Baixar aplicativo
83.05% The Baklush Has Fallen / Chapter 49: Chapter 48 : She's Back

Capítulo 49: Chapter 48 : She's Back

Maundy's POV

Mas lalo yatang gumanda rito sa Probinsya nila Lolo at Lola. Mas dumami ang mga halaman at punong-kahoy na talagang napakasarap sa mga mata. Pakiramdam ko tinatanggal ng napakagandang mga tanawin ang pagod na nararamdaman ko. Parang gusto ko na tuloy manirahan dito.

"Mon, hintayin muna natin 'yong driver ko, nasira raw 'yong sasakyan," usal ni Chal Raed.

"May driver ka rin dito?" takang tanong ko. Kahit saan yatang lugar may driver 'to.

"Yup. May kilala akong driver namin sa Maynila na taga rito, but he's having his vacation, pero nang malaman niyang pupunta ako rito sinabi niyang he can be our driver for today. Tapos bukas pwedeng ako na 'yong magdadrive, kabisado mo na siguro ang Province of Bliss, right?" aniya.

"Oo naman, best in gala ako rito noon, eh. Tapos super kabisado ko pa ang pasikot-sikot dito."

"That's good."

Napatango na lang ako. "Kaya lang, Chal Raed, gutom na ako, eh."

"Ah, we'll ride on their jeep then?"

"Pwede rin, sanay naman na ako sa jeep, eh, ewan ko lang sa'yo."

"Hindi, but let's go, mamaya magalit na naman 'yang babies sa tiyan mo," natatawa pang sabi niya. Iyan kasi ang lagi kong linya sa tuwing sinasabi ko sa kanyang nagugutom ako. HAHAHA!

***

Kanina pa talaga ako gustong matawa rito sa jeep, kanina pa kasi siya sa kung saan-saan napapatingin dahil panay ang titig sa kanya ng nga pasahero rito. Pati nga rin matanda ay nagpapacute sa kanya. Pakiramdam ko na-awkward na 'to.

"Okay ka lang?" tanong ko at tumango lang siya, kahit hindi naman! HAHAHA! Kinuha ko 'yong panyo ko at pinahiran ang pawis sa noo niya. Mahangin naman talaga, namamawis lang talaga 'to dala ng kahihiyan.

"Uyab mo, Te?" biglang tanong no'ng babae sa harapan ko. Naintindihan ko naman siya dahil naririnig ko 'yan kay Lola sa tuwing tumatawag ako sa kaniya, lagi niyang tanong 'May uyab ka na, Inday Maundy?' Uyab is jowa, boyfriend. Bisaya 'yong dialect nila rito sa probinsya, update lang kita. Hehe.

"Oo," nakangiting sagot ko.

"Ay! Ka swerte! Usahay ra jud naay gwapo sa jeep, ba," parang kinikilig pang aniya, pero hindi ko maintindihan 'yong buo niyang sinabi.

"Ano raw sabi?" bulong sa'kin ni Chal Raed.

"Hindi ko rin alam," sagot ko.

"Ay, dili diay mo taga diri? I mean, hindi po kayo taga rito?" muli na naman niyang tanong.

"Oo, taga Maynila kami, gagala lang kami rito," sagot ko.

"Ah, haya-haya oy! Laag-laag lang man," natatawang sabi niya. Huhuhu, ano raw?! "Ay, Te, 'yong sinabi ko kanina na swerte-swerte, ibig kong sabihin ang swerte mo dahil ang gwapo ng boyfriend mo kaya may gwapo rin sa wakas dito sa jeep, at 'yong pangalawa, na-amaze ako kasi gagala lang pala kayo rito, relationship goal ba 'yan?"

"Somehow like that," sagot naman ni Chal Raed, at Mighad, kilig na kilig ang Ineng.

"Gwapo na, englishero pa!" aniya.

"Gusto mo makuha number niya?" tanong ko at gulat naman siyang napatingin sa'kin.

""Di na, Te, oy, dili sad ko ing'ana ka igat, I mean, hindi ako ganyan kalandi kaya hindi ko na hihingin ang number niya."

Napantango na lang ako. Napatingin ako kay Chal Raed na pawis na pawis na naman. "Hoy! Mahangin naman, ba't pawis na pawis ka?" tanong ko at muling pinahiran ang noo niya.

"Naiilang lang ako," sagot niya. "Hindi naman ako artista para titigan nila ng ganyan at tingnan mo pa 'yong iba, kinukunan yata ako ng litrato, mamaya niyan ang pangit ko sa stolen pictures, pwede naman silang magpaalam sa'kin na magpapapicture sila, eh," dagdag pa niya kaya 'di ko maiwasang matawa.

"Mukha mo! Gwapong-gwapo ka sa itsura mo, ha," sabi ko at natawa lang siya. Nakakatawa ba 'yon? Huhuhu!

"As if hindi ka nagagwapohan sa'kin," todo ngiti talaga siya, napapangiti nga rin 'yong mga nakatingin sa kanya, pumupuso 'yong mga mata! Bakla po 'to noon, bakla! Ako nagpa-straight sa kanya kaya akin lang siya! Charot!

"Oo na, tara na bumaba na tayo at baka mamaya mapunit na labi nila at matunaw ka naman."

Bumaba na kami at agad na nagtungo sa kalapit na resto. Todo kain lang kami dahil tumgots na talaga, hindi na namin ininda ang mga matang nakatingin sa amin—ewan ba't nila kami tinitingnan, hindi naman kami magnanakaw, terorista, kidnapper, o kung anu-ano pa riyan! Nakakailang man, pero wapakels na 'to.

"Excuse me, pwede papicture?" biglang tanong no'ng babae kay Chal Raed. Kakatapos lang naming kumain, pero ayan na nagsilapitan na 'yong mga babaeng kanina pa titig na titig sa kanya.

"Okay lang ba?" tanong sa'kin ni Chal Raed at tumango lang ako.

"Ate, kunan mo kami," ang kapal ng mukha nito, makautos sa'kin wala man lang please!

"Sige," kinuha ko na 'yong cell phone niya at kinunan sila ng litrato, "tapos na," ibinigay ko na agad sa kanya ang cell phone niya. Inayos ko naman ang pagkakakuha, limang blurred at isang okay na. Well, professional photographer 'to, kung 'di niyo naitatanong.

"Thank you po," aniya at tinaboy ko na siya agad—charot!

"Hoy, dito ka lang, C.R lang ako," paalam ko kay Chal Raed nang maramdaman kong naiihi ako dahil sa mukha ni Ate kanina, charot lang!

"Sige, take your time."

"Behave ka riyan, ha."

"Yes, Girlfriend, and please, don't ever call me, Hoy."

"Yes, Boyfriend!" umalis na ako agad matapos sabihin 'yan. Minsan ay naiilang pa rin ako na tawagin siyang Boyfriend, or isipin na boyfriend ko siya. Ewan lang, aning lang yata talaga ako.

Matapos 'kong magbanyo ay agad na rin akong bumalik sa mesa namin, kaya lang napatigil ako nang makita ang isang lalaking pamilyar sa'kin, pero ewan kung sa'n ko siya nakita. Nakatingin lang siya kay Chal Raed at nang makita ako ay agad siyang lumabas ng resto. Kung siguro hind siya naka shades ay makikilala ko siya. Pero, ba't ba titig na titig 'yon kay Chal Raed? Baka crush niya si Chal Raed? Mighad! Ibang klaseng kamandag ang taglay mo, Chal Raed Alonzo Jr, pahawa naman!

"Did you find some info about him?" rinig kong tanong ni Chal Raed sa kausap niya sa telepono. Hindi na muna ako naupo at nakitsismis muna ako, baka kasi kapag naupo ako ay biglaan niyang ibaba 'yong telepono, palagay ko pa naman ay seryoso ang usapan nila. "I don't know what his surname is. I did ask, Maundy, but she forgot," hindi kaya si...Harris ang ibig niyang sabihin? Tinanong niya kasi ang apelyido ni Harris kanina, kaya lang nakalimutan ko nga, basta may sip 'yon, Sipsip siguro? Ay ewan! Pero, anong meron kay Harris? "just do your best. Okay, bye," ibinaba niya na ang telepono at nagkunwari naman akong walang narinig.

"Tara puntahan na natin ang bahay nina Lola, excited na akong makita sila," agad kong sabi at sumunod lang siya. Haay! Ano kayang meron kay, Harris, 'no? Ba't kailangan niyang kumuha ng iba pang impormasyon tungkol sa kanya? Nagseselos pa rin siya? Panis na 'yon, eh, ang tagal na no'n. Haaay!

"What are you thinking? Ba't parang kanina ka pa napapabuntong-hininga riyan?" biglang tanong ni Chal Raed. Umiling lang ako at bahagyang ngumiti. "You sure? Baka makatulong ako sa mga iniisip mo."

"Iniisip ko 'yong mga pagkain kanina sa resto. Sayang kasi ang daming natira, ba't ayaw pa kasing ipabalot, eh, pwede pa 'yong pakinabangan ng mga batang lansangan. Look, ang daming batang palaboy-laboy lang oh," itinuro ko pa 'yong mga bata sa labas na medyo marumi na. Haay! Salamat sa inyo at nakalusot ako.

"Mang Ben, stop the car," utos pa niya sa driver niya. "Hey!" napalingon agad sa kanya ang tatlong bata, "get this."

"3k? S-Sigurado kang ibibigay mo 'yan sa kanila?" gulat ko talagang tanong. Mighad! Kung ganyan lang naman pala ay mamamalimos na lang ako rito kay Chal Raed.

"Yes, why not? I just wanted to help," aniya at inabot nga ro'n sa mga bata ang tatlong libo! Mighad!

"Bait naman!" nakangiting sabi ko. "Pwede ako rin?" pinaningkitan niya ako ng mga mata! Huhuhu! Ang sama!

"Aanhin mo 'yong pera? Hindi pa ba sapat 'yong pagmamahal ko?"

"Yuck!" sabay tulak sa kanya, "ang mais mo!"

"Mahal mo naman."

"Mahal mo rin ba ako?"

"Hindi pa ba halata?"

"Hindi ko ramdam."

"What?!" over, napasigaw talaga siya.

"Ayoko nang ulitin," nagulat ako nang hatakin niya ako at biglaang niyakap, "oy, nakakahiya kay, Mang Ben!" natawa naman agad 'yong driver niya.

"I don't care," aniya at mas lalo lang hinigpitan 'yong pagkakayakap sa'kin.

"Mukhang kailangan niyo munang ihinto ang paglalambingan, Ma'am, Sir, andito na ho tayo," nakangiting sabi ni Mang Ben.

Bumaba na kami ni Chal Raed after a minute! Hindi niya ako agad binitawan, in love na in love sa'kin.

"Wala na yatang tao rito, Mon," sabi niya pa matapos katukin 'yong pinto ng bahay ni Lolo at Lola.

"Eh, paano na 'to? Wala pa namang ka tao-tao rito, sa'n tayo magtatanong?"

"Ah, tara, puntahan natin 'yang tindahan na 'yan, oh," agad nga naming tinungo 'yong tindaha, "tao po?"

"Unsa man?—Ay! Ate, Kuya?"

Sino 'to? Ay, oo, 'yong babae kanina sa jeep na may pagkadaldal din.

"Naa lagi mo diri? Ay, ba't andito kayo?" tanong na naman niya.

"Ah, kilala mo ba si Lola Mona?" tanong ko.

"Si Lola Mona? Opo, Ate, kaya lang wala naman siya dira, naglipat na siya sa lower," sagot niya. May dalawa kasing bahagi 'yong probinsya, may upper at lower. Syempre 'yong upper nasa itaas at 'yong lower nasa baba. Talino ko, 'di ba? Well-explained!

"Lower? Ba't siya lumipat?" tanong ko.

"Nakabili si Lolo Andeng ng lupa sa lower, Ate. Ka ano-ano diay mo?"

"Lolo at Lola ko sila, apo nila ako."

"Ay, talaga? Naglipat naman sila, Te, doon ka na lang magtungo."

"Hmm, sige, salamat ha."

"You're welcome po," nakangiting aniya. "Kagwapo jud nimo, Kuya," huling hirit pa niya kaya hinila ko na si Chal Raed at muling nagpaalam kay Ate Girl.

"Mang Ben, punta tayo sa Lower,"sabib ni Chal Raed kay Mang Ben at tumango lang ito agad.

Buong byahe ay tulog kami ni Chal Raed. Sayang at hindi namin nakita 'yong magagandang view na nadaanan namin. Next time na lang.

Nagtanong-tanong na lang kami nang marating namin ang Lower. Mabuti na lang at agad naming natunton ang bahay nina Lolo at Lola.

"Inday, Maundy?" gulat na tanong ni Lola matapos buksan ang pinto at bumulaga ang pinakamaganda niyang apo.

"La, ako nga ho, I miss you!" napayakap ako agad sa kanya.

"Ay, sulod sa, sulod."

(Trans: Pasok muna, pasok.)

"Thank you, La. Hindi niyo man lang sinabi na lumipat na kayo, napagod kami kakatanong kung sa'ng planeta na kayo, eh," sabi ko habang kumukuha ng tubig sa ref nina Lola. Yes, feel at home!

"Kahit kailan ay reklamador jud ka, Inday Maundy," napapailing na sabi ni Lola.

"Nga pala, La, sa'n si Lolo?"

"Nako, nag puntang palengke, mamaya pabalik no'n. Ba't nga ba napunta ka rito?"

"Gagala lang, La."

"Og sino man 'to?" itinuro niya si Chal Raed na kanina pa walang imik. Natatakot yata kay Lola. Hahaha!

"Ay, La, nagpunta rin po ako rito para ipakilala 'yong jowa ko—"

"Uyab nimo ni?" gulat niya talagang tanong.

"Oo, La, jowa ko 'to," sagot ko.

"Kagwapo ba, Inday Maundy, paano mo 'to ginayuma?"

"La! Ako kaya 'yong ginayuma niya," napatingin agad sa'kin si Chal Raed kaya ngumiti na lang ako ng peke. Hindi ko na nga ikukwento kung ano siya noon, tsismosa pa naman 'tong si Lola—mana kay Rosas—mamaya baka magdamag akong mapapakuwento nito.

"Good Afternoon po, I'm Chal Raed Alonzo, Jr, Maundy's boyfriend," pormal niyang pagpapakilala kay Lola.

Nagtaka kami nang biglaan siyang manahimik at seryoso talagang napatingin kay Chal Raed, hindi man lang niya tinaggap ang kamay nito. "Alam ba ito ng Kuya Mico mo, Maundy?" tanong niya sa'kin at kahit nawiwirdohan ako ay tumango na lang ako. "Pumayag?" tumango ulit ako, "mamaya ay kakausapin ko ang imong Kuya," aniya at tinalikuran na kami ni Chal Raed. "Maupo muna kayo riyan, ihahanda ko kayo ng pagkain."

"Hindi ba ako gusto ng Lola mo?" tanong agad ni Chal Raed at umiling naman ako.

"Nagulat lang 'yon, ang gwapo mo kasi tsaka baka alam niyang mayaman ka, kaya gano'n 'yong mga pinagsasabi."

Pero, sa totoo lang, nawirdohan talaga ako. Naalala ko tuloy si Kuya Ion, parang pareho sila ng reaksyon ni Lola. Kinakabahan tuloy ako, pero hindi dapat ako kainin ng kaba ko.

Biglang tumunog 'yong cell phone ni Chal Raed at nakita ko sa screen na tatay niya 'yong tumatawag. "Hello, Paps," bati agad ni Chal Raed. "Huh? Bumalik na akong Manila? Bakit?" eh? Babalik na siya? Wala pa ngang isang araw ang lakad namin, babalik na siya? "w-what? M-My Mom?" napatingin siya sa'kin kaya medyo naintriga na rin ako, "a-andiyan siya?" muling tanong niya.

Tama ba 'yong narinig ko? Nasa Manila 'yong Nanay ni Chal Raed? 'Yong Nanay niya na matagal nang nawawala? M-Mighad?


PENSAMENTOS DOS CRIADORES
eommamia eommamia

Hiii! Inform ko lang kayo na malapit na siyang matapos! uwu ? Iyon lang at maraming salamat dahil ipinagpatuloy mo ang iyong pagbabasa sa kwentong ito. ❤

Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C49
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login