Baixar aplicativo
68.18% Man With Red Eyes(tagalog) / Chapter 15: XIV

Capítulo 15: XIV

Binuksan ko ang pintuan ng condo unit na tinutuluyan ko. Bumungad sakin ang tahimik at madilim kong unit. Hindi na ako nag abala pang buksan ang mga ilaw at pumasok na ako. Hindi ko naman na kaylangang buksan pa ang ilaw dahil alam o na ang pasikot sikot ng bahay ko kahit wala pang ilaw. Inilapag ko sa maliit na mesa sa sala ko ang gamit ko at binagsak ko na ang katawan ko sa malaking sofa don.

Ipinikit ko ang mata ko at iniwasan kong mahawakan ang sofa. Hindi ko naman kasi gugustuhing makita kung pano ginawa to diba?

Yun ang poblema sa kakayahan ko, hindi ko sya ma kontrol ng maayos. Hindi ko alam kung anong poblema, pero mula nung nadiskubre ko ang kakayahan ko. Hindi ko to makontrol naaayon sa gusto ko.

Kaya kong makita ang nakaraan ng mga bagay o tao pag nahahawakan ko sila at ipikit ang mga mata ko. Pero para makita ko ang hinaharap nila, yun ang hindi ko pa alam kontrolin.

Bnuksan ko ang mga mata ko, at tumayo na ako papuntang kwarto ko. Inalis ko ang uniform ko at tinira lang ang panloob ko saka ako lumapit sa may malaking bintana at hinawi ang kurtina kong kulay itim na may disenyo na mga paru paro na kulay puti. At bumungad sakin ang maaliwalas na kalangitan. Masyadong mataas tong building na to para makita ko pa ang mga katabing building at mga bahay at ang kalsada.

Pinili ko talaga ang lugar na to para tirhan, malayo sa mga tao, malayo sa mga ingay. Para masigurong makukuha ko ang katahimikan na gusto ko ay binili ko rin ang dalawa pang palapag sa iba iba ng unit ko. May sarili rin akong parking space at sariling elevator na ako lang ang pwedeng gumamit. Basta naman may pera ka makukuha mo ang material na bagay na gusto mo.

Naglakad na ako papuntang king size bed ko na katulad ng kurtina ko na kulay itim din ito na may kulay puting paruparo na disenyo ngunit ang pinag kaiba lang ay may halong pula ng kulay ito na nag sisilbing bulaklak na kinaroroonan ng mga paru paro. Humiga ako at tumingin sa bintana ko na halos buong pader ng kwarto ko ang laki. May balcony yun na ginawa kong parang garden ko. Dahil may ibat ibang klase ng bulaklak don at halaman na makukulay.

Dahil nakahawi ang mga kurtina ay pumapasok ang liwanag galing sa labas. Kaya nabawasan ang kadiliman sa kwarto ko. Kwarto ko na puro itim ang kulay ng mga gamit hindi lang dito sa kwarto ko kungdi buong unit ko ay kulay itim ang kulay ng mga gamit. Tanging ang pintura lang ng pader ang kulay puti.

Ilang taon na ba akong naninirahan sa dilim, ah oo nga simula bata ako. Ang kadiliman ang karamay ko sa lahat ng sakit at hirap ko. Dahil isa ako sa Zarouhi o mga prinsesa ng bawat angkan. Ang mga babaeng sanggol na ipinanganak sa tatlong lahi na nag tataglay ng Dhampir Marks.

Napahawak ako sa may dibdib ko kung san makikita ang Dhampir Mark ko. At ang akin ay ang Malnija (a kill), hugis kidlat ito na nag salubong kaya mukhang X ang dating nya. Lumilitaw ang mga sanggol na may gantong marka pag may nalalapit na digmaan sa pagitan ng mga Soucouyant at Danag/Cazador.

Ang mga sanggol ay nag mumula sa tatlong lahi, ang lahi ng Danag (Vampire) kung saan ako nabibilang. Ang Cazador (Hunter/Wizard) at ang Dhampir (human that become vampire) na sinasabing pinakamalakas sa lahat ng Zarouhi.

Ang Dhampir ang mamumuno sa tatlong lahi, dahil sya lamang ang may kakayahan na pamunuan ang tatlong lahi. At yun ay si Yuki, ang Dhampir na makapangyarihan pa kaysa sakin o kahit kanino man. Ang kaylangan lang ay bumalik ang kanyang alala, dahil kasabay ng pag balik ng kanyang alala ay ang pagkagising ng kanyang kakayahan. Na alam kong inaantay ni Abigor, ang pinuno ng Soucouyant.

Dahil ang pag inom ng dugo ng Dhampir ay nag bibigay ng hindi mapapantayang lakas. Walang hanggang kapangyarihan na dati pa nya inaasam, dati pa inaasam ng lahi nya.

Kung ang iba ay inaasam na maging Zarouhi, pwes ako hindi. Dahil tinuturing ko tong isang sumpa, sumpa na dahilan kung bakit lumaki akong itinatago ng sarili kong pamilya sa lahat para lang maprotektahan ako. Sumpa na dahilan kung bakit namatay lahat ng mahal ko. Dahil kung hindi ako isang Zarouhi, hindi ko mararanasang mabuhay sa dilim.

Dahil para magising ang kakayahan namin ay kaylangan naming makaranas ng matinding pighati. Dahil ang negatibong pakiramdam na yun ang bubuhay sa kakayahan namin. At ako, nabuhay ang kakayahan ko nung araw na yon. Nung magising ako na lahat ng taong pinapahalagan ko ay wala na.

Naiyukom ko ang palad ko na nakahawak sa dibdib ko nung maramdaman ko ang pamilyar na pakiramdam na yun sa kaloob looban ng puso ko.

"Malapit na, at mapag hihiganti ko na kayong lahat. Konting panahon na lang at mag kakaharap na tayong muli Abigor. At pag nangyari yun sisiguraduhin kong wawakasan ko na ang buhay mo. Katulad ng sinisimbolo ng Dhampir Mark ko, ako mismo ang papatay sayo." Puno ng galit na sabi ko sa kawalan.

Tumayo na ako at pumunta sa may vanity mirror ko at umupo sa harap non. Kumuha ako ng isang cotton ball at nilagyan ko ng make up remover saka ipinahid sa mukha ko para alisin ang make up ko.

Ilang minuto lang ay naalis ko na dapat alisin at lumitaw na ang natural kong mukha. Natural na mapupulang labi, bilugang mata na ngayon ay mas maaliwalas tignan dahil naalis na ang makapal na eyeliner.

Isang maamong mukha ang nakikita ko ngayon, mukhang itinatago ko dahil ayaw kong mag mukhang mahina. Ayaw ko nang maging mahina at ang itim na make up ang nakakatulong sakin para maramdaman kong malakas ako. Na hindi ako mahinang nilalang lang.

Napatingin ako sa jewelry box na nakapatong sa gilid, kinuha ko to at binuksan. Nakita ko ang isang singsing na may kakaibang bato na nakalagay dito. Kiuha ko yun at isinuot ko sa hintuturo ko, napaka gandang tignan sa kamay ko.

Isang gold ring na may gemstone na natatangi sa lahat. Isang gemstone na iba't iba ang kulay, itim, puti, bughaw. Kulay na pang pinag sama sama ng hindi hinalo ng mabuti. At lahat ng Zarouhi ay mayron nito. Ang sabi sakin ay hawak hawak ko na ito nung pinanganak ako, alam kong parang imposible pero totoo. Hawak ko na ang gemstone na to mula nung isilang ako.

Inalis ko na ito at binalik sa lalagyanan nya. Tumayo na ako at nagbihis na saka ako lumabas ng kwarto ko. Binuksan ko muna ang ilaw bago ako pumuntang kusina. Inalis ko ang panyong nakabalot sa kamay ko bago ko itapat sa gripong naka bukas.

Inalis ko ang mga natuyong dugo sa paligid ng sugat ko at nung malinis na ay pinatay ko na ang gripo at tinignan ko ng maigi ang sugat ko. Isang malalim na medyo mahabang hiwa lang naman yun at tatlong maliliit na sugat. Okay nato kahit di ko na lagyan ng gamot mga dalawang araw lang ay wala na to sana lang hindi mag iwan ng peklat to.

Totoong pagnasugatan kami ay madaling gumaling pero ibang usapan na pag gawa sa silver ang nakasugat samin. Mas mabagal itong gumaling at makakaramdam kami ng hapdi dahil sa pag kakahiwa.

Pero hindi tutoo yung tungkol sa kahoy na pag sinaksak sa dibdib namin ay mamamatay na kami. Ewan ko ba san nakuha yung senario na yon ng mga writer ng mga palabas.

Bumalik na ako sa kwarto ko at humiga na ulit ako. Gusto ko ng matulog at wala rin naman akong ganang kumain kaya mas okay na nga na matulog na ako. Inayos ko sa pag kakapatong sa dibdib ko ang mga kamay kong nakayukom saka ako pumikit. Nakasanayan ko nang gawin to para masigurong hindi ko aksidenteng mahawakan ang mga gamit ko habang natutulog.

Medyo matagal na akong nakapikit nung may parang kakaibang halimuyak ng bulaklak akong naamoy sa paligid ko. Pero dahil sa antok ko ay di ko na inabala pa ang sarili kong alamin kung saan nanggaling ang amoy na yun. Baka yung mga bulaklak ko lang yun sa may balcony lang yun. Dahil sa amoy ng mga bulaklak ay mas lalo akong nakaramdam ng antok. Pero bago ako tuluyang nakatulog ay parang may naramdaman akong gumalaw sa tabi ko gustuhin ko man buksan ang mga mata ko ay di ko na magaw dahil antok na antok na ako, at tuluyang hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko.


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
Deirdre_Aileth Deirdre_Aileth

Pambawi to sa ilang araw na hindi ko pag update. Try ko mamaya kung kayang mag update ako ulit pero hindi ako nangangako namakakapag update po ako. BTW ginamit ko yung character ni Vlandez to explain some words and things po. Siya kasi pinaka suitable na character na pwedeng mag paliwanag. Kung may tanong kayo comment lang po kayo para masagot ko.

So yun lang po bye bye!!!

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C15
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login