Wow grabe ngayon na lang ata ako nakatulog ng sobrang haba sa pagkatanda ko alas 9 ng umaga ako nakauwi ng bahay at nakatulog ako ng alas 10 at ngayon pagtingin ko sa relo 6pm na! (Wow reacts naman dyan!) wala na yung hilo ko pagbukas ko ng ilaw sa kwarto naproud ako sa sarili ko sa tulog ko eh. sarap sa bahay kapag nakashorts ka lang tapos topless freedom kapag mag isa sa bahay eh sarap pababa na ako ng hagdanan ng napansin ko bakit bukas yung ilaw sa kusina shete parang pinasok ako ng magnanakaw ah dahandahan kong hinubad yung tsinelas ko pambahay para less yung tunog ng hakbang ko dahan dahan kong binaba yung hagdan ninja moves na eh ilan kaya yung pumasok na magnanakaw buti na lang madadanan ko sa may locker yung baril ni papa (yes po may baril po kami kaya wag po masyadong awayin yung kwento ko baka barilin ko kayo hahahaha joke lang po...) hawak ko na yung baril ni papa ilang hakbang na lang pinto na ng kusina ready na baril ko good luck mukhang makakapatay na rin ako sa buong buhay ko! (Hahahahahaha isa po ito sa pangarap ko eh) nakatutok na baril ko dun sa kusina ng bigla kong nakita yung nakatalikod na lalake na parang si.. (so sino pa ba? si kuya Wil dinalaw ako? edi si ano..) Leo..
nakahinga ako ng malalim nung nalaman kong siya pagharap niya siya ang natakot dahil nakatutok pa rin yung baril ko.
"Geo wag please wag mo akong patayin!" pagmamakaawa niya kaya binaba ko na baril dahil siya naman pala yun kaso pinagtataka ko bakit nakapasok toh?
"Hoy Leo pano ka nakapasok dito sa amin?" tatawa tawa lang siya sa pagsagot
"pinahiram sakin ni MAMA yung susi niya eh kanina bago siya umalis papuntang Laguna,"
"Mama? nasa Laguna?" nagtataka na ako bakit ganito na nangyayare?
"ay oo sorry sabi kasi ni Tita Malyn (mama ko) na simula raw ngayong araw pwede ko na siyang tawaging mama eh" hala hoy bakit ganun?
"ano bang nagyayare ngayon bakit parang close na talaga kayo ni mama?" kaya sobrang gulo na ako sa happenings kinuha ko phone ko sa kwarto at bumalik sa kusina kay Leo tinawagan ko si Mama kaso ring lang ng ring mukhang di hawak phone.
"Yun oh Geo tara kain na tayo luto na yung kanin at ayus na rin tong luto ko na cornedbeef na may itlog favorite mo raw to sabi ni mama eh kaya ito niluto ko sayo" siguro kung i eevaluate ko nangyayare sakin ngayon para akong nasa lugar na di ko na alam. gutom na rin naman ako kaya mas pinili ko na kumain para naman maliwanagan utak ko. habang kumakain
"wow Leo ang sarap ng luto mo" well kahit sino naman siguro magluto ng favorite ko masarap na yun. (yung luto yung masarap ah hindi yung nagluto ah)
"Favorite mo yan kaya masarap" tuloy kain lang siya. pagtapos namin kumain ako na naghugas ng plato kasi nakakahiya naman diba pinagluto na nga ako tapos siya pa paghuhugasin ko. pagtapos ko maghugas dumiretso na ako sa kwarto para magpahinga kaso pagdaan ko sa sala nandun si Leo may dalang bulaklak at chocolate sa paghuhugas ko ng plato kala ko mabilis lang yun pero mas mabilis pala si Leo kasi nakauwi na siya at kinuha niya yung mga dala niya.
"Geo ngayong gabi ko na sisimulan na ligawan ka ah" nanlaki lang yung mata ko kamot ulo tinititigan ko siya mukhang di tatawa eh kaya sabi ko
"sige ingat ka" sabay akyat sa hagdan papunta na ako kwarto eh bigla niya ako hinila
"ang sungit mo naman Geo" luh dami alam hahaha
"asikasuhin mo muna yung anak mo bago ka manligaw o mantrip ng ganito"
"kinuha na nila mama at papa si Lian doon raw muna apo nila hanggang gusto nila kaya ito ako ngayon focus para mapasagot ka.." ay wow naman!
"ano na ba talaga nangyayare sa mundo ha? bakit ka nagkakaganito Leo?"
"tinamaan ako sayo eh" OOOPS AAMININ KO KINILIG AKO BANDA DITO PERO DI KO PINAHALATA.
"Sige ingat ka sa paguwi" inabot ko na yung pabulaklak niya at chocolate aakyat na ako ng hagdan ng naramdaman ko sumusunod siya kaya hinarap ko ulit
"oh bakit umaakyat ka rin?" kinuha niya phone niya at pinabasa sakin chat niya kay mama
(Leo: Mama pwede po ba ako matulog sa tabi ni Geo mamayang gabi?
Mama: oo nak sige lang ingatan mo anak ko ah) yan yung content ng convo na pinakita niya sakin grabe yung nanay ko lagot yun sakin talaga pag uwi niya.
"Sige bahala ka sa buhay mo Leo" umakyat na ako sa kwarto humiga agad yung adik sa kama ko eh may naisip ako, kinuha ko unan ko at kumot sabay takbo sa kwarto ni mama. nilock ko agad para di siya makapasok. yes naisahan ko rin inayos ko higaan ni mama binuksan ko tv nakakatuwa kasi di kumakatok si Leo hahaha mukhang tanggap na niya na dun siya sa kwarto ko pero wala naman ako dun hahaha nageenjoy na ako sa pinapanuod ko tv ng biglang gumagalaw yung doorknob ni mama shete otso para akong nasa horror movie dahan dahang bumukas yung pinto kaya nagtakip ako ng kumot tapos biglang may tumakbo papunta sa akin sa kama tumalon siya eh adik talaga eh pagtingin ko badtrip eh si Leo ulit. nagtataka na ako bakit ganun tawa ng tawa yung kumag oh bumangon ako sa kama ni mama gigil na ako promise di pa rin siya natatapos tumawa
"gulat ka? (pang inis niyang tanong natatawa pa) sinabi sakin ni mama kung nasan nakalagay yung mga susi ng kwarto bahay niyo nga nabuksan ko eh kwarto niya pa kaya?" nakasimangot na ako kinuha ko na unan ko at kumot
"ano san ka next na tatakbo Geo?" inirapan ko na lang siya badtrip eh naglakad na ako pabalik sa kwarto ko. inis na ako yoko na. maya maya nandyan na ulit yung adik tumabi na sa kama ko nakatalikod ulit ako sa kanya nanggigil ako sarap kunin nung baril ni papa eh.
"Geo matutulog na ba agad tayo 7 pa lang oh?" di ako sumasagot
"Geo sorry na.." daming gulo sa isip ko bakit payag na payag si mama dito sa adik na to tapos sinabi pa mga susi namin sa kwarto ng bahay. umalis si Leo saglit mukhang nakadama na badtrip ako. nung alam ko na lumabas na siya ng kwarto pumunta ako sa cr para maglinis ng katawan paglabas ko ng cr tahimik pa rin ang kwarto hahaha buti na lang di na bumalik yung adik. nakatapis lang ako ng twalya ng biglang may pumasok sa eksena ng pamimili ko ng boxer na susuotin
"wow ang sexy naman (sinenyasan ko siya ng dirty finger) tawa lang siya" bumalik na ako sa cr at nagbihis paglabas ko ulit ng kwarto nakita ko si Leo may kinakain na ice cream nakaupo sa kama ko palapit na ako sa kama para humiga, siya naman tuloy kain ng ice cream ako naman tamang lunok lang natatakam ako eh badtrip.
"oh (sabay abot ng isa pang ice cream sa kin)" tagal mo magbihis kainin mo na yan bago matunaw dito sa kama" demand eh di siya nagaalok badtrip nakita ko naman yung ice cream natutunaw na nga kaya kinain ko na rin
"Sorry Geo kanina ah kasi sinira ko plano mo at nabadtrip ka sakin" ah para sa sorry niya pala yung ice cream di na ako nagsalita kinain ko na lang yung ice cream at nahiga na ulit pagtingin ko sa oras sa phone ko bakit 8:30pm pa lang bakit ang bagal ng oras?
"Geo?" hay ayaw ako pahingahin ng adik oh
"inom tayo?" nilingon ko siya para sabihin na
"wag na muna Leo wag gabi gabi ang pag inom ng alak delikado yun" mukhang nakumbinse ko naman siya at humiga na sa tabi ko. inayos ko na yung kumot ko para masimulan ko na yung pagtulog dahil bukas may meeting ako sa mga professors ko.
"Leo pahinga na tayo ah kasi maaga bukas punta ko sa school eh"
"ay may meeting ka bukas sa school? ilang oras yun?" wow naman hahaha kala mo talaga eh.
"mabilis lang yun mga hapon nandito na ako kaya please lang patulugin mo na ako ah" kinuha ko cellphone ko para magset ng alarm nilagay ko 5:30am kasi babyahe pa ako papuntang qc eh
"Leo pasuyo naman set mo rin yung alarm mo para doble yung manggigising sakin" inabot naman niya phone niya kaya sinet ko na sa same time nung akin binalik ko na sa kanya.
"thanks Leo kung maaga ka magigising pagising na lang rin ako ah"
"Sige Geo good night sweet dreams sana kasama ako sa panaginip mo" hahaha adik talaga noh?
"Good night rin wag kana sumama sa panaginip ko baka bangungutin lang ako" tapos nagflying kiss lang siya bilang response sa sinabi ko. nagplay ako ng music sa phone ko para mas mabilis ako makatulog nagkumot na ako para mafeel ko na talaga yung antok. Sarap matulog....