Isa si Ms. Lagundi sa pinaka hinahangaan na teacher ng skuwelahan iyon.
Masasabing huwarang guro si Ms. Lagundi. Ang bawat kilos nito ay banayad at walang kagaslawan. Pati pagsasalita nito ay mahinahon at wala kang makikitang emosyon sa mukha kaya hindi nila mabasa ang iniisip nito.
Wala syang bisyo at laging tahimik lang sa pwesto nya at nagbabasa. Hindi ito humahalubilo sa mga tsismisan at huntahan ng mga kasamahan nyang guro.
Lahat ng nahahawakan nyang klase ay napapatino nya at himalang nagtataasan ang mga grado sa lahat ng subjects nila. Kaya sobrang laki ang paghanga at pasasalamat ng mga magulang ng bata sa kanya.
Maging ang principal ay natutuwa din sa kanya at may plano na itong I promote sya sa mas mataas na posisyon.
Kaya ng marinig nya ang paratang ni Nicole, syempre hindi sya naniniwala. Sa isip ng principal, gumagawa lang ng gulo ang taong ito para siraan ang isang magaling at respetadong guro.
Inilipat nya ang tingin kay Ms. Lagundi at makikita dito na walang bahid ng kaba at pagaalala sa mga paratang sa kanya.
Tahimik lang itong nakikinig at nakaupo sa isang tabi.
Principal: "Ms. Lagundi, totoo ba na sinampal ka nya?"
Ms. Lagundi: "Totoo po Sir Principal!"
Banayad nitong sabi.
Principal: "Kelan ito nangyari?"
May pagaalalang tanong nya.
Ms. Lagundi: "Mga limang araw na po ang nakakaraan!"
Nicole: "Yan lang ang itatanong mo?"
Tiningnan si Nicole ng masama ng principal.
Principal: "Miss, sa pagkakaintindi ko hindi ka kamaganak ni Erica kaya mas mabuting lumabas ka na!"
"Magpasok kayo ng security dito at palabasin nyo si Ms. Nicole!"
Napangisi si Ms. Lagundi sa inutos ng principal pero saglit lang iyon at ibinalik nya ulit ang blanko nyang mukha.
Magsasalita pa sana si Nicole pero pinigilan na sya ni Madam Zhen.
Madam Zhen: "Sige na Nicole, lumabas ka na! Ako na ang bahala dito!"
Nicole: "Hindi po Madam, hindi ko po kayo iiwan kahit anong mangyari!"
Hindi ipinaalam ni Madam Zhen sa asawa ang nangyayari sa anak kaya wala ito rito. Si Nicole ang sumama sa kanya.
Maya maya dumating ang isang security at pwersahan pinaalis si Nicole sa silid.
Ito ang naabutang eksena nila Issay.
Issay: "Bitiwan nyo sya!"
Security: "Sino kayo at paano kayo nakapasok dito? Kasama nyo ba ito? Pwede ba umalis na kayo at wala kayong pakialam sa usapan dito!"
Issay: "Hindi mo kami mapapaalis dito hanggat hindi namin naayos ito! Kundi mo kami papasukin sa loob dito kami maguusap!"
"Nicole ikuwento mo ang buong nangyari at lakasan mo!"
Hindi sila pinakialaman ng security dahil ang utos lang sa kanya ay palabasin ito ng silid kaya nanatili sya sa pinto at nag bantay para hindi sila maka pasok.
At dahil masunurin si Nicole, ikwinento nya ng malakas ang nangyari.
Nadinig ito ng buong staff pati ng mga estudyanteng naroon at nagdaraan kaya bago sya matapos napuno na ng mga ususero at ususera ang loob at labas ng admin.
Nicole: "Pinatawag po si Madam ng principal dahil daw sa kumakalat na video at picture ni Erica sa website ng skuwelahan!"
"Nung isang araw kasi, hindi naka sagot si Erica kay Ms. Lagundi kaya pinaghubad nya ito sa harapan at pinatuwad! Duon nanggaling ang video at picture na inupload sa website ng school!"
"Si Erica ang biktima dito pero ngayon pinapalabas ng school na may ginagawang karumaldumal yung bata!"
Nabigla ang lahat sa narinig at may mga magulang din na naroon at natakot para sa mga anak.
Lahat sila alam ang issue ni Erica dahil nakita nila ito sa website ng school, at lahat sila aminadong hinusgahan kaagad ang bata. Nakita kasi nilang nagtatakbo itong umuwi at may punit ang damit nung isang araw.
Gene: "Ngayon, sa narinig mo hindi mo pa ba kami papasukin?"
Security: "Pasensya na po Sir, pero sumusunod lang ako sa utos.
*****
Sa loob ng principal office.
Pinapaliwanag ng principal kay Madam Zhen ang kasalanan ng anak.
Principal: " Madam, sa kahihiyang binigay ng anak nyo sa skuwelahan namin dapat lang na ma expelled sya!
Pero dahil sa pakiusap ni Ms. Lagundi, at maganda rin naman ang rekord ng anak nyo, naisip ko na lang na isuspinde sya ng dalawang linggo!"
Naiiyak na si Madam Zhen sa sinapit ng anak. Gusto nyang magreklamo pero paano? Wala syang ebidensya na magdidiin sa teacher na ito.
Hindi sya makapagsalita. Pag pumayag sya parang inaamin na rin nyang may kasalanan ang anak nya.
Principal: "Madam, kahit hindi nyo po tanggapin, gawa na po ang suspension letter at pipirmahan nyo na lang, sa katunayan na natanggap nyo!"
Nadidinig na nya ang ingay sa labas kaya kailangan na nyang tapusin ito. May meeting ang mga shareholders ng skwelahan ngayon at baka maabutan pa ang mga ito.
Pero hindi magawang tanggapin ni Madam Zhen ang sulat kaya pwersahan na nya itong binigay.
Principal: "Kahit tanggapin nyo yang sulat o hindi, suspendido na ang anak ninyo!"
At tumayo na ito at hinatid si Madam Zhen palabas ng silid.
Pagbukas ng silid nagulat ang principal dahil punong puno ng tao ang buong administration.
Principal: "Bakit narito kayo lahat? Oras ng klase diba? Gusto nyo bang isuspindi ko kayo lahat?!"
Nadidinig nya ang ingay kanina pero hindi nya akalain na ganito? Halos lahat na ata naririto!
'Papano ko paalisin ang mga taong ito? Malapit ng dumating ang mga shareholders!'
Gusto nyang sisihin ang security pero ano bang laban nya sa dami ng mga ito?
Principal: "Sino ba ang nagsimula nito?"
Tanong nya sa security
Security: "Sila po!"
Nakita nya ang grupo nila Nicole sa gitna.
Principal: "Ms. Nicole, kahit anong gawin mong paninira kay Ms. Lagundi walang maniniwala sa'yo! Kaya tigilan mo na itong gulong ginagawa mo sa skuwelahang ito!"
Magpasalamat ka na lang at suspension lang ang binigay ko kay Erica, kung hindi lang sa pakiusap ni Ms. Lagundi expulsion ang ibibigay ko dyan!"
Sinabi nya ito para ipaalam sa kanila na gawa gawa lang ang kwento ni Nicole at hindi sya naniniwala sa lahat ng sinasabi nito. At para na rin ipaalam sa lahat ang magandang katangian ng guro.
"Sinong may sabi na walang naniniwala sa kwento ni Nicole?"
Principal: "At sino ka naman?"
Buong taray na tanong nito. Nainis sya ng makita na isa sa kasama ni Nicole ang nagsalita.
Principal: "Kagaya ni Ms. Nicole, hindi ka parte ng skuwelahang ito kaya wala ka ring karapatan na makialam!"
Issay: "Isa ako sa shareholder ng skuwelahang ito, at inabisuhan nyo ako sa meeting ngayon!"