At ayun nauna ako dito sa may McDo nafeel ko naman talaga na ako ang mauuna dahil alam na kapag babae marami inaayos sa sarili bago umalis ng bahay (so expecting ako na magpaganda si Gian hahaha) ilang saglit pa may tumatawag na ulit sa phone ko at si Gian yun
"Geo nasa loob kana ba? hahaha sige wait mo lang ako ah nasa tricycle na ako"
"sige ingat ka teh, sige bye na muna ingat ulit" at natapos na tawag namin. di naman na nagtagal nandyan na si ate mo Gian grabe kanina di ba expecting ako na nagpaganda si ate mo ay mali ako dahil maganda na talaga siya. naka shorts siya paired with malaking sweater at grabe pak ang ganda niya hahaha
"ay sorry Geo napatagal ata ako nautusan pa kasi nila mama magsaing eh" sinasabi niya to habang nagbebeso kami at umupo na rin after
"Ayus lang yan Gian, ay nagorder na ako ah kaunti lang naman yun bff bundles lang hahaha pasensya yun lang kasi feel ko naman nakakain kana"
"ay hala ganun ba sige ayus lang ako dyan so pano ano pang mga tanong mo?" grabe para bang ang tagal na namin magkaibigan ni Gian kasi napaka gaan na ng loob ko sa kanya or dahil rin siguro wala na rin akong matatago sa kanya dahil mayroon akong na share sa kanya na embarrassing moment ko haha so ayun..
"Gian kamusta ka naman pala sa set up niyo ni Leo?" panes ka nafeel ko sa part na to ako si Tito Boy malalaman po natin ang mga kasagutan kapag dumating na yung bff fries namin #AlwaysMakeYourNanayProud hahaha.
"Ayus lang naman Geo dahil alam ko naman di niya papabayaan anak namin eh. at kung nagtataka ka Geo alam ng parents ko ang set up namin ni Leo maski siempre sa parents ni Leo tanggap namin si Leo sa kung ano ang pinili niya" ay wow may nanalo na sa pag sagot gusto ko na magfast talk dito banda kaso wag na lang pala hahaha. maya maya pa andyan na yung order namin YEHEY!
"Kain na muna tayo Geo" alok ni Gian kaya kumuha na rin ako ng fries
"Geo di ko alam pero nararamdaman ko na maraming gumugulo sa isip mo di mo lang magawa na itanong kaya magkukwento na lang ako ha?" panes gets ako ni Gian.
"ay tama ka Gian naguguluhan talaga ako kung saan magsisimula na magtanong"
"Saan ba ako magsisimula?" tanong ni Gian sa sarili pero wish ko magstart siya sa ganap nung January.
"So ayun nong January na lang tutal dun naman talaga nagsimula lahat. nasabi ko na sayo na after nun di ba napagusapan ka namin at dun nagsimula na na attract na siya sayo (si Leo)?" tanong ni ate Ganda
"yes Gian sa bus ata yun"
"Alam mo Geo hinanda ko na sarili ko simula pa lang nung nanganak na ako kay Lian, hinanda ko na any moment pwede na akong tapatin ni Leo na ayaw na niya or tapos na kami. well in the first place ginusto ko naman kasi yung set up namin kaya dapat lang kayanin ko yung sakit after." napatunganga ako kay Gian dahil grabe napakastrong niya dahil ang sakit ng pinagdaanan niya pero maayos niya na to nakukwento ngayon.
"aaminin ko Geo noong last week ng April kabado na ako nun ramdam ko na eh kaya ang ginawa ko inunahan ko na ako na mismo ang umalis sa bahay nina Leo, nagpasundo ako sa Dad ko since alam nila yung set up at sinabi ko rin kay Dad na di ko na kaya pang hintayin na paalisin ako kaya yun ginawa ko. di kami nagusap ni Leo ng isang linggo tapos pagtapos nun kinausap ko siya para naman sa anak ko. sabi ko sana minsan pwede si Lian sa bahay hiram di ba? (tango lang ako) yung isang linggo na di kami naguusap nagpaka adik ako sa alak non Geo akala ko kasi makakatulong yun para makalimot sa problema ko kaso hindi eh isang umaga pagising ko naisip ko masisira lang ako kapag nagpaka adik ako sa alak tinigil ko na at hinarap ang problema at inayos yung gusot na darating pa lang. di ko maipaliwanag Geo pero kapag kaharap ko na si Leo di ko magawang magalit sa kanya siguro dahil din sa sobra ko siyang minahal" (ayun walang alcohol content yung iniinom namin pero teary eye na si Gian inabutan ko ng tissue) anubayan Geo akala ko kaya ko na ikwento to ng di umiiyak pero nararamdaman ko pa rin pala (dunno what to react by this moment huminga siya ng malalim para maayos boses niya at uminom saglit) Geo sorry ah emotional ko pa pala hahahaa (pilit na tawa) Geo magsalita ka naman?" natawa ulit siya
"Ah Eh di ko alam sasabihin sa mga kinuwento mo eh. pero Gian you can also consider me as friend to call on kapag mabigat na dinadala mo magkwento ka rin alam ko talagang awkward pero wala eh gusto kitang matulungan dahil naging mabuti ka sakin"
"hala kaya natin yan Geo" cheer niya lang
"oo naman" sang ayon lang ako eh
"Geo (naiba tono niya seryoso na ulit) yung sakit na naramdaman ko before wag na wag mong paparamdam kay Leo ah?" natameme na naman ako.
"Hala Gian,"
"Geo tanggapin mo na si Leo please.." alam mo yun naguguluhan talaga ako kasi grabe si Gian makapush sakin na i accept yung kay Leo.
"Pero Gian dapat.."
"Ano Geo? dapat nakamove on na ako? yan ba?" tumango lang ako
"hala Geo ayus na sakin mababaw lang talaga luha ko kaya ganun pero nakakamove on na naman ako at may nagpaparamdam na rin naman sa akin na nagtuturo sa akin na mahalin ko siya" ay wow maganda kasi eh tapos strong pa san ka pa? hahaha
"Kaya Geo wag kana magsayang ng panahon pumayag ka na na patunayan ni Leo yung nararamdaman niya sayo" huminga lang ako ng malalim kain ng fries at inom saglit
"tulungan mo ako Gian ah?" yan na nasabi ko ewan sang ayon na rin ba ako? hahaha naguluhan ako eh
"oo naman! ang gusto lang naman rin natin di ba eh yung makahanap ng tao na tunay na magmamahal sa atin, hindi talaga para sa akin si Leo at alam ko na yun. thankful rin ako dahil kundi dahil sa paguwi ko sa amin di ko rin makikilala itong sinasabi ko sayo" smile na siya parang kinikilig naman si Gian
"huy parang kinikilig kana ata dyan Gian ah?"
"haha medyo lang kasi totoo pala yun natututunan ko na rin ibalik yung love na pinapakita niya sakin ngayon pwede ko na maconsider na give and take na kami" sabay smile ulit
"mutual na yung feelings niyo sa isat isa? yieeeh hahaa" nagtawanan kami.
"Gian? maraming salamat ah"
"saan ba Geo?"
"kasi grabe marami akong natutunan sayo ngayong gabi at siempre pa dahil kaibigan na rin kita ngayon" ang gaan na ng pakiramdam ko ngayon
"matagal na tayong magkaibigan Geo noon pa lang na inalagaan na kita kaibigan na turing ko sayo noon hahaha" sabay tawa na lang rin ako hahaha
maya maya pa naubos na namin yung foods namin at may tumawag kay Gian dahilan para magcr siya saglit... saglit na medyo parang wait ang tagal na ata.. ako na lang mag isa dito sa table di lang naman puro tungkol kay Leo napagusapan namin nagkamustahan na rin kami tungkol sa pag aaral at family ang gaan kausap ni Gian alam mo yung feel ko na strong ako sa sarili ko pero nakakatuwa pala makausap ang isang tao na mas strong sayo. ayun andyan na si Gian galing Cr. umupo si Gian pero nagpapaalam na
"Geo tumawag na sina Mom at Dad nakauwi na raw yung mga ate ko galing province at kakain na kami ngayon pa lang super late dinner kaya maiwan na kita Geo ah salamat sa pafoods dito ah" nagbeso na ulit kami at yakap umalis na si Gian ng tuluyan.
So ito ako ngayon dito pa rin sa table namin ni Gian magisa na lang ako nagiisip isip sa life, check sa phone. sa messages parang may gusto akong ichat or tawagan pero di ko alam sino kaya nilapag ko na ulit. tunganga na ulit ako ng biglang...