@International_Pen
((( SEAN )))
"Hey Sena!" Ano na naman itong iniiyakan niya at napa walk-out na parang batang di nakuha yung gusto niya. Kumikilos naman ako para mahanap yung mga kailangan niyang pagkain, na wala naman ata siyang balak na pagsabay-sabayin.
"Wala okey lang ako. Dyan ka na sa kinakausap mo." Sagot niyang patalikod sa akin habang pinupunasan ang mukha niya.
"Sena, para na ngang tanga ang nasa history ng mga nireresearch ko . Naghahanap ako ng way para gumawa ng sariling Holy water, yun kailangan lang dasalan… Sena."
"Ako pa sinisii mo,sino may kasalanan kung bakit ako buntis. Gawin mo naman yung part mo!"
Ayan mapapakamot ka talaga sa kanya. Hingang malalim Sean, wag hahayaan lumabas ang sungay. Sabay napailing ako.
"Okey then, lalabas lang ako at maghahanap ng malapit na simbahan."
"Wag na, gabi na…"
"Tapos wala kang kakainin ngayon?"