Grace POV
Nakaready na ko sa grand entrance ko mamaya, marami pang nagsidatingang bisita kanina. Mga kaibigan nila mommy, mga ninang at ninong ko, pati ibang schoolmates ko nung highschool at schoolmates ko sa college sa pilipinas at dito sa america. Mga friends namin ni kuya sa korea at mga iba pa naming kakilala doon. Syempre bawal silang mawala dahil debut ito ng nag-iisang unica hija nang isa sa pinakamayaman na pamilya.
Siguro nagtataka kau kung bakit hindi ko nabanggit yung pangalan ni jeff, kasi papunta pa lang daw siya kasama yung parents niya.
*tok**tok**tok*
"Sino yan?"- tanong ko sa kumakatok
"Si mommy to princess"- sagot naman niya
Pinagbuksan ko naman siya ng pinto
"Wow you really are a princess"- sabi ni mommy nung nakita niya ko sa gown ko
"Thanks mommy, if I'm the princess of course you are the queen mommy"- sabi ko naman sa kanya
"Aww you are really a lady now"- sabi niya na mukhang iiyak na
"Mommy please don't cry, i will cry too if you did"- sabi ko, na naiiyak na rin ako
"I'm just very proud of you my princess, you've grown up into a beautiful and fine lady. You always make us proud"- sabi ni mommy na umiiyak na
Kaya naiyak na rin ako
"Mommy it's only my debut i won't be going away, so please stop crying"- sabi ko sa kanya
Huminto naman na siya umiyak pero niyakap niya ko. Pero kumalas din siya
"We have a surprise for you later and I'm sure you're gonna love it"- sabi ni mommy
Ano naman kayang surprise yun?
"I'll go now, see you downstairs ok"- sabi ni mommy at umalis na nga siya.
Bakit ba dahil sa sinabi ni mommy na may surprise sila bigla na lang akong kinabahan
Hooo ganito ba talaga pag magdedebut, kinakabahan para naman akong ikakasal na ko
Miss A's POV
Nagsimula na ang party at tatawagin na ngayon ang debutante
"Let's all welcome Ms. Merry Graciella Elise Mira Geraldo, the one and only daughter of Mr. And Mrs. Geraldo"- sabi nung emcee
Pagkasabi nung emcee nun, namatay lahat ng ilaw at nagkaroon ng spot light sa may taas ng hagdanan
At nakatayo dun ang si grace na nakasuot nung kanyang gown,
Lahat ay manghang mangha sa kanya, lahat ay hindi alam kung ano ang sasabibin.
Kahit na ang kanyang escort ay nakatulala sa kanya, kung hindi lang siya siniko ng kuya ni grace ay makakalimutan niyang siya ang hinihintay ni grace para alalayan itong bumababa.
Samantalang si grace namamangha sa venue.
Pagkapunta na pagkapunta ni justine , binulungan niya si grace
"Ang ganda mo talaga kahit kailan, buti na lang at ako escort mo kung hindi may masusuntok ako"- bulong niya kay grace, at bigla namang namula si grace
"Nakakainis ka talaga Justine"- sabi niya dito
Tumawa lang si Justine at inalalayan na niyang bumaba si grace, hanggang sa makaupo na si grace sa upuan niya ay namumula pa rin siya dahil sa sinabi ni Justine sa kanya.
Tuloy tuloy lang ang daloy ng party, hanggang sa 18th roses na niya. Hanggang ngaun hindi pa alam ni grace kung sino ang makakasayaw niya.
Namatay lahat ng ilaw, yung spotlight lang na nakatutok kay grace ang tanging nakabukas.
Biglang may umilaw sa stage, parang malaking tv. Tapos may mga nagflash na picture, mga picture nila ni Justine at yung iba ay mga stolen niya. Dahil sa bc sa panunuod si grace hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya ang pang18th roses niya.
Umiiyak na si grace hanggang sa matapos yung video.
"Nagustuhan mo ba?"- tanong ni Justine kay grace.
Hindi inaakala ni grace na si Justine ang magiging 18th roses niya although she wished for it.
Grace POV
Nakakainis, si Justine na naman siguro may kagagawan nito,
"Nagustuhan mo ba?"- tanong ni Justine teka Justine? Ibig sabihin siya yung pang 18th roses ko. Bakit hindi ko naisip yun, na siya na lang ang hindi ko nakakasayaw.
Pagharap ko sa kanya may inabot siya saking pink rose, saka niya pinunasan yung luha ko
"Sasusunod wag ka na umiyak ha,last na to"- sabi niya sakin,
Tumango na lang ako sa kanya
"May i have this dance?"- tanong niya sakin saka niya nilahad yung kamay niya sakin,
Tatanggi pa ba ko, inabot ko na yung kamay ko sa kanya at automatic na may tumutugtog na, na music.
Wait i know that song...
"May naalala ka ba sa kantang yan?"- tanong niya sakin, habang nakatigin kami sa isa't isa
"Yeah, yan yung kinanta mo sakin nung gumagawa tau nang " forever " discrete structure"- sabi ko and that's the first time na kinantahan talaga niya ko
"Alam mo ba na feel na feel ko yung kanta, dahil yung lyrics ng kanta yung nagpaparating kung gano ako kaseryoso sayo at kung gano kita kamahal"- sabi niya, hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Bakit ba lagi na lang nawawala yung pagka straightforward ko pagdating sa kanya.
Biglang namatay yung music at, biglang lumuhod si Justine.
Oh my gosh
"Anong ginagawa mo?"- tanong ko sa kanya
"Alam kong nasabi ko na sayo to noon, pero sasabihin ko ulit."- sabi niya at huminga ng malalim
"Uhm grace mahal kita alam mo yan, gagawin ko lahat para maging ok ang lahat.
Grace will you be my girl
Hanggang sa araw na maging ok ang lahat
Maari bang protektahan at alagaan kita?"- tanong niya sakin ULIT, saka may nilabas siyang maliit na kahon. At pagbukas niya isang singsing ang nandoon.
Bakit mas kinabahan pa ko ngaun, hindi ko alam pero tumingin ako sa gawi nila mommy.
"Kung hinihintay mo ang approval namin princess..."- huminto si daddy sa pagsasalita at tumingin kay Justine, kaya mas lalo kung kinabahan.
"Hindi ba halata na pumayag na kami, kasi magkakaroon ba siya ng lakas ng loob para tanungin ka ngayon kung hindi pa niya kami nakausap"- sabi ni daddy, ou nga naman bakit di ko naisip yun.
"This is our surprise for you our princess, kinausap kami kanina ni Justine tungkol sa plano niyang gawing pagpropropose sayo and we gave him our permission to do it. Kasi nakita namin kung gano ka niya kamahal and kaya niyang gawin lahat para sayo."- sabi ni mommy
Oh my, dahil sa mga narinig ko hindi ko na talaga alam kung ano sasabihin ko
"Uulitin ko ulit yung tanong ko grace."- napatingin naman ako kay Justine dahil sa sinabi niya
"Will you be my girl Merry Graciella Elise Mirra Gerald?"- tanong niya sakin ULIT
Gusto ko nang sumagot ng YES pero hindi ko alam kung ano pumipigil sakin sa pagsabi nun. Pero alam ko naman na hindi niya ko pababayaan, so...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"...of course i want to be your girl, you're one and only girl"- sagot ko sa tanong niya at biglang nagplay ulit yung music at dali daling sinuot ni JL sakin yung singsing at niyakap ako. Saka siya umikot ikot habang yakap yakap ako.
Nung huminto na siya sa pag-ikot tinignan niya ko saka nag-iba yung itsura niya.
"Last mo nang iyak yan ha, ayokong nakikita kang umiiyak"- sabi niya saka niya pinapahid yung mga luha ko
"Tears of joy lang yan, wag ka ngang oa"- sabi ko sa kanya, habang umiiyak pa rin
"Oa lang naman ako pagdating sayo eh"- banat naman niya
"Ou na lang"- sabi ko sa kanya
"Tama na yan, nilalanggam na kami"- sino pa ba magsasabi niyan, walang iba kundi si
"Ewan ko sayo kuya"- sabi ko at nagtawanan na lang kaming lahat.
Nagulat ako nung bigla na lang ako niyakap ni Justine sabay bulong sakin ng
"I Love You"- bulong niya, sasagot na sana ako pero bigla na lang kami niyakap ni kuya at nakisali na rin sila mommy kaya ang nangyari nag group hug na lang kami.