Aliyah's POV
ILANG araw pa ang matuling lumipas. Naging busy na kami sa mga proyekto ng youth club. Ilang araw na lang liga na ng basketball, panay na nga ang practice ng mga kalalakihan tuwing hapon at pinapanood din namin sila paminsan-minsan kapag tapos na kami sa pamimigay ng ticket sa mga baranggay para sa sayawan at bingo cards para sa pa-bingo.
Every other night ay kausap naman namin ng kapatid ko ang parents namin thru Skype at ayos naman ang kalagayan nila doon sa Switzerland . Kinukwento ko rin ang mga activities ng youth club. Tinukso pa ako ni daddy nung malaman nya na si Onemig ang escort ko sa darating na liga ng basketball.
" Naku sayang hindi ko makikita ang paborito kong love team." asar ni dad. Kita ko sa screen ko ang pagngisi nya na puno ng pang-aasar. Kinurot sya ni mommy sa tagiliran kaya napangiwi sya.
" Ikaw talaga Nielsen iniinis mo na naman yang anak mo. Sweetie pagpasensyahan mo na si daddy ganyan talaga to noon pa." sabi ni mommy.
" Ok lang po mom, hindi naman na kami nag-aaway ni Onemig ngayon. Hindi man kami nag-uusap pero nagkakasama na kami na walang bangayang nangyayari. Hindi na po kami bata para sa away-away na yan."
" Tama yan anak, mas magandang magkasundo na kayo. Magkababata kayo at nasa isang grupo kayo. At isa pa, kaibigan at kababata namin nitong daddy mo ang mga magulang nya. Mabait si Onemig anak,mapang-asar lang talaga siguro sayo gaya nitong daddy mo." turan ni mommy at kinurot pa si daddy sa magkabilang pisngi. Ang cute talaga nilang pagmasdan para silang mga teen ager din na katulad ko.
" Kita mo itong mommy mo, nanggigil na naman sa akin. Kaya hindi ako maiwan-iwan dito kasi baka may magkagusto sa akin dahil alam mo naman anak,gwapo ang daddy." biro ni dad. Totoo naman yon para syang si Rafael Rosel at hanggang ngayon maganda pa rin ang pangangatawan nya, pwede pang ilaban sa Ginoong Pilipinas. Hindi rin naman pahuhuli si mommy,sexy at maganda pa rin sya. Kahit nasa late thirties na sila pareho, bata pa rin silang tignan.
" Naku beh kung ano-ano sinasabi mo dyan sa bata."
" Kailan po kayo uuwi mommy?" biglang tanong ko.
"Next month pa anak. One month kami dito dahil may fashion show kami sa ibat-ibang lugar kung saan mayroong branch ang Montreal. Tsaka ang papa Anton mo ay nagpapatulong sa expansion ng company dito.Miss nyo na kami noh?"
" Ay mommy sobra po." sagot ko nang may maalala ako." Syanga po pala dad,salamat sa tulong nyo para dun sa mga cctv at ilaw. Naka-install na po ngayon at maliwanag na sa gabi dito ngayon."
" Wala yun anak. Diyan kami lumaki kaya gusto kong maging maayos ang lugar natin para sa lahat. Kung may kailangan pa kayo, magsabi ka lang and I'm willing to help."
" Thank you dad. You're so great kaya naman love na love kita,kayo po ni mommy. Sige po magpahinga na kayo at ingat po kayo dyan." pagtatapos ko.
" Daddy yung pinabibili ko po ha?" singit ni Neiel.
" Oo naman bunso hindi kakalimutan ng daddy yon. Basta behave ka dyan palagi at wag mong kukunsumihin ang mga lolo at lola mo ha?" wika ni daddy sa kapatid ko.
" Opo dad. Nandoon ako palagi kila lolo Phil wala kasi akong kalaro dito.Naglalaro po kami ng mga pinsan ko dun." sagot ni Neiel.
" Mabuti yun bunso para maging close kayo ng mga pinsan mo." singit ni mommy.
" Mommy uwi na po kayo, si ate kasi ni-aaway ako lagi."
" Bakit naman ni-aaway mo sya ate Liyah?" panggagagad ni dad.
" Naku dad binabawalan ko lang po sa sobrang pagkain nya. Kita nyo naman konti na lang fattener na to." natawa ng malakas si dad na ikinasimangot naman ng husto ni Neiel.
" Ikaw pala naman bunso eh. Di ba gusto mo rin na maging model tulad ni daddy?" tanong ni mom.
" Opo."
" So, listen to your ate. Mahirap baby kapag tumaba ka ng husto,hindi ka magiging model kapag chubby ka." paliwanag ni mommy.
" Sige po mommy mag-diet na po ako starting next week."
" O bakit next week pa?" tanong ni dad.
" Eh birthday po kasi ng pinsan namin sa isang araw kaya maraming lulutuin si lola Bining, masarap tiyak dad yun kaya hindi muna ako magda-diet, next week na lang po." napahagalpak na ng tawa ang mga magulang ko sa kalokohan ng kapatid ko. Sobra kasi syang mahilig kumain. Kaya naman nine years old pa lang sya, ang laki na nyang tignan.Nagpaalam na kami sa kanila dahil inaantok na ang fattener sa tabi ko.
" Basta anak yung bilin ko ha?"
" Ano po yun dad?" kunot ang noo ko.
" Boto ako dun kung sakali. Kung sakali lang naman.hahaha."
" Ay si daddy talaga patawa. Sige na po. Love you both po." at pinatay ko na ang screen. Nami-miss ko na sila pero ayos lang basta't magkasama lang sila.
KINABUKASAN, nagpahatid si Neiel sa akin sa bahay nila lolo Phil. Everyday kasi si lolo Franz ang kasama nyang pumupunta dun kaya lang ngayon ay may pinuntahan sila ni lola Paz sa Makati, kaya ako na muna ang naghatid sa kapatid ko.Doon na muna sya at dadaanan na lang sya nila lolo pag-uwi nila sa gabi.
Pagdating ng hapon, pagkatapos kong magdilig, naupo ako sa terrace namin at itinuloy ko yung binabasa kong pocketbook.
Sobrang engrossed ako sa binabasa ko ng marinig kong tumunog ang doorbel namin.
Tumanaw ako sa garden dahil kita naman kung may tao sa tapat ng gate.
Napanganga ako nung mapagsino ko ang taong nakatayo sa labas.
Si Onemig.
Tumayo ako pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Nakatingin lang ako sa kanya na punong-puno ng pagtataka ang mukha ko. Nakangiti naman sya sa akin na parang naa-amuse sa itsura ko.
" Hey! Are you okay? Can we talk?" sabi nya na nasa labas pa rin ng gate.
Saka lang ako parang natauhan at lumakad na papunta sa gate para pagbuksan sya.
" W-why a-are you here?" naknang tinapa bakit nag-stutter pa ako.
Binukas ko ng malaki ang gate para makapasok sya. Magkaharap lang kami habang nakatayo sa gitna ng garden.
" I just drop by to give you this." itinaas nya sa harapan ko yung dala nya. Yung isusuot ko sa parade. Cool na cool lang sya habang kausap ako samantalang ako halos manlambot na sa harapan nya.
" Really? Bakit ikaw ang nagdala? Di ba dapat si pres ang magbibigay sa akin nyan?" pinilit kong tatagan ang boses ko. Hindi ko alam kung bakit para akong nanginginig sa harap nya. Anyare sa akin?
" Uhm...." napakamot sya sa ulo nya. Ahm..actually ako ang nag-prisinta na dalhin dito yan." medyo mahina ang pagkakasabi nya at yumuko sya na parang nahihiya. Ang awkward lang namin.
" Why?" tanong ko.Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko.
" Uhm..I just want to be friends with you." nahihiyang sambit nya.
" Are we not friends? Magkababata at magkalaro nga tayo di ba?" tanong ko.
" Yeah but we always fight, we always argue. I want to start a clean slate Aliyah. Let's start and back at one." medyo napangiti ako sa huling tinuran nya,parang kanta lang ni Bryan Mc Knight.
" You mean magbabalik tayo sa umpisa, nung tinulungan mo akong hanapin yung tuta ko?"
" Yeah,kung paano tayo nag-umpisa simula nung araw na yon." napangiti ako sa sinabi nya. Naalala ko nung araw na yon kung paano kami nagkakilala.
Naglalakad ako sa daan non,umiiyak ako kasi hindi ko mahanap ang tuta ko na si Woo Bin. Regalo sa akin ni daddy yun nung mag 5 years old na ako.Inuwi ako nila mama Lianna at papa Anton dito sa Sto.Cristo dahil hahanapin nila si dad. Kinidnap daw sya ni tita Marga nun.
Nakita ako ni Onemig na noon ay nakasakay sa bike nya.
Flashback:
"Bakit ka umiiyak bata? "
"Nawawala kasi yung tuta ko na si Woo Bin."
" Gusto mo tulungan kitang hanapin sya?"
" Ayoko,sabi kasi ni mommy wag daw akong sasama sa stranger."
" Hindi naman ako stranger eh. Kilala kaya kita. Ikaw yung anak ni tito Nhel at tita Laine di ba? Kaibigan sila ng mommy at daddy ko."
" Kahit na. Hindi naman kita kilala eh."
" O sige. Ako si Juan Miguel Arceo. 7 years old at dun yung bahay ko oh,tatlong bahay ang pagitan sa inyo. O hayan hindi na ako stranger ha? Ikaw ano pangalan mo?"
" Sige na nga. Ako si Aliyah Neslein Mercado,5 years old pa lang ako nung nakaraang birthday ko.Regalo nga ni daddy sa akin yan si Woo Bin. Halika na nga tulungan mo na ako na hanapin sya."
Pareho kaming napangiti nung maalala namin yung pangyayaring yun.Ang ganda nga ng simula naming dalawa at palagi kaming magkasama simula nung araw na nakita namin si Woo Bin. Magkasama rin kaming umiyak ng mamatay si Woo Bin nung 2 years old sya. And now, gusto nyang mag-umpisa uli kami at bumalik muli sa ganoong estado ng pagkakaibigan.Gusto ko rin yon. Gustong-gusto.
" Alright! Let bygones be bygones.Ayoko na rin namang nagbabangayan tayo.Nakakapagod din." ngumiti ako sa kanya. Pansin kong parang nag-iba ang timpla ng mukha nya ng ngitian ko sya. Ayokong mag-ilusyon pero iba talaga yung nabasa ko sa kanya. Admiration?
" Thanks Ali. Promise hindi na kita aasarin. Wag mo na akong tatarayan ha?" parang nabalik kami sa pagkabata nung banggitin nya ang name ko na bukod tanging siya lang ang tumatawag sa akin nun.
" Sige Uno,hindi na. Friends na ulit tayo." ngumiti sya ng malapad sa akin.
" Ngayon ko na lang ulit narinig ang pangalan kong yan. Ikaw lang ang bukod tanging tumatawag sa akin nyan. Salamat ulit."
" Ikaw rin naman. Walang ano man Uno. Salamat din sa pagdala mo nitong isusuot ko sa parade." itinaas ko pa yung paper bag na dala nya na naglalaman ng isusuot ko sa parada.
" Ok. Sige uwi nako." akmang tatalikod na sya nung tawagin ko syang muli.
" Uno!"
" Hmn." lumingon sya.
" Ano na nga ba ang pinag-umpisahan nung bangayan natin? Bakit ka nagalit sa akin nung araw na yon?"
Namangha sya sa tanong ko. Hindi sya agad nakakibo. Tila namula sya sa hindi inaasahang tanong na manggagaling sa akin. Parang dumilim pa nga ang anyo nya.
May nasabi ba akong masama?