Jungkook's Pov
Maaga kong tinapos ang mga pipirmahan kong papeles sa opisina ko. Kakatapos lang ng meeting ko sa mga investors ko. Hinilot hilot ko ang sintido ko dahil nananakit sa damit ng nireview kong mga papeles. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko.
"Daddy!!!!!" sigaw ni Lala habang tumatakbong papalapit sa akin. Kumandong ito sa akin at hinalikan ako sa pisnge.
"Lala, i told you not to run. Paano kung nadapa ka!" sigaw ni Leo sa kakambal nya. "Hi dad!" naalalang bati nya sakin tapos humalik din sa pisnge ko.
"Di naman ako nadapa eh." sabi ni Lala.
"Baby Lala, tama naman ang kuya Leo mo. Paano pagnadapa ka at nagkasugat? Gusto mo bang magalit si mommy at mapagalitan ka?" tanong ko.
"Ayaw po. Excited lang po kasi ako dahil po napili kami ni Leo na sumayaw at kumanta sa school anniversary." kwento ni Lala.
Speaking of anniversary naalala ko dapat pala maaga kami ngayong umuwi. Kasabay ko umuwi ang 9 years old kong mga anak. Katapat lang kasi ng school ng mga bata ang kompanya ko kaya madali lang silang nakakapunta. Sinusundo naman sila ng bodyguard nila. Muntik na kasi makidnap ang dalawa kaya nagpadala sya ng 2 agent para maging bantay ng kambal.
"Daddy tara na baka magalit si mommy." aya ni Leo.
"Oh sige na aalis na tayo." sabi ko. Nagpaalam na ako sa secretary ko at sinabihang dalhin na lang sa bahay ang mgapipirmahan ko bukas.
"Bye bye Tito Clark." magiliw na bati ni Lala. Tumango naman ang sekretarya ko.
Pumasok na kami ng elevator at bumaba. Pinagtitinginan kami palagi kapag kasama ko ang kambal lalo na ng mga baguhan. Di ko sila masisisi dahil mukhang manika ang mga anak ko. Salamat sa genes namin ni Lisa.
Sumakay kami ng kotse ko. Bago umuwi bumili muna ako ng bulaklak at kinuha ko ang pinagawa kong White chocolate cake. Paborito kasi ni Lisa ang white chocolate.
Nakarating kami sa bahay at ipinarada ko ang sasakyan sa garahe. Dinala ni Leo ang bulaklak at sakin naman ang cake. Pumasok kami sa bahay at nadatnan namin na natutulog si Lisa.
Gigisingin sana namin ng magsalita ang pangatlo kong anak na si Lily. Humalik muna ito sa pisnge ko.
"Wag nyo gigisingin si mommy kung ayaw nyong paluin ko kayo. sabi ni Lily.
"Bakit naman baby Lily?" tanong ni Lala.
"Di na ako baby. Napagod kasi si mommy tapos sumakit ang ulo nya. Napaaway kasi si kuya Lucas at kuya Vincent kaya napatawag si mommy sa school."
"At bakit naman? Asan si Lucas?" tanong naman ni Leo.
"Nasa kwarto nya. Mainit ang ulo. Sinuntok nya kasi ang kaklase namin. Kasi pinunit nya yung project ko. Nakita ni kuya Lucas kaya sinuntok nya to." sabi ni Lily.
"Paano naman nasali si Vincent?" tanong ko. Salamat naman at nakapagtanong din kung mag usap usap tong mga anak ko kala mo matatanda na. Well ganyan kasi si Lisa matured mag isip.
"Gumanti kasi yung sinuntok ni kuya Lucas. Pinagtulungan sya. Tapos nakita ni kuya Vincent. Ayun nag away away sila." sabi ni Lily.
Napansin namin na bumababa si Lucas.
"Hi dad." sabi ni Lucas at humalik din sa pisnge ko.
"What happened Lucas? Di ba sabi ko umiwas ka hanggat maaari?" pangaral ni Leo.
"Naiwas naman ako kaya lang ayokong may nambubully kay Lily. Pinaghirapan ni Lily gawin yung project nya tapos sisirain lang." sabi ni Lucas. Ginulo ko naman ang buhok nya.
"Salamat at pinagtatanggol nyo ang mga kapatid nyo. Pero hanggat maaari wag mananakit ha." sabi ko. Tumango naman silang apat.
Maswerte ako sa mga anak ko. Si Leo na very matured kung mag isip na 9yrs old. Laging organized tapos sobrang maalaga sa mga kapatid. Si Lala naman namana nya ang galing sumayaw at kumanta. Very friendly din ito. Si Lucas na 7years old naman ay suplado. Medyo namana nya ugali ko. Suplado at walang pakialam sa paligid pwera na lang ang kapatid at kaibigan nito. Si Lily na 5 years old naman ang pagiging matalino ang namana kay Lisa Matalino lahat ng anak ko pero sya sobra. Kaya nga nasa klase sya ng kuya Lucas nya eh. Accelerated kasi. Ang ikinasasakit ko ng ulo ay ang hinahabol sila. Si Le at Lucas laging may loveletter na natatanggap. Si Lily at Lala may nagbibigay ng chocolates. Kaso bago maibigay ang chocolates eh naharang na ng mga kuya nila. Well di na ako magtataka maganda lahi namin eh.
Mukhang nagising namin si Lisa na natutulog sa sofa. Lumapit ako at hinalikan sya sa labi.
"Happy anniversary mahal ko." sabi ko tapos inabot ni Leo ang flowers tapos inabot ko naman ang cake.
"Thank you mahal ko. Happy anniversary din." sabi nya.
"Kaya mo ba? Handa ka na ba?" tanong ko at tumango sya.
"Kung ganon ay tara na. Mag ayos na kayo." sabi ko.
Nag ayos na kami bago umalis ng bahay. Tinawagan ko si Agent Silver para sa mga dadalhing mga gamit.
Nakarating kami sa cavite kung saan kami magcecelebrate ng anniversary. Duon kasi nakapagpatayo ng foundation si Lisa na pinangalanan nyang Errol foundation. Nakakapag aral nama ang mga bata na nilalagay dito. Sila ang mga batang inabandona, napariwara, at ang mga may kapansanan.
Ang naiwang kayamanan ni Errol ang pinagpatayo nyan. Ibinenta din ni Lisa ang ibang imbensyon ni Errol para magkapondo ang foundation.
Inilapag na ang mga ipamimigay naming mga gamit sa school at mga damit. Naihanda na din ang mga pagkain.
"Nandyan na pala kayo. Halika na kayo at kumain muna tayo." pag aaya ni Sister Micah.
"Cge po mamaya na po. Kakamustahin muna po namin ang mga bata." sagot ni Lisa.
Nakipagbatian naman ang mga anak ko sa mga bata. Taon taon kasi nandito kami. At pag nagugustuhan ng mga anak ko halimbawa pag birthday nila mamimigay sila ng regalo. Imbes na sila ang regaluhan sila pa ang magreregalo. Yan ang namana nila kay Lisa. Kaya nga tuwing anniversary namin eto nasa foundation kami. Kaysa magregalo daw kami sa isat isa ibigay na lang daw namin sa mga bata.
Nagsimula na ang program at natulong ang mga anak ko sa palaro. May mga kaibigan ito at nakikisali sa laro.
"Mommy theres a girl upstairs she look sa sad. Bakit parang natatakot sya nung nilapitan ko sya kanina?" sabi ni Lucas.
Tinignan naman namin kung saan tinuturo ni Lucas. Mukhang bago pa lang. Nagtatago ito sa bintana ng kwarto. Yan ang gusto ko sa mga anak ko may topak man kung minsan pero mababait naman. Ginulo ko ang buhok nito.
"Makipaglaro ka na sa kanila. Tulungan mo si kuya Leo mo sa mga maliliit na bata. Siguraduhin nyo na hindi sila masasaktan ha." sabi ko.
Umakyat kami ni Lisa para tignan ang bata. Pumasok kami sa loob ng kwarto. Malungkot nga ito at niyakap ang teddy bear nya. Lumapit si Lisa sa bata. Hahawakan sana ni Lisa sa ulo nang umiwas ang bata. Pinagmasdan ni Lisa. Malamang tinitignan nya kung inabuso ang bata. Magaling yan sa ganyang bagay.
"Huwag kang matakot. Kami ang may ari nitong foundation. Pwede mo kaming pagkatiwalaan. Lahat ng bata tawag sakin mama Lisa at siya naman si papa Jk." sabi ni Lisa. Tumingin ang bata sa amin. Nanunubig ang mata nya.
"Di nyo po ako sasaktan?" tanong ng bata.
"Hinding hindi! Promise. Halika nga yakapin mo si mama." sabi pa ni Lisa.
Nag aalangan man pero yumakap ang bata. Humagulgol ito ng iyak habang niyayakap ni Lisa. Walang nagsalita sa amin. Pinabayaan lang namin itong mag iiyak. Nang matapos itong mag iiyak, nagkwento naman ito sa amin. Minaltrato pala ito ng papa nya at ng madrasta. Namatay na ang mama nya. Narescue pala ito ng mga agent at nakulong na ang mga nanakit dito.
"Wag kang mag alala wala nang mananakit sayo dito. Kaibigan mo na lahay ng bata dito. Subukan mo ulit magtiwala at makihalubilo para mawala ang takot mo. Lakasan mo ang loob mo." sabi ko.
Napansin namin may batang nasilip sa pinto. Lumapit ako at binuksan ito. Nakatayo sa harap ng pinto ai Lucas. Inakbayan ko ito at inilapit sa mama nya.
"Sya nga pala ang anak namin si Lucas. Mabait yan. Pwede mo syang maging kaibigan " sabi ni Lisa.
"Hello ako si Lucas. Ikaw anong pangalan mo?" tanong nya.
"Angel Cruz." sagot ng batang babae.
"Halika sali tayo dun sa baba. Ipakikilala kita sa mga kapatid ko." sabi ni Lucas. Tumingin muna ang batang babae kay Lisa. Tumango si Lisa tapos sumama na yung bata kay Lucas.
Bumaba na din kami ni Lisa. Napansin ko na nandun na din ang pamilya ni V at Jimin. Nakikipaglaro na din ang mga anak nila. Nag aayos naman sila V at Jimin ng mga donations nila.
Naupo muna kami sa gilid at pinagmasdan ang mga kabataan.
"Napakasaya ko mahal. Natupad ko na rin ang mga pangako ko kay Errol. Ang magtayo ng shelter para sa mga bata. Mayroon na din akong mga anak na mababait. At higit sa lahat may asawang napakabait at napakamaunawain." sabi ni Lisa.
"Ako din naman eh swerte ko sayo." sabi ko sa kanya.
"May regalo ako sayo." sabi nya. Inabot nya sa akin ang maliit na kahon.
"Di ba sabi mo bawal magregalo. Ano naman ito mahal?" sabi ko.
"Buksan mo na lang mahal." sabi nya. Binuksan ko naman ito at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Two red lines ang nakalagay sa pregnancy test. Buntis si Lisa.
"Talaga mahal magkakaroon na naman tayo ng isa pang baby?" tanong ko at tumango ito.
"Oo pinagbigyan na kita. Last na to ha. Ayoko na ulit magbuntis." sabi ni Lisa.
"Oo mahal promise. Love you!" sabi ko.
"Love you too."sagot naman nya.
Wala ka nang mahihiling pa kung ganito ang buhay na mayroon ka. Meron kang mababait na anak at asawang sobrang maunawain. Gusto kong maging ganito pa rin kami kahit tumanda na at puti na ang buhok namin.