Baixar aplicativo
34.74% Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 74: Uncle Rem

Capítulo 74: Uncle Rem

"Uncle Rem napatawag po kayo?"

Sambit ni Belen ng sagutin nya ang cellphone.

Si Guillermo Perdigoñez o si Rem ang kaisaisang kapatid ng ama ni Belen.

Rem: "Bakit? Hindi ko na ba pwedeng tawagan ang paborito kong pamangkin?" Kailangan ko na bang humingi muna ng appointment?"

Napaikot ang mata ni Belen ng madinig ito. Sila lang kasing dalawa ni Luis ang mga pamangkin nito at ngayon wala na si Luis sya na lang ang natitirang pamangkin nya.

Belen: "Uncle, wagka na pong magtampo! Alam kong busy ka at alam mong busy din ako, kaya sabihin nyo na kung anong gusto nyo at may birthday pa po akong pupuntahan!"

Rem: "Aattend ka pala ng birthday ni Fe, magaling! Bago ka dumiretso dun dumaan ka muna sa bahay!"

Belen: "Po? Bakit po ba?"

Pangungulit ni Belen.

Rem: "Dahil namimiss na kita!" "Matanda na ako at ako na lang ang nagiisang kapatid ng tatay mo! Kaya dumaan ka muna dito sa bahay!"

Sabay baba ng cellphone.

Walang nagawa si Belen kung hindi sumunod kahit na may iba syang pakiramdam sa imbitasyon ng tiyuhin.

Ang tinutukoy na bahay ni Rem ay ang Villa ng mga Perdigoñez at mas malayo pa ito sa San Roque.

Simula ng ibigay kay Rem ang pamumuno ng angkan nila kasama ito sa namana nya.

Ito ang nakaugalian ng kanunununuan nila.

Matagal na panahon na syang hindi nakapunta dito pero hindi pa rin nagbabago ang naramdaman nya sa tuwing nauwi sya dito.

Pag pagpasok pa lang nya ng gate marami ng masasayang alaala ang nagbabalik.

Kahit na madilim na ng sya'y makarating, pansin pa rin nyang walang nagbago. Ganuon pa rin ang itsura at hindi nya alam kung bakit. May pagkasentimental ba si Uncle Rem?

Belen: "Uncle, mano po!"

Salubong nya sa tiyuhin.

Rem: "Hahaha! Sabi ko na hindi mo ko matitiis eh!"

Masayang salubong nito sa pamangkin.

Belen: "May choice po ba ako e binabaan nya ko ng phone!"

"Dipa rin kayo nagbabago, Uncle Rem!"

Uncle Rem: "Halika na, pumasok ka na, mahal kong pamangkin!"

Buong ngiti nitong sabi.

'Na miss ba talaga ako nito o may kailangan lang sa akin? Hmmm.'

Belen: "Si Auntie Chedeng po nasaan?"

Uncle Rem: "Kasama ang mga amiga nya, nag punta ng Thailand. Ang mga pinsan mo naman, alam mo na, nasa kanya kanyang pamilya kaya ako lang magisa dito!"

Belen: "E, ba't dipo kayo sumama kay Auntie?"

Uncle Rem: "Puro babae sila!"

Nangiti si Belen, takot kasing sumakay ng eroplano at barko ang uncle nya kaya hindi ito sumasama sa mga lakad ng asawa.

Belen: "Uncle, ano po ba talaga dahilan at pinapunta nyo ako dito?"

Uncle Rem: "Kararating mo lang at madaling araw na, tyak pagod ka pa sa byahe, kaya pwede ba magpahinga ka na muna at bukas na tayo magusap!"

Kinabukasan, tinanghali na nagising si Belen dahil sa sobrang pagod sa byahe kahapon.

Belen: Uncle, pagkatapos ko pong kumain gagayak na ako papuntang San Roque at hindi nyo na po ako mapipigilan. Kaya pwede po ba sabihin nyo na ang dahilan bakit nyo ako gustong makausap!"

Panggigipit nito sa tiyuhin.

Alam nyang makulit ang tiyuhin, at me pagkaisip bata din ito kung minsan. Batid din nyang naghahanap ng kausap ito kaya siya kinukulit ngayon.

Uncle: "Haaay, hindi mo man lang ako masamahan kahit sandali lang!"

Belen: "Ayaw nyo po kasing sabihin ang dahilan ba't nyo ko pinapunta dito at saka may pupuntahan pa kong birthday!"

Uncle Rem: "Pag sinabi ko ba sa'yo hindi ka ba aalis?"

Belen: "Aalis din po! Kaya sabihin nyo na!"

Pangungulit ni Belen.

May plano talaga si Belen na bisitahin ang tiyuhin pagkatapos ng selebrasyon para sorpresahin ito.

Uncle Rem: "Bueno, tutal hindi kita mapigilan dyan, gusto ko lang malaman kung ano ang problema ng bangaw na si Roland?"

Belen: "Hahaha!"

Natawa sya sa pagkaka larawan kay Roland.

Uncle: "Bakit ka tumatawa dyan? Totoo naman na may pagkabangaw yun sa kakulitan!"

Sabi nya bakit nyo daw ayaw ibigay sa kanya ang karapatan nya sa LuiBel e sya naman daw ang mayari!"

Belen: "Naniniwala naman po kayo?"

Uncle Rem: "Syempre hindi! Pero gusto kong madinig ang kwento!"

At kinuwento na nya sa tiyuhin lahat ng nalalamam nya.

Uncle: "Alam kong hindi kay Luis ang LuiBel simula pa nung una, pero natutuwa ako at napalago nya ito!"

Belen: "May alam pala kayo?"

Uncle Rem: "Isa ako sa kinausap ni Luis bago niya umpisahan yan!"

"Magaling na negosyante ang kapatid mo at minsan naisip kong pwede kong ibigay sa kanya ang pamumuno dahil parehong gusto ng dalawang pinsan mo ang pulitika!"

Belen: "Ngayon po Uncle, ano po ang tunay na dahilan ba't nyo ko pinapunta dito?"

Nagulat ang tiyuhin nya at pinisil ang ilong nya.

Uncle: "Hindi ka man lang makapaghintay dyan!"

Belen: "Sabi ko naman senyo may birthday po akong pupuntahan at mahuhuli ako pag dipa ko umalis!"

Uncle: "Mas mahalaga ba talaga ang selebrasyon na yan kesa sa akin na uncle mo?"

Nagtatampo nitong sabi.

Belen: "Uncle, alam nyong malaki ang utang na loob ko sa asawa ni Tita Fe, binuwis nun ang buhay nya para kay Amang!"

Naintindihan naman ito ng tiyuhin nya pero gusto din nyang dumalo nahihiya lang syang magsabi hindi kasi sya imbitado.

Uncle: "Oo na!"

"Eto tingnan mo tapos sabihin mo sa akin kung anong masasabi mo!"

Nang makita nya ang isang business proposal napataas ang kilay ni Belen.

Belen: "Ano pong dahilan at ipinakita nyo sa akin yan?"

Uncle: "May hiniling ang ama ni Miguel, gusto nyang makasal kayo!"

"May usapan daw sila ng namayapa mong ama sa kasal na iyon!"

Si Miguel ay ang naging matalik na kaibigan ni Luis ng bata pa sila at unang boyfriend ni Issay.

Belen: "Imposible Uncle! Hindi ako papayagan ng Papa na makasal sa asawa ko kung totoo ang sinasabi nya!"

Uncle: "Alam ko, pero ginigipit nya ako!"

"Matagal na syang may interes na pasukin ang Perdigoñez at ginagawa nya ang lahat para makapasok!"

Belen: "Hindi naman nya kinikilalang anak si Miguel diba? Hindi nya nga dala ang apelyido nito!"

Uncle: "Tuso ang matandang yun, kaya kinakabahan ako! Magiingat ka lagi!"

Belen: "Wag kayong magaalala Uncle, magiingat ako!"

Pero ngayon oras na para maghanda sa pag alis!"

Nalungkot bigla ang tiyuhin nya at napansin iyon ni Belen.

Belen: "Uncle, ano pa pong inaantay nyo dyan? Maghanda na rin kayo at sasamahan nyo ako!"

"Kayo po ang magiging 'date' ko sa birthday celebration ni Tita Fe!"

Nanlaki ang mga mata ni Rem sa tuwa ng marinig ang sinabi ng pamangkin.

Kumaripas ito ng punta sa silid upang maghanda.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C74
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login