Baixar aplicativo
66.19% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 141: Hindi Ko Sya Asawa

Capítulo 141: Hindi Ko Sya Asawa

Kinabukasan na nagising si Issay at ang unang bisita nito ay si Enzo ang ama ni Nadine at Nicole.

Issay: "Ba't mas mukha ka pang may sakit sa 'kin?"

Bati nito sa kaibigan.

Napasibangot si Enzo sa kanya.

Enzo: "Sa tingin ko, magaling ka na!"

Vanessa: "Sis, may kasama ka naman, labas na muna ako puntahan ko lang si Joel!"

At hindi na inantay ang sagot ni Issay, dalidali na itong lumabas.

Napaisip si Issay sa sinabi ng kaibigan.

"San pupuntahan nun si Joel?"

Kagabi bago operahan si Issay hanggang sa maibalik na ito sa silid magkasama ang mag jowa. Mag uumaga na ng umalis si Joel upang puntahan naman ang ina.

Nagaalala na sya para sa nobyo, wala pa itong pahinga at hindi rin halos kumakain kung di lang nya pipilitin.

Pagdating sa ICU naroon na rin si Gene.

Vanessa: "Kamusta si Mama Fe? May pagbabago ba?"

Joel: "Oo Honey love!"

Masaya nitong salubong sa kasintahan.

"Simula ng kinausap mo sya kahapon maayos ayos na raw! Sana lang gumising na sya!"

Vanessa: "Haaay Salamat! Huwag kang magalala magiging maayos din si Mama Fe."

"At siguro naman kakain ka na!"

Gene: "Si Ate Issay kamusta ang operasyon?"

Vanessa: "Ayun kagigising lang! Hindi pa nya alam ang nangyari kay Mama Fe!"

Habang naguusap ang tatlo hindi nila namalayan na dumating si Anthon.

Hindi ito agad lumapit sa kanila nasa likod lang at nakikinig sa usapan.

Dito nya nalaman na naoperahan pala si Issay.

Nakaramdam sya ng pagaalala at hiya ng madinig nya ito. Sinisisi nya ang sarili dahil sa pagiging manhid nya at walang pakialam sa nararamdaman ng asawa.

'Bakit hindi ko yun napansin?'

Pumasok sa isip nya ang sinabi ng ina na wala syang karapatan maging asawa ni Issay at hindi nya matanggap ito.

Nang mapansin nila ang presensya ni Anthon, tumigil ang lahat sa pagsasalita. Nagpaalam si Joel kay Gene at umalis kasama ang kasintahan para kumain.

Hindi makatagal si Joel pag nakikita si Anthon. Galit ito at baka hindi nya makontrol ang sarili, kaya mas minabuti nyang umiwas na lang alang alang sa ina.

Pero hindi rin nagtagal sa ICU si Anthon lalo't ngayon alam na nya na dito rin sa ospital na ito dinala si Issay. Agad itong bumaba upang ipagtanong kung nasaan ang kwarto ni Issay.

Ngunit pagdating nya sa silid, nagaalangan syang pumasok. Kinokonsensya sya sa pagiging manhid nya sa kalagayan nya.

Pero nanabik syang makita ang asawa at nagaalala na rin sa kalagayan nya.

Kaya binuksan nya ng dahan dahan ang pinto at nadinig nya ang masayang tinig nito dahil nakikipagbiruan sa kausap.

Issay: "Ano ba tumigil ka na nga sa pagiyak dyan! Buhay pa ako!"

"Sino ba talaga ang iniiyakan mo, ako ba o ang asawa mo?"

Enzo: "Syempre yung asawa ko! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa biyenan ko!"

Issay: "Hahaha! (Aray, aray)

Enzo: " Ayan tinatawanan mo kasi ako e!"

Issay: "Tumigil ka na kasi sa kaiiyak dyan, sumasakit na tyan ko!"

"Kausapin mo ang asawa mo, kung gusto nyang gumaling walang magagawa ang biyenan mo! At sabihin mo rin kay Nelda na magaaral ulit si Nicole at Psychology ang kukunin nya. Mukhang ang Mama nya ang iniisip nya ng pinili nya ang kursong iyon!"

Natuwa si Enzo, napuno ng buhay ang mga mata nito.

Magsasalita na sana si Enzo para pasalamatan si Issay ng makita na biglang nagiba ang mukha nito. Namumutla at takot na takot.

Tatayo na sana sya ng bigla syang hawakan ni Issay.

Issay: "Huwag, huwag kang aalis! Pakiusap wag mo akong iwan!"

Nagmamakaawa nitong sabi.

Enzo: "Ano bang nangyayari sa'yo Issay? Tatawag lang ako ng tulong!"

Issay: Huwag! Dito ka lang! Utang na loob dito ka lang, huwag mo akong iiwan sa kanya!"

Umiiyak na ito kaya lalong natataranta si Enzo. Nilingon nya kung sino ang tinutukoy ni Issay at nakita nito si Anthon na papalapit sa kanila.

Anthon: "Issay, Mahal!"

Kinilabutan si Issay ng madinig ang tinig ni Anthon.

Issay: "Huwag! Huwag kang lalapit! Parang awa mo na Enzo, wag mo syang palapitin dito!"

At inakap nito ng mahigpit ang likod ng kaibigan para hindi makaalis.

Hindi maintindihan ni Enzo ang nangyayari. Kelan lang masaya silang dalawa at nagmamahalan pero bakit ngayon...

Enzo: "Pare, buti pa umalis ka na!"

Anthon: "Gusto ko lang naman syang kamustahin."

"Issay, kamusta ka na? May masakit ba sa'yo?"

Malambing nitong tanong kay Issay na parang hindi napapansin na takot na takot sa kanya.

Hinila ni Issay si Enzo at nagtago ito sa likod nya para hindi makita si Anthon. Takot na takot!

Enzo: "Pre, dyan ka lang muna, pakiusap! Huwag kang lalapit!"

Anthon: "Teka, pare, asawa ako nyan, baka nakakalimutan mo! Di ba dapat ako ang umaalalay sa kanya at hindi ikaw? Kaya kung ako sa'yo ikaw ang umalis!"

Pero paano sya aalis at paano nya iiwan ang kaibigan sa ganitong sitwasyon.

Enzo: "Pasensya na pare pero hindi ko pwedeng basta iwan si Issay!"

At pinindot na nito ang button para humingi ng tulong sa labas.

Napansin na nyang tila nahihirapan na si Issay at pati ang swero nya parang puro dugo na.

Nagulat si Anthon ng madinig na sabay sabay na pumasok ang mga duktor at nurse na naka duty duon.

"Anong nangyayari dito ba't iniistress nyo ang pasyente? Kaoopera pa lang nyan!"

"Magsilabas kayo dito!"

Anthon: "Doc, ako po ang asawa nya!"

Pero hindi pa rin bumibitiw si Issay kay Enzo kaya hindi nya ito maiwan.

Issay: "Hindi!"

Mahinang sabi nito.

"Anong sabi nya?"

Issay: "Hindi ko sya asawa!"

Sabay turo kay Anthon.

Anthon: "Anong sinasabi mo? Ikinaasal tayo at isa sa witness yang lalaking yan! Nakalimutan mo na ba?"

Pero umiiling lang si Issay at patuloy na binibigkas ang salitang 'hindi, hindi totoo yan!'

"Doc tumataas ang BP ng pasyente!"

"Tawagin nyo si Dr. Bing!"

"Bigyan nyo ng pampakalma!"

"Doc natanggal ang swero nya saka nagdudugo ang sugat nya!"

At tiningnan nya ang dalawa.

"Mabuti pa magsilabas na kayo at hindi kayo nakakatulong sa pasyente!"

Lalapit na sana si Anthon pero hinarangan sya ni Enzo at pwersahan inilabas ng silid.

Anthon: "Ano ba pare, kanina ka pa! Nakakalalaki ka na! Bakit mo ba ako hinaharangang makalapit sa asawa ko?!"

Enzo: "Pare, umayos ka nga! Anong magagawa mo duon hindi ka naman duktor? Baka nakakalimutan mong kaoopera lang ni Issay at wala pa itong 24 oras, pag nagkaroon sya ng kumplekasyon malalagay lang sa panganib ang buhay nya! Naintindihan mo ba!"

Naiirita na si Enzo.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
trimshake trimshake

Salamat sa patuloy pagbabasa ng nobelang ito sana samahan nyo ako hanggang dulo.

Thank you all and God bless! Mwah!

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C141
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login