Laine's Point of View
" Naguguluhan man ako sa sinasabi mo pero iba ang ibinubulong ng puso ko.At sa mga sandaling ito parang nararamdaman ko ang pinanggagalingan mo." nagulat man ako sa sinabi nya ay hindi ako nagpahalata.
Mas lalo nyang hinigpitan ang yakap nya sa akin na para bang doon naka-depende ang buhay nya. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso nya. Binubuhay non ang pag-asa sa puso ko na maaaring nakikilala ako ng puso nya kaya ganon ang tibok.
Hinayaan ko muna na nasa ganoon kaming posisyon ng ilang minuto. Tila musika sa pandinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso nya.
Ilang segundo pa ang lumipas ng muli akong magsalita.
" Oo Nhel. Nasasaktan ako.Sobrang sakit lalo na kapag nakikita ko kayong naglalambingan ni Marga.Para akong pinapatay nung hinalikan mo ang labi nya ng labi mo na ako lang ang hinayaan mong makahalik. At kapag naiisip ko na mas higit pa doon ang ginagawa nyo bilang mag-asawa,parang gumuguho na ang mundo ko.Naiintindihan ko kahit masakit dahil alam kong nakalimot ka. Pero alam ko makalimutan man ako ng isip mo, hindi magsisinungaling ang puso mo. Makikilala ako nyan dahil ako talaga ang nilalaman nya."
Humarap sya sa akin at tinitigan ako sa mga mata.
" Kung base sa tibok ng puso ko ngayon parang gusto ko ng maniwala sa sinasabi mo na ikaw ang laman nito. Dahil kasalanan man kay Marga,aaminin ko na simula ng makita kita ay tumibok ng mabilis ang puso ko pero ang hindi ko mapaniwalaan ay yung sinasabi mong nakalimot ako. Hindi ko alam kung nakalimot nga ba ako. Nung gumising ako matapos yung aksidente, si Marga ang nagisnan ko. Siya ang nagbigay ng lahat ng impormasyon sa akin tungkol sa pagkatao ko at yun ang pinaniniwalaan ko hanggang sa bago kita nakita dito. Ginulo mo ang isip ko at mula nun nag-umpisa na akong magtanong sa sarili ko. "
" Nhel! What do you mean?"
" Nung dumating ka dito at sinabi mo na ikaw ang asawa ko, nalito ako,naguluhan. At simula noon palagi ko na lang napapanaginipan yun. Nagsimula akong magtanong sa sarili ko. Ito ba talaga ang buhay ko? Ako ba talaga ito na inaakala kong ako? Nung magising ako pagkatapos nung aksidente, ipinaliwanag ni Marga sa akin na dahil sa pagkakauntog ko sa pinto kaya may mga ilang bagay lang akong nakalimutan. Pero nagsimula akong maguluhan nung dumating ka at sinabi mong asawa mo ako. Mukhang malaking bahagi nga ng buhay ko ang hindi ko maalala na taliwas sa sinasabi ni Marga."
" Ano ba ang pagkakakilala mo sa sarili mo ngayon? Kilala mo ba talaga ang sarili mo? Kasi kung may mga bagay tungkol sa sarili mo na hindi mo masagot,malaking bahagi nga ng buhay mo ang nawawala sa memorya mo."
" Ang alam ko ako si Nielsen Emmanuel Mercado.Taga Sto.Cristo.Anak ni Phil at Bining.Nagtatrabaho sa Mapocor bilang head engineer.Asawa ni Margarette Quinto at may anak kami, si Mark 3 years old, na ngayon ay kasama ng mga magulang ni Marga sa Europe. Yun lang ang impormasyon na alam ko sa sarili ko siguro nalimutan ko nga yung iba dahil sa pagkakauntog ko marahil sa pinto."
" Ang impormasyon ba na yan ay talagang naaalala mo o sinabi lang ni Marga sayo?"
" Sinabi nya at may mga katibayan din sya kaya naniwala ako sa kanya.Pero ngayon parang nagdududa na ako sa mga impormasyon na nalaman ko tungkol sa sarili ko. Naguguluhan ako kung ano ba ang totoo.Hindi ko alam kung dapat ko ba syang paniwalaan o ikaw na ngayon ko lang nakilala."
" Nhel nandito ako para tulungan kang maibalik ang memorya mo.Maliwanag na mayroon kang amnesia. Hindi dahilan ang pagkakauntog mo sa pinto kaya nalimutan mo yung iba. Wala ka talagang maalala. Kaya nasasabi mo ngayon ang mga bagay tungkol sa sarili mo hindi dahil sa naaalala mo kundi dahil yun ang ipinilit na ipaintindi sayo ni Marga. Alam nyang wala kang maalala kaya tinaniman nya ng impormasyon ang utak mo para hindi mo isipin na nawawala ang memorya mo.Maaring may mga ipinakita syang mga katibayan sayo para paniwalaan mo pero hindi lahat yun ay totoo at hindi lahat ay alam nya."
Napamaang sya sa mga sinabi ko. Kalaunan ay parang nag-isip sya ng malalim. Tila pilit na inaalala ang mga pangyayari sa utak nya.
" Nhel kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon na tulungan ka para malaman mo ang totoo, kaya kong patunayan sayo kung sino ka talaga. Alam ko kung ano ang kahapon at ngayon mo dahil ako ang kasama mong bumuo nun. May amnesia ka Nhel, hindi ba sinabi ng doktor mo sayo yun? O maaaring sadyang hindi na ipinaalam sayo ni Marga ang totoong kundisyon mo. Alam mo kung bakit? Dahil kung hindi ganyan ang kundisyon mo,hindi sya makakalapit sayo. Higit kanino man, si Marga ang taong hindi mo gugustuhing makasama Nhel. "
Naguguluhan syang muli na napatingin sa akin. Hinilot-hilot ang kanyang magkabilang sentido at mariing napapikit.
" Naguguluhan ka hindi ba? Nagdududa ka? Kung ayaw mo akong pakinggan, yang puso mo na lang ang pakinggan mo dahil hindi yan magsisinungaling sayo. Kung gaya ng sinasabi mo na iba ang tibok nyan kapag nakikita mo ako, hindi pa ba sapat na dahilan yon para paniwalaan mo ako?"
" Hindi sa ganon Laine. May mga naaalala kasi akong kasama ko si Marga at yung anak namin na si Mark. Yung mga magulang ko na nasa Sto.Cristo. Pero bukod dun si Marga na ang lahat na nagpaalala sa akin at yung mga katibayan nya na tumugma naman dun sa mga naaalala ko.Wala rin namang binanggit ang doktor sa totoong kundisyon ko.Kaya nga naguguluhan man ako sa sinasabi mo ngayon, yung ibinubulong naman ng puso ko ay iba. At gusto kong subukan yung hinihingi mong pagkakataon na ipaalala sa akin yung malaking bahagi ng buhay ko na nawala sa memorya ko."
" Oh Nhel salamat. Maraming salamat." halos maluha ako sa tuwa sa pagpayag nya.
" Walang anuman. Magtitiwala ako sayo at sa sinasabi nito." wika nya at itinuro ang kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso.
" Oo Nhel.Unti-unti kong ipapaalala sayo ang mga bagay na nakalimutan mo.Halika sumama ka sa akin dun sa bahay na tinutuluyan ko.Maaari ka bang umalis ng bahay nyo? "
" Yeah, pwede naman basta makakabalik ako bago dumating si Marga."
" Pwede ba na huwag mong banggitin sa kanya na nagkikita at nagkakausap tayo?"
" Yeah, but why? Nabanggit mo kanina na hindi ko gugustuhing makasama si Marga kung hindi ganito ang kundisyon ko. Why is that?"
" Malalaman mo rin kapag naipaalala ko na sayo ang lahat. Basta sa ngayon hindi nya dapat malaman na nagkikita at nagkakausap tayo.We'll keep this as a secret. Is that clear?"
" Yes at ayoko rin naman talaga na malaman nya dahil nagwawala sya na parang tigre kapag nalalaman nyang may kinakausap ako na ibang babae, ni sulyap nga hindi pwede, nagdududa na agad sya."
" The very typical Marga."
" Mukhang kilalang-kilala mo sya talaga." komento nya.
" Oo sobra! Once you remember everything about her. I'm very much sure you'll thank me for this."
Pumayag sya na sumama sa akin sa cottage namin. Nadatnan namin si Dylan at Frost na nanonood ng tv. Nagtataka ang mga tingin nila sa aming dalawa ni Nhel. Bago pa sila kumibo ay inunahan ko na sila.
" Uhm..Nhel this is Dylan and Frost. Mga private investigators sila slash bodyguards ko."
" Private investigators?" tanong ni Nhel na sa dalawa nakatingin. Si Frost na walang preno ang bibig ang syang biglang sumagot.
" Opo sir Nhel kinuha kami ng father in law mo na si sir Franz para hanapin ka at imbestigahan ang pagkawala mo. Mahigit isang buwan kana kasing hindi umuuwi sa mag-ina mo.Kay ma'am Laine at Aliyah."
" What?!"