Ang sarap ng tulog ni Dani ng dahil na din sa pagod. Kaya paglapat pa lang ng katawan niya sa kama ay nakaramdam na siya ng antok. Ilang oras pa lang ang nakakaraan ay naramdaman ni Dani na may nakatitig sa kanya at pagmulat nga ng kanyang mata ay nakabungad na ang mukha ni Axel.
"Ang gwapo naman nito. Artista ba siya?" Sabi ni Dani sa sarili. "Sandali! Nasa Davao ako. Nasa ibang bahay ako. Sino to?" Nanlaki ang mata ni Dani ng tuluyan na siyang magising.
Si Axel naman ay nagulat din sa pagmulat ng mata ni Dani kaya di niya malaman kung tatayo ba siya o magpapakilala muna pero bago niya magawa ang alin sa dalawa, nasipa na siya ni Dani. Ang masama, ang alaga niya pa ang tinamaan kaya namilipit siya sa sakit.
Dali-dali namang tumakbo si Dani palabas ng kwarto at deretsong pumasok sa kwarto ni Sydney.
"Sydney! Sydney! May magnanakaw! May magnanakaw! Sigaw ni Dani na ikinagulat ni Sydney. "Ano? Magnanakaw? Dito?" Gulat na tanong ni Sydney. "Oo, bilisan mo, baka makatakas pa!" Sabi ni Dani sabay hila palabas kay Sydney.
Paglabas nila ng kwarto ay nasa labas na din si Axel. Binuksan ni Sydney ang ilaw at nagulat siya ng makita ang kuya niya na nakahawak sa kanyang alaga at nakangiwi.
"Kuya?" Sabi ni Sydney na ikinagulat ni Dani. "Siya ang kuya mo?" Takot na tanong ni Dani. Tumango si Sydney at nilapitan ang kuya niya. Tinulungan niya itong makaupo sa couch.
"Anong nangyari sa'yo?" Takang tanong ni Sydney. Tiningnan ni Axel si Dani na ngayon ay nakayuko. "Sorry, akala ko kasi magnanakaw ka." Sabi ni Dani na nagpatawa ng malakas kay Sydney. "You mean, ikaw ang sumipa sa?" Nakatawang tanong ni Sydney. Tumango si Dani at tumingin kay Axel.
"Masakit pa ba?" Inosenteng tanong ni Dani na muling nagpatawa kay Sydney. "Sorry kuya. Kala ko kasi di ka uuwi kaya doon ko pinatulog si Dani." Nakatawang sabi ni Sydney. "Nga pala, kuya, siya si Daniel..." Hindi natapos ni Sydney ang salita dahil sinipa siya ni Dani. Nakita ito ni Axel at nagtaka siya. "Hehehe, siya si Dani, kuya. Dani, siya si Kuya Axel." Nakangiting sabi ni Sydney. "Hi, sorry talaga." Nakangiting wika ni Dani na nagpatulala kay Axel.
"Hoy, kuya, hi daw." Sabi ni Sydney. Tumango lang si Axel. "Pede na ba kami matulog ulit kuya? May meeting pa kasi si Dani bukas ay, mamaya na pala yun." Sabi ni Sydney. Tumango lang ulit si Axel. "Sorry ulit." Sabi ni Dani bago pumasok sa kwarto.
Nagbugtong hininga si Axel at niligon kung saan pumasok si Dani. "Ang ganda talaga niya." Sabi ni Axel sa sarili at pumasok na din siya sa kwarto ng paika-ika. Masakit pa din ang kawawang alaga niya.
Kahit kulang sa tulog ay maaga pa ding nagising si Dani. Tumayo na siya, naghilamos at nagmumog saka lumabas sa kusina. Iniwan niya si Sydney na mahimbing pa din ang tulog. Dahil sa kasalang nagawa niya kagabi ay naisipan ni Dani na siya na lang ang magluto ng umagahan nila. Binuksan niya ang ref at mga kabinet at naghanap siya ng pedeng umagahan.
Matapos siyang magluto ay inayos na niya ang mesa. Habang inilalagay ang plato at kutsara sa mesa ay sabay na lumabas ang magkapatid. "Morning! Breakfast is ready." Sabi ni Dani na nakangiti. Nasamid si Axel ng makita ulit ang ngiti ni Dani. "Morning din, Dan." Sabi naman ni Sydney. "Kain na tayo." Sabi naman ni Dani at sabay-sabay silang umupo at kumain.
"Kuya, may sasakyan ka ba na pedeng magamit ni Dani habang nandito siya?" Tanong ni Sydney habang sinusubo ang hotdog. "Bakit?" Seryosong tanong ni Axel. "Galit pa yata sa akin 'to." Sabi ni Dani sa sarili. "Ah, Sydney, kahit 'wag na. Mag-taxi na lang ako papunta Seda Abreeza tutal malapit lang naman." Sabi ni Dani na nakatingin kay Sydney. Nang tumingin siya kay Axel ay nakatingin din ito sa kanya. "Anong gagawin mo sa Seda Abreeza?" Seryosong tanong ni Axel. "Ah, eh..." Sabi ni Dani. "Doon yung meeting niya kuya." Sagot ni Sydney. "Sumabay ka na lang sa akin. Papunta din ako doon." Sabi ni Axel. "Yun naman pala eh. Pero paano pag-uwi niya kuya?" Tanong ni Sydney. "Matatagalan ka ba doon?" Tanong ni Axel na nakatingin kay Dani. "8-5 yung meeting." Sagot ni Dani na umiwas ng tingin kay Axel. "May meeting bang ganoon katagal?" Takang tanong sa sarili ni Axel. "Ang seryoso naman nito." Sabi ni Dani sa sarili.
"Iintayin na lang kita. Hindi ko din kasi alam kung anong oras matatapos yung convention." Sabi ni Axel. Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan. "Convention kuya?" Tanong ni Sydney na umaasang ibang convention ang pupuntahan ng kuya niya. "Oo. Inimbitahan kasi ako na maging speaker sa convention ng lahat ng businesses dito sa Pilipinas." Sagot ni Axel na ikanagat ng labi ni Dani. "Paktay." Mahinang sabi ni Sydney. "Ano?" Tanong ni Axel. "Ah, wala, kuya." Sagot ni Sydney.
Natapos nila ang umagahan at pumasok na sila sa kani-kanilang kwarto para maligo at magbihis.
"Kung sumama na lang kaya ako para kung may mangyari man, at least, dalawa tayong mag-iisip ng paraan para makalusot." Suggest ni Sydney. "Pede din. Sige, tawagan ko muna si Uncle para inform ko na may kasama ako." Sabi ni Dani sabay dial ng number ni Mr. Tan. Pumayag naman ito at sinabing bibilinan niya ang committeewoman na papasukin ang kasama niya.
Paglabas nila ng kwarto ay nakaupo na sa couch si Axel na pormal ng nakabihis. Samantalang ang suot ni Dani at Sydney ay simple lamang. Kung titingnan ay para lamang silang mga college students lalo na si Dani.
Tiningnan ni Dani si Axel. "Ang gwapo talaga niya kaya lang ang sungit." Sabi ni Dani sa sarili.
"Wow, panget, ang gwapo mo ngayon ah!" Pang-aasar ni Sydney. "At ikaw, maliit ka pa din." Pang-aasar din ni Axel sa kapatid. "Kala mo, pag-ako tumangkad, who u ka sa akin." Sabi ni Sydney. "Wala ka ng pag-asa." Sabi ni Axel na ikinangiti ni Dani at nakita ni Axel yun. "Wag ka ngang ngumiti diyan." Sabi ni Axel sa sarili.
"Sandali, bakit kasama ka?" Takang tanong ni Axel sa kapatid. "Wala naman akong gagawin dito eh saka bilin ni mama bantayan kita. Malay ko ba kung talagang sa convention ka ng mga businesses pupunta. Mamaya sa convention pala ng mga babae mo." Sabi ni Sydney na ikinatingin sa kanya ng kuya niya na may inis sa mukha. "Tara na Dan, baka malate ka pa sa meeting mo." Sabi ni Sydney sabay hila kay Dani palabas ng bahay.
Habang sakay sila ng SWEPTAIL ROLLS-ROYCE ni Axel ay masayang nakatingin si Dani sa labas at pinagmamasdan ang ganda ng Davao. "Ang ganda talaga dito noh saka ang linis. Di katulad sa Manila." Sabi ni Sydney. Dahil busy ang dalawa sa pagtingin sa magandang tanawin ay hindi nila pansin ang pagsulyap sulyap ni Axel kay Dani sa rearview ng sasakyan nito.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na sila sa Seda Abreeza. "Kuya, mauna na kami sa loob. Ba-bye!" Sabi ni Sydney at nagmamadaling hinila si Dani. Nagkunot naman ng noo si Axel. "May itinatago sa akin ang dalawang 'to." Sabi ni Axel sa sarili. Sinarado na nya ang kanyang sasakyan at pumasok na din sa loob ng hotel.
Dumiretso sina Dani at Sydney sa information desk at nagparegister. Nang malaman ng information staff ang kanyang pangalan ay inihatid agad sila sa kwarto ni Mr. Tan.
"Hi, Uncle." Bati ni Dani kay Mr. Tan. "Hi, iha. Kamusta ka na? Lalo kang gumanda ah." Nakangiting sabi ni Mr. Tan. "Si Uncle talaga, hayaan n'yo, may regalo kayo sa akin sa Pasko." Sabi naman ni Dani na ikinatawa ni Mr. Tan. "Nga pala, Uncle, si Sydney, friend ko." Patuloy ni Dani. "Morning po." Sabi ni Sydney. "Morning din iha." Sabi ni Mr. Tan sabay tingin kay Dani ng may pagtatanong sa kanyang mata. "Don't worry, Uncle, she knew." Sabi ni Dani. "Ah, ok." Sabi ni Mr. Tan.
Habang nagkwekwentuhan ang tatlo ay may kumatok sa pinto ng kwarto. "Pasok." Sabi ni Mr. Tan. "Sir, nandito na po si Mr. Axel Monteclaro." Sabi ng usher. Namutla ang magkaibigan.
"Goog morning, Mr. Tan." Sabi ni Axel at nakipagkamay sa lalaki. "Good morning din sa'yo iho. Salamat at napaunlakan mo ang imbitasyon ko." Sabi ni Mr. Tan. "It's my pleasure." Sagot ni Axel at bago siya umupo ay nakita niya ang dalawang pamilyar na tao at ito ngayon ay mga nakayuko.
"Sydney?" Gulat na tanong ni Axel. "Hehehe, hi kuya." Sagot ni Sydney. "Ito ba ang sinasabi mong meeting ni Dani?" Tanong ni Axel. "So, magkakilala na pala kayo ng prinsesa ng PGM?" Tanong ni Mr. Tan bago pa man nakasagot si Sydney. Lalong namutla ang dalawa.
"PGM? The largest mall in th Philippines?" Gulat na tanong ni Axel. "Oo, iho." Sagot naman ni Mr. Tan. Tumingin si Axel kay Dani. "So, finally, na-meet ko na ang nagtatagong prinsesa ng PGM." Nakangiting sabi ni Axel. Walang nagawa si Dani kungdi tanggapin ang handshake ni Axel. Nang bibitiw na si Dani sa hawak ni Axel ay lalong dumiin ang hawak nito.
"Ngayon lang kayo nagkakilala?" Takang tanong ni Mr. Tan. "Nagkita na kagabi at sa bahay ko siya titira sa mga susunod na araw." Sabi ni Axel na sa wakas ay binitiwan na ang kamay ni Dani. Tumingin si Mr. Tan kay Dani na humihingi ng paumanhin na sinagot naman ng isang ngiti ni Dani.
"Sir, magsisimula na po ang convention." Sabi ng usher na pumasok sa kanilang kwarto. "Sige, susunod na kami." Sagot ni Mr. Tan. Naunang naglakad si Mr. Tan palabas ng kwarto. "After you, princess." Pang-aasar ni Axel. Inirapan naman siya ni Dani. Paglabas ni Dani ay piningot ni Axel ang tainga ni Sydney.
"Aray! Kuya, sorry na." Sabi ni Sydney na hawak-hawak ang kanyang tainga. "Sabi ko na nga ba at may tinatago kayong dalawa eh." Sabi ni Axel na naiinis. "Sorry na. Kakaunti lang kasi kaming nakakaalam ng sikreto ni Dani kaya sana itago mo din ang kanyang pagkatao." Sabi ni Sydney. "Tingnan natin." Nakatawang sabi ni Axel. "Kuya naman eh." Sabi ni Sydney. "Sige na, labas na." Sabi ni Axel sabay tulak sa kapatid.