayos ko ang uniform ko na nagusot dahil sa ka-malditohan nya.

"Want me to shut your fuckin' mouth with my fist?" he warned.

Nag-froze yung babae pati na rin ang mga kasama. And before everybody could react including me, kinaladkad na ko ni Demon paalis. Ramdam na ramdam ko rin ang pagsunod ng mga tingin saamin.

"Uy, Demon! Balik na tayo sa school!" Pagmamakaawa ko sa lalaking walang awa na katabi ko sa loob ng kotse nya.

Kanina pa ko reklamo ng reklamo at nagmamakaawa na bumalik na sa school. Wala naman syang imik pero sa pagsalubong palang ng mga kilay nya habang nakatingin sa windshield, alam kong iritang-irita na sya.

"Kasi naman eh! Gagawa ka nalang ng kasalanan nangdamay ka pa!"

Sa wakas, hinarap na nya ako. "Pwede ba, wag kang masyadong maarte! Ang swerte mo na nga dahil kasama mo ko eh. You have no idea how many buckets of girls there are who dream to be at your place right now." He then looked outside through the window with his elbow resting on it's edge.

"Edi sana sila nalang ang kinaladkad mo!" katwiran ko.

Tinignan nya ulit ako. Pansin ko lang, ang sama ng aura nya. Oo, pierce ang looks nya pero iba yung ngayon. Parang badtrip na badtrip- tanggalin na pala yung salitang "parang".

"Stop ranting, will you? This is all your fault!"

"Wow, huh? Ako pa sinisi mo!" Hindi naman sya nakatingin sa'kin kaya malayang-malaya akong irapan sya. "Balik na kasi tayo sa school. Ayokong mag-cutting," mahinang sabi ko.

"Stop." Akala ko ako ang inuutusan nyang huminto sa pagsasalita. Ayun pala, yung driver. Pinahinto nya sa pagmamaneho na sya namang sumunod agad.

He reach out at my side para mabuksan ang pinto sa tabi ko. At habang ginagawa nya yun, hindi ko maiwasang hindi titigan ang maputi at makinis nyang mukha. Mula sa makakapal nyang kilay na dinaanan ng shave ang sa kaliwa (Gets nyo ba kung anong itsura nun?), sa mga mata nyang parang nanghy-hypnotise kapag tinitigan mo lalo na kapag matagal, sa matangos nyang ilong at sa mapupula nyang labi na napaka-sexy ng curve. All in all, pierce looking but indeed gorgeous.

Narinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto. Kumislap ang diamond earring nya sa kaliwang tenga dahil sa liwanang na nanggagaling sa labas.

Yellowish brown hair + Sparkling diamond earring + Pierce looks = COOL

"Ano pang inaantay mo?" His husky-annoying voice dragged me out of my reverie.

Nakaharap na ang mukha nya sa'kin kaya naman halos maduling na ko sa sobrang lapit. Nakahawak pa sya sa headrest habang yung isa naman ay nakatukod sa gilid ko. Sa posisyon namin para kaming mag-boyfriend-girlfriend na naglalambingan at nagki-kiss. Waah! Hindi imposible na hindi sa'min nakatingin yung driver at malabong malabo na hindi nya isipin na may ginagawa kaming kababalaghan.

Bakit naman kasi gumanito pa si Demon eh! Packin' sheet of paper naman. Nahihilo ako sa bango ng pabango nya.

Masculine scent + Sweet breath + Husky voice = Heaven

Hindi ako nakaimik. Umurong ang dila ko. Haluh, ano na bang nangyayari sa'kin?

Seryoso ang mukha nya. Hindi naman galit at mas lalong hindi nakakatakot. Basta serysoso lang.

Ang ganda ng mga mata nya. Ang tangos ng ilong nya. Ang pula ng lips nya. Ang pogi nya. Waah! Baliw na ba ko?

Nilapit pa nya ang mukha nya kaya naman lalo kong diniin ang ulo ko sa pagkakasandal. His warm breath was caressing my face. Wayuf naman oh! Kung kelan nya binuksan yung pinto, saka nya ko gaganituhin. Pero teka... BAKIT NAMAN HINDI AKO NAGREREKLAMO? WALANG PALAG? FEEL NA FEEL ANG SENSATION?!

Bumaba ang tingin ko sa adam's apple nya. Nagtaas-baba iyon. Ito ha, ngayon lang ako magsasabi ng ganito sa lalaki: He's so sexy!

 

"Labas na. Gusto mong bumalik sa school, diba? Pwes, bumalik ka mag-isa mo!"

Toinks! Mabuti nalang talaga at ang sama-sama ng ugali nya. Kundi... naku!!

Umayos sya ng upo nang hindi inaalis ang tingin sa'kin. Sinasamaan ko sya ng tingin. Oo, walang ibang may nakamamatay na tingin sa pagitan naming dalawa kundi ako lang. How dare he to be hard on me while I was probably admiring him mentally?

Inambahan ko sya na susuntukin. "HMP! Pasalamat ka lalaki ka!" Inirapan ko sya at tumingin sa windshield na nasa likuran namin. Pagkatapos, umayos na ko ng upo.

"Ano? Kala ko ba babalik ka na sa school?" casual na tanong nya.

"Saka mo pa pinahinto yung kotse kung kelan nasa hindi-ko-alam-kung-nasaan na tayo!" I blurted out and rolled my eyes once again.

"Yun naman pala eh. Close the door." Tumingin sya sa pintuang nakabukas tapos sa'kin ulit then sa bintana na nasa tabi nya.

Saan naman kaya kami pupunta?


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C18
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login