Baixar aplicativo
41.78% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 89: Panganib

Capítulo 89: Panganib

Habang nagpa plano si Anthon kung paano matatakasan ang bumubuntot sa kanila, nagtungo naman si Gene sa kagubatan.

Dito huling nakita ang signal galing kay Belen, kaya dito sya magsisimulang maghanap.

Ang signal ay galing sa cellphone ni Belen pero may isa pa syang suot na pwede ring magbigay ng lokasyon nya, ang relo nito.

Pinasadya ito ng ama ni Belen para sa proteksyon niya at ang Papa ni Anthon ang may hawak ng aparato para mahanap ang signal.

Ang Papa ni Anthon na si Alejandro Santiago, ang personal na bodyguard at kanang kamay ni Mayor Gilberto Perdigoñez nuon. Kaya pinag katiwala nya dito ang kaligtasan ng mga anak nya lalo na si Belen.

Bago namatay ang Papa ni Anthon sa kanya ito pinag katiwala ng ama.

Nung tawagan ni Anthon si Gene saka lang nya nalaman ang tungkol dito bagay na kinainis ng huli.

'Bakit ngayon lang nya sinabi sa akin ang tungkol dito?'

Nainis man sya sa kapatid nagpapasalamat na rin sya dahil magiging madali ang paghahanap nya kay Belen.

Hindi nya maintindihan ang sarili bakit sobra sobra ang nararamdaman nyang pagaalala ngayon kay Belen.

Dalawang araw na ng makidnap si Belen at wala sa silang ginawa kung hindi ang tumakbo ng tumakbo! Pagod na pagod na sya at gutom na gutom pa!

"Kailangan ko ng makatakas sa mga ito at baka maubusan ako ng lakas sa kasusunod sa kanila!'

Nang makidnap, palabas na sya ng building para mag lunch. Mga sampu ang bilang nya sa mga dumukot pwera pa si Oscar, pero ngayon lima na lang silang tumatakbo at may tama pa ang isa.

Nagpapahinga sila ng mapansin nyang namumutla na ang taong ito na may tama kaya alam nyang hindi na ito makaka tagal pa!

Napansin din ito ni Oscar.

"Mas mabuti kung iiwan na natin yan!"

Matanda na si Oscar at nauubusan na rin sya ng lakas pero wala syang planong magpahuli.

Mas gugustuhin pa nyang mamatay kesa mahuli nila pero isasama nya si Belen sa kamatayan. Ito ang plano nya.

Maraming humahabol sa kanila mga militar at mga tauhan ni Perdigoñez at Saavedra, swerte nya kung makakatakas pa sya.

Pero hindi pumayag ang lalaki na maiwan. Sinugal nya ang buhay nya sa taong ito tapos iiwan lang sya? Hindi sya makakapayag!

"Malakas pa ako at may silbi kaya ko pang maglakad!"

Sabay tayo nya at nauna ng naglakad.

Pero pagkaraan ng ilang minutong paglalakad tuluyan ng bumigay ang katawan nya, hindi na nya makayanan na sumunod pa sa kanila.

Ngayon tatlo na lang ang natitira mas mapapadali na ang pagtakas nya. Yung isang tauhan ni Oscar nakaalalay sa kanya at buhat buhat sya sa likuran at pagnapagod magpapalit sila ng nagbabantay sa kanya. Nakatali ang mga kamay ni Belen na unti unti ng lumuluwag ngayon.

Sinadya nyang bagalan ang lakad para lumaki ang distansya kila Oscar.

Saka umikot sya patalikod sa nagbabantay sa kanya sinipa ang alakalakan ng lalaki. Napaluhod ito at ng nakaluhod na saka inilagay ni Belen sa leeg nya ang dalawang kamay na nakatali.

Sinakal nya ang lalaki sa pamamagitan ng tali sa kamay nya at saka itinuon ang paa nya sa likod nito upang lumakas ang pwersa ng pagkakasakal.

Sa pagka bigla ng lalaki hindi na ito nakalaban pa pero napansin sila nila Oscar. Napatigil si Belen ng palapit na ang dalawa at nagmadaling umalis bitbit ang baril ng lalaking sinakal nya.

Oscar: "Ang tapang mo ha, bakit marunong ka bang gumamit nyan?"

At nagulat sila ng biglang pumutok ang baril at natumba ang tauhan na umaalay kay Oscar.

Nakapagtago agad si Oscar at ang lalaking sinakal nya.

Dito na naka kita ng pagkakataon si Belen, kumaripas sya ng takbo palayo sa dalawa.

Nang makita ni Oscar na tumakbo si Belen hinabol nila ito.

Ayon sa aparato na dala ni Gene na kanina pa nya sinusundan ang signal, papalapit na sya sa kinaroroonan ni Belen.

Pero laking gulat nya ng dalhin sya ng signal sa isang bangin.

Ibig sabihin ba nito nasa ibaba ng bangin si Belen?

Kinabahan sya.

Anong gagawin nya magtatakipsilim na?!

*****

Kinabukasan bumalik na sila Anthon at Issay sa Boracay.

Duon na sila nagtanghalian kasama ng bago nilang naging mga kaibigan sa isla.

Dahil sa sobrang pagod nagpahinga sila pagkakain. Huling araw nila ngayon kaya susulitin na nila.

Bukas maagang maaga silang aalis papuntang Davao.

Pagkapahinga inumpusahan ng magimpake ni Issay ng gamit nila saka lang nya naalala na hindi pa sya nakakapamili ng pasalubong.

Natutulog pa si Anthon kaya hindi na nya ito inistorbo, nag iwan na lang ng sulat na mamimili lang sya.

Habang namimili may napansin syang sumusunod sa kanya pero hinayaan nya lang.

Nang makarating sya sa dulo na wala ng gaanong tao nagulat sya ng biglang may sumulpot na isang lalaki sa harapan nya at hinarangan ang daraanan nya.

Umiwas ito at lumiko sa kaliwa. Pag lingon nya napansin nyang sumusunod ang humarang sa kanya at dumarami sila.

Pero hindi pa sya nakakalayo sa nilikuan, napansin nyang mukhang deadend ang dulo kaya hindi na sya tumuloy at naisipan na nyang bumalik nang biglang may humablot sa kanya at nawalan sya ng malay.

Winnie: "Kayo na ang bahala dyan, magenjoy kayo!"

Utos nya sa mga tauhan nya na halang ang mga kaluluwa.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C89
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login