"Tapos ka ng maglaro?
Ako naman!"
Tanong ni Issay sa nakaupong si Rowena Lopez sa upuan ng presidente ng kompanya.
Rowena: "Sino kayo? At paano kayo nakapasok?"
Nagtatakang tanong nito sa dumating.
May inaantay syang kausap na bibili ng kompanyang ito at malamang padating na yon kaya wala syang panahon sa mga ito.
Issay: "Ako ang bangungot mo! E, ikaw sino ka at anong karapatan mong maupo sa silyang yan?"
Rowena: "Ako ang presidente ng kompanyang ito, natural dito ako mauupo!"
Naiirita na sya sa tono ng pananalita ng kausap.
Issay: "Ows? Sigurado ka ikaw ang presidente? Bat hindi ko nabalitaan yun?"
Nelda: "Baka sya lang ang nakakaalam?"
Rowena: "Hindi ako nakikipaglokohan sa inyo! Roger, palabasin mo ang mga nanggugulong ito!"
Pero walang dumating na Roger.
Issay: "Uhm.. Nakalimutan kong sabihin sa'yo, pinagbakasyon ko na ang boytoy mo!"
Rowena: "Kung sino man kayo na walang magawa, makakaalis na kayo! Wala akong panahon sa mga katulad nyo!"
Issay: "Ako din walang panahon sa mga katulad mo na mapagmanggap!
Nelda paki tawag na nga ang mga pulis!"
Napahinto si Rowena.
Bakit may pulis?
Rowena: "Tungkol ba saan ito, at bakit kayo tumawag ng pulis?"
Issay: "Teka, wala kaming kinalalaman sa mga pulis, nauna kaming dumating sa kanila. At hindi pareho ang pakay namin sa kayo!"
Rowena: Bakit ano bang pakay nyo?"
Issay: "Ito!"
Sabay abot ng dokumentong nagpapatunay na sya na ang may ari ng kompanya.
"Akin ang kompanyang ito kaya anong karapatan mong angkinin ito?"
Nanlaki ang mata ni Rowena.
'Imposible!
Paanong nangyari ito?'
Rowena: "Hindi totoo iyan! May katibayan akong magpapatunay na ...."
Pero hindi na natapos ang sasabihin nya dahil dumating na ang mga pulis.
Pulis: "Ms. Rowena Lopez, inaaresto ka namin sa salang arson at pagpatay!"
Sabay abot ng warrant.
Nanlaki ang mga mata ni Rowena.
'Hindi, hindi totoo ito! Malinis ang pagkakagawa nya ko kaya paano?'
Pulis: "Sumama po kayo ng maayos!"
Rowena: "Teka teka! Nagkakamali kayo, hindi ako ito!"
Pulis: "Sa presinto na lang po kayo magpaliwanag!"
At walang nagawa si Rowena ng kaladkarin sya palabas ng opisina.
Habang dinadala sya sa presinto, hindi pa rin maintindihan ni Rowena kung ano ang nangyayari.
Pagkaalis ng mga pulis, sinimulan ng ayusin ni Issay ang kompanya.
Issay: "Vanessa, tipunin mo ang mga empleyado sa isang lugar.
Si Vanessa ang tinalaga nyang bagong presidente ng LuiBel company atcsi Nelda ang kanang kamay nya.
Nang madinig ito ni Garry, natawa sya.
Garry: " Mukhang naguumpisa na syang maging nakaka takot! Hahaha!"
"Isang araw malamang malagpasan mo ang naabot ko Isabel delos Santos!"
*****
Maging si Roland ay hindi rin inaasahan ito.
Akala nya hindi na ilalabas ni Garry ang ebidensyang sinasabi nya dahil hindi nya ibinenta ang kompanya.
Mangiyak ngiyak syang nagpasalamat kay Issay lalo na ng malaman nito ng sabihin ni Garry na may kinalalaman si Issay sa pagkalap ng ebidensya.
Roland: "Hindi ako nagkamali sa pagpili sa'yo Issay! Maraming, maraming salamat."
Issay: "Hindi ko ito ginawa para sa'yo, para ito sa nanay ko!"
Ganun pa man ang dahilan ni Issay, nagpapasalamat pa rin si Roland.
Roland: "Patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko sa iyo at lalo na sa nanay mo!"
Tumayo na sya at umalis na dala ang buong respetong at habang buhay na pasasalamat kay Issay.
At dahil sa ebidensya, napa walang sala ito sa salang arson at multiple murder pero hindi sa ibang kasalanan nya.
At nagkaroon ng pagkakataon lumaya pagkatapos ng isang taon dahil sa sakit at katandaan.
Simula noon namuhay na ito ng tahimik at hindi na muling nagpakita pa ka na Issay.
Nelda: "Sabel, pano mo na gawa iyon?"
Tanong nya
Issay: "Simula pa noon respeto na ang gusto ni Roland, kaya yun ang binigay ko!"
There is a saying:
Kill them with kindness.
Happy Reading everyone!