It all started noong January dahil simula noon naging madalas na ang party naming magkakaibigan (Elementary classmates) may GC kami kung saan naguusap kung saan pwede magkitakita minsan video call lang pero kapag may isang may problema sigurado magyayaya na yan ng inuman kaya dapat naman bantay bantay ka lang. well noong January na tinutukoy ko wala namang may matindeng problema samin meron lang yung ibang heart broken (at ewan sa iba pa hahaha) di ako pala inom na tao dahil na rin sa allergic ako sa alcoholic beverages (for example iinom ako ng alak ngayong gabi sigurado kinabukasan pulang pula yung likod ko sa kati) kaya ayun madalas kapag may nagaaya sa akin ng inuman sinasabi ko agad sige ba basta bukas kakamutin mo likod ko (hahaha so far naman walang nagkakamot) kaya ko naman kaso ang hapdi lang talaga, going back so first Sunday of the year yun naginuman kami sa bahay nila Leo Lopez (haha buo dapat para good) pamilyado na si Leo sa batch namin siya ang pinaka unang nag asawa at nagka anak (wala eh matulis eh magpupulis kasi eh) siguro 4 hrs na kaming magkakasama at gabing gabi na rin malakas na tama sa akin nung mga iniinom namin kaya naman lagi ako hinahatid ni Gian (asawa ni Leo) sa cr nila dahil lagi na ako nasusuka badtrip kasi eh ang taas lagi ng tagay sa akin ni Jam Ramirez (classmate rin namin) ayun hala lasing na ako English na ako ng English with British accent pa. badtrip yun dahil natatawa ako sa sarili ko nun na naaawa. natapos ata inuman nung nag picture na kami na bangenge ako (bangenge=tipsy? tama ba?) uwian na! so pinalakas ko tuhod ko nun di nakaya pero nagtira naman ako para makauwi buti na lang alam ko mag isa lang ako sa bahay kaya ayus lang malasing. nag alok si Jam na ihatid ako sa bahay namin (well nangyari lang naman ang inuman namin sa subdivision din kung saan ako nakatira dahil magkakapitbahay lang naman kami eh) pero tumanggi ako dahil feeling ko may balak eh (tripper kasi yun si Jam kaya delikado ang virginity ko dun) umuwi ako agad at natulog. (haha nafocus yung kwento sa lasing moments ko noh?).
Ilang buwan rin ang lumipas na puro lang kami chat sa GC video call minsan kapag gusto magasaran ng mukhaan tapos kamustahan na rin. Iba iba na kasi ng mga ganap sa buhay eh yung iba magtatapos na ng pag-aaral, yung naman nagsisimula pa lang magseryoso sa pagaaral pero ang lagi ko naman sinasabi sa kanila darating rin naman lahat tayo sa Graduation day di nga lang sabay sabay pero promise suportahan sa isat isa yan. Ako naman nafocus na sa school works daming laboratories at papers pero kaya pa naman yung iba di kinakaya pero ako kakayanin ko para sa sarili kong future (kasama na dun yung family ah at marami pa hahahaha) masasabi ko na di talaga ako katalinuhan na studyante pero promise naman kapag kailangan niyo ng leader dito ako para sa inyo. well di naman sa pagmamayabang share ko lang na simula nung naimbento ang class officers sa school simula elementary hanggang high school president ako ng klase (hahahaha) average type of student ako when it comes to academic pero mahusay naman raw akong leader sabi ng mga naging advisers ko. marami akong time para alalahanin yon dahil wala pa naman ganap yung pag ibig na hinihintay ko sa buhay. ewan ko ba mahusay akong magpayo sa mga kaibigan ko pero sa sarili ko di ko na alam pano gawin yung mga napayo ko sa iba. (normal naman ata talaga yun).
Finally magtatapos na ang school year na to at hopefully next year na ako gagraduate kaya naman susulitin ko na ang panahon nag enroll ako ng summer classes para ma maximize ko yung time. yung GC namin ay muling nabubuhay dahil nga sa bakasyon na naman. Planuhan na naman! masasabi kong yung barkadahan namin noong elementary ay di ko expected na titibay hanggang ngayon, di ko feel dahil rin siguro noong high school talagang walang paramdam sa isat isa kaya kakaiba yung feeling kapag magkikita kita kami ulit.
Third Saturday of May nagkitakita ulit kami dun ko na nalaman na naghiwalay na pala sila Leo at Gian dahil sa nahuli raw ni Leo si Gian na kasama yung lalake na Ex ni Gian na todong pinagseselosan niya. kwento yan ni Kate De Mesa (one of my bestfriends simula elementary) naawa ako bigla kay Leo dahil iba ang lungkot sa mata niya that time. nag inuman sila sa resort na pinuntahan namin samantalang ako di manlang tumikim sampo rin kami nun di kompleto pero ayus lang yung iba kasi pumunta sa La Union, isa nasa Hawaii, isa nasa Alaska puro bakasyon kaya kaunti na at yung iba may gagawin raw. so going back ayun sumakit na likod ko kakalangoy pero sila inom langoy kwento ang labanan kaya ayun pagod kaming lahat. Hinatid na ni Leo yung mga girls na kaibigan namin sumunod naman kaming mga lalake (well biologically lalake pa rin naman ako) kami ni Leo nahuli sa sasakyan dahil kami ang pinakamagkalapit ang bahay. gutom na ako that time pero tiniis ko dahil out of nowhere nagkwento na si Leo about sa problema niya...