(Sena POV)
"Wow." Di ako makapaniwala sa kanila.
"Mommy." May kinukuha si Shun sa bag niya. Saka isang paper origami ng mga bulaklak, at si Shin din… chocolates, at si Sheena sa likuran ko na nilagay yung crown sa akin.
"Belated happy Mother's Day, Mommy Sena."
"How I wish Mommy na andito kayo sa araw na yun." Para na akong maiiyak sa pagpapakonsensya ng mga babies ko. Tinangap ko ang mga binigay nila sa akin. Napatindig sa harapan ko, at kinuha ni Shun yung ukulele niyang maliit. Ayan na sila… kakanta na naman.
Pag-ganito sila… namimiss ko lang si Sean na mahilig ngang kantahan ako. Nakakangulila talag ng sobra.
Shun strum his ukulele… Napangiti silang tatlo sa akin. "Mommy, this is just for you."
// Glowing Inside, by: Nikki Gil//
Happy, to let you know, you make me glow
I feel so good, it's true…
So glad that I have you, you love me so,