Dahil ang Lande ni Leo paghiga ko yumakap ulit sa akin kaya naman ayun di malabo na ako naman magkasakit nito bukas, Di ko naman sinasaway kasi kawawa eh (pero deep inside talaga naman po). nasa ilalim kami ng iisang kumot kaya damang dama ko yung katawan ni Leo. wala naman na umiimik sa amin siguro tulog na si Leo kaya nilingon ko, ayun tulog na si kuya mo Leo. kinuha ko phone ko at nagpasounds ako haha buryong na eh tinulugan na ako ng pasyente ko. habang nakikikanta ako sabay sa tugtog ng phone ko (ayun ang ganda ng boses ko hahaha) "Little me" by LITTLE MIX ang kanta, ewan ko ba bakit fan na fan ako sa mga kanta nila. naglaro na rin ako ng ML dahil namiss ko maglaro eh. habang naglalaro ako nagpop-up yung chat head ni Mama Malyn, di ko muna binasa dahil nga naglalaro ako. buti mabilis lang yung laban namin at ayun nanalo naman ako. out na ako sa game tapos chineck ko na message ni mama.
"Nak kamusta kayo ni Leo dyan? ayus na ba pakiramdam niya?" yan oh nagaalala tuloy nanay ko dahil dito kay Leo.
"Mama ayus naman na po tulog po si Leo ngayon. nakakain na po kami kanina nung nilutuan po kami ni Manang Rona yung kasambahay nila Leo."
"sige anak mabuti naman. bantayan mo si Leo ah ingat kayo dyan makakauwi rin kami ni papa mo" yan last message ni mama tapos nakita ko nagoff na. nagreply pa rin naman ako kahit off na siya
"Maraming salamat po mama, ingat rin po kayo dyan ni papa miss na miss ko na kayong dalawa (insert puso)" super yakap pa rin sa akin si Leo at tulog na tulog pa rin. kinapa ko yung ano niya.... (yung ano...) para malaman ko kung may lagnat pa siya. yung noo kasi yun! at ayun nga mainit pa rin. wish ko gumaling na si Leo para naman wala na akong pasyente!
Nakita ko online si Gian kaya naman kinamusta ko, (wala naman siguro masama na mangamusta noh?) nagreply naman siya agad
"ayus lang naman ako Geo salamat sa pangangamusta! ikaw ba kamusta? kamusta kayo ni Leo?" oh diba!? ganda talaga.
"ito ayus naman sana kaso nagaalaga sa may sakit, nilalagnat kasi si Leo eh naulanan raw siya kaya inaapoy ngayon." need ko na maging open kay Gian wala na ako dapat itago pa.
"ay ganun ba, loko talaga yan si Leo. alagaan mo Geo ah nako lagot ka rin sa akin kapag napano pa yan." ay wow hahaha natawa ako sa sinabi ni Gian.
"opo mam Gian aalagaan ko po ito para sa inyo (insert smiley cyrus) haha korni ko hahaha"
"Geo talaga hahaha wag na para sa akin dahil para sayo yan si Leo" Pak iba talaga linyahan ni Gian eh.
"Hahahaha di pa natin sure Gian di pa nagsisimula sa ligaw ligawan niya eh tapos nilagnat pa ng ganito" sagot ko.
"Geo kaya mo yan! malakas yan si Leo gagaling agad yan at pagbalik ng sigla ng katawan niya kikiligin kana sa panliligaw niyan (insert puso at marami pang puso) Go Geo!" sus hahaha.
"Sige Gian tignan natin sa mga susunod na kabanata"
"Oo naman basta wag ka makakalimot na balitaan ako ah?" hahaha si Gian talaga oh
"oo naman teh ikaw pa ba?"
"Oh siya sige Geo subukan ko na magpahinga ah tulog na mga tao dito sa amin eh maraming salamat ulit sa pangangamusta at time!" haiyst.
"Good night teh!" ayun at nagoff na si Gian mukhang natulog na talaga. grabe tulog na tulog pa rin si Leo habang nakayakap sa akin mainit pa rin eh. hawak ko pa rin phone ko at naghahanap pa rin ng makakausap online nakita ko buhay yung dalawa (sina Kate at Anne) may gc kasi kami eh. di ko pa pala nasasabi sa kanila yung ganap sa amin ni Leo. wala pa silang idea na ganito na kami kaclose ni Leo ngayon (magkatabi sa higaan) haha. di ko muna sasabihin sa kanila dahil papaalam ko muna kay Leo. kaya naman kinamusta ko na lang silang dalawa.
"Ayus naman ako Geo ikaw ang kamusta? ano na pala balita? -Anne
"Ito kaya pa naman Geo hahaha buti na lang sinasamahan ako ng bf ko sa pag aaral" -Kate
Masaya ako dahil buhay yung dalawa ngayon.
"buti naman at ayus lang kayong dalawa miss ko na kasi kayo eh btw pagnakita tayo may sasabihin ako sa inyo pero sana handa kayo ah wag judgemental ah?"
"Hala bakit parang kinabahan ako dyan sa chat mo Geo!" -Kate
"ako din Kate eh parang may idea na ako kaso di ko sigurado eh" -Anne
"Basta sa susunod alam ko naman na mga busy kayo ngayon eh sige na pahinga na kayo" ganyan ako eh magbibigay ng stress sa kanila kakaisip kung ano yung kukwento ko tapos di naman bibigyan ng clue hahahaha!
Di ko namalayan yung oras alas 10 na pala, at yung nakayakap sa akin ay basa na ng pawis. medyo nawawala naman na yung init niya humuhupa na pero pawis nga siya dahil sa effect nung gamot. kaya ginising ko muna siya.
"Leo... Leo... Leo... May yelo po?" ganyan mang gising haha nagising naman siya kaya effective di ba? pagdilat niya tinignan lang ako hinang hina pa rin siya eh di ko expect na nagkakaganito rin pala tong adik na to.
"Palit ka muna ng damit! kasi pawis kana oh bawal ka matuyuan ng pawis eh baka mas lumala yung sakit mo kapag ganyan" habang sinasabi ko to nafeel ko nageecho yung boses ni mama Malyn ko kasi ganyan sinasabi niya sa akin eh kapag nagkakasakit ako.
"Nahihilo pa ako Geo parang di ko pa kaya umupo" hala
"t-shirt mo lang naman papalitan eh kahit di ka na tumayo aalalayan kita makaupo" kaya ayun inalalayan ng patpat yung malaking kahoy haha bigat ni Leo. napaupo ko na siya pero grabe lupaypay talaga eh.
"Geo ikaw na magtanggal ng damit ko hindi ko talaga kaya eh" grabe Leo ah! pabor hahaha (joke lang)
"Sige na!" sagot ko, hinubad ko ng dahan dahan yung t-shirt niya dahil nga baka mahilo siya lalo kapag binigla ko mula sa tyan na laylayan eh naiakyat ko naman hangang sa braso niya na pinilit niya itaas para mahubad ko ng lubusan yung shirt niya at ayun nakita ko na po yung half body ni Leo (RAPBE hahaha-inner me) napatitig ako eh grabe ang firm ng katawan ni Leo.
"Geo next time mo na ako titigan ng ganyan, di ba sabi ko naman sayo iyong iyo na tong katawan ko pero wag naman ngayon dahil nilalamig na ako bihisan mo na ako please" Pak sa sinabi niyang ito para akong nabuhusan ng malamig na tubig at kumilos para hanapin yung bag na dala ni Manang Rona na may damit. nakita ko naman agad at nakita ang shirt na puti. loko talaga to si Leo kanina pa pala nakatitig sa akin habang nakatitig rin ako sa katawan niya haiyst (wrong move ka na naman Geo) binihisan ko na si Leo dahil nga nilalamig na rin siya. dahil medyo napahiya ako sa sinabi ni Leo may naisip ako
"Leo initin ko lang yung sopas para naman makakain ka ulit bago ka makainom ulit ng gamot mo!" Panes ang brilliant ko talaga, tumango lang si Leo at humiga na ulit kaya bumaba na ako agad sa kusina para maghanda ng pagkain ni Leo mabilis lang naman ako nakapainit sa microwave ng sopas kaya umakyat na ulit sa kwarto matapos ang super saglit. Pagpasok ko ng kwarto hawak ni Leo yung phone ko at may kung anong binabasa di ko naman makuha agad dahil nga sa dahan dahan akong pumapasok dahil sa sopas na dala ko.
"Dami mo nakachat habang tulog ako ah!" tumango lang ako paglapag ko ng sopas dun sa may side table. tinignan ko na rin kung ano yung babasahin pa niya kaso inabot na sa akin yung phone.
"Ano ano naman nabasa mo Leo?" curious eh.
"Chat ni mama, chat ni Gian at yung sa gc niyo nina Kate at Anne lang naman, tatlo lang yun." ah
"So Geo ano yung sasabihin mo kina Kate at Anne kapag nagkitakita kayo?" hala yun talaga paguusapan namin?
"Ah.... Eh....." hahaha tinignan lang ako ni Leo na waiting sa sagot ko.
"Naisip ko kasi na sabihin sa kanila yung.... (di ko matuloy) yung ano
.."
"Geo kung sasabihin mo yung tungkol sa atin ayus lang yun sa akin alam ko naman matatanggap ako nina Kate at Anne haha magkakaibigan naman tayong lahat diba? (natulala ako kasi baka marami pa talaga siyang nabasa eh) oh Geo bakit natulala ka na naman? wag ka ngang laging ganyan makatingin sa akin hahaha (saya siya umayos pakiramdam eh) tama ba ako sa hula ko Geo?"
"yun tama ka Leo yan nga naiisip ko, sure ka ayus lang sayo?" tanong pa!
"oo naman hahaha matapang dapat para mapatunayan ko sayo yung nararamdaman ko" ay wow yung spirit!
Hinain ko na kay Leo yung sopas at kumain naman siya agad habang pinagmamasdan siya kumain naisip ko bakit parang ang bait naman ng tadhana para sa akin? kasi last year puro ako hopia (Hoping lang) akala ko may feelings rin sa akin kaso Micheal pala kaya parating lumalapit, (Michaelangan ayus ba?) naramdaman ko naman yun last year na may kailangan lang siya kaya lumalapit sa akin pero wala akong si di marunong nafall dahil akala ko may romantic meaning yun (hahahaha umasa ako sa maling tao) pero since mabilis naman ako maka move on (sana all) kinaya ko! naging positive ako sa pananaw ko dahil alam ko na di talaga yun yung para sa akin, since naging kaibigan ko rin naman siya nagwish na lang ako para sa life niya! wish ko na dumating na yung para sa kanya dahil ayaw ko na siya makita mag isa, simple wish kung tutuusin diba pero wala eh imbis na isumpa ko yung mga ganyang tao kailangan ko pa rin sila unawain dahil alam ko naman lahat kami may pinagdaraanan ewan ko ba bakit kasi yung iba ang bilis makahanap ng kasama sa buhay ako eh ito pa lang... napatigil ako kasi hinawakan ni Leo yung mukha ko di ko namalayan kanina pa pala tumutulo yung luha ko
"Geo nakakaiyak naba yung pagkain ko ng sopas?"
— Novo capítulo em breve — Escreva uma avaliação