@International_Pen
((( SENA )))
Nang magising ako kinabukasan… napaka-aga. Tulog pa nga si Sean. Npa-unat ako ng kamay ko na medyo nahilo ako. Ito ata ang tinatawag nilang Low Blood… mangdidilim na lang paningin mo kahit umunat ka lang naman ng kamay mo. Tinignan ko yung orasan alas-kwatro na, kala mo… magsisimbang gabi pa ako sa kalagayan na ito.
Buti na lang talaga di pinatulan ni Sean ang kamanyakan ko. Hehehe.. meron din pala ako noon? Yung feeling na nalalasing ka na lang at iba na yung umiikot sa ulo mo. Kalandian na ewan kung saan ba nangaling.Kagaya ng dati rin… naririnig kong nagsisitilaok na yung mga tandang. Bumangon ako… at masiglang lumabas ng Terrace. Ang hangin sa probinsya… sobrang lamig, lalo na kung nasa tuktok ng bundok ang bahay ninyo. Saka malapit lang naman ang bundok na ito sa dagat. Disyembre parin ang hangin… at limang araw na nga lang, sasalubong na naman sa parating na bagong taon.