Baixar aplicativo
60.6% The CEO and the FUCK BUDDY / Chapter 20: Chapter 20

Capítulo 20: Chapter 20

Naging maganda ang gising ko ngayong umaga dahil ang tagal na rin since the last time na nakatulog ako ng payapa at mahimbing.

With Roah beside me, nakakaramdam ako ng kapanatagan knowing na mahal na mahal ako nito. Alam ko sa sarili ko na mahal ko na talaga siya ngunit mayroon pa ring pumipigil sa akin upang tuluyang ibigay sa kanya ang puso ko.

Sa ngayon makukuntento muna ako sa kung ano ang mayroon sa amin.

Maaaring para sa kanya ang turing ko ay isang fuck buddy lamang, alam ko... darating ang oras na magkakalakas na ang puso ko na umamin sa kanya at sisiguraduhin ko na mauuwi ito into a serious relationship.

Kaya bago pa ako bumangon sa aking higaan. Muli kong pinagmasdan ang kanyang mukha na payapang-payapa habang natutulog.

Kinintalan ko ito ng magaang na halik sa labi at pabulong kong sinabi na "Good morning baby, i love you..."

Dahan-dahan lamang ang aking kilos pababa ng higaan upang 'di magambala ang tulog ng binata atsaka ako tumuloy sa banyo at naligo ng mabilis.

Balak ko kasing ipagluto ng agahan ito at pananghalian.

Sa Kusina...

"Good morning Manang Filomena. Pasensya na po at 'di na namin nagawang bumaba kagabi para maghapunan. Nakatulog po kaagad kami marahil ay sa sobrang pagod." nakangiti kong bati at paumanhin sa butihing katiwala.

"Naku, pihadong gutom na gutom na kayo niyan. Halika at umupo ka muna dine at ipaghahanda muna kita ng kape. Ano ba ang gusto nyong almusalin ngayon hija?" tanong niya sa akin habang nagtitimpla ng kape para sa akin.

"Balak ko po sana Manang na ako ang magluluto ng almusalan at pananghalian. Meron po ba tayong tapang baka, itlog at kamatis para sa almusal?" tanong ko kay Manang Filomena habang hinahalo ang kapeng binigay niya sa akin.

"Kumpleto tayo hija, meron pa nga tayong itlog na maalat at iba't-ibang klase ng tuyo." sagot naman niya sa akin habang isa-isa niyang inilalabas ang mga kailangan ko.

"Si Manong Pilo mo naman ay nakapagkatay na ng dalawang manok na native at kasalukuyan ng pinalalambot gaya ng bilin mo." na ngayon ay nagsalang na ng bigas na sasaingin sa rice cooker.

Maya-maya lamang ay pumasok si Manong Pilo sa loob ng kusina hawak ang malaking clay pot. Naamoy ko na kaagad ang bango ng pinakuluang manok.

"Manong Pilo iyan na po ba iyon manok na pinakuluan po ninyo?" tanong ko sa kanya.

"Ay oo hija, dito ko niluto sa palayok dahil iyan ang gustong-gusto ni Sir Roah na sa tuwing may palalambutin siyang karne. Nalalasap kasi ang linamnam kapag sa palayok niluto." paliwanag ni Manong Pilo

"Ah ganoon po ba? Sige po Manong pakilagay na lamang po sa tabi ng Gas stove. May extra pa po ba tayong palayok para sa pininyahang manok?"

"Mayroon hija at sandali, igagayak ko. Siyanga pala nahiwa ko na ang mga sangkap ng lulutuin mo hija at kung mayroon ka pang idadagdag ay sabihin mo kaagad sa akin." bilin niya bago siya lumabas ng kusina para kumuha ng isa pang palayok.

After 45 minutes ay nakapagluto ako ng almusal at pananghalian kaya naman nagpasya akong mag-breakfast in bed na lamang kami ni Roah.

Tinulungan ako ni Manang na iakyat ang mga pagkaing inihanda namin maging ang papayang blinender at ginawang smoothie ay mukhang masarap rin.

Pagtapat namin ni Manang sa may pintuan ay nagpasalamat ako at nagprisinta na ako na lamang ang papasok.

Baka kasi mabungaran niya si Roah na 'gang sa iniwan ko ay wala pa ring saplot.

"Salamat po Manang Filomena ako na po ang bahala na magpasok po ng mga ito sa loob." sabay ngiti ko sa kanya.

Ngumiti lamang ito sa akin at bumaba na ng hagdan.

Pagpasok ko sa loob. Natutulog pa ang binata kaya naman maingat kong inilapit ang lamesang de gulong sa tabi ng kama.

Naupo ako sa gilid niya at malayang pinagmasdan ang kabuuan nito.

Hanggang unti-unti idinidilat ni Roah ang kanyang mga mata.

"Ang sarap ng tulog mo. Kaya 'di na muna kita ginising." sabi ko sa kanya na nakangiti.

Bigla niya akong hinila sa mga braso upang sa dibdib niya ako mapadapa ng higa. 

"Hey, i prepared breakfast for you!" nakanguso kong sabi. Habang pinipilit kong makawala sa pagkakayakap niya.

Hindi man lang pinansin ang pagkaing hinanda ko...

"Later baby... I know na napakasarap ng niluto mo dahil sa naaamoy kong bango nito pero mas yummy itong kayakap ko kaya give me at least five minutes para mayakap ko ng mahigpit ang babaeng pinakamamahal ko, hmmm?" habang nakapikit at mahigpit na nakayakap sa akin.

"Five minutes lang ha?" sabi ko sa kanya habang nakadikit ang mukha ko sa dibdib niya.

Maya-maya lamang ay bigla akong nagulat ng may kumalabit sa aking hita.

"Shit!" sabay bangon kong bigla at pinamulahan ng mukha.

Nagtatakang napatingin sa akin si Roah at nagtanong "Why? Bigla ka na lang nagmadaling tumayo! " habang nagbabadya ang pilyong ngiti nito sa kanyang labi.

"Nakakainis ka! Nanggugulat 'yang alaga mo sa hita ko!" sabay hampas sa kanya ng unan.

"Aling alagang sinasabi mo? Heto ba?" sabay tanggal ng kumot na tumatakip sa kanyang alaga.

Oh my gosh ang haba niya at ang taba! Papaanong nagkasya ang laki na yan sa aking...?

Sabay tingin sa baba ko.

Tawang-tawa na hinila niya ako at niyakap niya't pinasandig sa kanyang dibdib nang nakaayos na siya ng upo.

"Halika ka na nga. Ang cute mo kapag namumula ang pisngi. Ilang beses na itong nakakapasok ngayon mo lang talaga na-realize kung gaano kalaki ito hmm?" habang yakap-yakap niya ako at sinasamyo ang aking leeg.

"Eh sa ngayon ko lang napagmasdang mabuti eh. Para kasing 'di naman ganyan kalaki 'yan noong nakaraan!" sabay nguso ko sa kanya habang tinitingnan na 'yon pagkain.

"Baka gusto mo ng kumain baby, lalamig ang niluto ko eh!" habang walang tigil sa paghalik niya sa aking pisngi pababa sa aking leeg.

Sa totoo lang kanina pa talaga ako natatakam sa mga pagkaing nakahain ngayon sa aming harapan.

"Tara kain na tayo at mukhang gutom na ang baby ko." sabay alalay niya sa akin upang makaayos ng upo.

"Wait lang baby punta lang ako saglit sa banyo." kaya dali-dali itong lumakad patungong banyo.

Shit, ang sarap pagmasdan ang matambok na pang-upo nito na sa bawat hakbang ay umiindayog ito.

Kaya paglabas niya ay pinagsaluhan na namin ang almusal na niluto ko.

"Ang sarap nitong beef tapa, perfect sa sinangag mo babe at itlog." papuri niya matapos maubos ang kanyang pagkain sa plato.

After an hour napagpasyahan namin dalawa ni Roah na  pasyalan ang farm na pagmamay-ari ni Cheska.

"Are you sure you want to go? Mainit na roon." tanong ni Roah sa akin. Habang naglalakad kami sa papalabas ng bahay.

"Yah, matagal na rin kasi akong 'di nakakapasyal doon. After this short break busy na naman ulit dahil may natanggap na malaking project si Architect Menalippe Sandoval sa Sagada." sabi ko habang naghihintay sa sasakyang magdadala sa amin sa farm.

"Di ba kilalang Fashion Designer din iyon? Bilib din ako sa babaeng iyon. Bukod sa napakaganda na talented pa." sinabi niya 'yon na pawang may paghanga pa. Kaya 'di ko maiwasan na 'di magselos, ngayon ko lang kasi naringgan si Roah na pumuri ng ibang babae.

Kaya ng huminto sa amin ang sasakyang Hammer ay kaagad ako sumakay ng 'di na hinintay pa si Roah na alalayan pa ako.

Naiinis ako!

"Hey, bakit 'di mo man lang ako hinintay?" sabi niya matapos niyang makapasok sa loob at tumabi sa akin.

Hindi ko siya kinikibo hanggang sa makarating kami ng farm.

"Hello po, Mang Pilo." bati ni Roah sa matanda. Habang inaabangan niya akong makababa at inalalayan sa bandang huli.

"Napasyal po kayo Ma'm Dyanne. Napakainit na po rine sa tumanaan." bati naman ng isang lalaki na katuwang ni Manong Pilo sa pag-aalaga ng mga gulay.

"Opo, okay lang po 'di pa naman po masyadong mainit at masarap naman po ang hangi. Ah siyanga po pala. Mayroon po ba tayong sobra sa mga naani nyo po ngayong umaga? Iuuwi ko po sana sa Manila pagluwas ko." tanong ko sa lalaki habang nagtatali ng mga gulay.

"Mayroon po Ma'm halika po kayo sa may kubo at marami po roon. Maipipili ko po kayo doon ng magandang gulay at prutas na 'di masisira kahit ilang araw pa." kaya ng tumayo ito ay sumunod naman ako sa lalaki.

Pagbaling ko sa aking likuran ay wala na pala si Roah at nandoon na pala sa may kubo at tila may kumakausap sa kanyang matangkad at sexy na babae. Nakatalikod lamang ito kaya hindi ko makita ang mukha.

Pagsapit namin sa kubo 'di ako pinansin ni Roah bagkus ang attention niya ay nasa babaeng kumakausap sa kanya.

Pasimple akong lumapit sa kanila upang marinig ko ang kanilang pinag-uusapan.

"It's a long time that i've been searching for you honey, of all places dito pala kita matatagpuan? Doon ka pa rin ba sa condo mo? I want to talk to you Roah." sabay hawak niya sa braso ng binata.

Tahimik lang si Roah na nanunuod sa mga namimili ng gulay. Tila 'di iniintindi ang babaeng kanina pa nagsasalita sa harapan niya.

"Hey! Lillie! Are you done? And who is that guy beside you girl?" tanong ng isang babae na kung titingnan mo sila ay pawang mga model.

"Oh, Lillie. I want you to meet Roah Montes, my beloved ex-boyfriend." sabay kawit ng kamay nito sa braso ni Roah.

Bilang pagpapakita ng pagiging gentleman tinanggap ni Roah ang pakikipagkamay nito.

"Nice to meet you. Finally nakaharap ko na ang lalaking pinakamamahal ni Lillie since college. Sana magkabalikan kayo dahil okay na ang career niya. Mahal na mahal ka pa rin ng bestfriend ko alam mo ba 'yon Roah?" mahabang sabi ng babae sa kanya.

Nang ihilig ni Lillie ang kanyang ulo sa balikat ni Roah 'di ko na mapigilan ang nararamdaman kong selos. Parang any moment ay sasabog ang aking dibdib. Kaya matapos kong magbilin sa lalaki na sila na ang bahalang mamili at maglagay sa malaking plastic ay saka ako nagpaalam dito.

Pagharap ko saktong nakita ko ang babae na hinalikan niya sa labi si Roah at nagtagal ito. Maya-maya nagpaalam na ito sa binata na luluwas na sila ng Manila.

"Bye honey! see you in your condo tomorrow evening." malambing na paalam niya sa lalaki.

Ako naman ay dali-daling pumunta sa sasakyan at ipinaandar ito pabalik ng rest house.

Kitang-kita ko sa side mirror ng sasakyan ang paghabol ni Roah sa akin pero 'di ko na ito pinansin pa dahil hilam na ang mata ko sa luha.

Pagkababa ng sasakyan ay dali-dali akong pumasok sa aking silid upang maligo at maghanda sa pagluwas ng manila.

"Shit! bakit ba ako nasasaktan ng ganito ng malaman kong ex-girlfriend pala ni Roah ang maganda at supermodel na Iyon?" habang ipinapasok ang mga gamit ko sa bag ko.

Kilala ko siya dahil minsan ko na siyang napanood sa event ni Menalippe Sandoval. She is a supermodel in Asia before na pinalad na mapunta sa London.

Pagkababa ko ng hagdan saktong papasok si Manang Filomena sa loob ng bahay.

"Manang nagkaroon po ng emergency meeting sa office ko po na kailangang maka-attend ako. Kayo na po ang bahalang magsabi po kay Roah. Pakisabi na rin po na siya na po ang mag-uwi ng mga gulay at prutas sa Manila." bilin ko sa kanya habang nagmamadali na sumakay sa sasakyan ko.

Kailangan kong makaalis na dahil any moment parating na si Roah. Ayokong makita niya ako na ganito.

Paglabas ko ng gate saka naman pasok ng sasakyan nila Roah. Bumaba kaagad ito hinabol ako. Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"Shit ka Roah!  Hindi pa man ako umaamin sa iyo pero sobra na ng sakit ang nararamdaman ko ngayon sa sobrang selos!"

"Ang malanding iyon nakikipagbalikan pa?!" gigil na sabi ko sa aking sarili.

"We will see Lillie Mondragon, kung may babalikan ka pa!" sabay pahid sa aking mga luha.


Load failed, please RETRY

Status de energia semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Pedra de Poder

Capítulos de desbloqueio em lote

Índice

Opções de exibição

Fundo

Fonte

Tamanho

Comentários do capítulo

Escreva uma avaliação Status de leitura: C20
Falha ao postar. Tente novamente
  • Qualidade de Escrita
  • Estabilidade das atualizações
  • Desenvolvimento de Histórias
  • Design de Personagens
  • Antecedentes do mundo

O escore total 0.0

Resenha postada com sucesso! Leia mais resenhas
Vote com Power Stone
Rank NO.-- Ranking de Potência
Stone -- Pedra de Poder
Denunciar conteúdo impróprio
Dica de erro

Denunciar abuso

Comentários do parágrafo

Login