Aliyah Neslein Mercado Point of View
" I am leaving tomorrow , so babe tonight, let's break up. "
Paulit-ulit lang na tumatakbo sa utak ko yung sinabi nya. Ayaw mag-sink in. Sa halip yung mga memories namin together ang parang video na nagpe-play sa isip ko.
Tama siya, for the past three years of our peculiar relationship, it was blissful. Ni hindi ko na nga naramdaman noon yung sobrang sakit na ni-inflict ni Onemig sa akin. Sometimes we just need someone who is like a pencil with an eraser to write happiness and erase all the sadness. Siya yung someone na yun. Si Jam na nga yata ang ipinadala ni Lord para i-comfort ako. An angel in disguise. Sobrang bait. Taong-tao.
Wala akong maalalang hindi masaya tuwing magkasama kami. Hindi naman kasi kami nag-aaway. Nagkakatampuhan, nagkakaasaran, oo naman, pero hindi namin hinahayaan na lubugan ng araw na hindi kami nagkakaayos.
Siya kasi yung tipo ng tao na maibigin sa kapayapaan. He taught me how to forgive and help me to forget. Siya yung iniiyakan ko nung mga panahong para na akong mawawala sa katinuan ko. Siya yung nag-aalaga sa akin kapag may sakit ako, nagpapa-alala na kumain sa oras, ang clown ko pag malungkot ako, number one fan ko na pumapalakpak sa mga achievements ko. Minahal nya ako sa paraang siya lang ang nakakagawa. Siya yun eh. Siya lahat yun. Kaya paano ako makaka-survive ngayong nagwakas na ang lahat sa pagitan namin? Babalik na sya kung saan sya talaga nararapat.
Hindi ako dapat magalit o magdamdam. It's his destiny. Maswerte nga ako na nabigyan ako ng pagkakataon na makasama ko sya bago sya bumalik sa nakatakda sa kanya.
" Jam. Babe. " puno ng pait at lungkot ng banggitin ko ang pangalan nya at ang endearment namin sa isa't isa . Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko sa pagpatak.
" Shh. Don't cry. Matatanggap mo rin. Masasanay ka rin. " turan nya habang pinapahid nya ang mga luha ko.
" Tanggap ko naman eh. Masasanay din ako. Nalulungkot lang ako. "
" Ako rin naman nalulungkot. Nag-aalala rin ako sayo baka kasi pag-alis ko magsutil ka na naman. " natawa ako sa sinabi nya kahit na umiiyak.Ginawa pa akong bata.
" Kainis ka! Nagmo-moment ako dito tapos bibirahan mo ng ganyan. Akala ko naman kung ano ipinag-aalala mo sa akin. " napasimangot ako. Hinawakan nya yung magkabilang pisngi ko at pinanggigilang kurutin.
" Pinapatawa lang kita. Iyak ka kasi ng iyak. " inalis ko yung mga kamay nya sa mukha ko para yakapin sya.
" Babe mag-iingat ka dun ha? " naramdaman ko ang mainit nyang yakap at hinalikan ako sa ulo.
" Ikaw din, pero huwag mo na akong tatawaging babe, break na kaya tayo. " natatawang hinampas ko sya.
" Sorry nakalimutan kong nakipag-break ka na nga pala sa akin 10 minutes ago. But you'll always be my baby boy kahit wala na tayo. " natawa sya at naiiling sa sinabi ko.
" Pangalawang break up mo na Aliyah, yung bilin ko sayo ha? Ingatan mo na yang puso mo sa susunod na magmahal ka. "
" Itong break up naman natin Jam, hindi mo naman ako sinaktan. Gusto ko pa ngang magpasalamat sayo dahil isa ako sa maswerteng pinag-ukulan mo ng oras mo. Walang nasayang na sandali habang kasama kita. Kaya hindi counted ito sa mga heart breaks ko. You never broke me Jam, you made me whole. "
" Sus, maliit na bagay. Basta yung bilin ko sayo ha? Gusto ko kapag magkikita tayo, masaya ka. Ayoko na nung umiiyak ka dahil hindi na kita masasamahan sa pag-iyak mo. Mahal na mahal kita, alam mo yan. "
" Haay Jam, kung pwede ka na lang sana na boyfriend ko na walang expiration , itatali kita at hindi na pakakawalan. Husband material ka sana kaya lang ----. "
" Hanggang dito lang talaga tayo. " dugtong nya sa sinasabi ko.
" Yeah, right. " malungkot kong tugon.
I heaved a sigh. What's not to love about him? He's almost perfect. But he is not really mine.
" You take care, okay ? " saad nya muli.
" Opo. Sasama ako kila tita Maybelle bukas ha? " ungot ko.
" Huwag na. Baka umiyak ka na naman. " tanggi niya.
" Hindi na. Promise! "
" Alright! " he hug me again and kiss my head.Napaka-higpit ng yakap niya sa akin kaya naman niyakap ko rin siya ng ganoon kahigpit.
Kumalas na siya ng yakap sa akin ng may mabigat na kalooban. I heard him sighed deeply. And without any word, he walk away. I know he is crying too, ayaw lang niyang ipakita sa akin dahil baka kasi mag-breakdown na ako.
He walked away. Hanggang dito na lang kami. Nalulungkot ako at umiiyak pero masaya ako para sa kanya.
Sa fairy tale lang may happy ending. Pero yung sa amin ni Jam parang fairy tale din naman. Nagsimula kami sa once upon a time at nagtapos kami sa, and they live happily ever after-----
. . . separately.
Siya siguradong magiging masaya siya sa pinili nya at ako? alam kong magiging masaya rin ako sa kung sino man ang pipiliin ko in the future. Because happily ever after is not a fairy tale. It's a choice.
KINABUKASAN, nagpunta muna ako sa office para magpaalam kay tito Frank na magli-leave muna ako ng isang araw dahil sasama ako sa paghatid kay Jam. Iniwan ko na ang kotse ko kay Tin para may gamitin sya pauwi ng bahay mamaya. Marunong naman syang mag-drive, pinag-aral sya ni tito Frank sa driving school nung nakaraang summer.
Nag-Grab na lang ako papunta sa bahay ng mga Montreal. Saktong naka-ready na sila nung dumating ako. Ako na nga lang yata ang hinihintay.
Mahigit dalawang oras ang itinagal ng byahe namin bago namin narating ang formation house sa Sta. Cruz, Laguna. Dito muna si Jam maglalagi ng isang buwan bago tumulak ng Italy, sa congregation nila doon.
Yes, tama po ang nabasa nyo. Seminarian po si Jam. High school sya nung pumasok sya ng seminaryo at nung mag-college sya, lumabas muna sya para ipagpatuloy ang pag-aaral nya. Kailangan kasi na makatapos sya ng four year course bago sya magpatuloy ng pag-aaral sa pagiging priest. Sa Italy sya mag-aaral at dun sa congregation nila dun sya mag-sstay.
Ito ang dahilan kung bakit hindi namin pwede ituloy ni Jam ng seryoso ang inumpisahan namin. Nung inalok nya ako na maging girlfriend, isang desisyon yun na pinag-isipan nya ng husto. Ang intensyon nya ay para matulungan akong makalimot at tulungan akong buuin muli ang sarili ko. Ang part ko naman ay para mailayo sya sa mga babaing lumalapit sa kanya. Sa akin kasi alam nyang safe siya. Naiparanas ko sa kanya ang magkaroon ng ka-relasyon bago pa man sya bumalik sa landas na pinili nya.
Ang mga lumalabas ng seminaryo ay dumadaan sa maraming pagsubok kapag nasa labas sila. Dito nila masusubukan kung matibay nga sila sa tukso ng sanlibutan. Sa kaso ni Jam, sinubukan nya ang sarili nya kung kaya ba talaga nyang panindigan ang pinili nyang landas. At nagtagumpay naman sya dahil hindi sya na-in love sa akin. Si God pa rin ang talagang nasa puso nya.Hindi rin tinulot ni God na ma-inlove ako sa kanya. Nakalaan talaga sya para maglingkod sa Diyos.
Hindi pa man kasi sya naisisilang ay ipinangako na siya ng mga magulang nya sa Diyos. Ilang beses na kasing nakunan si tita Maybelle kaya sumuko na sila sa pag-asa na magkakaanak pa. Pero makalipas ang ilang taon, nagbuntis ulit si tita Maybelle kaya nangako sila sa Diyos na mabuhay lang ang bata ay ilalaan nila ito para maglingkod sa Kanya.
" Good morning father Ramon. " bati nila sa lalaking nasa may entrada ng patio. Tantya ko ay nasa mid fifties na ito. Maaliwalas ang mukha na sumalubong sa amin.
" Good morning din sa inyo. Welcome back brother Jam. "
" It's glad to be back father. By the way, this is Aliyah, kaibigan ko po sa labas. " pakilala nya sa akin kay father Ramon. Nagmano naman ako kay father Ramon.
Doon na kami pinakain ng lunch. Actually para ngang ayaw na naming umalis at iwan si Jam.
Pero talagang ang oras hindi mo mapipigilan sa pagtakbo. Nung bandang hapon na, kahit atubili pa rin kami, nagpaalam na kami kay Jam upang umuwi na.
Umiiyak si tita Maybelle na yumakap sa kanyang anak. Panay ang alo ni tito Tony sa asawa. Pinagmamasdan ko lang sila, natutulala ako at pilit kong pinaglalabanan ang luha ko upang hindi tumulo. Ayaw ni Jam na umiyak ako.
Lumapit si Jam sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
" Mag-iingat ka palagi Liyah. Yung bilin ko sayo ha? I will miss you badly. " mapait akong tumango. Pigil na pigil ang luha.
" Jam, pwede ba na hindi ko muna sabihin sa mga kaibigan natin na break na tayo? Kung saan ka talaga nagpunta? " pakiusap ko sa kanya.
" But why? "
" Ayoko lang kasi na malungkot ulit sila dahil sa akin. At mabuti na rin na alam nilang tayo pa para wala na muling magtangka pa. Ayoko na munang makipag-relasyon ulit. Quotang-quota na ako sa sakit. "
" Okay . I understand. " he said.
Medyo madilim na ng ihatid ako ng parents ni Jam sa bahay. Hindi na ako kumain ng dinner dahil kumain na kami sa isang resto na nadaanan namin nila tita Maybelle. Binati ko lang sila Tin na kasalukuyang kumakain nung dumating ako.
Pagdating ko sa room ko ay nagpahinga lang ako ng konti bago nag shower.
" Kumusta ang lakad nyo besh? " tanong ni Tin nung pumasok sya ng room. Nakahiga na ako dahil feeling ko pagod na pagod ako.
" Hayun mukhang masaya naman si Jam dun. At heto naman ako, malungkot. Mukhang matatagalan pa bago ako makapag-adjust. "
" Besh carry mo yan. Syempre mami-miss mo sya pero eventually, masasanay ka rin. Isipin mo na lang yung piniling landas ni Jam, dun pa lang dapat maging proud ka na sa kanya. Ilang lalaki lang ba ang makakayang talikuran ang sanlibutan para sa Diyos? Ilan lang sila besh at sa ilan na yon, isa si Jam don. "
" Tama ka besh pero pakiusap wag mo ipagsabi kung saan talaga nagpunta si Jam ha? Hayaan mo na lang na isipin nila na nasa Switzerland lang sya. Ayoko kasing malaman nilang lahat na single na ulit ako. Maaasahan ba kita besh? " tanong - pakiusap ko kay Tin.
" Oo naman. Ayoko rin naman na may lumapit na naman sayo, mag-alok ng pagmamahal tapos sasaktan ka lang. Tama na muna besh. Ipahinga mo muna yan. " turan nya sabay turo sa tapat ng puso ko.
Ngumiti lang ako at nagpasalamat sa kanya. Mabuti na lang nandito si Tin sa tabi ko. Kahit paano maiibsan ang kalungkutan ko sa pag-alis ni Jam. Malabo ko pa kasi syang makausap ngayon dahil bawal sa seminaryo ang ano mang gadgets. Pagdating daw nya ng Italy, pwede na pero may oras ang paggamit.
Binuhos ko ang oras ko sa pagta-trabaho ng mga sumunod na araw. Ayaw ko kasing maalala si Jam dahil malulungkot na naman ako. Kapag marami kasi akong ginagawa medyo nawawaglit na sya sa isip ko. Kaya nag-focus na lang ako ng husto sa trabaho. Mukhang effective naman kasi kahit naiisip ko sya hindi na ako masyadong nalulungkot. Mukhang okay na nga ako. Mukhang nasasanay na rin. Acceptance lang talaga ang kailangan.
Eksaktong one month nung umalis si Jam ng makatanggap ako ng tawag mula sa kanya. Nasa Italy na raw sya at masayang -masaya sya dahil kasama na ulit nya yung mga ka-batch nya sa formation center noon.
Masaya rin ako para sa kanya. Nangako rin sya na kahit twice a month ay tatawagan nya ako.
Napanatag naman ako nung malaman ko na maayos naman sya at masaya. Iyon lang naman ang importante.
Maging masaya ka na rin Aliyah.
Time flies fast when you are preoccupied. Pero isang di gaanong busy na araw, kinausap ako ni tito Frank.
" Sweetie kumusta yung mga kinausap mong supplier para sa bagong showroom na ipapatayo natin? "
" Ayos na po lahat yun tito. Nagkasundo na kami sa presyo at nagka-pirmahan na rin kami ng contract last week. Ayos na rin po yung site at may building permit na rin po tayo. Go signal nyo na lang po ang kailangan. "
" Very good. Tomorrow we have a meeting with the FCGHB staff para maumpisahan na ang building. Kaya lang bukas ng umaga may flight ako, kami ng lolo Franz mo sa Sydney. Pwedeng ikaw na lang muna ang humarap bukas sa taga builders at samahan mo na rin sa site para makita nila? "
" Sure po tito. Ako na po ang bahala. "
Maaga kaysa sa takdang oras nung pumasok kami ni Tin sa office. Ayoko naman kasing tanghaliin, nakakahiya sa mga taga builders kung late ako dumating. Malayo ang byahe mula Sto. Cristo kaya hindi ko sila dapat paghintayin.
Bandang 8:00 nung tumunog ang linya ng office phone ko. Ang secretary kong si Daphne ang nasa line 1.
" Yes Ms. Segovia? "
" Ma'am nandito na po yung taga FCG home builders. "
" Sige papasukin mo na sila. "
" Sila? Eh Ma'am mag-isa lang po siya? " nagulat ako sa sinabi nya.
" Ha? Isa lang ang ka-meeting ko ngayon? " pambihira, sabi ni tito Frank mga staff.
" Opo ma'am, yung head engineer lang po nila. "
" Okay . Let him in. " sabi ko na lang. Siguro naman kaya na ng isang tao lang kung kaya isa lang ang pinadala. Baka kailangan lang makita muna yung site kaya hindi na nagpadala ng marami.
Nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto ko.
" Come in. " untag ko habang nagpipirma ako ng mga papeles na iniwan nung secretary ni tito Frank sa table ko. Narinig kong sumara ang pinto at pagtikhim nung taong pumasok.
" Uhm. Good morning Ms. Mercado. " dahan-dahan akong nag-angat ng tingin upang magulat lang.
" IKAW? ! "