Sa isang villa sa bayan ng sigor sa kalagitnaan ng visaya, may isang lalaking nakaupo sa terace habang nakikinig sa report ng isang tauhan nya sa telepono tungkol sa mga kaganapan sa Luibel company.
"Sir, muntik na pong makidnap yung asawa ng kaibigan ni Mam Isabel na si Enzo, nung isang araw.
Nangyari po ito pagkatapos nilang mananghalian."
"Ano?"
"Si Issay?"
Kamusta si Issay? Ligtas ba sya?!"
Nagaalalang tanong ni Anthon.
"Okey naman po si Mam Isabel, wala po sya sa pinagyarihan ng mangyari iyon."
Pero hindi maalis ang kaba ni Anthon simula ng madinig nya ito.
Tumayo ito at nagdesisyon bumalik ng Maynila pero pinigilan sya ng isang kamay sa balikat.
Kamay ito ni Governor Anthony Santiago, ang kasalukuyang gobernor ng bayang ito at sya ring naging kaibigan nila ni Issay noong nagbakasyon sa Boracay.
Ito ang hiningan nya ng tulong matapos syang gulpuhin ni Miguel at iwan sa kung saan.
Dahil sa tinamong mga sugat, isinama sya nito pabalik sa bayan nya matapos maospital ng dalawang linggo upang dito lubusan magpagaling at magpalamig.
Gob.: "Plano mo bang puntahan si Issay kahit hindi mo alam ang buong kwento?"
"Kaya mo na bang harapin sya?"
Hindi makasagot si Anthon.
Nitong mga huling araw medyo nakapagnilay na sya at batid na nyang lumabis sya. Nakakaramdam sya ng hiya sa tuwing maaalala ang mga ginawa nya kay Issay.
Hindi nya makakalimutan ang mga mata nitong takot na takot at nagmamakaawa sa kanya.
Ito ang dahilan kaya kahit na magaling na ang katawan nya sa mga tinamong sugat, hindi pa rin nya magawang bumalik.
Ayaw nyang makitang muli kung paano sya tingnan ni Issay. Hindi nya matanggap. Nahihiya sya kay Issay.
Alam na rin nya na nagawa nitong pigilan na mairehistro ang kasal nila dahil hindi raw ito nakapirma sa marriage contract.
Gob.: "Capt, ang isang babae na katulad ni Issay hindi mo dapat pinipigilan na magtagumpay.
Dahil sa totoo lang hindi naman sila mahina gaya ng akala natin at aminin man natin o hindi mas kailangan natin sila kesa mas kailangan nila tayo!"
"Lagi mong tatandaan, kung mahal mo ang asawa mo, huwag mo syang ipupwesto sa likod mo, bagkus ay ilalagay mo sya sa tabi mo at hawakan ang mga kamay nya upang sabay kayong harapin ang buhay!"
Naintindihan ni Anthon ang ibig sabihin ni Gob.
Simula ng narito sya sa villa ni Gob, nakita nya kung paano nito suyuin ang asawa, sya man ang may kasalanan o wala.
Kahit na sabihin pang ito ang nakaupo sa pwesto, tinatanong pa rin nito ang asawa sa mga magiging desisyon. Malaki ang respeto nya rito.
At madalas nitong bukangbibig: "Basta sinabi ni Misis, tama! Hehe!"
Ganuon nya kamahal ang asawa kahit na sabihin pa ng iba na under sya. Wala syang pakialam.
Anthon: "Tatandaan ko Gob. Salamat!"
Pagkatapos nito hindi na nya pinigilan pa si Anthon na umalis. Batid nyang darating ang panahong ito na kailangan nitong lumuwas ng Maynila at harapin si Issay.
*****
Pagdating sa Maynila, ang una nitong ginawa ay nagtungo sa LuiBel company para makita si Issay at humingi ng tawad.
Kilala ng mga staff ng LuiBel si Anthon dahil isa sya sa mga shareholder ng kompanya at walang nakaalam sa kanila sa nangyari sa hotel kaya madali itong nakapasok sa building at nakaakyat sa opisina ni Issay.
Wala si Tess noon at may kinausap na kliyente sa labas kaya si Ms. Onse lang ang naabutan nya.
Magkasamang dumating sila Issay at Nelda ng kompanya. Kagagaling lang nila sa LuiBel realty at katatapos lang nilang mananghalian saka sila nagtungo dito sa kompanya.
Ito ang bagong routine ni Issay, sa realty sya nagsisimula at dumidiretso sa kompanya o minsan sa foundation nila.
Habang paakyat ay kinakausap nito si Nelda tungkol sa bagong assignment na pinagagawa nya.
Issay: "Basta ibinibigay ko na sa'yo ang responsibilidad ng mga empleyado bahala ka na!"
Nelda: "Ganun katindi ang tiwala mo sa akin?"
Issay: "Bakit ayaw mo?"
Nelda: "Hindi naman, kinakabahan lang ako!"
Anthon: "Issay....."
Napahinto si Issay sa ginagawa. Hindi nito nilingon ang tumawag dahil kilala nya kung kanino ito nagmula.
Kusang huminto sa paglakad ang kanyang mga paa at naramdaman nyang tila nanghihina ang mga tuhod nya.
Nakaramdam sya ng takot.
Nang makita ni Anthon ang itsura ni Issay na namumutla sa takot, sa taranta nito, nilapitan nya si Nelda at pwersahan pinalabas ng silid saka sinara ang pinto at ikinandado.
Kahit na ayaw makisama ng mga paa ni Issay pinilit nyang lumayo ng mas malayo kay Anthon.
Anthon: "Issay, pakiusap pakinggan mo muna ako!"
Nakita ni Issay ng isara nito ang pinto at hindi nya maipaliwang ang takot na bumabalot sa buong katauhan nya.
'Hindi! Hindi ko gusto ito!'
Naiiyak na sambit ni Issay sa sarili.
Hindi nya akalain na ganito ang magiging reaksyon nya ng marinig ang boses ni Anthon.
Ang takot na akala nya ay nawala na, kusa itong nabuhay at naghari na naman sa kanya.
Hindi nya gusto ito. Hindi tamang parati na lang syang ganito.
Boses pa lang ni Anthon nanginginig na sya sa takot. Inaatake na sya ng nerbyos.
'Kailangan kong labanan ito, pero paano? Lord tulungan mo ako ayaw kong ganito ang lagi kong maramdaman kay Anthon!'
Nakitang nyang unti unti itong lumalapit sa kanya pero ang nerbyos ang naghahari sa kanya.
Napapikit sya.
Issay: "Huwag!"
"Pakiusap!"
"Huwag mo akong lapitan!"
"Utang na loob!"
Me: Anthon, ang kulit mo sa susunod ng susunod na chapter ka pa dapat nag a appear!"
Anthon: "Pasensya author, malapit na akong makalimutan ng madlang readers pag dipa ako lumitaw!"
Me: "Hmp! Ano pa nga ba magagawa ko hindi ka naman nakikinig! Makalayas na nga ulit!"
1.