(This story is a work of fiction. The characters, places, businesses and events do not exist, except in the mind of the author. Any resemblance is purely coincidental.)
Boyfriend? Nah, I never had one. Okay, fine. Honestly, I wish I never had but unfortunately nagkaroon. Nagkaroon, meaning, tapos na o nakaraan na. Actually, that was so once upon a time na dapat binabaon na sya sa lupa, este sa limot. Ewan ko nga kung bakit ko kinikwento, bumabalik tuloy ang hapdi ng nakaraan. Just kidding! Juskulerd! Wala na yun. Hindi naman mahirap magmove-on. Chos!
And guess what? I'm here, kasalukuyang naglalakad sa aisle ng isang lumang simbahan, hindi bilang maid of honor, kundi bilang bride. Oo, isang napakamalas na bride. I know you would not believe me kapag sinabi ko sa inyo yan. Actually, kahit ako hindi makapaniwala. Ni hindi man lang sumagi sa isip ko na mangyayari ang araw na to. I can't blame Lolo for this, alam ko naman na ginawa nya lang to for me. I'm trying to understand him and this whole situation. Pero I'm still wishing na sana panaginip, I mean bangungot na lang ang lahat ng to. Sana magising pa ako.
Kinurut-kurot ko ang pisngi ko to check if it's real. Damn! Real na real! Isang buntung-hininga ang pinakawalan ko. Ikukulong na ako sa isang sumpa, maya-maya lamang.
Oo nga pala, why did I pinch my cheeks? Kumusta kaya ang make-up ko? Pero why would I care? Okay lang naman pala kahit pumangit ako ngayon. Wala namang mawawala sakin.
Inabot ng Lolo ang kamay ko para ihatid ako sa taong naghihintay sa dulo ng red carpet na to. And look at that annoying person. Ugh! Nakangisi pa. I really hate him! Who would imagine na ang tao palang papakasalan ko ay ang taong pinakaayaw kong makita at makasama? I don't know if it's fate, wala akong pake. All I know is someday this curse will be broken and I will be free para makasama ang tunay kong prince charming.
Sa ngayon, sasakyan ko na muna ang mga nangyayari, para kay Lolo, para sa pamilya namin. At dahil andito na rin kayo, be my guest to witness this heartwarming wedding of the century *insert sarcasm here*. Enjoy the show!
By the way, I'm Misty Gomez Archivedo and I'm marrying my annoying ex-boyfriend.
--X--