Isang umaga sa isang lugar sa Uldarica Kingdom. May maliit na bahay na kung saan mahimbing na natutulog ang isang 14 na taong gulang na lalaki. Lahat ay maayos nang biglang nalang lumindol sa boong Uldarica Kingdom. Kahit sa ibang Kingdom ramdam nila ang lindol.
Sa maliit na bahay kung saan natutulog ang batang lalaki, lahat ng bagay dito ay nagsimulang magliparan kahit ang batang lalaki na natutulog ay nagsimula ring lumutang kasama ng mga gamit sa loob ng bahay nila.
Boom Boom Booom Boooom
Ang tibok ng puso ng batang lalaki na nakalutang ay palakas ng palakas. Ito ay patuloy na lumalakas hanggang sa kada tibok ng puso nya ay nagdudulot ng lindol sa boong Kingdom. Pero kahit na malakas na ang pag tibok ng puso ng batang lalaki na ito ay wala paring tunog na lumalabas sa katawan nya kaya hinde alam ng mga tao sa labas na ang batang lalaki na ito ang dahilan kung bakit lumilindol.
Tanging ang vibration lamang na ginagawa ng puso ng bata ang nakakalabas sa dibdib nya at ang vibration na ito ang dahilan kung bakit lumilindol.
Pagkalipas ng ilang saglit ay nagbabaan na ang mga gamit na lumulutang at pati ang batang lalaki ay bumalik na din sa kanyang kama at ang kaninang nakapikit nyang mata ay dahan dahan nang bumubukas.
Ang lindol na yumayanig sa mga Kingdom ay unti unti na ding naglalaho habang dahan dahang binubuksan ng batang lalaki ang kanyang mga mata.
Ang mata ng batang lalaki na ito ay bukas na bukas na at tumitingin ito sa kanyang paligid. Ang Batang lalaki na hinde gumalaw ng 9 na taon ay umupo at hinawakan ang ulo nya.
"Anong nangyari? Aray! Bakit ang sakit ng ulo ko at nasaan ako?" Sabi ng batang lalaki habang naguguluhan nang bigla nalang syang mahimatay ulit. Pagkawala ng malay nya ay saka bumalik sakanya ang mga alala nya.
Ang pangalan nya ay Vince Denmark J Almazar at sya ay isang normal na high school student lamang pero dahil sa isang aksidente na nangyari nang papunta sya sa bahay ng pinsan nya ay nakapunta sya sa ibang mundo.
(FLASHBACK)
RING... RING... RING...
"Hmm? Bakit kaya ganun, walang sumasagot. Grabi ang pinsan ko na si Farrah, sabi ko sa kanya sabay na kaming pupunta sa school eh. Baka nauna na yun or... hehe tulog pa. Noh ba yan tignan ko nga muna sakanila. Hinde panaman ako late."
Si Vince ay naka soot na ng uniform at ready na para pumasok sa skwelahan kaya lumabas na sya sa bahay nila at naglakad pero hindi papunta sa skwelahan kundi para pumunta sa pinsan nya na si Farrah. Habang nasa daan ay hawak nya ang cellphone nya at laro ng laro habang naka earphone.
Tutuk na tutuk si Vince sa cellphone nya at napaka lakas pa ang volume ng cellphone nya kaya nang patawid na sya ay hinde nya nakita ang taxi at truck na nagbunggoan at bigla syang nahagip ng truck na sumalpok sa taxi.
Huli na ng makita nya ang truck at bigla nalang nawala ang malay nya.
Pagbalik ng malay nya ay nakita nya na ang boong katawan nya ay puno ng dugo at ang mga buto nya ay bali bali. Grabing sakit agad ang sumalobong kay Vince pagkatapos nyang magising.
Kahit magsalita o sumigaw hinde nya magawa dahil sa iniinda nyang napaka grabing sakit. Ang kaya nya na lamang ay igalaw ang leeg nya at maghanap ng tao sa palagid para mahingian nya ng tulong. Tumingin sya sa sa harapan nya kung saan nandun yung taxi at truck at may nakita syang babae na nakahandusay sa loob ng taxi na dugoan.
Nagulat si Vince pagkakita nya sa babae na yun at nang laki ang mga mata nya. Ang babae na yun ay ang pinsan nya na si Farrah na dapat ay pupuntahan nya ngayon. Sinubokan ni Vince tumayo para pumunta kay Farrah pero hinde nya magawa kasi bali ang dalawang paa nya.
Sinubukan nya ring sumigaw pero nang sisigaw na sya ay biglang nawala ang boses nya at kahit ang boong lakas ng katawan nya ay nawala. Dahil sa dami ng dugo na nawala kay Vince kaya nawala ang lakas nya at nanghina sya.
Ang paningin nya ay unti unti na ring nawawala at nagsisimula na rin syang mahirapan huminga.
"Daya!"
Yan nalang ang huling naisip ni Vince at nawala na ang buhay sa boong katawan nya.
~~~Darkness~~~
"Hmm? Ano ito? Nasaan ako at bakit ang dilim. Hello! May tao ba dito." Nagising si Vince sa isang napaka dilim na lugar, sa sobrang dilim ay wala na syang makita. Kahit anong sigaw nya ay wala paring nangyayari at parang sya lang ang nag iisang tao dito sa mundo ng kadiliman na ito.
Sinubukan nyang gumalaw pero hinde nya magawa kasi hinde nya maramdaman ang boong katawan nya. Para bang wala syang katawan at tanging ulo lang ang meron sya.
Lumipas ang napaka tagal na oras at nasanay na rin si Vince sa napaka dilim na lugar na ito. Kung noon ay sigaw sya ng sigaw para makita kong may makakarinig ba sakanya dito ngayon tahimik nalang sya kasi alam nya na walang mangyayari kahit anong gawin nya.
Alam nya na patay na sya kaya sya nandito. Natandaan nya ang nangyari bago sya mawalan ng malay at mapunta dito kaya alam na alam ni Vince na patay na sya.
At lumipas ang napaka tagal na panahon at ang mundo ng kadiliman na simula pa noong mapunta si Vince dito ay walang pinag bago at walang pag galaw ay nagkaroon ng kakaibang pangyayari na gumising sa halos wala nang buhay na si Vince.
Nakakita si Vince ng puting ilaw sa baba nya at hinde lang yun, kung dati ay hinde sya makagalaw at tanging nasa iisang posisyon lamang sya ay ngayon gumagalaw na sya at napaka bilis pa ng pag galaw ni Vince papunta doon sa puting ilaw.
Pero hinde si Vince ang nagpapagalaw sa sarili nya kundi mag isa syang gumagalaw papunta doon sa ilaw. Ilang segundo lang ay naabot na ni Vince ang ilaw at napuno ng puting ilaw ang paningin ni Vince at biglang napunta sya sa isang maliit na kwarto na merong parang isang wheel na pinapa ikot.
Tulad ito nung mga wheel na pinag lalaroan sa mga Casino o sa mga Perya na kung saan may iba't ibang premyo ang at ang matapatan ng pulang arrow sa gitna ng wheel na ito ay ang makukuha mo.
Pero may kakaibang napansin si Vince sa Wheel na ito, hinde mga premyo na tulad ng makikita mo sa mga Casino at Perya ang nandito kundi mga pangalan ng tao. Tinig an nyang mabuti ang mga pangalan sa wheel na ito at nakita ni Vince na ang tinuturo ng pulang arrow ay ang pangalan nya.
Napahawak si Vince sa ulo nya at saka nya nalang napansin na bumalik na pala ang boong katawan nya at nararamdaman nya na ito at dali dali syang napatayo sa tuwa.
"Congratulations sa pagiging winner sa Soul Lottery"
Habang tuwang tuwa si Vince ay may bigla syang narinig na boses ng isang babae at napatingin sya sa gilid nya at dun nya nakita ang isang napaka gandang babae na naka upo at pinagmamasdan si Vince.
"Tika, ahhmm sino ka?" Umupo ulit si Vince at humarap doon sa babae. Alam naman kasi ni Vince na masama ang kausapin ang isang tao habang sila ay naka upo at ikaw ay naka tayo.
"Hehehe, hello ako nga pala si Angel at ako ang secretary ni God." Sabi ng magandang babae habang nakangiti kay Vince.
"Angel? Secretary ni God? Seryoso kaba?" Tanong ni Vince na hinde makapaniwala sa sinabi sa ni Angel.
"Oo seryoso ako. Alam moba napatay kana?" Tanong ni Angel at kinindatan nya si Vince pagkasabi nito. Napatulala si Vince pagkarinig nya kay Angel. Oo nga patay na sya, biglang bumalik sakanya ang mga alala noong na hagip sya ng truck at noong nakita nya ang pinsan nya na si Farrah na duguan.
At noong napunta sya sa isang napaka dilim na lugar na kung saan walang ibang may buhay kundi sya lang.
Naalala nya lahat ng ito kaya na patingin nalang sya kay Angel at ngayon naniniwala wala na syang secretary nga talaga si Angel ni God.
"Ok mukhang alam mo na yata kalagayan mo. So let's start, magpapakilala ulit ako. Ako nga pala si Angel ang Secretary ni God, nakikita moba yung wheel na yun na may mga nakasulat na pangalan?" Tinuro ni Angel yung wheel na nakita ni Vince na madaming nakalagay na pangalan.
"Yun ay ang Soul Lottery. Kaninong mang pangalan ang ma tigilan ng Red arrow na nasa gitna ay tatanggap ng limpak limpak na swerte at pagkakataon na mabuhay ulit. Nakakatuwa diba?" Sabi ni Angel habang nakangiti.
"Seryoso ka? You mean magkakaroon ulit ako ng panibagong buhay? Talaga ba?" Tuwang tuwa si Vince pagkarinig nya sa sinabi ni Angel. Isa itong bagong pagkakataon para mabuhay sya muli at taposin lahat ng hinde nya natatapos sa buhay nya at gawin lahat ng hinde nya pa nagagawa kaya natural lang na maging excited si Vince.
"Woah tika lang, cool ka muna. Masyado kang mabilis, alam mo hinde kita ipapadala sa dati mong mundo kaya kung ano man yang mga iniisip mo kalimutan mona yan." Ngumiti lang si Angel kay Vince habang pinagmamasdan sya na kanina ay excited na excited pero ngayon ay nangingitim na ang mukha sa pag aakala na makakabalik sya sa dating buhay nya pero hanggang akala lang pala yun.
"Ano ba yan! Umasa pa naman ako pero sadyang marami talagang paasa sa mundo." Naiinis na ngayon si Vince pero wala naman syang magawa kaya na upo nalang sya at inuntog ang ulo nya sa lamesa.
"Hahaha alam mo Vince wala namang magiging paasa kung hinde ka aasa. So balik tayo sa pinag uusapan natin, dahil ikaw ang napili ng Soul Lottery magkakaroon ka ulit ng isa pang pagkakataon na mabuhay pero sa ibang mundo na at hinde sa dati mong mundo."
"Wag ka Vince mag alala, segurado ako na masisiyahan ka sa bagong mundo na ito. Alam mo ba na ang mundo na pupuntahan mo ay napaka mahiwaga, puno ito ng kababalaghan na hinde pa nakikita ng kahit sino mula sa mundo nyo." Sabi ni Angel.
"Tulad ng ano?" Tanong ni Vince na midyo nagiging interesado na rin.
"Hehehe tulad ng Magic, ang mundong pupuntahan mo ay puno ng Magic. Sigurado ako wala kapang nakikita na ganun sa mundo nyo." Sabi ni Angel.
"Wag ka nga! Anong wala pa? Ang dami kona kayang nakita na ganyan sa mga Movie na pinapanood ko tulad nung Lord Of The Rings saka Doctor Strange at Avatar the legend of Ang at yung kay Cora din. Oh ano nakakita na kaya ako nyan." Nagmamayabang na sinabi ni Vince.
Si Angel naman ay napatahimik bigla, ang ibig nya kasing sabihin ay nakakita sa personal pero si Vince naman ay masyadong low gets.
"Vince, hinde sa mga palabas. Ang ibig kong sabihin sa personal, yung mahahawakan mo talaga at mararamdaman mo at yung ikaw mismo ang makakagawa. Ganung Magic ang tinutukoy ko." Alala ni Angel madali lang ang magiging pag uusap nilang dalawa pero mukhang midyo magtatagalan ito dahil kay Vince.
"Ay ganun ba. Edi wow! Kung ganun dalian mo na. Pano ako makapunta dun? Anong pangalan ng bus na sasakyan ko para makapunta sa Airport at anong pangalan ng eroplano na sasakyan ko pag abot ko sa Airport at nasaan pamasahe ko?" Si Vince ay tumayo at inilapit ang kamay nya kay Angel para mag hingi ng pamasahe.
"Vince alam mo naman na nasa kabilang buhay tayo. Walang bus dito at eroplano." Sabi ni Angel na hinde na ngayon makangiti sa kulit ni Vince.
Napakamot si Vince sa ulo at saka nya natandaan na patay na pala sya kaya wala talagang bus dito o eroplano.
"Ehh pano naman ako Angel makakapunta doon sa mundo na sinasabi mo kung hinde ako sasakay sa bus at eroplano?" Nagtatakang tanong ni Vince.
"Hayysss lumayas kana nga!" Sumasakit na ang ulo ni Angel kaya biglang ikinumpas nya ang kamay nya at kinain si Vince ng puting ilaw at dahan dahan syang nagsimula na mawala.
"Ate Angel tika lang anong nangyayari sakin?" Natatakot sya dahil halos nawala na ang kalahati ng katawan nya.
"Yang puting ilaw na yan ay isang teleporter. Dadalhin ka nyan doon sa mundo na sinasabi ko sayo." Sabi ni Angel na hinde na makapag hintay na umalis si Vince.
"Ahh talaga? Magkikita panaman tayo Ate Angel diba?" Kalahati nalang ng ulo ni Vince ang natitira ngayon at malapit na talaga syang mag laho.
"Sana wag na!"
Yun nalang ang huling narinig ni Vince at dumilim ang boong paningin nya. Pagkalipas ng ilang sigundo ay naramdaman nya na parang bumagsak sya at umupo sya saka sya tumingin sa paligid. Nasa isang kwarto sya pero hinde sya pamilyar sa kwartong ito. Tatayo na sana sya ng bigla nalang sumakit ang ulo nya at ang mga memorya ng isang bata ay napunta sakanya at bigla syang nahimatay.
Pagkalipas ng ilang minuto ay ang kaninang mga naka saradong mata nya ay ngayon ay dahan dahan nang bumubukas at ngayon alam nya na kung nasaan sya.
"I'm back"
— Novo capítulo em breve — Escreva uma avaliação