Baixar aplicativo
20% Aloha (The First VIP Club Trilogy) / Chapter 3: Chapter 3: New begginning

Capítulo 3: Chapter 3: New begginning

Kita niya ang lungkot sa mga mata ni Alona habang kumakanta. Sinabihan na niya kasi ito sa desisyon niyang paglisan sa club. Mukhang nagpigil lang ito ng emosyon. Ito kasi pinakaclose niya sa lahat parang kinakapatid na niya ito.

Ngayon kasi ang huli niyang tapak sa club. Tinanggap niya ang alok ni Don Javier, malaking opportunity kasi 'yon.

"Aloha, ikaw na." nakangiting tawag ni Alona sakanya bagkus kita pa rin ang kalungkutan nito. Siya ngayon ang huling mag peperform sakanilang dalawa. Hiniling niya kay Don na magpaalam muna siya sa mga kasamahan niya at pumayag naman ito.

Tulad ng ginagawa niya gabi gabi ang ginawa niya ngayon pero hindi na siya mag pool dancing. Sabay sa tugtog ng musika ang kanyang katawan. Again I give one glance to the people enjoying her performance. Tinodo na niya ang pagsayaw niya dahil hindi na niya ito magagawa pa. Iba na ang mundong tatahakin niya. Ang mundo sa labas ng club.

Alam niyang mamimiss niya ang kanyang trabaho dito sa club. Ito kasi ang nakasanayan niya. Ang mga kaibigan niya lalo na si Alona.

Nag bow na siya ng tapos na ang musika. At lumabas si Manang Betchay mula sa likod. Matamis itong ngumiti sakanya. Tumabi siya ng kunti. "Good Evening Gentlemen!" panimula nito.

"I have just a quick announcement for all of you. Nais ko lang malaman niyo na simula bukas ay wala nang Alohang sumasayaw para sa inyo." huminto naman si Manang Betchay sa hiyawan ng mga naroroon. "Hindi naman natin maaring pigilan ang isang tao makipagsapalaran para mapaayos ang kanyang buhay. We have to choose our path for the better life." dagdag nito at tumingin sakanya.

"To Aloha, masaya ako sa desisyon mo hija at suportado ako dun. Pero alam mo bang nakakalungkot isipin na bigla ka nalang aalis. Gusto ko malaman mo na walang makapantay sa galing mo sa pagsasayaw. Sana kung saan ka man magpunta ay hindi mo kami makalimutan." anito at ngumiti ng mapait. Siya naman ay napaluha sa kanyang narinig mula dito. Parang ayaw ko na silang iwanan.

Dumalo naman ang mga kasamahan niya at si Alona. Yumakap ito, kung kanina ay nagpigil ito ng emosyon ngayon ay bumuhos na ang luha nito. Lalo lang siyang napaiyak. Akala niya napakadali lang iwanan niya ang club pero hindi pala madali dahil sa mga taong tinuring na niyang pamilya. Naninikip ang dibdib niya. Ang bigat sa pakiramdam ang nakita niyang malungkot ang mga ito.

"Mag ingat ka ha? Aloha? Sana magawa mo pa rin akong bisitahin dito." ani Alona. Siya naman ang yumakap dito ng mahigpit. "Salamat, Alona. Mag ingat ka rin. Babalikan pa rin kita dito." aniya

"Group hug." sabi naman ni Manang Betchay, nagyakapan nga kaming lahat.

Hindi naman ito bago sakanya ang eksenang ito. Lagi kaming mag iiyakan sa tuwing may umaalis sa club pero iba pala kapag ikaw ang dahilan na malungkot sila at umiiyak.

"Good luck sayo Aloha." ani Manang Betchay. Yumakap siya ng mahigpit dito. Kahit papaano ay naramdaman niya ang isang kalinga ng magulang mula dito. Kahit mukhang strikta ito pero may magandang kalooban naman. "Salamat ho, mamiss ko kayo."

Ngumiti lang ang ginang at umalis na. Umalis na din ang kasamahan niya pero nanatili si Alona sakanyang tabi. Kinuha niya ang microphone.

"Aloha, para sayo ito."

Nagsimula ng tumugtog ang kanta, simula din ng pag agos ang kanyang luha. Alam niya ang title ng kantang 'yon kaya mas lalo lang siya naiyak.

Nang nasa chorus na ay sumabaya siya

Farewell to you my friend will see each other again

I know it's the end for everything and maybe miles away...

Hinayaan na niyang tinuloy ni Alona ang kanta. Hindi na niya kasi kinaya masisira lang niya magandang boses ni Alona dahil taas baba ang balikt niya sa pag iyak. Hilam ng luha ang kanyang mukha. Tiningnan niya si Alona. Ngumiti ito pero may mga luhang nagpapatak sa mga mata nito. Bakas ang kalungkutan ng kanyang kaibigan.

"I  will see you when I see you Aloha."  sambit nito at yumakap.

Masaya ako para sa aking sarili pero ang lungkot din pala. Hindi pala madali ang lahat. Noon gusto ko lang makawala sa club, gusto kung maghangad ng magandang buhay. Gusto ko lang may mararating pero ngayon parang may kulang na sa kanyang buhay.

Pagkatapos ng gabing 'yon naghanda ng kunting salo salo si Manang Betchay. Hindi niya alam ang bagay na 'yon. Hinanap niya si Chixy pero si Vic lang ang nakita niya naka leave daw dahil may emergency. Nalungkot naman siya dito kahit ganun si Chixy ay hindi siya nagtanim ng galit dito.

Pagkatapos ng salo salo hindi siya umuwi sa bahay. Dun siya natulog sa kay Alona. Gusto niya makasama ang kaibigan sa huling pagkakataon.

"Kung may makikita kang gwapo dun ibigay mo sa'kin ha." ani Alona na tumatawa. Halatang nagbibiro.

"O sige ba! Pero paano na si Mr. Paasa?" nalukot ang mukha nito sa binanggit. Mister Paasa kasi ang tawag ko sa boyfriend nito, nanangakong bumalik pero apat na taon na ang lumipas pero hindi pa rin ito nagpapakita. Kahit anino man lang.

"Hay naku! Aloha! Hindi na akong umaasa dun. Wala 'yong isang salita." naiinis nitong turan.

Kahit sabihin ni Alona ang mga bagay na 'yan hindi pa rin siya naniniwala. Minsan kasi niya itong nahuling umiiyak. Minsan nakatulala nalang bigla. Siya ang nasaktan para dito bakit ba kasi may lalaking mahilig magpaasa? Hindi ba nila alam na may nasasaktan?

"Basta! Balikan mo ako rito para mag aasawa na ako." siya naman ang tumatawa, iniba lang kasi ang topic ng kaibigan.

***

"Are you ready?" tanong sakanya ni  Don Javier. Nakaabang ito sa labas ng bahay niya. Sinundo kasi siya nito dahil ngayon ang araw na magsisimula siya sa magtrabaho bilang sekretarya nito. Inaanyayahan niya itong pumasok pero tumanggi ito. Nahihiya nga siya dahil wala man lang siyang maialok dito kahit tubig man lang. Hindi kasi siya nakapag grocery.

Nagmamadali nalang siya sa pag  e'empake ng kanyang mga kailanganin kunti lang naman 'yon. Hindi pa niya alam kung ano talagang klase ang trabaho dahil ang nabanggit ng matanda ay maging sekretarya siya nito. Wala naman siyang alam sa ganung trabaho. Hindi siya nakatapos ng kolehiyo. Ang sabi naman ng Don ay matuto din siya sa trabaho.

"Yes po."  nahihiyang sambit niya dito. Naka suot ng blue tuxedo ito mukhang papunta pa ito sa trabaho.

"Ang ganda naman ng secretary ko." nakangiting komento nito. Hindi niya alam kung isang hanga 'yon o isang biro, nakangiti kasi itong sambit sakanya. Pinasadahan niya ng tingin ang suot niya, off shoulder plain dress lang ang suot niya pinaresan lang niya ng white flat shoes at naglagay lang din siya ng light make up dahil dun siya komportable. Wala na siya sa club hindi na kailangan ang makapal na make up sa kanyang mukha.

Ngumiti lang siya dito dahil naiilang siya sa sinabi nito. Pinagbuksan siya ng kotse, umikot naman ito para sumakay na.  Binuhay na nito ang makina at nagsimula na din siyang kinakabahan. Ang dami kasi niyang iniisip tungkol sa trabaho. It her first time na magtratrabaho sa isang malaking kompanya at isa pa talagang sekretarya ng Don.

Her hand shaking a bit. Nanginginig ang mga 'yon. Wala naman 'yon kanina o baka sa lamig ng Aircon sa kotse. Hindi siya mapakaling umupo, minsan napabuga na lang siya ng hangin. Enhale, exhale Aloha sabi niya sa sarili.

"Are you okay? Ang putla mo? Nagugutom kaba? Mag aagahan muna tayo." anito sa nag aalalang boses. Namumutla pala siya kumain naman siya kanina. Com'n Aloha, calm down! Humugot siya muli ng hininga at pinakawalan.

"Are you nervous?" ulit nito. Isa pa 'to english ng english. "At nandito ako Aloha. Ako mismo ang mag train sa iyo." Medyo malaking tulong 'yong sinabi ng Don sakanya. Napanatag ang kaluluwa niya.

"We are here Aloha." ngiting sambit nito. Nalula siya sa kanyang nakita, ang laki pala ng Kompanya ni Don Javier. Agad naman itong umibis kapagkuwan ay pinagbuksan siya ng Don. Nakakahiya. Pinagbuksan pa siya ng may ari ng kompanyang nasa harapan niya ngayon.

"Welcom to Emmanuel Shipping Line Aloha." iminuwestra nito ang Entrance, sumunod lang siya sa Don. Panay ang buga niya ng hangin. Kinakabahan na naman siya. Mas malala pa nga sa kanina ang kanyang kabang nararamdaman dahil sa mga mata na nakatingin ng matiim sa kanya. Nakayuko lang siya, napaigtad pa nga siya ng may humawak ng siko niya nang itaas niya ang tingin dito ay ang Don pala at nakangiti sakanya.

"Be comfortable Aloha. From now on dito na ang trabaho mo." ani ng Don

May mga nakasalubong pa silang mga mga matataas na babae at ang ganda  pa nila. Nakakatulala siya ng tumingin dito. Kita niya na ngumiti ito sa Don. "Good morning Sir." bati naman ng mga babaeng naka uniporme ng Marine. Ang tatangkad nila at kagalang galang sila tignan. Sinunod pa niya ito ng tingin hanggang sa nawala ito sa kanyang paningin.

"Aloha get inside." tawag sakanya ng Don. Narinig niyang may tumatawa. Laking gulat niyang siya ang tinatawanan ng mga lalaking nasa loob na ng elevator pati si Don Javier ay nandon na din at nakitawa sa mga lalaking naroon. Wtf Aloha! Nagmamadali siyang pumasok sa elevator. Nag iinit ang kanyang mukha dahil sa hiya. Tahimik lang siya sa gilid ng Don.

Ilang sandali pa ay nasa loob na sila sa isang kwarto na animo'y ito ang opisina. Nakatulala na naman siya sa laki, sigurado siyang malaki pa ito sa kanyang apartment na tinitirhan. Ano ba ang aasahan niya sa may ari ng isang shipping line. Pinasadahan niya ng tingin ang opisina nito. Nakita pa niya ang name plate kung saan nakalagay ang pangalan ng may ari.

Emmanuel Javier II


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C3
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login